19


"Bat ka pa ba pupunta dito, Cara?" tanong ni Chase habang hawak sa kamay si Cane.

"May kailangang panoorin."

"Yung banda ba na sinasabi mo?"

"Oo."

"First time mo bang makapanood ng banda?"

"Nang-aasar ka ba?"

"Hinde. Kanina pa kasi tayo paikot-ikot hinahanap yan banda na yan. Eh mukang wala naman ng tao dito tsaka kung meron mang banda. Di dapat naririnig na natin."

Napatigil ako sa kakalakad-takbo, tama siya. Siguro tapos ng tumugtog sila Carlo. Sayang, gusto ko pa naman siyang panoorin.

"Tara na nga," natigil ako sa paglalakad ng may marinig na nagsisigawan.

"Are you ready party peopleee?" napalingon kami sa pinanggalingan ng ingay, may mga malilikot ding lights na nanggaling sa open pavilion. Agad akong tumakbo papunta ron at sumunod naman sila Chase sakin.

Nagtitilian ang mga babae at lalaki. Sa stage ng open pavilion ay nagaayos ng mga instruments ang banda ni Carlo pero hindi ko siya makita. Nilibot ko ang tingin ko, nakita ko yung Jen at yung Art na kasali sa fraternity at si Jen na sa tingin ko ex ni Carlo. Nasa likuran namin sila at nahuli kong nakatingin sa akin si Art. Hindi ko na lang siya pinansin at nilibot ulit ang tingin para hanapin si Carlo pero nakita ko si Melanie at ang mga barkada niya, lalapit na sana ako sakanya ng magsimulang tumugtog ang banda at narinig ko ang pamilyar na boses.

It's him.

"Hanggang kailan ako maghihintay na parang bang wala nang papalit sayo. Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah."

Nagsimulang tumugtog ang banda ng Sa Ngalan Ng Pag-Ibig ng December Avenue.

"Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik. Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik."

Mula sa likuran ng stage ay lumabas si Carlo, nagtilian ang mga babae at mas naging wild ang crowd. Nakisabay sa kanta ang karamihan.

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig."

Para bang may mga paru-parong nasa loob ng puso ko at kinikiliti to, lalo na ng tumitig lamang sakin si Carlo at hindi inalis ang tingin. Ganun din ang ginawa ko.

"Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo. Nasan ka man sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoah."

Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko rin ang pagtitig sakin ni Chase na hindi ko lamang pinansin.

"Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik. Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik."

Napangiti ako ngunit agad ding naglaho ang ngiti saking mga labi nang mapansin kong lagpas ang tingin sa akin ni Carlo. Tumingin ako sa aking likuran at nakita si Jen na nakatitig din kay Carlo. Gumilid ako ng konti at siya nga, si Jen nga ang tinititigan niya at hindi ako.

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig."

Napangiti ako ng mapait, para pala kay Jen ang kanta at hindi sa akin. Assuming ka kasi, Cara. Naramdaman ko ang paghawak ni Chase sa kamay ko.

"Hanggang kailan pa ba magtitiis, nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon."

"Tara na?" ngumiti siya sakin at binuhat si Cane. Ngumiti ako at tumango, tinignan ko si Carlo na patapos na sa pagkanta at tumalikod para umalis, saktong natapos din ang kanta at naghiyawan ang mga nanonood. Pero hindi pa pala doon natatapos, merong nagstrum ng acoustic guitar at tumahimik lahat ng nandoon. Hindi ko na lamang sana papansinin pero nagsimula siyang kumanta. Sabay kaming naestatwa sa kintatayuan namin ni Chase.

Nandito siya. Nandito nanaman siya. Nandito parin siya.

"There goes my heart beating, Cause you are the reason, I'm losing my sleep, Please come back now."

Takbo, Cara. Takbo. That's the best thing na gawin mo. Takbo!

"There goes my mind racing, And you are the reason, That I'm still breathing, I'm hopeless now."

My heart betrayed my mind again. Tila ba nagkusang gumalaw ang katawan ko at dahan-dahang humarap sa stage. Kagaya ng suot niya kanina ay nakajacket at cap parin siya. Nagbubulungan ang iba kung sino siya, at ang iba naman ay napamilyaran sakanya kaya nagsimula nanaman silang magtsismisan, ang iba sumasabay sa kanta.

"I'd climb every mountain, And swim every ocean, Just to be with you, And fix what I've broken, Oh, cause I need you to see, That you are the reason."

Nakatitig lamang siya sakin at ganun din ako sakanya. Brings back memories with him. May tuwa akong naramdaman. Siya naman talaga ang original na singer kasama ang banda niya bago pa si Carlo. I remember the times na tatawagin pa niya ang mga kaibigan niya para haranahin lang ako.

"There goes my hands shaking, And you are the reason, My heart keeps bleeding, And I need you now, If I could turn back the clock, I'd make sure the light defeated the dark, I'd spend every hour, of every day, Keeping you safe."

Bumalik lahat ng kilig at saya na naramdaman ko noon. Nakakapagtaka, hindi ako nasasaktan ngayon kagaya ng palagi kong nararamdaman kapag nababalik ang mga memorya niya sa akin.

"I'd climb every mountain, And swim every ocean, Just to be with you, And fix what I've broken, Oh, cause I need you to see, That you are the reason."

Sana nga, gagawin mo ang mensahe ng kanta.

"I don't wanna fight no more, I don't wanna hide no more, I don't wanna cry no more, Come back I need you to hold me, Come a little closer now, Just a little closer now, Come a little closer, I need you to hold me tonight."

Natatakot ako sa nararamdaman ko. Tila ba walang nagyari. Tila ba wala siyang kasalanang nagawa. Na para bang hindi niya sinira ang buhay ko. Na para bang hindi niya winasak ang puso ko. Natatakot ako, na baka pag tuluyan siyang bumalik ay tatanggapin ko nanaman siya. Na makakalimutan ko lahat ng kasalanan niya.

"I'd climb every mountain, And swim every ocean, Just to be with you
And fix what I've broken, Cause I need you to see, That you are the reason."

Mahal parin kita, Chad. Mahal na mahal.

Nagulat na lamang ako ng nang sinugod siya ni Carlo at sinuntok. Napatili ang iba at tatakbo na sana ako papunta sakanila nang may sampal na sumalubong sa muka ko.

"Cara!"

"Mommy!"

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko kay Melanie na siyang sumampal sa akin.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Hindi to pwede! Kasalanan mo lahat ng to malandi ka!" sinabunutan niya ako at hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan siya.

"Melanie tumigil ka na!"

"Tita Melanie stop hurting Mommy!"

"Maharot kang babae ka!"

"Ano bang pinuputak mo dyan?! Wala naman akong ginagawa sayo ah!"

"Marami! Maraming marami!"

Next thing I knew is pilit kaming pinaglalayo ni Chase sa isa't-isa, sinipa ko ang ari Melanie kaya nabitawan niya ako. Nagulat na lang ako nang ang mga estudyanteng nanonood lang kanina ng banda ay nagrarambolan na rin. Kasama na ang grupo nila Jen. Mga nagsasabunutan at nagsusuntukan. Hinanap ko si Chad sa stage pero wala na siya, sila Carlo na lang ang meron na pinapatigil ang mga nagrarambulan.

Narinig namin ang pito ng mga gaurd ng school kaya't nagtakbuhan ang karamihan dahil ayaw mahuli. May iba parin namang ayaw paawat at nagbubugbugan parin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nang may humila sa kamay ko.

"Cara, tara na!" hinila ako ni Carlo patakbo, napatili na lang ako nang may sumunggab sakanya at pinagsusuntok siya.

"Carlo!" napahiga siya sa damuhan, tutulungan ko na sana nang may humila sa kamay ko at tinangay ako palayo.

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" hindi niya ako binitawan at tuloy tuloy lang sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa likuran kung saan ang pinagtatambayan namin ni Carlo sa may malaking puno. Hinihingal kaming humito. Walang ilaw dito at mga bituin at buwan lamang ang nagsisilbing liwanag.

"Sino ka ba? Kung makahila ka akala mo close tayo ah!"

Humarap siya sa akin at inalis ang cap at jacket niya. Hindi ako nakagalaw at napatitig lang sakanya. Tila nablanko ang utak ko.

"Hi Car—" hindi pa man niya natatapos ay sinampal ko na siya ng malakas. Hindi siya gumalaw at pumikit lang.

"Sorry sa laha—" isa pang sampal ang ipinadapo ko sa kabilang pisngi niya at hindi siya natinag. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa pisngi niya.

"Sige, sampalin mo ako. Saktan mo ako, paulit-ulit, kahit ilang beses. Basta pakinggan mo ako. Magsimula ka na," hindi ako gumalawa.

"MAGSIMULA KA NA!" sigaw niya sakin kaya't pinagsasampal ko siya. Paulit-ulit. Palakas ng palakas. Magkabilaan.

"Sorry, alam kong hindi sapat ang sorry ko pero sorry. Sorry sa lahat. Sorry sa pag-sira sa buhay mo. Sorry sa pag-iwan sayo. Sorry sa panamakit sayo. Alam kong sobra kang nahirapan. Pero sana alam mong nahirapan din ako, nasaktan din ako."

Nagsimulang rumagasa ang mga luha mula sa mga mata ko at ipinagpatuloy ang pagsampal sakanya. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagkislap ng luha mula sa mata niya. Umiiyak na rin siya. Pero patuloy ako sa pagsampal sakanya. Dala sa bigat ng nararamdaman ay nagsalita rin ako, halos hindi na kami nagkakainitindihan dahil sabay kaming nagsasalita.

"Bakit ka pa bumalik hayop ka?! Sasaktan mo nanaman ba ako? Sisirain ang buhay ko?! Maawa ka naman sakin! Kung minahal mo nga ako dapat alam mo ang mararamdaman ko! Pagod na pagod na ako Chad! Pagod na pagod na ang puso ko! Alam mo bang unti-unti mo akong pinapatay dahil sa mga ginawa mo? Tapos ngayon babalik ka? May puso ka pa ba?!"

"Sorry sa pang gagago ko sayo, sorry sa pagpangako ko na hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Pero iniwan kita nung nasa sitwasyong wala ka ng karamay na iba. Alam mo bang unti-unti din akong pinapatay ng konsensya ko? Nanghihina ako araw-araw, nawawala ako sa pag-iisip, hindi ko kinaya. Nabaliw ako, pero naisip ko na mas mahirap ang pinagdadaanan mo, kaya aayusin ko ang sarili ko, para sayo."

"Para akong robot nung iniwan mo ako, naging manhid ang puso ko pero gumagana parin ang utak ko. Hindi ko man lang napapansin na nadedepress na ako. Nirerespeto ako noon pero ngayon para na akong aso, na sunud-sunuran. Parang baboy kung bastus-bastusin. Parang ipis kung tapak-tapakan. Wala na akong pamilya, wala na akong kaibigan. Sinugal ko para sayo pero anong ginawa mo? Iniwan mo din ako! Halos pinatay mo na ako, Chad! Pinatay mo ang puso ko. Wala nang naiwan sakin kahit dignidad ko. Wala! Tapos ngayon, bumalik ka. Galit ako! Galit na galit ako, Chad! Gusto kong gumanti sayo, pero hindi ko kaya kasi alam kong hanggang ngayon mahal parin kita!"

"Nabaliw ako dahil pinapatay ako ng konsensya ko, Cara. Nabaliw ako kakaisip sayo, pano ka na? Ako na lang ang meron sayo tapos iniwan pa kita. Ang gago ko, ang gago gago ko. Hindi mo ako deserve. Hindi mo deserve ang hayop na kagaya ko. Sinira ko lang ang magandang buhay na binigay sayo ng pamilya mo. Sinira kita. Awang awa ako sayo. Kung alam mo lang, kung alam ko lang na ganito pala ang patutunguhan ng pagmamahalan natin, sana hindi na lang kita niligiwan, sana pinigilan ko na lang ang sarili kong mahulog sayo. Patawad, patawad sa lahat. Gusto kong sabihin sayo na hanggang ngayon, ikaw parin. Ikaw lang. Ikaw lang mahal, minamahal at mamahalin ko. Mahal parin kita, Cara. Sobra."

"Tama na! Tama na! Hindi ko na kaya—"

Hinawakan niya ang mga kamay kong walang tigil sa pagsampal sakanya, isinandal niya ako sa puno at sa loob ng dalawang taon. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mapupusok niyang halik. Malalim, marahas ang paghalik niya kasabay ng pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata naming dalawa. Huminto siya at isinandal ang kanyang ulo sa akong balikat. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

"Nagrequest ako ng isang araw, isang araw para makita ka," sabi niya habang ang ulo ay nasa balikat ko parin. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Sobrang tahimik.

"Pagkatapos ng gabi na to, ano ng mangyayari?" tanong ko. Tinaas baba niya ang kanyang balikat at tumingin sa akin saka tumingin sa kanyang relo.

"Looks like dito na magtatapos ang isang araw na hiniling ko."

Napapikit ako at nagkusang lumandas ang luha mula sa mga mata ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko sa pangalawang pagkakataon, at ngayon ay mabagal ang kanyang paghalik. Niyakap ko ang kanyang batok at niyakap naman niya ang aking bewang kaya't mas lumapit ang katawan namin sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari pagkatapos ng gabi na to, maaring ito na ang una't huli. Basta ang importante ay papahalagahan ko ang gabing ito. Ang pagkakataon na nakasama ko muli ang taong mahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top