21
1 week. 1 week na ang lumipas matapos nung araw na malaman ko ang lahat ng tinatago sa akin ni Carlo. After that day, hindi ko na siya nakita. Hindi pumapasok sa kahit anong klase. Nagtanong na din ako sa mga kakilala niya at ka-banda pero hindi din daw nila alam.
Ano na kayang nangyari sakanya? Galit ba siya? Nahihiya sa akin? Naiintindihan ko naman ang mga ginawa niya, nasaktan ako, pero sinabi ko noon na kahit ano pa ang kasalanan niya sa akin ay papatawarin ko siya dahil kaibigan ko siya.
Pati si Chad. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na ulit siya nagpakita, pati rin sila Chase at Cane. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Lahat nawawala.
Habang naka-idlip ang aking mga mata ay naramdaman ko ang pagtitig sakin ng kung sino. Pagtingin ko sa itaas ng puno na pinagtatambayan namin ni Carlo ay nakaupo doon si Art at nakatitig sa muka ko. Napasinghap ako sa gulat at ngumisi naman siya saka lumundag upang bumaba. Tumabi pa siya sakin sa pag-upo na para bang close kami dahil wala man lang kahit konting space sa gitna namin.
Tatayo na sana ako para umalis pero hinila niya ako kaya napahiga ako sa dibdib niya, muli akong aalis pero hinila lang niya ulit ako at hinimas-himas ang buhok ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi na lang ako nagsalita at nanatili sa ganung pwesto. Tahimik kaming naka-tingin sa kawalan habang hinihimas-himas parin niya ang ulo ko.
"A-Alam mo ba kung nasaan si Carlo? 1 week na siyang hindi pumapasok, baka kung ano nang nangyari sakanya."
"Kiss me."
"Huh?"
"Halikan mo ako at sasagutin ko yang tanong mo."
Lumunok ako at napatingin sa labi niyang mamula-mula at hinalikan ito. Pumatong pa ako sa kandungan niya at hinawakan ang batok niya, pumikit siya at feel na feel ang paghalik sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa dibdib ko kaya gad akong lumayo at pinalo ang kamaya niya.
"Ang sabi kiss lang, walang hawakan!" galit na sabi ko.
"Sorry, nadala lang ako, sorry."
Wow, nagsorry siya. Ang leader ng frat ay nag-sorry sa akin.
"You really look like her," malumanay niyang sabi at hinawi ang buhok na tumatakip sa muka ko dahil sa hangin, tinitignan niya ang bawat sulok ng muka ko at napahinto siya sa labi ko at muli akong hinalikan pero mabilis lang.
Tumayo siya at nagpamulsa "He saw us. Pumunta ka sa bar malapit sa may hospital sa kabilang kanto pagkatapos ng klase, hanapin mo siya don, baka mag-pakamatay yon. Mag-ingat ka." umalis na siya pagkatapos sabihin yon.
Sinunod ko ang sinabi ni Art. Pagkatapos ng klasw ay agad akong naglakad papunta sa Mental Hospital na sinasabi niya. Yun ang hospital na pagmamay-ari nina Melanie. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala namang sign ng bar doon.
Nakita ko ang isang ale na nagtitinda ng bulaklak at lumapit. "Ahm, excuse ho, san po yung bar na malapit dito?"
"Ah dun sa may eskinita dun sa gilid ng tindahan na yon, deretsuhin mo lang tapos andun na yung bar."
"Salamat po," agad akong tumawid sa kabilang kalsada at dumaan sa itinurong eskinita. Nagulat na lang ako nang makita ang malaking parking lot sa dulo ng eskinita at ang bar na sinabi ni Art. May malaking sign ng 'The Bar' sa itaas.
Nakakapagtaka kung saan nakapasok ang mga sasakyan, samantalang ako ay dumaan lang sa masikip na eskinita, Siguro may entrance hindi ko alam kung saan.
Pumasok ako sa loob at hinanap si Carlo pero hindi ko siya makita, paikot-ikot ako at puro amoy ng alak at sigarilyo ang naamoy ko, sabayan pa ng malakas na music at nagsasayawan ang mga tao. Sumilip ako sa labas at nagdidilim na, umupo ako sa round sofa na nasa gilid at nagpahinga hanggang sa maka-idlip ako.
-
Nagising ako dahil sa tunog ng piano na nasa mini stage. Pag tingin ko sa paligid ay nakaupo ang lahat at nanonood sa stage. Hindi kagaya ng kanina puro sigawan, sayawan at amoy ng sigarilyo ang nasa paligid. Ngayon ay may mga naguusap at ang iba ay nakatuon ang atensyon sa stage.
Agad akong napatayo nang makita si Carlo na tumitipa ng piano sa mini stage. Parang piniga ang puso ko nang makita ang hitsura niya. May mahabang tahi sa noo at pisngi niya. May mga pasa siya sa ibat-ibang parte ng muka, sabog pa ang kilay, may sugat pa ang labi. God, what have they done to you? Nagsimula siyang kumanta habang naka-pikit. May baso pa ng alak sa tuktok ng piano.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"There's no reason, there's no rhyme, I found myself blindsided by, A feeling that I've never known, I'm dealing with it on my own."
Natahimik ang mga taong nanonood at ang maririnig lamang ay ang malungkot na boses ni Carlo. Napakagandang boses at kanta, pero malungkot. Sobrang lungkot.
"Phone is quiet, walls are bare, I drink myself to sleep, who cares? No one even has to know, I'm dealing with it on my own."
Tila ba naramdaman niyang nandito ako dahil tumingin siya sa pwesto ko. Napatakip ako ng bibig ng makita ang mata niya. Sobrang pula ng mga mata niya, ang isa ay purong red at ang ay isa ay may parteng walang dugo.
"I got way too much time to be this hurt, Somebody help, it's getting worse, What do you do with a broken heart? Once the light fades, everything is dark, Way too much whiskey in my blood, I feel my body giving up, Can I hold on for another night? What do I do with all this time?"
"Every thought's when it gets late, Put me in a fragile state, I wish I wasn't going home, Dealing with it on my own, I'm praying but it's not enough, I'm done, I don't believe in love, Learning how to let it go,
Dealing with it on my own."
Nagpunas ako ng luha na tumulo galing sa mata ko. Bakit ang sakit ng kanta? Para bang ikinekwento niya sa akin, sa amin na nandito ang pinagdadaanan niya.
"I got way too much time to be this hurt, Somebody help, it's getting worse, What do you do with a broken heart? Once the light fades, everything is dark, Way too much whiskey in my blood, I feel my body giving up, Can I hold on for another night? What do I do with all this time? Yeah I drive circles under street lights, Nothing seems to clear my mind, I can't forget, It's inside my head, so I drive, chasing Malibu nights, Nothing seems to heal my mind, I can't forge—"
Hindi na niya natapos ang kanta dahil naiyak na siya. Napasinghap ang mga tao at nagbulungan, tumakbo palabas si Carlo dala dala ang bote ng alak at humabol naman ako. Hinanap ko siya at nakita ko siyang nakaupo sa hood ng isa sa mga kotseng nakaparada. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.
"Bakit hindi ka pumapasok? Anong nangyari? Si Art ba ang may gawa niyan sayo?" itinuro ko ang muka niya at nilingon niya ako. Awang-awa ako sa lagay niya. Sobrang pula pa ng mata niya, kung purong red lang ang kulay ng dalawang mata niya ay magmumukang sore eyes iyon. Pero hindi, halatang halata na pinahirapan talaga siya dahil namuo pa ang dugo sa mata niya.
"Sabi ni Art 5 percent lang daw ang nakakaligtas sa hazing at 95 percent ang namamatay. Pft. Parang wala nga lang to eh," humalakhak siya at tumungga sa bote ng alak.
"Magpa-check up ka na, Carlo. Baka mapano ka pa. Malala yang mga sugat mo."
"Ito? psh. Wala to. Walang wala tong mga bugbog ko kumpara sa sakit na nararamdaman neto," inilagay niya ang kamay niya sa dibdib niya at tumingala sa langit. Ganun din ang ginawa ko.
"Ang sakit, Cara. Ang sakit sakit. Yung pagbugbog sakin ng frat, pagpalo ng kahoy sa katawan ko, maiinda ko pa, matitiis ko pa. Pero ito? yung sakit na nararamdaman ng pesteng puso ko na to? Tangina torture. Hahahaha. Hindi ako makatulog sa sakit. Ang bigat bigat ng loob ko. Pinapatay ako ng konsensya ko sa mga ginawa ko sayo. Wala akong karapatang magreklamo kasi deserve ko to pero puta, masakit talaga eh," dere-deretso siyang tumungga ng alak at pinunasan ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya.
"Sorry Cara ha? Sorry. Ititigil ko naman na sana talaga noon pa, nung nagiging close na tayo. Nung napapalapit ka na sa akin. Pinapatay ako ng konsensya ko sa tuwing inaalala ko yung mga kinwento mo sakin, kung pano ka iniwan ni Chad at ng mga kaibigan pati pamilya mo. Kung pano nasira ang buhay mo. Tapos dadagdag pa ako. Ititigil ko na sana. Kaso puta, putangina lang kasi ako yung nahulog. Ako yung nahulog sayo."
Hindi ako umimik at nanatiling nakatitig sa mga bituin sa langit.
"Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako, pero sorry, sorry sa lahat. Okay lang kung ayaw mo na akong maging kaibi—"
"Pinatawad na kita."
"Really?" tumango ako.
"Nagso-sorry ka na rin sa akin noon diba? Sabi mo ang gago mo, na may kasalanan ka. Nung sinabi ni Art lahat, nagalit at nalungkot ako. Pero kaibigan kita, kaya pinapatawad na kita."
"I-I don't deserve your forgiveness. Sorry parin," ngumiti ako.
"Bakit ka nahulog sa akin? There's no beauty within me."
Tumungga siya ulit sa alak niya at tumingin sa akin.
"There is."
"Simula pa lang una, alam mo kung anong klaseng babae ako."
"Maganda ka kahit ano pa ang nakaraan mo, Cara. At mas maganda ka dahil sa mga problemang nalampasan mo," ngumiti ako.
"Alam mo bang nakakapagod? Nakakasawa? Nakakasakit." dagdag niya.
"Nakakapagod kang mahalin, nakakapagod dahil sa tuwing sinusundan kita may iba pang kagaya ko na mula sa malayo ay binabantayan ka. Nakakasawa kasi sobrang sakit. Nakakasawa na yung sakit. Sobrang sakit na ako mismo na nagmamahal sayo ay walang magawa para maalis yang sakit na nararamdaman mo. Nakakasakit, nakakasakit dahil ako naman yung nandito, iba parin ang laman ng puso mo," umiiyak siya habang nagsasalita.
"Pero kahit mapagod man ako at magsawa, mamahalin parin kita, kahit hindi ako. Basta hayaan mong mahalin kita, kahit masaktan ako. Mamahalin parin kita. Kasi worth it ka, worth it na mahalin ang kagaya mo. Kahit sobrang sakit ang nararamdaman ko sa pagmamahal ko sayo."
"Alam mo yung feeling na sa sobrang sakit na gusto mo ng bumitaw, pero sa sobrang pagmamahal mo, mas pipiliin mo paring panghawakan yung pagmamahal na yun."
Oo, Carlo. Alam ko, alam na alam ko. Dahil parehas tayo ng nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top