18


"She will be okay, right?"

"Of course."

"Dad, why did mommy fainted?"

"I don't know, baby, let's ask the doctor."

"Ahm, due to depression and anxiety. Hindi ba alam ng pamilya niya na may depression siya?"

"S-She have no family anymore."

"Oh, pero wala man lang kahit isang kasama niya sa bahay?"

"Ang alam ko she's leaving alone."

"Well, that would make the situation even worse."

"Tell me about it, Doc."

"Ang sabi sa results, matagal na siyang depressed. Meron siyang paranioa, anxiety, mental breakdown at depression. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan ng batang ito, basta ang alam ko, she's almost dying. Not physically but emotionally and mentally. Kung ipagpapatuloy pa ang pag-iisa niya, one day we'll just see her na nakabigti na, naglalaslas or what."

"C-Can we cure her? May gamot ba para gumaling siya?"

"Walang gamot o vitamin para mapagaling ang case na ganito. The only way to heal her is kausapin niyo siya, kung maaari ilayo niyo siya sa mga bagay, tao, lugar na makakapagalala sakanya ng mga masasamang nangyari sakanya dahil yung ang nagtitrigger sa depression at mental breakdown niya. Give her a nice atmosphere, yung wala siyang iisipin ni problema. And most of all, iparamdam niyo sakanya na mahal niyo siya, para hindi niya isipin na nag-iisa siya."

"Sige po, Doc, thank you."

"Reresatahan na lang kita ng gamot for her anxiety. This can help her sa  pagtulog niya, ikaw ang hahawak. Give her atleast 2-3, sabihin mo sakanya wag dere-deretsuhin ang pag-inom, nakaka-overdose ang gamot na to that may lead to death."

"Salamat, Doc."

Narinig ko ang mga yapak ng sapatos na palabas ng kwarto at pagbukas sara ng pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid, Naramdaman ko ang pagtitig ng kung sino man sa akin kaya't nagmulat na ako ng mata. Nakita ko si Chase na titig na titig sa akin, tila ba awang-awa siya sakin dahil sa nalaman niya. Hinaplos niya ang aking pisngi habang nakatitig parin. Guilt, sadness, anger, mixed emotions I felt just by looking in his eyes.

May alam ba siya?

"Anong oras na?"

"5:16, magpahinga ka na lang muna—Anong gingawa mo? San ka pupunta?" palabas na ako ng kwarto at lumingon sakanya.

"School."

"Bakit pa? Magpahinga ka na lang."

"May magpeperform na banda, kailangan kong panoorin si—"

"Mommy, I want to go with you!" tumakbo papunta sa akin sa Cane.

"No, Cane, stay with your Daddy."

"But Mom—"

"Tss. We'll go with you."

Hinila niya ako at binuhat si Cane sa bisig niya. Naglalakad kami sa hallway ng hospital nang dumulas ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko pababa sa kamay ko. Ngayon ay holding hands na kami habang buhat niya si Cane. Muka kaming isang pamilya—wait, ano ba tong iniisip ko? tsk. Kailangan ko ngayon ay makapunta sa school para panoorin si Carlo.

"Ayun yung sasakyan, here's the key. Pasok na kayo susunod ako, kakausapin ko lang si Doc. Mabilis lang to," kinuha ko ang susi sakanya at hinawakan si Cane sa kamay saka naglakad palapit sa sasakyan. Nabuksan ko ang magarang kotse at umupo na ako sa shotgun seat habang si Cane ay nasa likuran.

Grabe, ang bango naman sa loob. Nakakaadik ang amoy. Biglang pumunta sa harap ko si Cane at pumatong sa lap ko habang nakaharap sakin at tinitignan ako. Napangiti ako ng hawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

"Mommy, you're so beautiful!"

"Thank you," nakangiting sabi ko.

"But I am not your mother."

"Yes, you are!"

"No, Im just a friend of your Daddy."

"You're my Mommy, we have the same nose and lips and eyes."

"Not just because we have the same features means Im your mother. What if—"

"I don't care! You're my mother!" nagulat na lang ako ng i-kiss niya ako sa labi. Paulit-ulit at panay ang sabi ng 'Mommy'. Napangiti ako ng maalala ko si...si Chad. Ganitong ganito din ang lalaking yon. What's his is his.

Pumasok si Chase sa kotse at napangit ng makita ang ginagawa sakin ni Cane.

"Cane, baby, wag mo namang ubusin ang labi ng Mommy mo, tirahan mo din ako," napahalakhak siya at ako naman ay nagseryoso. Napansin niya siguro ang pagseseryoso ko at narealize niya ang sinabi niya.

"Kidding. It was just a joke."

"Not a nice joke."

"Sorry."

Natahimik kami sa loob ng kotse at bumalik na si Cane sa likuran. Pinaandar ni Chase ang kotse. "Daan muna tayo sa mercury, bibili lang ng gamot mo," sabi niya at tumango lang ako.

Sobrang awkward ng katahimikan habang nagda-drive siya kaya nagpatugtog siya sa stereo. Nagsimulang tumunog ang 'Akin ka na lang' ni Morisette sa Wish 107.5 na binanggit sa radyo. Nagsimulang sumabay si Chase at sumunod naman si Cane. Natawa ako dahil sa medyo slang na accent ni Cane.

"Aaaat ako pa ba'y iibigin paaa ang dinaaadasaal saa araw-araaw akin ka nalaaaaang sing with me people!" natawa ako lalo dahil todo birit ang mag-ama kahit hindi nila abot ang high note. Ito ang pinagkaiba ni Chad at Chase, Si Chad magaling kumanta si Chase hinde.

"GILIIIIIIIIW AAAAAAAAAAAHKKIN KA NA LAAAAAANG OOOOOOOH!" Pumapalkpak na ako sa sobrang tawa, maluha luha na rin sa sobrang sakit ng tyan ko kakatawa. Pano ba naman, pilit nilang inabot ang pinakamataas na nota, pero epic fail, pumiyok sa Chase at si Cane ay nakatayo na sa likuran at sumisigaw na maabot lang ang kanta. Hanggang sa matapos ang kanta ay tawa parin ako ng tawa habang sila ay hingal na hingal.

Nagstop kami sa parking lot na tapat ng mercury. Bumaba si Chase at nagpaalam na bibili ng gamot at tubig para sa amin dahil napagod daw silang kumanta. Nang maiwan kami ni Cane ay tinignan ko siya nang nakangiti habang nakaupo siya at hinihingal.

"Are you okay, baby?"

"Yes, Mommy. Just thirsty."

"Let's wait for your father. You're such a great singer baby. You have a future in singing."

"Thank you, Mommy, of course Im a good singer just like my dad."

"But your sucks in singing."

"Of course not! He's a really great singer. It's just that, there's something wrong with his voice."

"What do you mean?"

"Every night he sings me lulubay songs so that I can sleep. Sometimes he sings good, sometimes he don't."

Minsan maganda ang boses, minsan pangit? Ngayon ko lang alam na may ganun pala.

"Baby? I think there's nothing wrong with your father's voice."

"What do you mean, Mommy?"

"Something's wrong with your father."

Si Chad ang may magandang boses at si Chase ang pangit ang boses. Iisa ang itsura pero magkaibang tao sila, pero sino? sino ba talaga sakanila ang ama? At ako ba talaga ang ina?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top