13
Isang normal na araw ang pagpasok ko sa eskwelahan, ngunit nakapagtataka na wala si Carlo na kadalasang hinihintay pa ako sa gate. Hinanap ko siya sa paligid pero wala siya, I wonder where he is. Siguro ay na-late lang.
Naglakad na lang ako papasok at nadaanan ko ang mga grade 7 na naglalaro ng volleyball. Hindi nakuha na batang lalaki ang bola kaya gumulong ito sa pwesto ko, pinulot ko iyon at inabot sakanila.
Naglakad akong muli nang may grupo ng mga lalaki at babae na naghahabulan at nagsisigawan pa. Pinagtitinginan sila nang ibang mga estudyante, katulad ng mga ibang secondary schools, may mga fraternity at sorority din dito. Hindi na nakakagulat na may mga babaeng nagsasabunutan sa hallway at may mga manonood at i-vivideo pa sila para maikalat. Kung hindi naman ay rambolan ng mga lalaki, minsan ay nadadamay pa ang mga estudyanteng nanonood lang.
Tumigil ang grupong naghahabulan sa isang malaking puno at nagsimula ang away ng mga babae at lalaki. Sabunutan, suntukan, tadyakan, kalmutan. Sa sobrang dami nila ay walang nagbabalak na lumapit dahil baka madamay pa sa rambolan.
May mga babaeng tumitili sa sakit at may mga lalaking nagmumurahan. Naglakad na lamang akong muli dahil nakakasawa nang makakita ng ganyan, ako pa nga ang binibiktima ng ilan sakanila minsan. Tumalikod na ako pero nagulat na lang ng may babaaeng tumili.
"Kyaaaah!" Tinuro niya ang babaeng may hawak na bote na ipupukpok sa ulo ng isa pang babae na nakikipag sabunutan.
Nabasag ang bote kasabay ng pagbagsak ng babae at nawalan ng malay. Tumigil ang lahat at napatingin sa babaeng may hawak ng bote na nanginginig at tila nagulat sa ginawa niya. Kitang-kita ang pag-agos ng dugo sa ulo ng babaeng napukpok ang ulo.
Ganun na ganun din ang ginawa sakin ng girlfriend ni Rey noong nakaraan. Ipinukpok sa ulo ko ang bote at idinala ako sa Clinic.
"H-Hindi k-ko sinasadya! Im sorry! Im sorry!" Natutulirong sabi ng babae.
"What the fuck Jen! Ang usapan ay makikipagrambulan lang tayo hindi papatay ng tao! Shit lagot nanaman ako! Putangina!" Sigaw nang isang lalaki.
Lumapit agad ang kasama nung babaeng nakahandusay sakanya, binuhat siya ng isang lalaki at tumakbo papuntang Clinic. Naiwan na lang yung Jen at yung grupo niya.
"Ano bang katangahan yan, Jen!"
"Im sorry! Okay? Im sorry, Art! Hindi ko mapigilan ang galit ko! Im sorry!" Naiiyak na ang babae.
"Hey, that's enough," singit ng isang babae.
"Anong enough? Pano kung mamatay yung babae? Kasalanan ko dahil ako ang nagbubuhat sa grupo! Baka ma-expel pa ako, tangina! Ang bobo!"
"I said Im sorry!"
"Jen!" Laking gulat ko ng makitang tumatakbo si Carlo papunta sakanila.
"Si lover boy."
"Tss."
Lover boy? Sino? Si Carlo?
"Okay ka lang? Anong nangyari? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba? Ano? Sabihin mo."
"Bakit ba nandito ka nanaman, Carlo?" Inis na sabi nung Jen.
"Bakit ba kasama mo nanaman sila, Jen? Hindi ba't sinabi ko na sayo na wag ka ng sumama sakanila, mapapahamak ka lang!"
"Wala akong pake, at wala ka ding pake!"
"Jen! Makinig ka naman sa—"
"Break na tayo, Carlo. Hindi na kita mahal! Wag kang umakto na may namamagitan pa sa ating dalawa dahil hindi na kita mahal!"
Hindi nakasagot si Carlo. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa narinig ko. Kahapon ay sinabi niya sakin na gusto niya ako, tapos ngayon, may girlfriend pala siya? I mean Ex girlfriend. But the situation explains na mahal parin ni Carlo si Jen. Kung mahal niya si Jen, bakit sabi niya ay umpisa pa lang gusto na niya ako?
"I—I only care, Jen."
"I don't need your fucking care, Carlo. You don't need to care. Hindi mo pwedeng sabihin ang dapat at hindi ko dapat gawin dahil buhay ko to, at hindi na tayo! Itatak mo yan sa kokote mo!" Mabilis na naglakad palayo si Jen. Hahabulin pa sana siya ni Carlo pero pinigilan siya nung Art. Nag-usap sila pero hindi na narinig sa kinatatayuan ko.
Tulala akong naglakad papunta sa klase ko kahit alam kong late na ako. Nakatingin sa sahig habang pilit hinahanap ang mga sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.
Gusto ba talaga ako ni Carlo? Niloloko ba niya ako? Sino si Jen? Anong meron sakanila ni Jen? Anong koneksyon ni Carlo sa fraternity? At higit sa lahat. Sino ba talaga si Carlo?
"Aray!"
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Mataray na sabi nang babae na nakabangga sakin saka nilagpasan. Tatayo na sana ako nang may kamay na bumungad sa harapan ko. As I assumed, akala ko si Carlo. Pero mas nakakagulat na si Marc ang tumulong sa pagtayo ko.
"S-Salamat," tumango lang siya at sumabay sakin sa paglakad. Kagaya ko ay parang wala siya sa katinuan, nakatulala lang. This is awkward. Madalas niya akong binubully tapos ngayon kasama ko siya, tinulungan pa akong tumayo.
"Cara."
"B-Bakit?"
"Bakit ganun?"
"Anong bakit ganun?"
"Bakit parang sobrang affected ako kay Sheryl?"
"Ha?"
"Hindi ko kasi maisip na may gusto siya sakin. Oo alam ko naman na malakas ang karisma at gwapo at cute ako, habulin ng—" Huwaw.
"Kinakausap mo lang ba ako para mag yabang?" Inis na sabi ko sakanya.
"No, sorry. Pero yun nga, alam kong gwapo ako. But I never imagined na magkakagusto si Sheryl sakin! Look, Alam mo bang since elem ay magkaklase na kami ni Sheryl?"
"What? Wow, hahahaha. Nakakakilig."
"Tss. So ayun nga, since elem kilala ko na siya. At since elem, binubully ko na siya. Mataba pa siya nung elem kung alam mo lang! Hahahaha. Baboy, panget, nerd, hampaslupa. Ang dami kong pantawag sakanya, walang araw na umiiyak siya nang dahil sakin. Palagi kaming nasa guidance kasi sinusumbong niya ako, sa isang week dalawang beses kaming nagaguidance tapos kasama namin mga magulang namin. Kilala na namin ang parents ng isa't-isa. Imbes na maging magkaaway ang mga magulang nakin naging mga magkaibigan pa sila! Pero kahit ganun, wala paring nagbago samin ni Sheryl. Pinapaiyak ko parin siya, tapos sasabihin niya 'nakakinis ka talaga Marc!' 'Isusumbong kita kay Mama ko!' 'I hate you!' 'Akala mo kung sino kang gwapo!' 'Hinding hindi kita mapapatawad!'" Natawa ako sa panggagaya niya sa boses ni Sheryl.
"Memorize ko na lahat ng sinasabi niya sakin, sinasabayan ko pa nga siya minsan. Hanggang nung nag-junior high school kami, tuwang tuwa ako nung nalaman kong kaklase ulit kami tapos siya inis na inis hahahaha! Alam mo ba, Cara, hindi pumasok si Sheryl nung second day ng junior namin kasi alam niyang kaklase niya ako! Hahahaha! One week siyang hindi pumasok, akala nila Mommy at Daddy ko hindi na siya mag-aaral dahil sakin. Ililipat na sana nila ako ng school para pumasok na si Sheryl. Kita mo na? Sipsip pati sa parents ko. Hahaha. So ayun nga, lilipat na sana ako nung pumasok si Sheryl. Nagulat ako nung pumasok siya ulit, ang kaso, hindi niya ako pinapansin. Hindi ko siya tinigilan sa pambubully at pang-aasar ko. Nagkaroon ako ng mga barkada tapos sabay namin siya binubully, hindi niya parin kami pinapansin kahit buong klase na ang pinagtatawanan siya. Hindi na siya kagaya noong elementary kami ni idedefend pa ang sarili niya tapos iiyak. Nagbago siya, wala siyang kaibigan sa room namin. Kaaway lang. Hindi na siya iyakin, sumbungera pero sipsip parin. Hahahaha! Napansin ko na lang isang araw na pumapayat pala siya. Nagda-diet si baboy sabi ko sa sarili ko. Nagpapaganda siguro hahahahaha."
Kitang-kita ko ang saya sa mata ni Marc habang nagku-kwento. Parang hanggang ngayon nararamdaman niya parin yung sayo simula nung pagkabata niya.
"Hindi na niya ako pinapansin, pero kapag group works syempre kinakausap niya ako kapag importante. Maliban dun wala na. Hanggang sa nakilala ko si Pia, girlfriend ko. Sabi niya nagseselos daw siya kay Sheryl kapag inaasar ko siya, sabi niya layuan ko daw siya. Ginawa ko naman, ang kaso hindi ko talaga mapigilan sarili ko na asarin siya. Tuwang tuwa ako pag nakikita kong naiinis si Sheryl sa tuwing binubully ko siya. Pero nabawasan na yung pang-aasar ko sakanya kasi sabi ng girlfriend ko layuan ko siya."
"You look happy," sabi ko.
"Ha?"
"Ang saya ng mga mata mo habang kinekwento mo yung tungkol sa pinagsamahan niyo ni Sheryl."
"Pinagsamahan? Wala kaming pinagsamahan!"
"I mean, pagkababata. Ang saya mo habang kinekwento yung pagkababata niyo ni Sheryl."
"Di ah."
"Oo kaya."
"Hinde nga."
"Okay."
"So ayun na nga. Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Sheryl— ay dun sa sinabi ni Sheryl?"
"Bakit naman affected ka?"
"Yun nga ang hindi ko alam eh."
"Ano bang naramdaman mo nung nalaman mong gusto ka ni Sheryl?"
"Nagulat, Nagtaka... Masaya."
"Marc!" Sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag sakanya.
"Uy babe, bakit?"
"Bakit kasama mo yang Cara na yan? Inaahas ka na ba niya? Sabihin mo lang."
"Ah, babe hinde. Nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa group activity natin. Tara dun mag-usap. Cara mamaya na lang ha."
"Sige."
Naglakad na akong muli dahil malapit na ako sa classroom. Nakita ko si Sheryl na kausap ang teacher sa labas ng room namin. Mukang may pinapasabi si Maam na activity kay Sheryl at sasabihin niya sa klase.
It was love, Marc. Hindi ka lang basta masaya sa tuwing inaasar mo si Sheryl. Hindi ka lang natutuwa kapag naiinis siya. Lahat nang yon ay nararamdaman mo, dahil mahal mo siya.
Love, 4 letters 1 word, but millions of meanings and feelings that defines. Minsan masaya, minsan masakit. Minsan tama, minsan mali. Every human being feels it. Kung hindi ka nakakaramdam nito, baka hindi ka tao. Pero lahat ay may limit, magmahal lang ng sapat, ibigay lang yung dapat. Kasi kapag nasobrahan, mawawala ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top