26
"Ano na? Wala parin ba?"
"Wala pa eh, sabi niya papunta na siya."
"Kinginang papunta yan mag-iisang oras na tayong naghihintay!"
Kasalukuyan kaming nasa isang bar ngayon. Hindi yung ordinaryong bar na may mga nagsasayawan at sigawan. Itong bar na'to ay pwedeng magrenta ng kwarto, at hindi kwarto na higaan ang meron. Parang living room na may mesang paikot at sofa at tv, airconditioned pa.
"Fyi, 30 minutes palang simula nung dumating tayo," sabat ni Talia na nasa tabi ko, nakaupo.
"Ha?"
"30 minu—"
"Hatdog."
"Mo liit."
"Aba sumasa—"
"Wahahahaha, bars ka tol, liit pala hatdog mo eh!"
"Kapal mo pakita ko pa sayo."
"Ang ano? Ang mini hatdog mo? Sige, I dare you," nakangising sabat na naman ni Talia at naka-cross arms pa.
"Baket? Ikaw kausap ko?"
"Baket? Liit hatdog mo?"
"Ang sabihin mo, gusto mo lang ma—"
"Oo, gusto ko makita. Kaya nga dine-dare kita diba? Ang sabihin mo, ayaw mo ipakita kasi mal—"
Nanlaki ang mga mata ko ng tumayo sa mismong harap namin si Carlo at marahas na tinanggal ang belt ng pantalon niya at binuksan ang butones, "H-Hoy, seryoso kayo?" tinignan ko si Talia na hindi nagbago ang ekspresyon at mas lumapad pa ang ngisi habang si Marc ay hindi tumigil kakahagalpak.
Binaba ni Carlo ang pantalon niya at ngayon ay nasa paanan na niya, "O-Oy, A-Aaa," hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko lalo na ng hinawakan niya ang magkabilang gilid ng boxers niya at ibababa na ito nang— "Andito na ako mga adin—a-anong g-ginagawa niyo?" sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating.
"Manong gaurd! Panira ka ng moment!" iritang sabi ni Marc sa taong kanina pa namin hinihintay.
"Labas na lang muna ako saglit, sige," lumabas siya at isasara na ang pinto pero pinigilan ko siya.
"Manong, kanina pa po namin kayo hinihintay, halika po," pagtatawag ko sakanya at pumasok naman ulit siya.
"Lock the door," sabi ni Carlo. Lumingon si Manong sakanya.
"P-Po?" utal na sabi ni Manong at parang kinakabahan pa.
"I said lock the door," pag-uulit ni Carlo sa mas mababang boses.
"P-Pero, Sir. Hindi po ba masyadong m-mabilis?" pabirong niyakap ni Manong ang katawan niya at nag-lip bite pa kaya nagtawanan kami maliban kay Carlo na seryoso pa rin.
"I said, lock the door when you get in."
"A-Ah, hehehe," nagtawanan kaming lahat sa ginawa ni Carlo at Manong na panggagaya kila Sarah at John Lloyd sa isang movie nila at sa mga lines na binago nila.
"Okay, so let's be serious, ngayon na kumpleto na," seryosong sabi ko nang mahimasmasan. Umupo si Manong sa tabi ni Talia. Nagpalit kami ng pwesto ni Carlo, kaya ngayon ay nasa harapan namin si Manong at Talia, nasa gitna ako, si Carlo sa kanan ko at si Marc sa kaliwa. May hawak na papel at ballpen si Carlo para isulat ang mga importanteng detalye na sasabihin nila.
"Okay so magsim—"
"Wait," pagtitigil sakin ni Manong.
"Yes?"
"Wag ng Manong Gaurd ang tawag niyo sakin. Kuya Bruno na lang."
"Mars?" tanong ni Marc.
"Sino?"
"Si Bruno Mars, yung singer."
"Sino kausap mo?"
Nagtawanan kaming tatlo nina Talia at Carlo, sarkastikong tumawa si Marc at inasar pa siya ni Mano—Kuya Bruno nang ginaya niya si John Lloyd sa patalastas niyang gamot. Ngumiti si Kuya Bruno kay Marc at sinabing "Ingat," at kinindatan si Marc.
"Hahahaha! Bagets pala utak nito si Kuya Bruno, parang ang sarap ipadala sa Mars," sarcastic na sabi ni Marc.
"Mars? Para marsopiling ka? Hahahahaha!" humaglpak ng tawa si Kuya Bruno at hinampas hampas pa ang mesa, napatigil naman kami at napaisip sa joke niya.
"Nudaw?"
"Anong marsopiling?" napahinto si Kuya Bruno sa pagtawa at napa-poker face sa amin.
"Kayo ang millenial, kayo pa ang slow, marsopiling means makapiling, duh!"
Napakunot ang noo ko at nagtinginan kaming apat saka sabay-sabay nagtawanan. "Wtf, ang korni! Hahahahaha!" mangiyak-ngiyak si Marc. "Hindi namin na-gets kasi masyadong slowyo!" sabi ni Carlo na nagpatigil na naman sa amin at napa-isip.
"Anong slowyo?" kunot noong tanong ni Kuya Bruno kay Carlo.
"Malayo."
"Ang layo!" ganti ni Kuya Bruno.
"Oh diba? Ganun kalayo ang joke mo!" Nagtawanan kami at napapahawak ako sa tiyan kong sumasakit na kakatawa.
"Kingina ka, Kuya B. Lt ka!" tawang-tawang sabi ni Marc.
"Lt? Ano yon?"
"Lt means laugh trip," sabi ni Talia. Napahalkhak si Kuya Bruno kaya napatigil kami.
"Anong nakakatawa, Kuya B?" tanong ni Marc.
"Lt ka!"
"Pano ako naging lt?"
"Lt ka nga, hahahaha!"
"Haaa?"
"Lang titi! Wahahahahahahaha!"
Naghagalpakan kami sa tawa, rinig na rinig ang tawa ni Carlo na ngayon ay gumugulong na sa sahig kakatawa at nakayakap sa tiyan. Pinupunasan naman ni Talia ang mga mata niya dahil naluluha na, ganun din ako. Habang si Manong ay pinaghahampas ang table at si Marc ay nagpoker face at sinamaan kami ng tingin.
"Alam niyo, wala tayong matatapos," sabi ni Marc.
"H-Hoy, hahahaha, magseryoso na ta-hahahaha-yo."
Umayos sila ng upo pero bahagya paring tumatawa, tumagal pa ng ilang minuto hanggang sa natahimik na lang kami at nagtinginan, pero di kalaunay nagtawanan na naman, bumusangot tuloy ang mukha ni Marc at tumayo mula sa kanyang inuupuan.
"Bahala kayo dyan, uuwi na ako," sabi niya at naglakad papunta sa pintuan nang may kumatok ng tatlong beses sa pinto, dun lang kami natigil.
"Sino naman yan? Si Kuya Bruno at Talia lang naman ang tinawag natin," sabi ni Carlo at nag-kibit balikat na lang ako.
"Pag buksan mo," sabi ni Talia kay Marc na pumunta naman sa pinto. Pagbukas niya ng pinto ay kita ko ang pagkagulat sa muka niya, sinilip ko kung sino ang dumating pero hindi ko makita dahil nakaharang si Marc sa pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marc sa dumating.
"H-Hinahabol niya ako," sabi ng bagong dating, boses babae at sa boses pa lang, kilala ko na.
"Sino? Pano mo nalamang nandito kami?"
"Sinundan ko kayo, pero bumalik din agad ako sa school, t-tapos sinalubong ako nung kapatid ng ex ni Cara, akala ko nung siya yung Chad kasi magkamukang-magkamuka sila. Akala ko hinahanap niya si Cara, pero hinde. I-Ikaw, Marc, ang hinahanap niya. Pinakita niya sa akin ang panyo mo, tumanggi akong kilala kita k-kasi b-baka may gawin siya sayo, n-nakakatakot siya, galit siya nung sinalubong niya ako, halos sigawan na niya ako at tinitignan kami ng ibang mga estudyante, t-tapos sabi niya, a-alam niyang nagsisinungaling ako, s-sabi niya kapag hindi ko sinabi kung nasaan ka may gagawin siyang masama sakin, kaya tumakbo na lang ako hanggang sa wala na akong maisip na puntahan, kung sa bahay ay malalalaman niya kung saan ako nakatira at mas delekado yon, k-kaya dumeretso ako dito,"
"Ano?!" napatayo ako ganun din ang mga kasama ko.
"Papasukin mo siya, magsisimula na tayo," seryosong-seryosong sabi ko at tumango naman sila. Nang makaupo ang lahat ay tinignan ko sila isa-isa.
"May maling nangyayari, alam kong alam niyo iyon. Hindi ito simpleng problema na masosolusyonan kung gugustuhin natin. May mga buhay na nakataya, at may mga buhay ng nakuha. Hindi ito coinsidence o kung ano man, kaya pinatawag ko kayo, Talia at Kuya Bruno, dahil alam kong may alam kayo, nadamay na si Marc at maaaring pati Si Sheryl, ang kaklase namin. Simula nung una kasama ko na si Carlo. Kaya alam na alam niya ang mga nangyayari. At walang lalabas ng kwartong 'to hangga't wala tayong nahahanap na sagot at nabubuong kongklusyon. So please, ang kailangan ninyong gawin ay sabihin ang katotohanan at pawang katotohanan lamang. Ang mga nalalaman niyo at mga nakita niyo. Magtulungan tayo. Dahil yun ang pinaka-importante dito, ang pagtutulungan. Ano, deal?"
Tumango silang lahat at sinabing, "Deal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top