15
Mabilis na lumipas ang mga araw, bukas ay gaganapin na ang Month Defense. Kanya-kanyang usap ang mga kaklase ko tungkol sa topic. Yung iba may hawak-hawak na portfolio at may isinasaulo, yung iba naman kanya-kanyang pwesto at pinapractice ang sasabihin nila para bukas.
"Puta wala pa akong naiisip, bwisit! Bakit ba kasi love pa ang topic? Punyeta naman oh!" reklamo ng lalaking kaklase ko.
Napagdesisyunan kong mago-on the spot na lang ako bukas. Bahala na kung anoang lalabas sa bibig ko.
"Hoy, may sasabihin ako!" sigaw ng Presidente namin, Si Raul.
"Bukas tutugtog ang banda ng school, pagkatapos ng defense."
"Oh tapos?"
"Kailangan nandun kayo, manood ang lahat."
"Sino may sabi?"
"Ako, bakit angal ka?"
"De."
"Ge."
Bumalik ang lahat sa kanya-kanya nilang mga ginagagawa. Banda? Diba parte ng banda si Carlo? Papanoorin ko siya bukas. Tumayo ako at lumabas ng room, wala ang mga teachers ng mga senior dahil may meeting sila para sa gaganapin na month defense bukas. Kaya ginawa na lang nilang vacant para makapagpractice pa ang seniors para bukas.
Nasa hallway ang ibang seniors na mula sa ibang strand. Kanya-kanyang pwesto at practice, pero yung iba naman ay sadyang wala lang talagang pake. May mga nagbabatuhan pa ng papel sa gitna ng hallway na mga lalaki, tinamaan pa ako ng isa sakanila sa muka saka sila nagtawanan. Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta na sa canteen. Hindi muna papasok ngayon si Carlo para pagalingin yung mga sugat niya.
"Ate, coke nga po tsaka isang biskwit."
"Anong biskwit, ading?"
"Cream-O na lang po."
Inabot niya sakin ang mga binili ko at nagbayad na ako. Naglakad na ulit ako pabalik sa room namin, habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko ang grupo ng mga babae. After all this year, ngayon ko lang ulit sila napansin.
"Cara, besh, tara mag-mall!"
"Girls, selfie!"
"Cara, si Chad oh papalapit, yiee!"
"Besh, anong problema? May away nanaman ba kayo ni Chad? You can share it to us. We're your bestfriends."
"Away ng isa, away ng lahat!"
"Bestfriends forever, forever and ever!"
"Sana sa iisang school din tayo mag-aral pag college natin no?"
"Sana classmates tayo sa susunod na year."
"Group hug, gals! I love you all!"
"Well, look who's here, hello to our dearest frenny."
"Hello, Melanie."
"Kamusta buhay, Cara? Malandi parin ba?"
"Oo eh, kayo? Plastic parin ba?"
"Oh, look who's talking. Hindi lang talaga namin kayang masira ang image namin sa school nang dahil sa kalandian mo."
"In short, plastic nga. Image before friendship."
"Come on, Cara. Ang tagal tagal na. Di ka parin makamove on?"
"Pano ako makakamove on kung nakakalat parin ang mga plastic sa paligid."
"It's normal, pero yung mga pa-yours na kagaya mo ang nakakalat, huh. Kabahan na ang mga kababaihan."
"Kabahan ka na rin, Ella. Malay mo agawin ko din boyfriend mo," ngumisi ako.
"Don't you dare! I can't believe na kinaibigan namin ang kagaya mong napakahaliparot," I flinched sa sinabi niya but I kept my posture para hindi mahalatang nasaktan ako sa sinabi niya.
"Well, yun naman ang tingin ng mga tao sakin, bakit 'di ko totohanin diba? Malay niyo, isa-isahin ko mga jowa niyo."
"Bitch, hindi pumapatol ang mga boyfriend namin ng higad."
"Talaga? Plastic nga pinapatulan nila, ako pa kaya na mas maganda sainyo?"
"Nakakadiri ka, Cara. Mabuti na lang at hiniwalayan ka ni Chad. Nagmamalinis ka lang pala," tinitigan ako ni Melanie saka sila umalis. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
Ang sakit lang na marinig mula sakanila na pinagsisihan nilang kinaibigan nila ako. Pero mas masakit na kung sino yung mga taong dapat na nandyan sa tabi ko nung mga panahong sirang-sira na ako, sila pa mismo ang naguunahang umalis sa buhay ko para hindi madamay sa gulo ko.
Lima kami, ako, Melain, Daniela, Ara, Gwen. They were my bestfriends since my junior high, specifically grade 7. Since elementary, I am very active in school. Sinasalihan lahat ng kaya kong masalihan. Journalism, girl scout, declamation, class president and representative,debater at kung ano-ano pa kaya sikat ako sa school naming nung elem. Dinala ko ang pagiging leader ko hanggang sa naghigh-school ako. Sumali ako sa SSG at tumakbo bilang representative. Hindi na ako nagtaka nang mabilang ako na isa sa mga representatives ng school. Suprisingly, ako ang may pinakamadaming boto, natalo pa ng bilang voters ko ang bilang ng voters ng presidente. On my 2nd year which is grade 8, sabi ng teacher namin na tumakbo daw ako bilang SSG president. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo. That was the time na mas naging close na kami ni Chad na kaklase ko din, pati sila Melanie ay naging close ko din. Naging magbebest friends kaming lima, they said they really want to join SSG kaya tinulungan ko sila. Sabay-sabay kaming tumakbo and as usual, I won. The youngest SSG president of all time ng school namin.
And the rest is history. Nakarating ako sa room at ganun pa din, kanya-kanyang buhay ang mga kaklase ko. Hanggang sa dumating ang hapon at kanya-kanyang uwi na ang lahat. Lumabas ako ng school at nakasabay ang ilang estudyante sa paglalakad sa gilid ng kalsada pauwi. Normal nang pinagtitinginan ako ng mga nakakakita sakin at pinaguusapa, pero hindi ko maiwasang makinig sa paguusap ng dalawang babae sa likod ko.
"Beshy, alam mo ba, I saw Chad nung isang araw."
"Weh? Saan?"
"Dun sa may kanto malapit sa amin, pumunta siya dun sa may Asylum."
"Asylum? Ano yun?"
"Gaga ka! Asylum yung hospital ng mga baliw."
"Ano naman gagawin niya dun? Tsaka diba matagal na siyang wala dito sa pilipinas? Pagkatapos nung nangyari sakanila ni Cara?"
"Oo nga eh, pero ang dami kong naririnig na chismis na nakikita daw nila si Chad. Baka bumalik na."
"Pano kaya kung pumunta siya ulit sa school no?"
"Oo nga, nakakaexcite yung mga mangyayari."
Nagmadali na akong naglakad para makalayo sakanila. Pano nga kung nakabalik na si Chad? Anong gagawin ko? Sasampalin siya? Iiyak sa harapan niya? Magwawala? Natigil ako sa pag-iisip nang lumabas si Melanie mula sa isang eskenita sa kabilang kalsada. May katawag siya sa celphone niya at hindi maipinta ang muka niya. Kinakabahan na masaya na ewan. Masyado siyang busy sa katawag niya kaya hindi niya ako napansin, sinundan ko siya at tumawid sa kalsada. Mabilis siyang naglalakad kaya medyo malayo ako sakanya. Sunod lang ako ng sunod sakanya hanggang sa makaramdam ako ng pagod dahil nasa malayo na kami. Konti na lang ang mga bahay dito at karamihan ay building na. Nasa may highway na kami at tumigil ako ng tumawid siya papunta sa kabila, pagkarating niya ay tumakbo siya papasok sa malaking building. Binasa ko ang pangalan ng building at kumabog ng napakabilis ang puso ko ng may maalala. Isang asylum ang pinasukan ni Melani, Morenyo Asylum.
"Chad is in an Asylum. If you're interested tawagan mo lang ako sa dati kong number."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top