29
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Tila tinakasan ng hangin sa katawan si Cara at hindi agad nakagalaw, sinipa siya sa paa ni Talia at itinulak ang wheelchair ni Sheryl, saka siya natauhan at sumbay kila Talia. Deretso lamang ang tingin ni Talia, si Sheryl ay nakatulala lamang at ginagampanan ang pagpapanggap niya bilang baliw.
Deretso ding naka-tingin lamang si Cara, habang papalapit ay hindi maiwasang mapatingin ni Cara kay Chase dahil naka-tingin lamang si Chase kay Cara, kinakabahan ng sobra si Cara dahil baka mamukaan siya ng lalaki.
"Sheryl, magpapansin ka para mawala ang atensyon ni Chase kay Cara," wika ni Bruno.
"Ikaw! Ikaw hayop ka! Hayop ka! G-Ginahasa mo ako! Papatayin kita!" Nag-wala si Sheryl sa kanyang inuupuan, nagsisisigaw at tinuturo si Chase.
Napansin naman ni Cara na napunta na kay Sheryl ang atensyon, "M-Ma'am, kumalma po kayo, kalma po, hindi siya ang gumahasa sainyo," umakto naman si Talia na inaalalayan si Sheryl.
Mas nagwala pa ang babae, nang magkasalubong ang tatlong babae at si Chase ay napansin ni Cara ang muling pag-tingin ni Chase sa mga mata niya hanggang sa malagpasan nila ang isa't-isa. Dumeretso si Chase sa katabing elevator na pinaglabasan ng tatlong babae at pumasok, nang mag-sara ang elevator. Ay naka-hinga ang apat.
"Puta, muntik na 'kong mamatay dun taena!" wika ni Marc na naka-hawak sa dingding.
"Nice job, girls," sabi naman ni Bruno at ni-rest ang likod sa swivel chair.
"Oh my god, para akong tanga dun, okay lang ba yung acting ko?" natataranta si Sheryl, nagtanguan ang tatlo at napa-ngiti naman ang babae.
"Astig ng acting mo," ginulo ni Marc ang buhok ni Sheryl.
"Marc, nalagay mo ba?" tanong ni Bruno kay Marc.
"Oo," wika ni Marc.
Ang pagbangga ni Marc kay Chase ay sadya talaga, inutos ni Kuya Bruno iyon para malagay ang tracker sa damit ni Chase ng hindi napapansin ng lalaki.
Ngunit sa kabila ng lahat, napapa-isip si Cara kung saan kinuha ni Kuya Bruno ang mga gamit nila, ang earpiece at tracker. Isinawalang bahala na lang ni Cara ang iniisip at nag-focus sa kanilang ginagawa.
"Wait, pano mabubuksan yung pinto ng room kung ni-lock?" tanong ni Chase at nag-agree naman ang mga kasama.
Lumapit si Cara si pinto ng room ng kambal at napansin na hindi naman ito naka-lock, "Hindi naka-lock!" tuwang-tuwa na sabi ng dalaga, lumapit sakanya ang mga kasama at maging sila ay natuwa din ng malamang hindi nga naka-lock.
"He must've forgot to lock it dahil dun sa tumawag kanina sakanya," sabi ni Talia.
"Guys lumabas na si Chase, may sinakyan siyang itim na sasakyan," wika ni Carlo habang naka-tingin sa itim na sasakyan na palayo.
"Nice."
"Okay, guys, walang cctv ang room nila, so you're on your own. Be ready, in 3, code green go. 1, 2, 3, go!"
Nagmamadaling pumasok sa loob ang apat, bago isinara ni Marc ang pinto ay sinigurado niyang walang nakakita sakanila mula sa mga ibang kwarto.
Bumungad sakanila ang maaliwalas na floor. Kulay puti na tiles at puti na dingding, tatlong mahahaba at maliwanag na ilaw na nakalagay sa kisame, kagaya ng sinabi ni Bruno, kakaiba ang room ng kambal, hindi pang-karaniwan, "So ano na, yun na yon? Panong naging room 'to?" wika ni Talia.
"Anong meron dyan? Update naman!" wika ni Carlo na ngayo'y naka-upo at nakatulala. Hindi niya pinapansin ang mga papasok sa hospital at nag-aabot ng ID sakanya, basta tinatanguan niya lang ang mga ito senyales na pumasok na lamang sila.
"Whit lights, white walls, white tiles. Nothing else but white," sabi ni Sheryl na nag-iikot ikot.
"Imposible namang yan lang ang nandyan? Baka may passage o ano? Saan napunta yung mga inaakyat ko dyan? Saan natutulog si Chase? Si Chad? Maghanap lang kayo," dere-deretsong wika ni Bruno.
"Kung sabagay, mag hanap na lang muna tayo guys," wika ni Cara at lumapit sa mga dingding na parang may hinahanap.
Si Marc naman ay sa sahig at tinotoktok ang mga ito, tumulong din Si Sheryl at nanatiling nakatayo si Talia, "Tutulong ka ba o hinde?" Tinignan ni Marc si Talia. "Can you guys tell me what are you looking for? Naghahanap kayo ng bagay na hindi niyo alam kung mahahanap ba," umirap si Talia.
"Hoy Talia, tumulong ka na nga lang sakanila hindi yung reklamo ka ng reklamo dyan," wika ni Carlo at umirap nanaman si Talia. Napansin ng babae ang switch ng ilaw kaya lumapit siya dito at pinindot, biglang bumukas ang sahig sa pinaka-dulong bahagi ng floor. Nag-tinginan ang apat at lumapit sila doon.
"Wow, ano to, sci-fi movie?" wika ni Marc. Tumambad sakanila ang hagdanan pababa sa nagbukas na sahig.
"Nakakatakot, ang dilim, kayo na lang, maiwan na 'ko dito," sabi ni Sheryl.
"No, lahat tayo bababa," wika naman ni Cara.
"Anong meron?" tanong ni Bruno.
"May binuksang switch si Talia, bumukas yung sahig sa dulong part ng room and tinitignan namin ngayon yung hagdan pababa, code green ba?" sinisilip-silip ni Cara ang baba pero wala siyang makita dahil madilim, hagdanan lang ang nasisilawan ng ilaw.
"Mag-iingat kayo, sige code green,"
Naunang bumaba si Marc, kasunod si Cara, sumunod si Talia at pang-huli si Sheryl. Nang makababa sila ay malamig na temperatura ang naramdaman nila, "Wala ba kayong dalang phone? Ang dilim," wika ni Marc na pilit inaaninag ang paligid pero kadiliman lang ang nakikita.
"Sandali ako may dala," nilabas ni Talia ang kanyang celphone pero hindi pa man nito na-oopen ang flashlight ay nag-kusa ng bumukas ang mga ilaw. Nagulat ang apat at kinabahan, nagpalinga-linga sila dahil baka may lumabas na tao ngunit wala.
Inilibot nila ang tingin at napako ang tingin ni Cara sa taong nasa gitna, nakahiga siya sa bed at mahimbing na natutulog. Pansin ang itim at malalim na eyebags sa kanyang mata, nanghina si Cara at dahan-dahang lumapit. Sa hindi malamang dahilan ay napaluha siya ng makita sa ganun itong kalagayan.
"C-Cane?" Dahan-dahang lumapit siyang lumapit at agad hinimas ang ulo ng bata. Nakaramdam naman ang bata at dahan-dahang bumukas ang talukap ng kanyang mga mata.
"M-Mommy?" Mahinang sabi ng batang si Cane at tinignan ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon.
"Mommy!" Kahit nanghihina ang katawan ng bata ay pinilit niyang bumangon at niyakap si Cara.
"Mommy, I-I missed you, Please take me, Mom, I don't want to stay with daddy anymore. Mommy please," pagsusumamo ng bata at nag-simula itong umiyak.
"Y-Yes, baby, I wil—"
"Cara," pagtawag ni Talia kay Cara ngunit hindi siya pinansin nito dahil yakap-yakap niya ang bata.
"You must see this," sabi muli ng dalaga kaya naman napatingin siya sa mga kasamahan, Nakatayo sa gilid ang tatlo ay tila ba may tinitignan.
"Hoy anong meron? Pucha naman papatayin niyoko sa sobrang curiousity!" wika ni Carlo.
"Anong meron?" gatong pa ni Bruno.
Hindi nakapag-salita ang apat, lumapit si Cara sa mga kasamahan at sumunod naman sa kanya si Cane na bumaba sa bed. Napa-kunot ang noo ni Cara nang makitang titig na titig ang mga kasamahan sa kung ano man ang tinitignan nila, nagsimulang humagulgol ang batang si Cane at yumakap sa legs ni Cara. At sa pag lingon ni Cara sa bagay na tinitignan nila ay nanginig na lamang ang mga labi niya.
"H-Hoy, m-masyado na kayong pa-suspense ha, anong meron?!" naiinis na wika ni Carlo. Nginangatngat muli nito ang kanyang daliri, senyales na kinakabahan siya.
"Oh my god."
"What the hell is this?"
"Tangina sa movies ko lang napapanood 'to, b-bakit ngayon..."
"M-Mommy, please help me, I don't want to stay here anymore, I don't want to end up like him!" Humagulgol ang bata.
Tuluyang nang-hina ang mga tuhod ni Cara at napaluhod na lamang, walang ekspresyon ang kanyang muka ngunit isa-isang tumulo ang mga luha mula sakanyang mata hanggang sa sunod-sunod nang nagbagsakan ang mga ito.
"C-Chad..."
Nasa harapan nila si Chad na nasa loob ng transparent na tank na punong-puno ng tubig, walang ibang saplot sa katawan ang lalaki maliban sa puting tela na tumatakip sa kanyang ari. May hose na naka-connect sa kanyang bunganga.
Dahan-dahang lumapit si Cara sa tanke at kinalabog ito, "Chad! Gumising ka! Gising!" Pinagpapapalo niya ang tanke ngunit hindi man lang nagising si Chad.
"Putangina naman ano na ba kasing nangyayari dyan?!"
"Updat—"
"Putangina andito si Chase!" nataranta ang lahat dahil sa sinabi ni Carlo.
"Ano? Bakit?! Mamaya pa ang dating dapat niyan!" wika ni Talia.
"Labas! Lumabas na kayo dyan!" sabi ni Bruno.
"S-Sandali, si Chad, pano si Chad? Hindi ko na siya pwede ulit iwan."
"Babalikan natin siya! Tara na Cara, dali!" hinila-hila ni Marc si Cara ngunit ayaw paawat ni Cara.
"Hoy, ano na?! Labas na dyan! Sumakay na ng elevator si Chase nagmamadali siya! Paakyat na siya, Dali!!"
Wala ng nagawa si Cara at nagpahila na, "Mommy, don't leave me!!" sigaw ng batang si Cane at sumama kina Cara.
"Kuya B, what happened? Akala ko ba may tracker na?" nagmamadali silang umakyat sa unang palapag na pinanggalingan nila kanina.
"S-Sorr— sandali wag mo bubuksan yan pinto, She, lumabas na siya ng elevator, andyan na siya!"
"Potaaa!!!" kinakabahan sigaw ni Carlo.
"Wtf, ano na? Ano ng gagawin? Kuya B?!" tarantang wila ni Sheryl.
"Wala kayong mapagtataguan dyan, bumalik kayo sa baba, code yellow, I repeat code yellow, magtago na kayo!"
Nagtakbuhan pababa ang apat kasama si Cane, ngunit napatigil si Talia sa pagbaba ng hagdan, "Hoy, anong ginagawa mo? Dalian mo makikita tayo!" wika ni Marc kay Talia ngunit umiling ang babae.
"No, kailangan kong isara itong passage kung hindi mahahalata niyang may pumasok dito."
"Edi isara mo, halika na dali!"
"Shunga ka ba? I can only close and open the passage sa pamamagitan nung switch, maiiwan ako dito,"
"A-Ano?"
"Pero mahuhuli ka."
"Nurse ako, diba?" may oras pang umirap ang babae sa ganong sitwasyon.
"Bumaba ka na, I can do this. Mag-ingat kayo please!" tinulak-tulak ni Talia si Marc pababa ng hagdanan.
"Talia!" hindi niya pinansin ang pagtawag sakanya ng mga kasamahan, lumapit siya sa switch at pinindot ito, nag-sara ang passage.
"Andyan na siya!"
"Talia, mag-ingat ka!" wika pa ni Carlo.
"Oh my gosh, saan ako magtatago?!"
"Ay puta, bat nawala yung lights? Wala akong makita!"
"Aray wag mo akong banggain!"
"Ay sorry, wala akong makita!"
"Mommy, I can't see!"
Nawala ang mga ilaw sa kinaroroonan nina Cara. Pakapa-kapa sila sa kung saan-saan at hindi binitawan ni Cara ang kamay ni Cane, may nahawakang door knob si Cara at agad niya iyong inikot at pumasok siya sa loob, sumalubong sakanila ni Cane ang napaka-sangsang na amoy. Wala parin silang makita kaya umupo na lamang sila at niyakap ni Cara si Cane.
"Mommy, It's so stinky here, mabaho!" reklamo ng bata.
"Sssh, mag-tiis na lang tayo."
"Cara? Cara asan kayo?!" rinig ni Cara ang boses ni Marc sa earpiece.
"Huh? Hindi ko alam may pinasukan kaming kwarto, hindi kayo sumunod?!"
"Hinde, pucha akala ko ikaw yung hawak ko kanina?!"
"Bobo ka Marc, ako yon!" sabi naman ni Sheryl.
"Mommy, who are you talking to?"
"Ahm, no one baby— sino yan?" natigil si Cara ng may marinig na boses mula sa loob ng kwarto kung nasaan sila, "T-Tulungan niyo ako," nanlaki ang mga mata niya ng malamang may iba pa silang kasama.
"Pucha, Cara, may iba pa kayong kasama?" kabadong tanong ni Carlo.
"O-Oo," kinakabahang sagot ni Cara at tinakpak niya ang bibig ni Cane upang hindi mag-ingay.
"Lumabas na kayo dyan!"
"S-Sig—"
"Anong ginagawa mo dito?" natigil ang tatlo na nasa ibaba nang marinig nila ang boses ni Chase sa earpiece.
"Oh my gosh, nandito na siya," wika ni Sheryl.
"Puta! Tago, Sheryl, tago!" nag-hysterical ang dalawa hanggang sa mauntog si Marc sa lamesa, kinapa-kapa niya ito at nang mapansing may malaking space sa ibaba ng lamesa ay agad siyang nagtago.
Habang si Sheryl ay may nabuksang cabinet, pinakiramdmn niya ang loob ng cabinet at puro tela ang laman nito, agad siyang pumasok dito at isinara ang cabinet.
Sina Cane at Cara ay hindi na umalis sa pwesto kahit na alam nilang may iba pa silang kasama sa loob.
"Oh, hi, Chase–Sir Chase, ahm dinala ko lang yung gamot nung pasyente ninyo," naka-ngiting wika ni Talia kay Chase na binuksan ang pintuan. Agad na kumunot ang noo ng lalaki at tinignan ang loob ng room at hinanap ang gamot na sinasabi ng nurse.
"Asan ang gamot? At pano ka nakapasok? Ang alam ko ni-lock ko ito bago ako umalis."
Pigil hininga ang lahat walang ibang nagsasalita maliban kay Talia at kay Chase na kaharap nito, "A-Ahahaha, I mean ano po, naghatid po kasi kami ng pasyente kanina sa kabilang room and idadaan ko na din po sana yung gamot ng pasyente ninyo kaso nakalimutan ko kaya babalik na ulit ako sa baba para kunin yung gamot sakto dumating ka, and uhm, hindi naman po naka-lock yung door kanina so pumasok na po ako," naka-ngiti paring wika ni Talia kahit na sasabog na sa kaba ang dibdib niya.
Niluwagan ni Chase ang pagkaka-bukas ng pintuan at gumilid siya, senyales na lumabas na si Talia, "Sige po, kukunin ko lang po gamot ng pasyente ninyo," tumango lang si Chase at isinara na ang pinto.
"Oh my god, Cane, bumalik ka sa pwesto mo kanina bago kami dumating, you were sleepeing so act as if you're sleeping, okay?" wika ni Cara kay Cane.
"But M-Mo—"
"No but's baby, if you will not do it all of us will be doomed."
Tumango na lamang ang bata at agad lumabas ng kwarto, eksaktong paglabas niya ay bumukas ang passage at muling bumalik ang mga ilaw kaya nakita na ni Cane ang paligid. Agad siyang tumakbo papunta sa bed na kinaroroonan niya kanina at umaktong natutulog. Bawat hakbang ni Chase sa hagdan ay rinig ng lahat. Mabagal ang kanyang mga hakbang, kasalungat kung gaano kabilis ang tibok ng puso nina Marc, Sheryl, at Cara na nasa kanya-kanya nilang pinagtataguan.
"Oh my god guys, wag kayong lalabas kung nasaan man ang pinagtataguan niyo," sabi ni Talia na ngayon ay kasama na si Bruno sa security room.
Halos hindi na humihinga ang tatlo sa sobrang kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top