16

"Are you ready people of the wooooooorld?" excited na sabi ng emcee. Naghiyawan ang mga estudyante.

"So before we start our month defense, let's call on our principal to hear his remarks about febraury's month defense. Mr. Anthony Cabrera, please come up here in the stage," nagpalakpakan ang mga estudyante at pumunta na sa harapan ang principal.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil masyadong akong maraming iniisip. Kagabi hindi ako nakatulog kakaisip sa Asylum na sinabi ni Chase sakin, ang mga naririnig kong chismis na nakikita daw ng iba si Chad, at yung kahapon, nakita ko si Melanie na pumasok sa isang mental hospital. Hindi kaya... hindi kaya bumalik na nga si Chad? Jusko. Sana naman ay hindi. Tapos si Carlo pa, yung ex niya, ang fraternity. Pero ang pinakamalala, wala akong maipepresent mamaya! Hindi ko man lang naisip gumawa o mag-isip ng ipepresent ko para sa Month Defense dahil sa dami ng nangyayari at napakadami ko ding iniisip. Argh. Pano na? Baka magkalat lang ako.

"Let the Febraury's Month Defense begin, goodluck to all the seniors, especially to our grade 12 students, do your best, this is your last defense as senior high school students, goodluck!" nagpalakpakan ang lahat.

Nagmistulang mga bubuyog ang mga estudyante sa gymnatium dahil ang iba nagbubulungan, nagkekwentuhan na kinakabahan daw sila, baka daw hindi sila makapagsalita sa harap at ma-mind block. Naramdaman ko din ang tensyon lalo na ng umakyat ang emcee sa harap at umupo ang mga teachers na magjujudge samin sa table na nasa stage. May mga hawak na papel na siguro ay mga pangalan ng mg SHS students.

Huminga ako ng malalim para mabawasan kahit konti ang kabang nararamdaman ko, napatingin ako sa paligid at hinanap si Carlo, pero hindi ko siya makita. Pupunta ba siya? May nangyari nanaman kaya sakanya?

"Ang mga pangalan ninyo ay nasa aking kamay, handa na ba kayo?" ngumisi ang emcee. Tinakpan niya ang mata niya at nagenie-minie-mi-ni-mo sa mga sa mga pangalan ng students. At ng tumigil siya ay tinawag niya ang pangalang napili niya.

"Mr. Benedicto Dimaculangan from ABM, first kill! Hahahahaha! Halika dito sa harapan," humalakhak ang baklang emcee. Patingin-tingin ang estudyante sa paligid dahil walang pumupunta sa harapan.

"Mr. Benedicto Dimaculangan, where na youuuu?" sabi ng emcee.

Mula sa likurang side ng gymnasium ay may lalaking nakaupo sa gitna na natutulog. Ginigising siya ng mga kaklase niya dahil natutulog to, nagtawanan ang mga kaklase niya dahil naglalaway pa siya.

"Ayun si kyah, kuya lika ne here!" nagpunas ng laway niya si Benedicto saka pumunta sa stage.

"Grabe ka kuya, sarap sarap ng tulog mo may patulo laway ka pa, ay may laway pa oh! Ako na magpupunas, hehehe," kinuha ng baklang emcee ang panyo niya at pinunasan ang gilid mg labi ni Benedicto, nag 'ayieee' ang mga estudyante at nagtawanan kami nang maglip-bite siya. Hahahahaha.

"Char! Hahahaha! Pinapagaan ko lang atmosphere guys para hindi kabahan si kuya. Okay, ready ka na ba kuya?"

"I think so," ngumiti si Benedicto. Nagkunwari namang nangisay ang emcee at saka natumba kay Benedicto na sinalo naman nito at sabay sabay kaming nag-ayiee at nagtawanan.

"Okay, alam mo naman na ang topic ay love. So what are your toughts about love? You may now start."

"Hmm, love. Karamihan iisipin corny, sa dinami dami ng topic na mabibigay sa month defense ba't love pa. Pero para sakin, it was cool. Na sa dinami-dami nga ng mabibigay na topic, na-itopic ang love. A rare moment for our school's reputation. Love. Ano ba ang love para sakin? sakin ang love parang gyera. Gyera ng puso at isip. Kung hindi naglalaban ang dalawang yan, hindi yan love. When we say love, sasakupin ng puso ang buong pagkatao natin. Love is the most powerful thing here in our world. Kasi kapag tinamaan ka nito? Wala na, paktay na. Sa experience ko sa pag-ibig, love is unbeatable. Kahit alam kong niloloko na ako, nasasaktan na ako, wala, kahit gusto kong kumawala sa relasyon na meron ako, hindi ko kaya, bakit? kasi mahal ko. Siguro may mga kaibigan kayo na in a relationship, or complicated ang relationship. Tapos yung partner niya niloloko na siya o ano. Sa senaryong ganito ang palagi nating sinasabi 'bakit hindi mo pa i-break?' 'madami namang iba dyan nagpapakatanga ka sa kagaya niya' 'alam mo ng mali tinutuloy mo pa' 'hindi naman siya kawalan' yan ang mga madalas nating sinasabi, hindi ba? At ang sinasabi naman nung kaibigan nating in a relationship 'wala eh, mahal ko eh'."

Nagtanguan kaming mga nakikinig at ang ibang estudyante ay inaasar ang mga kaibigan nila na siguro'y ganun din ang pinagdadaanan.

"This phrase 'wala eh, mahal ko eh' is not being pagpapakatanga, It is what you call love. Have you experienced na mahulog sa isang tao, na alam mong niloloko ka na pero hindi mo parin pinapakawalan. Alam mong wala namang patutunguhan yung kung ano mang meron kayo pero tintuloy mo parin. Sinasabi na ng utak mo na 'tama na, masyado na, hindi ko na kaya, ang sakit sakit na' gustong gusto mo ng itigil pero sinasabi ng puso mo na 'mahal ko, hindi ko kayang iwan kasi mahal ko, kahit gano pa kasakit titiisin ko kasi mahal ko' that's the hardest part in love. May dalawa kang choice, kung susundin mo ba ang puso o isip mo, but the truth is, kahit ilang choices pa ang meron ka, kapag nagmamahal ka, puso mo parin ang susundin mo. Kahit kalabanin ka pa ng buong mundo, mananaig ang puso mo."

Napatulala ako, tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. It was all true. Kinain ng pag-ibig ang buong sistema ko. Kinalaban ko ang buong mundo para ipaglaban ang pagmamahalan namin ng taong mahal ko, pero wala, nasira ang buhay ko dahil sa love na yan. In the end, iniwan nila ako, iniwan niya ako. Hindi ko alam na nasobrahan ako sa tapang at sumugod ako sa isang gyera na ang baon lang ay ang pagmamahal ko sakanya. Sad to think na akala ko kasama ko siyang lalaban pero iniwan din lang pala niya ako. I was tortured in that war. Physically, emotionally and mentally. Im nothing but a dead meat.

Lumabas na lang ako ng gymnasium at pumunta sa canteen. Pinipiga ang puso ko. Masyado akong natamaan sa mga sinabi ni Benedicto. Konti lang ang mga bumibili sa canteen dahil karamihan ay nasa gym nanonood, bumili ako ng bicuit at juice at umupo sa bakanteng lamesa. Nakasandal ang likod sa upuan at nakatulala. Naalala ko ang sinabi ni Raul na tutugtog pala ang banda nila Carlo ngayon. Kaya siguro wala siya. Maya-maya ay may batang lalaki na umupo sa harapan ko at tinitigan ako. Napakapamilyar ng muka niya. Tinitigan ko rin ang bata kagaya ng pagtitig niya sakin nang bigla siyang ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Mommy!" sigaw niya at masayang masayang ngumiti. Tila tinatambol ang puso ko dahil sa pagbilis ng tibok nito. Naalala ko na, siya yung batang nabangga ko sa Inasal nung lumabas kami ni Carlo at nakita ko din si Chase.

"Bata, ano g-ginagawa mo dito? bakit mag-isa ka?"

"Mommy! Daddy! Lost!"

"A-Ano? Mommy, Daddy, loooost!"

"Nawawala ang papa mo?"

Tumango siya at tinignan ang biscuit na kinakain ko. Inabot ko sakanya ang biscuit pero umiling ito at ngumuso sa counter.

"Gusto mo bumili ng food?" tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa counter para bumili. Binuhat ko siya para makita ang mga pagkain dahil masyado siyang maliit.

"Mommy, that," tinuro niya ang chocolate at kinuha ko naman.

"A-A-Anak mo?" utal na tanong sakin ng matandang tindera.

"Uhm, hindi po hehe."

"Pero mommy ang tawag niya sayo."

"Pantawag lang po niya, wala po akong anak."

"Naku, pero bakit sobrang magkamukang magkamuka kayo?"

"Hawig lang po, ano pang gusto mo?" tanong ko sa bata. Kinukuha ko naman ang mga tinuturo niya at nagbayad na. Bumalik kami sa inuupuan namin at hinayaan ko siya kumain.

"Where's your daddy?" tinaas baba niya ang balikat niya na sinasabing hindi niya alam. Napangiti na lang ako at pinanood siyang kumain. Kamukang kamuka ko nga talaga ang batang to, anak siya ni Chase sa pagkakaalam ko dahil tinawag niyang Daddy si Chase noong nagkita kami.

"What's your name?"

"Cane, mommy."

"Bakit ba tinatawag mo akong mommy? Hindi ako ang mama mo," bumusangot siya at tinuro ako.

"Mommy!"

"Hindi nga ako ang mama mo, dalian mong kumain at ibabalik na kita kay Daddy mo, hahanapin natin siya."

"Attention to all students, may batang naliligaw sa campus. Kung may makita kayong bata please report agad sa office andito ang papa niya, sir,— if ever may makita kayong batang lalaki around 2-4 yrs old, naka blue ng t-shirt na may spiderman that's my son, please paki-dala na lang po dito sa office ninyo. His name is Cane. Salamat."

"Dali na, Cane. Hinahanap ka na ng Daddy mo," tumango siya at inubos ang chocolate na kinakain niya saka bumabasa sa upuan.

"Let's go?" ngumiti siya sakin at ngumiti din ako pabalik. Hinawakan ko siya sa kamay at lumabas na ng canteen para pumunta sa office.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakadaanan naming estudyante, gulat na gulat ng makita ang batang kasama ko. Pinagbubulungan na kamuka ko daw si Cane at baka anak ko daw kay Chad. Mga chismosa nga naman.

"Cane!" sigaw ng isang lalaki mula sa malayo. Napatigil ako at napatulala. Bumitaw sakin si Cane at tumakbo papunta sakanya. Niyakap niya ang anak niya at binuhat saka lumapit sakin.

"C-Chad?" hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat na nakapagpatindig ng balahibo ko.

"It's Chase," napapikit ako at nakahinga ng maluwag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top