30
THIRD PERSON'S POV
"Where's that goddamn key?" Nagpaikot-ikot si Chase at may hinahanap.
"Cane, did you saw my keys?" Ginising niya si Cane na nagkukunwaring tulog.
"No."
Nagpatuloy sa paghahanap si Chase at lumapit sa cabinet na pinagtataguan ni Marc. Nanlaki ang mga mata ni Marc nang makita ang mga paa ni Chase at kung gaano siya kalapit. Binuksan ni Chase ang drawer at kinalkal ang loob, hinuhulog niya sa sahig ang mga gamit sa loob ng drawer, nahuhulog ito sa tabi ni Marc, at halos mapasigaw si Marc nang may gumulong na mata isang papunta sa pwesto niya, mabuti na lamang at tinakpan niya agad kanyang bibig.
"Marc? Anong nangyayari?!" hindi sumagot si Marc at nanatiling nakatakip sa bibig ang kamay.
"Bwisit!" inis na wika ni Chase at marahas na ibinalibag ang drawer, napaigtad si Marc sa gulat.
"Baka naiwan ko 'ron," wika ni Chase at binuksan ang kwartong pinagtataguan ni Cara.
"Don't go in there!" pagpigil ni Cane sa lalaki.
Lumiwanag ang kwarto na pinagtataguan ni Cara dahil sa ilaw mula sa labas. Napa-takip siya sa bibig at nanlalaki ang mga mata na tinignan kung ano ang nasa harapan niya.
"C-Cara? Bakit? Anong nangyayari?" hindi na nakasagot si Cara sa kasama dahil sa sobrang pandidira at kaba na nararamdaman.
Nasa harapan niya ang mga lalaking nawawala sa school nila, walang damit pang itaas, nakakadena sila sa mga dingding at puro pasa ang mga muka at galos. Sa gitna na ay nakaupo ang katawan ng Sir niyang naka-sex niya sa kotse nito, nakamulat ang mga mata at putol ang hintuturo.
"C-Cara?" sambit ni Rey na naka-tali ang mga kamay at paa sa kadena.
"Ikaw ang may kasalanan ng ng lahat ng 'to," wika pa ng isa at masamang nakatingin kay Cara.
"Cara, patawarin mo kami, tulungan mo kami, pakiusap," pag-mamakaawa ni Rey. Nagising ang iba sakanila at umiiyak na tumango si Cara.
"Ssshh, p-please, wag kayong maingay, b-baka makita niya ako," pagmamakaawa ng dalaga.
"And why would I do that? Bakit? Nakita mo na ba ang nasa loob ng kwarto 'to? I told you not to get in here no matter what," wika ni Chase na naka-tingin kay Cane. Tumango naman si Cane, kinakabahan ang bata dahil baka makita ang kanyang kinikilalang Mommy.
Agad na nagtago si Cara sa likuran ng isa sa mga lalaki sa pinaka-gilid, napatakip siya ng ilong ng maamoy ang lalaki. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan at ang pag-ilaw ng bumbilya sa loob ng kwarto.
"Hoy mga ugok, naiwan ko ba dito susi ko?" taimtim na nakikinig ang mga kasamahan ni Cara.
"Tanong mo sa titi namin gago!"
"Tarantado ka nagtatanong ako ng maayos!" lumapit si Chase sa lalaking sumagot at sinuntok ito sa tiyan, "Argh!" daing ng lalaki.
"Pakawalan mo na kami! Hayop kang baliw ka!"
"Sinong tinatawag mong baliw, ha?" nilapitan niya ang isa pang lalaki at hinawakan ng mahigpit ang panga.
"Kung hindi niyo sana ginalaw si Cara hindi 'to mangyayari sa inyo. Walang pupwedeng ibang gumalaw kay Cara, kahit sino, maging ang kapatid ko, maliban sakin! Akin siya!"
Hindi makapaniwala si Cara sa mga narinig, maging ang mga kasama.
"Hindi namin kasalanan na malandi siya!"
"Hindi siya malandi! Kasalanan ng kapatid ko kaya naging ganun si Cara kaya ngayon ay pinaparusahan ko siya."
"Kung may galit ka kay Cara at sa kapataid mo, wag mo kaming idamay, demonyo ka, mamamatay tao, baliw!"
Isang malakas na sampal ang narinig ng dalaga.
"Baliw na kung baliw, handa kong pumatay ng kahit sino na hahadalang sa pagmamahalan namin ni Cara. Papatayin ko kahit sino na aagaw sakanya!"
Lumabas ng kwarto si Chase at ibinalibag pasara ang pintuan, napaupo na lamang si Cara sa sahig. Muling nag-unahan ang mga luha na bumagsak mula sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang dahil sakanya nangyari ang lahat ng ito, na dahil sakanya ay nadadamay ang ibang tao.
"C-Cara, tulungan mo kami, nangangako kaming hindi ka na namin aabusuhin muli. Nagmamakaawa kami, tulungan mo kami," Tumango-tango sa Cara at pinunasan ang kanyang mga luha. Tumayos siya at isa-isang inalis ang mga kadenang nakatali sa katawan ng mga lalaki. Nang matanggal niya ang kadena ng isa sa kanila ay tumulong naman siyang tanggalin pa ang kadena sa ibang kasama hanggang sa makalaya na ang lahat mula sa mga kadena.
"Ginutom niya kami, 2 weeks na kaming walang kain at ligo, wala siyang ibang ginawa kundi bugbugin kami ng bugbugin, tinorture niya yung isang Teacher sa school, hindi niya nakayanan. Marami kami pero hindi kami makapanlaban dahil sa sobrang panghihina," wika ng isa.
"Cara, wala na siya, labas na!" kumatok si Marc sa pintuan at binuksan naman iyon ni Cara.
Nanlaki ang mga mata nina Marc at Sheryl ng makita ang mga lalaking kasama ni Cara. Tinakpan ni Marc ang mata ni Sheryl.
"S-Sila yung mga nawawala diba?!"
"Oo, sila nga, tara n— si Chad! Hindi pwedeng maiwan dito si Ch—"
"I'm here," mula sa likuran nina Sheryl at Marc ay lumabas si Chad hawak hawak si Cane.
"C-Chad? Pero paano?"
"Sabi ni Cane ay nakikita niya kung paano ilagay si Chad at ilabas sa tank, sinabi niya sa amin yung mga dapat gawin," wika ni Sheryl.
Lumapit si Chad kay Cara at agad itong niyakap, napahagulgol si Cara at kahit papaano ay nakaramdam ng tuwa at relief ngayon na nandito na kasama na niya si Chad, Pakiramdam niya ligtas na siya.
"Tara na, kailangan na nating lumabas," wika ni Marc. Kanina pa napapansin ng binata na tila ba hindi nagsasalita sina Carlo, Talia at Bruno. Kinakabahan man ay hindi na lamang niya pinansin ito. Siguro ay nagka-problema lang sa earpiece.
"Sandali, paano natin mabubuksan yung passage mula dito?" tanong ni Sheryl.
"Oo nga."
Nagtaka ang lahat nang umakyat sa hagdan si Chad tumoktok ng tatlong beses sa passage at bumukas naman iyon.
"Tara na!" Pinauna ni Chad si Cara at Cane, sumunod naman sina Marc at Sheryl at sa likurn ay ang mga lalaki.
"Sa wakas makakalabas din tayo!" tuwang-tuwang sabi ng isa sa mga lalaki.
Napangiti din si Cara ngunit napawi ang ngiti nila ng makita kung sino ang nakaabang sa labas pagka-bukas ni Cara ng pinto.
"Hello my lovely Cara, nice to see you again," naka-ngiting wika ni Chase na siyang naka-abang sa labas.
"Oh shit."
Nag-spray ng kung ano ang lalaki si muka nina Cara at sa mga kasama niya. Umubo-ubo ang mga ito at hindi na nakakuha ng tyansa na makapag-salita dahil nagsibagsakan sila sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top