25
Seryoso kaming nagkatinginan ni Carlo. Kinakabahan ako. Pano kung si Chase nga ang mga kumukuha sa mga lalaking naka-sex ko na? Tapos sabi pa ni Carlo binugbog ni Chad si Chase, tinurukan ng kung ano man, at yung ka-tawag niya sa telepono nung araw na yun, para siyang galit sa kausap niya dahil pinabayaan niya sa Chad na maka-takas, bakit maka takas? Nakakulong ba siya? Gulong-gulo na ako. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko dahil sa mga sunod sunod na nangyayari.
"There's only one way to know," sabi ko at tinignan silang dalawa.
"Ano?"
"Pano?"
"Pupunta tayo sa hospital kung nasaan si Chad ngayon."
"Seryoso ka, Cara? baka mapahamak tayo, hindi natin alam kung yung kapatid ba ng ex mo ang may gawa ng lahat ng 'to."
"Oo nga, baka pati tayo ipahamak niya."
"Kaya nga aalamin natin, ano, matatakot na lang ba tayo? Hihintayin ba nating pati ikaw Carlo, Marc at ako ang mapahamak? Kailangan malaman na natin kung siya ba talaga ang may gawa ng lahat ng to at kung bakit."
Nagkatinginan sila at seryosong nag-isip, nagdadalawang isip.
"Sige, puntahan natin yang sinasabi mong hospital pero aalis din tayo agad. Okay?"
Nagtanguan kaming tatlo.
-
"Cara, bakit ba tayo nagtatago—Aray! Ang dami! Tanggalin mo!"
"Sssh! Quiet! Baka may makapansin satin."
Nag-iingay silang dalawa sa likod ko habang ako ay nakasilip mula sa punong tinataguan namin sa tapat ng hospital nila Melanie. Baka makita kami ni Melanie o Chase. Masisira ang plano.
"Aray! Aray! Tanggalin mo ang sakit!"
"Sandali, saan pa?"
"Dun! Dun!"
"Dun sa- ew, yak, ulol mo, kadiri ka, ayoko!"
"Sige na, arte mo lalaki ka naman dali na, masakiiit!!"
"Ayoko nga kad-"
"Ano ba sinabing wag ma—anong ginagawa niyo?!"
Sa likuran ko ay nagkakagulo si Marc at Carlo, walang suot na t-shirt si Carlo at ang pantalon niya ay nasa paanan niya, naka-suot na lang siya ng boxer shorts, pulang pula ang katawan niya at may mga butlig butlig pa.
"Putik na antik! Tanggalin mo na!"
"Ayoko! Si Cara na lang?"
"H-ha? Ayoko nga! Kayo na lang wag niyo ako damay."
"Sige na, Cara, kawawa naman kaibigan mo. Tsaka nakahawak ka na din naman ng ganyan nakasubo pa n-"
"Sige ituloy mo at nang masapak kitang hayop ka," galit na sabi ni Carlo. Nanlaki naman ang mata ni Marc at napatakip sa bibig na tila narealize kung ano ang sinabi niya. Well, sanay naman na ako, hilig na talaga niyang i-bully ako noon pa. Madami lang ang nagbago ngayon na pati ako ay hindi maexplain ang mga nangyayari.
"Sorry, sorry, sorry, ahm, di ko naman sadya."
"Manahimik ka na lang at baka hindi ako makapagpigil," tumalikod si Carlo at humarap sa puno at nagkamot ng ano.
"Tama na yan, tara na pasok."
Nauna na akong tumawid sa kalsada at sumunod naman sila, tinanaw ko pa kung hanggang saan ang taas ng hospital. Grabe, ang taas naman, saan ko hahanapin si Chad?
"Good morning, Ma'am, ID niyo po?" hinarangan kami ng gaurd sa entrance.
"I-ID?" napalunok ako. ID? Ang arte naman ng hospital na to at may pa-id pa!
"Opo, lahat po ng may pasyente dito ay may ID na ibinibigay, kung nakalimutan niyo po ay mas maiging balikan niyo na lang."
"P-Pero wala akong ID."
"Huh? Ano pong pangalan ng pasyente niyo at i-checheck ko na lang."
"Hindi, wala akong binabantayan, dadalaw lang sana, dadalaw kami kay Chad."
"Chad? Chad, Chad, Chad, Cha— ah! yung kapatid po ba ni Sir Chase?"
"O-Opo, kilala niyo sila?"
"Yes po, last month lang po sila lumipat dito pero matagal ko na pong kilala yung magkapatid na yun, simula pa po nung mga bata sila."
"Bata pa sila?" tumango siya.
"Labas masok po ang magkapatid na yun dito lalong lalo na po si Chase. May personal doctor po sila dito kaya ganun."
"May sakit ba sila? Anong sakit? At bakit sa mental pa?"
"Ay, hahaha, hindi ko po masasagot yan dahil hindi ko po alam ang sagot, pasensya na, Ma'am."
"Ah haha, sige po manong gaurd, pwede na po ba kaming pumasok?"
"Kaano-ano niyo po si Sir Chad?"
"Ang daming tanong makikipagdaldalan yata to eh," bulong ni Carlo sakin na nasa tabi ko at siniko ko naman ang tiyan dahil baka marinig ng gaurd.
"G-Girlfriend po niya ako, at mga kaibigan niya itong kasama ko."
"Girlfriend?! Kungsabagay, kamukang-kamuka mo yung anak ni Sir Chase, pero, kung kamuka mo si Cane, edi dapat si Sir Chase ang nobyo mo?"
"Aaaah hahahaha, manong actually rush po kami eh, pwede po bang papasukin niyo na po kami?"
"Ganun ba? Sorry ha, hindi ko lang talaga mapigilan ang dumaldal. Hahaha, sige pasok na kayo, nakakatuwa naman at may dumalaw na din sa wakas kay Chad," nginitian ko siya at pumasok na kami sa loob ng hospital. Nilibot ko agad ang mata sa kabuuan, napakalaki at may fountain pa sa gitna, may konting mga tao na nakaupo sa mga upuan sa harap ng nurse's desk. At ang iba ay naglalakad lakad. Hinanap ko agad si Melanie at Chase, mabuti na lang ay wala sila sa paligid.
Ang sabi ng gaurd kanina ay mula bata pa sila Chase at Chad ay palagi na sila rito. Ano namang gagawin nila dito? Never pang nabanggit ni Chad sa akin ang tungkol dito.
"Cara, san natin hahanapin si Chad?"
"Dun, sa nurse's desk. Tanong tayo."
Lumapit kami sa nurse's desk, may tatlong nurse na paikot-ikot at nagmamadaling may tinitignan sa mga records na naka-compile sa gilid, may sinasagot na tawag at nagsusulat ng kung ano-ano.
"Ahm, excuse us po, Miss Nurse?" tawag ni Marc sa mga nurse pero walang pumansin sakanya dahil s sobrang busy nila.
"Hoy!" napaigtad ang mga nurse pati kami ni Marc dahil kinalampag ni Carlo ang table na nasa tabi.
"This is an Asylum, mga pasyente lang ang pwedeng mag-ingay dahil may sakit sa utak, sabihin mo sakin kung may tama ka rin sa utak para naman mai-pacheck kita sa mga doctor dito," mataray na sagot ng isang nurse na hindi naman sobrang katandaan. Siguro ay apat o tatlong taon lang ang tanda niya sa amin.
"This is an hospital too, mga nurse ang dapat na umaasikaso sa mga tao sa loob mg hospital na 'to, alangan hintayin namin yang mga papel sa harapan mo ang mag-entertain pa samin? Kung meron mang may tama sa utak dito, ikaw yon, gusto mo samahan pa kita magpa-konsulta?" dere-deretsong sabi ni Carlo nang hindi man lang bumibitaw sa titigan nila.
Sinamaan ng nurse ang tingin kay Carlo at nagtitigan pa sila ng ilang segundo saka niya kami tinignan ni Marc at mula sa seryosong muka ay ngumiti siya ng malaki.
"Sorry for that, what can I help? Kung magpapacheck-up kayo ay kayo pumunta na lang kayo sa 2nd flo—"
"Saan po ang room ni Chad?"
"Si Sir Chad?"
"Bakit mo kilala?"
"Kilala siya ng lahat dito as well as Sir Chase."
"Really? and why is that?"
"Confidential."
"Ah, may I know kung anong room niya?"
"You mean nila?"
"Niya. si Chad. si Chad ang pinunta namin dito."
"Nila. Ang bilin ni Sir Chase wag daw magpapapasok ng kahit na sino na dadalaw kay Sir Chad maliban sa pamilya at friends niya."
"Pero friends niya kami."
"Ang sabi ni Sir Chase, Sir Chad has no friends, maliban kay Melanie."
"Melanie? How is she related sa kambal?"
"Friends sila simula pa nung... I think bata pa sila."
"What?"
"What, what?"
"Bakit mo alam ang lahat ng 'to?"
"Naging kaibigan ko din sila— I mean hindi sa friends talaga, my Mom was a doctor here, was. So dinadala niya ako palagi dito noong bata pa ako, nakilala ko si Melanie na anak ng mayari ng hospital, at yung kambal, pasyente si Chase dito, naging magkaibigan sila ni Chase. And then naging pasyente na rin si Sir Chad, macoconfine ng 1 month tapos lalabas, tapos babalik ulit after 6 months, tapos lalabas tapos babalik. Unlike si Chase na halos dito na tumitira."
What? Magkaibigan na si Chad at Melanie nung bata pa sila? Pero bakit nung junior namin ay hindi sila nagpapansinan? Parang hindi nila kilala ang isa't-isa, tapos labas masok din dito si Chad. He never mentioned anything about illness nung kami pa. Ang gulo. Ang gulo gulo.
"Miss Talia, makinig ka," nabasa ko ang pangalan niya sa id niya.
"There's something going on na kasali si Chad, Chase at Melanie. Alam mo bang may mga nawawalang estudyante sa school namin at suspect si Chase? At isa ka sa mga makakatulong sa amin. Sana ay wag mong babanggitin ang tungkol dito kila Chase at Melanie at kung sa sino man. Please do help us, may mga buhay na nakasalalay dito. Please?"
Nagulat siya sa sinabi ko at napa-isip.
"I-I will try."
"Hoy kayo," humarap ako kila Marc at Carlo.
"Daldalin niyo yung gaurd, kahit anong pag-usapan niyo basta't siguraduhin niyong makukuha niyo yung number niya."
"Yes, Ma'am," pabirong sabi ni Marc at pumunta na sila sa pwesto ng gaurd at humarap naman ulit ako kay Talia.
"Now tell me, Talia, ano pa ang mga nalalaman mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top