31
A/N: Hello to all! I just want to say na hindi ko na papahabain pa ang story ni Cara, siguro 3 or 4 chaps and then epilouge na :). Anyways, enjoy reading!
____
CARA'S POV
"Cara, psst, gising!"
"Hmm?"
"Huy gumising kayo!"
"Ano ba ang ingay natutulog yung tao oh."
"Gago, natutulog? Hostage 'to!"
"Ssshh."
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nasilawan sa paligid. Saka ko naalala ang mga nangari kanina. Si Chase, nahuli kami ni Chase. Tinignan ko ang mga kasama ko na kagaya ko'y nakatali din sa kanya-kanya nilang mga upuan. Naka-bilog kami at may isang upuan lamang sa gitna. Nandito parin kami sa unang palapag.
"Cane? Cane are you fine?"
"Mommy? What's happening? Why are we tied up?"
"I don't know, don't be scared. Hindi kita papabayaan."
"Hoy kayo, gumising na kayo!" Ginigising ni Marc ang mga lalaking kasama namin, si Chad ay nasa tabi ko at si Cane naman ay nasa kabila. Mag-katabi si Sheryl at Marc at magkakasama ang mga lalaki.
"Carlo? Talia? Hello? Asan kayo? Kuya B?" Sabi ni Marc. Ngayon ko lang napansin na kanina pa walang imik ang tatlong 'yon. Ano kayang nangyari sakanila?
"Nigagawamue?" Pang-aasar ng isang lalaki kay Marc at sinamaan naman siya ng tingin ni Marc.
"Hindi ako baliw o ano, may earpiece sa tenga ko at may iba pa kaming mga kasama, She, naririnig mo ba boses ko sa earpiece na suot mo?"
"Oo."
"Ikaw, Cara?"
"Naririnig ko din."
"Wala namang mali sa earpiece, pero bakit hindi sila nagsasalita?" tanong ni Marc.
"Baka inalis yung earpiece?" sabi naman ni She.
"Hindi kaya may nangyari nang masama sakanila?" tanong ko sakanila. "Kasi alangan naman alisin nila, ikaw na rin ang may sabi, Marc, na walang problema sa earpiece, so ibig sabihin may ibang nangyayari."
"Wag naman sana, tsaka, ano namang mangyayaring masama sakanila? Kasama natin si Chase buong magdamag, hindi ba? Alangan si Chase ang may gagawing masama sakanila eh kasama nga natin siya," napaisip ako sa sinabi ni Marc, oo nga, kasama namin si Chase, nahuli pa nga kami eh.
"Kailan pa nung hindi na sila nagsasalita?" tanong ko at tinignan ang mga kasama namin na nakikinig na sa usapan.
"Ang alam ko nung pumasok si Chase sa kwartong pinagtataguan mo, kasi naghi-hysterical pa sila kakatanong kung anong nangyayari nung malapit sa akin si Chase. After that, wala na ulit akong marinig na nagsalita sakanilang tatlo."
Tumango-tango ako at pati si Sheryl ay napa-isip din.
"Cara, anong ginagawa ninyo dito?" napalingon ako kay Chad.
"K-Kasi ano, gumawa kami ng mission na pasukin itong room mo at ni Chase. Suspect namin si Chase na siya ang kumuha sa mga nawawalang student sa school, nagtanong-tanong din kami, may mga nakilala kami na taga dito, so pinasok namin 'tong room p-para malaman kung tama ba ang ang hinala namin at para m-makita ka."
"T-That was very stupid.... but tough. I missed you so much," napaluha ako ng makitang umiiyak si Chad, ang pinakamamahal ko. Ang taong kinamuhian ko ng sobra-sobra. Ang taong akala kong sumira sa buhay ko, ay mas lalo ko pang minamahal.
"I missed you too, Chad, sobra-sobra, akala ko mawawala ka nanaman."
"No, gagawin ko ang lahat pa—"
"Anong title ng teleserye niyo? Ang pangit," napatingin kaming lahat ng lumabas mula sa passage si Chase.
Masama ang tingin na ipinukol ko sakanya, lumapit siya sa akin at tinapatan ang aking mukha. "Cara, Cara, Cara, you never fail to amaze me ever since the first time I saw you, your stunt with your stupid friends was reckless and dumb, akala niyo ba mauutakan niyo ako ng ganun ganun lang?" hinawakan niya ang aking pisngi at agad naman akong lumayo.
"Anong gagawin mo samin, ha, Chase? Gugutumin mo din ba kami? Bubugbugin? Totorturin? Ha?!"
"Hahaha! And why would I do that to my beloved future wife? Kaya kong pumatay para sayo at kaya ko rin magpakamatay para lang sayo, ganun kita kamahal," ngingiting-ngiti niyang sabi at hindi tinigilan ang paghimas sa aking buhok at pisngi.
"Oh, is that so? Sige, inuutusan kitang patayin ang sarili mo, right here right now. Come on, ganun mo ako kamahal di ba?"
"Funny, you got it wrong darling, gagawin ko lang 'yon kung hindi ka magiging akin, at ano pang silbi ng buhay mo kung hindi ka din magiging akin? Syempre, isasama din kita sa langit," nginisihan niya ako inilapit ang muka sa akin at ipinaglapat ang aming mga labi.
Nanlaki ang aking mata at lumayo sakanya, yun lang ang kaya kong gawin dahil naka-tali ang buo kong katawan. "Ano ba!" agad ko siyang dinuraan sa muka ng makalayo ako mula sakanya.
"Tangina mo ka, Chase!" sigaw ni Chad sa kapatid.
"Walangya ka, layuan mo si Cara!" sigaw din ni Marc.
"D-Daddy? W-What are you doing to Mommy?" Napalingon ako kay Cane.
"C-Chase, wag sa harap ng bata."
"So gusto mo private?" Ngumisi siya na nakapag-pakaba sa akin.
"No, that's not wha— ano ba! bitawan mo ako!" nagulat ako ng binuhat niya ako.
"Chase puta, wag na wag kang magkakamaling galawin si Cara mapapatay kita!!" Malakas na sigaw ni Chad na pinipilit kumawala sa tali na nasa katawan niya.
"Gago ka! Bitawan mo si Cara, Cara!"
"Cara! Wag mo siyang sasaktan please!" Umiiyak si Sheryl at maging ako ay napaiyak na din.
Tila ba walang naririnig si Chase at dere-deretso lang siya sa passage. Naka-ngisi siya at tinignan ko siya ng nagmamakaawa. Nawala naman ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang itsura ko. "C-Chase, w-wag, sabi mo mahal mo ako diba? Bakit mo ginagawa sakin 'to? Sinasaktan mo ako, Chase, tinatakot mo ako. P-Please wag."
Sumeryoso ang muka niya at kinakabahan ako sa kung ano man ang iniisip niya, "I do love you, Cara. Mahal na mahal, to the point na nagawa ko ang lahat ng 'to. At ano ba ang ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan? They make love, Cara, Just like what we are going to do," ngumiti siya sakin at paulit-ulit naman akong umiling.
"B-But I don't love you," Muling nawala ang ngiti sa kanyang mga labi napalitan ito ng galit na muka.
Nagmamadali niya akong ibinalik sa aking upuan at basta na lang ibinagsak. Napadaing ako dahil malakas ang pagkakabagsak ng pwet ko. Mabuti na lang at hindi nasira ang upuan.
"You love me! Mahal mo ako, Cara, mahal mo ako! Mahal mo ako diba? Sabihin mong mahal mo ako!" Napa-iyak ako lalo nang tanggalin niya ang tali na nakapalibot sa buong katawan ko, at nang matanggal niya lahat ay akala ko'y makakatakas na ako ngunit nakatali parin pala ang mga kamay ko sa likuran at ang mga paa ko.
"You better get your fucking hands off my girl, Chase! Mapapatay kita!"
"Tumigil ka na, Chase! Tigilan mo na yang kabaliwan mo!"
"Mahal mo ako, Cara, ako lang, mahal mo ako at matututunan mo pa akong mahalin, gagawin ko lahat, lahat para mahalin mo ako."
"D-Daddy, you're hurting Mommy!"
"Close your eyes, Cane! Close your eyes!"
"Mom—"
"I said close your eyes!" Ipinikit niya ang kanyang mga kata kahit na umiiyak na siya.
Napahagulgol ako nang tanggalin ni Chase ang coat ko at nagsimulang halikan ang aking leeg at collar bone, "I'm gonna fuck you right here right now, sa harap ng mga hampas lupa na 'to, para malaman nila kung gaano kita kamahal."
"No, Chase, wag, please!"
"Putangina ka, Chase!! Mapapatay kita! Kapag ako nakawala dito papatayin kitang hayop ka!!!"
"Baboy ka, tigilan mo na si Cara, maawa ka naman sakanya!"
Pinunit niya ang blouse na suot ko kaya naman ay kita ng lahat ang aking dibdib, umiwas ng tingin si Marc at kitang-kita sa muka niya ang awa. Napapikit ang mga lalaking kasama namin dahil din siguro sa awa, si Chad ay kanina pa nagwawala habang si Sheryl at Cane ay umiiyak.
Bakit? Bakit harap-harapan pa akong babuyin? Sa harap pa ng anak at mga kaibigan ko, sa harap ng taong mahal ko.
"We've done this before, and we will do it again," hinalikan niya akong muli at nagtititigan kami, all I can see in his eyes is... lust. Hinalik-halikan niya ang aking cleavage.
"A-Anong ibig mong sabihing ginawa na natin 'to noon? I never had sex with you!" Giit ko.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tinignan ako saglit at umupo sa harapan. Para siyang baliw na ngumiti si kawalan, hindi parang, dahil baliw talaga siya. Walang normal na tao ang gagawa ng kahayupang ganito.
"You're right, we didn't," tinignan niya ako ng naka-ngiti. "But I raped you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top