14
"Ito na ang ating huling sandali hindi na tayo magkakamali kase wala ng bukas sulitin natin ito na ang wakas kailangan na yata nating umuwi!"
Sabay-sabay na nagkakantahan ang mga classmates ko sa harapan, may isang naggigitara, may isa namang ginagawang beat box ang table, at lahat ay kumakanta. Wala kasi ang teacher namin kaya napagtripan nilang mag jamming.
Yung iba ay may kanya-kanyang mundo. Si Sheryl ay nasa isang sulok at nagbabasa nanaman ng libro. Yung iba nakapangalumbaba sa mga mesa nila. At yung iba busy sa mga celphones nila pero sumasabay naman sa pagkanta. At ako? Nandito sa gilid, sa tabi ng bintana at naghihintay kung sakaling puntahan man ako ni Carlo. Hindi niya ako nilapitan simula kahapon. May problema ba? Anong nangyari? Sino si Jen? Anong koneksyon niya sa frat?
"Sheryl!"
Tinawag ni Rjay si Sheryl. Tumingin lang si Sheryl kay Rjay at binalik ulit ang tingin sa libro.
"Ang kj mo, puro ka aral, halika dito maki-jamming!"
Tumingin si Marc kay She, tila nag-isip pa si Sheryl kung lalapit siya sakanila o hinde. In the end, tumayo din siya at lumapit sakanila kaya inaasar nila siya.
"Guys, alam niyo bang never ko pang narinig kumanta si Sheryl?" sabi ni Rjay.
"Oo nga."
"Kanta ka, Sheryl!"
"Kakanta na yan! Kakanta na yan!" they chanted in unison.
"Hala pasensya na, hindi ako marunong kumanta."
"Okay lang yaan. Sige na kanta ka na."
"Hindi talaga ako maru—"
"Pabibo pa eh. Kumanta ka na kasi, nerd." sabat ni Marc.
"Ayieee!"
"Yihiee!!"
"Oh Sheryl, si kras mo na nagsabi oh. Kanta na."
"Kakanta na yan! Kakanta na yan! Kakanta na yan!"
"Sige na, sige na."
"Niiice!"
"Go, Sheryl! Push mo yan!"
"Go, Nerd!"
May binulong si Sheryl kay Rjay dahil ito ang naggigitara. Tumaas pa ang kilay ni Rjay saka ngumisi. Sinimulan niyang maggitara at umupo si Sheryl sa tabi ni Rjay na siya namang katapat lang ni Marc.
"Uy naks naman daw!"
"Para kay Marc ba yan, She?"
"Yiiiee!"
"Wampowebs."
Nanatili akong tahimik sa gilid at pinananood sila nang kumanta si Sheryl.
"Heto ka nanaman kumakatok saking pintuan muling naghahanap ng makakausap, at eto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang nagtitiis kahit nasasaktaan~"
Parang may anghel na dumaan dahil boses lamang ni Sheryl ang maririnig sa buong room. Hindi makapaniwala ang lahat kung gaano kaganda ang boses ni Sheryl. Kahit si Rjay na naggigitara ay gulat na napatulala kay Sheryl.
"Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala hindi ba't kailan lang ng ika'y iwanan niya~"
Seryosong nakatitig si Marc kay Sheryl, ganun din si Sheryl na para bang para kay Marc ang kanta. I remembered how Marc shared his story to me yesterday about Sheryl. Kilala na niya si Sheryl since bata pa sila. Binubully niya to dahil sa pagiging nerd at mataba at pangit. Gustong gusto niyang umiiyak si Sheryl sa tuwing binubully niya ito.
"At ewan ko na sayo parang balewala ang puso ko ano nga bang meron siya na sa akin ay hindi mo makita~"
She hates him, but end up loving him. He likes her, but he doesn't know.
"Kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na muling mag-iisa kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na muling luluha pa di ka na mangangailangan pang humanap ng iba narito ang puso ko naghihintay lamang sayoo~"
Sumabay si Rjay kay Sheryl sa pagkanta. Amazing how their voices blend. Nakatitig lang si Rjay kay Sheryl, It's as if she's the only girl that he sees. And then again, may pumasok nanaman na conclusion sa isip ko. What if.. what if gusto din ni Rjay si She? Matagal ko nang napapansin to. Yung lihim na pag nakaw niya ng tingin.
Hindi pumasok sa isip ko na magkakagusto siya kay Sheryl kasi lagi niya tong inaasar kagaya ni Marc. Pero hindi kasing harsh nung parang kay Marc. Siya pa nga ang nagtutulak kay Sheryl kay Marc eh.
"Cara," napatigil ako nang marinig ang boses niya.
"Omygad, what happened to his face?"
"Napaaway nanaman siguro."
"Gosh! Nakakaawa!"
"He's still bleeding."
Napalingon ako kay Carlo na nakatayo sa pintyan, sinisilip ako mula sa loob. Napatayo ako ng makita ang itsura niya, pasa sa mata, putok ang labi, dumudugong ilong, may hiwa sa kilay.
"Anong nangyari sayo?!"
"O-Okay lang ako."
"Anong okay? Pupunta tayo sa clinic!" natataranta akong nagmadali na kunin ang bag ko at hinila siya papunta sa clinic.
"Anong nangyari sayo?! Magpaliwanag ka."
"Wala, okay lang ako."
"Okay? Anong okay dyan sa bugbog-saradong muka mo? Ano yun, nadapa ka?!"
"Okay lang tala——"
"Isa pang okay mo babanatan na din kita, malapit na tayo."
Nakikita ko na ang clinic at nang malapit na kami ay siya naman ang humila sakin at nilihis sa ibang direksyon ang paglakad namin.
"Huy, san tayo pupunta? Nandun na yung clinic."
"Basta."
"Carlo, wala akong oras para sa kaloko——"
"Wag kang maingay, Cara."
"Aba——" natigil ako ng makitang papunta kami sa likuran ng school, sa malaking puno na pinagtambayan namin noon. Nanahimik na lang ako hanggang sa makalapit na kami sa puno. Umupo siya at umupo din ako sa tabi niya. Nakatitig lang siya sa kawalan at ako naman ay nakatitig sa madungis niyang muka. Meron pang mga buhangin sa muka niya at sariwa pa ang mga dugo na parang kakagaling niya lang sa away.
"Carlo, anong nangyari?" hindi niya ako sinagot at nanatiling nakatulala.
"Carlo, anong nangyari? Sinong nakaaway mo? Bakit kayo nagaway?" naghintay ako ng sanggot niya, pero wala. Huminga na lang ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Nang ibalik ko ang tingin sakanya ay nakita ko ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya habang nakatulala parin siya.
"C-Carl——"
"Im sorry, Im very sorry. Putangina ang gago ko," Itinakip niya ang mga kamay niya sa muka niya.
"Putangina napakagago ko. Ang puta ko. Ang hayop kong tarantado. Im sorry, Im sorry, Cara, Im sorry."
"Carlo, ano bang sinasabi m——"
"Putangina ang gago ko, argh!!!" sinabunutan niya ang sarili niya at pinagsusuntok ang ulo niya.
"Carlo, tumigil ka ano ba!" sigaw ko sakanya pero hindi siya tumigil.
"Ang tarantado ko! Napakaputa ko! Ang gago gago ko!"
"Ang sabi ko tumigil ka na!" dumapo ang palad ko sa kanang pisngi niya saka siya natigil at napatulala.
"S-Sorr, Carlo."
"Isa pa."
"Ano?"
"Cara, isa pa. Sampalin mo ako. Yung pinakamalakas na kaya mo."
"H-Hind——"
"Cara sampalin mo ako!"
"Hindi!" hinawakan niya ang braso ko at iniliapit si muka niya.
"Sampalin mo ako. Ngayon. Lakasan mo."
"Ano bang problema mo?!"
"Sampalin mo ako!" bumwelo ako at sinampal siya ng malakas. Malutong ang tunog ng pagsampal ko sakanya.
"Tapos na, masaya ka na?! Ngayon, sabihin mo sakin kung anong nangyari, anong problema? Carlo, sabihin mo, nagaalala ako."
"N-Nag-aalala ka?"
"Oo, dahil mahal kita—mahal kita bilang kaibigan, nagaalala ako sayo b-bilang kaibigan."
"Cara, alam mo bang ang gago ka?"
"M-Mabait ka, Carlo."
"Hindi. Gago ako. Malayong malayo ako sa salitang mabait. Napakagago ko. Wala akong konsensya."
"Para sakin, mabait ka, Carlo. Kasi kung hindi ka mabait, dapat wala ka ngayon sa tabi ko. Dapat hindi kita kaibigan. Diba?"
"H-Hindi, Cara. Kung alam mo lang. " tumitig ako sa mga mata niyang namumula.
"Cara, mapapatawad mo ba ako kung may nagawa akong kasalan sayo?"
"Oo naman," ngumiti ako sakanya at pinunsan ang luha niya.
"B-Bakit?"
"Kaibigan kita, Carlo. At nang pumasok ka sa mundo ko, alam kong kagaya ka din ng mga taong naging importante sakin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Lahat ng taong importante sakin, sinasaktan ako, sa kahit anong paraan, kahit sobra akong masaktan, pero ikaw, desisyon kong papasukin sa buhay ko nung mga panahong durog na durog ako. Nung dumating ka, kahit papano, pinaalala mo kung pano ulit sumaya. Pero ganun naman diba, ang hirap maging masaya, ang lakas bumawi ng lungkot. But I assure you, kahit gano pa kalaki ang kasalanan mo, papatawarin kita. Mahirap, matatagalan, pero papatawarin kita," niyakap ko siya saka siya humagulgol sa balikat ko.
Isa sa mga lesson na dapat matutunan ng bawat tao. I-enjoy mo na ang mga bagay na dapat ikasaya, kasi sa bawat pagtawa, bawat saya, babawi at babawi ang lungkot at sakit, triple pa.
*********
A/N: Happy 23k reads, woooh! 🎊 Thank you, thank you! Sorry po kung sooooooooooooobrang tagal ng update. Hehehe. Nasobrahan iz meh sa katamaran, hehez. Pero expect for more updates sa mga susunod na araw. And credits to my frenny Iam_Grace014 for the beautiful cover. 😘❤.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top