12

Conclusion. Isa lamang iyong hula. Masamang hula. All night long that conclusion never left my brain. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon. Carlo, kaibigan ko na siya. At mali itong iniisip ko, pinagiisipan ko siya ng masama despite of all the good things he did to me. Kinaibigan niya ako, pinatawa, pinasaya, dahil sakanya naramdaman ko ulit kung paano ang sumaya... sa maikling panahon.

Pero kung iisiping mabuti, Carlo's existance is still a big question, Ang sabi niya, gusto niya akong kaibiganin dahil pakiramdam niya ay hindi siya belong sa grupo ng mga kaibigan niya kaya kinaibigan niya ako. Hindj pa rin iyon sapat, I want a complete explanation. Sino ang mga kaibigan niya, bakit ako ang kinaibigan niya at kung ano-ano pa.

"Good morning, class," dumating ang teacher namin.

"Good morning, Maam," bati namin.

"You may take your seat."

Inilagay niya ang mga gamit niya sa table sa harapan at pumunta sa white board.

"I know all of you are excited because in just two weeks it's already the end of the month. And for Febraury's Month Defense, our topic in English will be..."

Nagsulat siya sa white board at nagtilian ang mga babae kong kaklase. Ang mga lalaki naman ay walang ibang sinabi kundi 'korni' 'tangina anong topic yan?' 'Kabaklaan puta'.

"Febraury's Month Defense topic is Love."

Nagreklamo ang mga lalaki sa topic at gumanti naman ang mga babae sa pagsabi ng 'bitter' 'wala kasing girlfriend'.

Month Defense. Ito ay nangyayari sa tuwing magtatapos ang buwan, grade 11 at 12 lang ang gumagawa nito at sa gymnasium nagaganap. Isa-isang tatawagin at i-eexplain kung ano ang meaning ng binigay na topic, may mga teachers na nanonood at pati mga juniors ay pwedeng manood.

Hindi ito yung basta na lang na i-sesearch sa Meriam Webster o Google ang meaning nung topic, dahil once na tinawag sa harapan dapat ay alam na ang mas malalim na kahulugan o trivia dun sa topic. I-eexplain sa harapan ang topic tapos ay magtatanong tanong ang mga teachers at students na senior tungkol sa topic, kailangang i-depensa ang sariling idea at once na wala kang naisagot sa tanong nila, uuwi ka na lang na luhaan dahil bagsak ka na, at kapag sila naman ang naubusan ng tanong at nasagot mo lahat, doble pa ang taas na grade.

Iba-iba ang binibigay na topic bawat buwan. Last month ang topic na ibinigay nila ay Education. Pwedeng kasali sa lesson ang topic o hinde. Depende sa pinag-usapan ng mga teachers.

"Maam, question."

"What is it, Niña?"

"Maam, bakit po love? Ang korni. Hehe."

"Bitter si gurl!"

"Gaga kaka-break lang kasi nila nung jowa niya."

"Bakit daw?"

"Nakita niya daw kasi na si Cara ang wallpaper nung jowa niya sa phone niya, punong puno daw ng pics ni Cara yung phone nung jowa niya."

"Ayy shocks, dapat jinumbag niya si Cara."

"Duh. As if naman gawin ni Niña yun, eh Maria Clara nga ang peg niya. It is better to get hurt than to hurt someone, masyadong mabait."

"Kahit! Diba mag to-two years na sila nung jowa niya?"

"Yah."

"Sayang, kontrabida talaga yang Carang yan, sarap sabunutan."

Tinignan ko ang dalawang kaklase kong nag-uusap lang sa harapan ko, sabay din nila akong tinignan at inirapan.

"As I heard, yun daw ang napag-usapan na topic dahil malapit na daw ang bakasyon."

"So anong konek, Maam?"

"I dont know. Hahahaha."

"Maam, for you what is love?"

"Hmm.. For me, love is forgiving, taking risks, accepting, and letting go the one we love even though it hurts us the most."

"Huuuuuuuugot!"

"Hahahahaha, what about you, Class, what is love?"

"Maam! Maam!"

"Okay, Marc."

"Maam, love is a word with five letters. Hahahaha!"

Tumahimik ang lahat, wala man lang tumawa.

"Ang corny mo ikaw. 4 letters lang yon, bobo," sabi ng isang kaklase namin.

Nagtawanan ang lahat at nag make face si Marc sakanya.

"Maam, ako na lang po."

"Oh sige, Sheryl."

"Ito nanaman si Miss Sipsip," sabi ni Marc. Narinig iyon ni Sheryl pero hindi niya siya pinansin at inayos lang ang malaking glasses niya sa mata.

"Maam, para sakin, Love is enduring all the pain. And accepting the fact that the one you love will never love you back or even like you because she or he is inloved with someone else who is much better than you. And you can't do anything about it, but we have the opposite meaning about love, Maam. For you, love is letting go. But for me, Love is holding on. Holding on to someone who doesn't even have a plan on catching you if ever you'll fall. How much more in holding you? He was busy holding on to someone who loves him as much as he loves her. Doesn't even have an idea that you have some feelings for him. Doesn't even notices you because he is focused on someone else. And the fact that you're holding to your feelings for someone who hates you the most, is endurable. It's just hatred, but everytime you stare at him while he's busy starring at someone else. That is... that is what you call pain. So for me, love is, holding on to someone even though it hurts you so much."

Pagkatapos niyang magsalita ay tumingin siya kay Marc na ikinagulat niya at saka siya umupo at inayos ang salamin niya.

What... what was that? May gusto ba si Sheryl kay Marc? Kinilig ako sa idea. Maybe, gusto niya nga si Marc.

Sheryl is a nerd, nakasalamin, tahimik, book worm, matalino. Si Marc naman ay yung papansin sa klase, taga-bully, taga-pagpatawa. Kung hindi ako ang pinagtitripan niyang lait-laitin ay si Sheryl ang tinatarget niya. He often calls her 'four eyes' 'sipsip' 'nerd' 'pangit'. At ano naman ang nagustuhan ni Sheryl kay Marc? May girlfriend ito mula sa ibang strand.

"Wow, that was uuh..." Walang sunod na nasabi si Maam.

"That was one sided love, Maam. Wahahaha! Crush ni Sheryl si Marc kaso may girlfriend si Marc! Ayieeeee!" Sabi ni Rjay.

Siya yung nagsabi kahapon ng 'Ang deep words mo naman maam eh. Pwede mo namang sabihin mabuntis at makabuntis' something like that. Magaling siyang mag-point out ng paligoy-ligoy na topic. Or in short, magaling siyang mang-asar katulad ng iba pa naming lalaki na kaklase, magaling siyang gumawa ng awkward na sitwasyon.

"H-Hindi ah! Sakto lang na tumingin ako sakanya!"

"Weeeeeh? Eh bakit nagbu-blush ka? Ayieeee, nagbu-blush si nerd!"

"Yieeeeeeeeeee!"

"Pumapag-ibig!"

Para silang mga batang nag-aasaran dahil nalaman nilang crush ng kaklase nila ang kaibigan nila. Namumula si Sheryl at tumingin kay Marc na nakatulala sa kawalan na para bang ina-analize ang mga sinabi ni Sheryl. Maya-maya ay nag-ring ang phone nito.

"Maam, Can I go out? May sasagutin lang na tawag."

"Go on."

"Hello? Babe? Bakit?" Rinig namin na sabi niya sa kausap at lumabas na.

"Aruruy, Sheryl! Si babe niya daw oh. Hahahaha!"

"Nakakainis ka, Rjay! Sinabi nang hindi ko siya crush eh!" Tanggi niya at sinundan ng tingin si Marc sa labas ng room.

"Duuuuh, wag mo na kaming lokohin, Sheryl gurl. Kanina ka pa tingin ng tingin sakanya no."

"Di ah!" Deretso na lang na tumingin si Sheryl sa harap pero hindi niya napigilan at tumingin nanaman kay Marc na nasa labas, sakto naman na nakatingin din si Marc sa kanya.

"Ayieeeeeeeeee!!!!!"

"Wahahahaha! Lamporeber!"

"Kinikilig ako sa kanila bes, shet. Hahahahaha."

"Me too. Hahahahahaha."

"Hahahahahaha, this is fun. I-didismiss ko kayo ng maaga, Class, para naman marealize niyo kung sino yung love niyo. Hahahahaha."

"Niiiiice. We love you, Maam. Hahahaha."

"I love you, too. Hahahahaha."

Nag-tayuan na ang lahat at nagsi-labasan. Lumabas na din ako at nakita ko si Carlo na nag-aabang sa labas ng room. Naka sabit ang isang strap ng bag niya sa isang balikat niya at naglakad papalapit sakin saka sabay kaming naglakad.

"What is Love?" Tanong ko sakanya.

"Love? Yun yung katabi ko ngayon."

Natigilan ako. Ano daw?

"Ano! Ano pala ibig kong sabihin ano katabi ko yung love yung ano yung ano yung love kasi ano yun diba, ito oh!" Kumaway kaway siya sa ere.

"Ha?"

"Ito oh, love, katabi ko. Hehe."

"Ano?"

"Ibig kong sabihin, Lovein!"

"Anong lovein?"

"Lovein nga."

"Live in?"

"Lovein!"

"Ano nga yun?"

"Edi hangin!"

Tumitig ako sakanya saka humagalpak ng tawa. Pinagtinginan ako ng mga estudyante pero hindi ako tumigil.

"Anong nakakatawa?"

"Ang layo."

"Anong malayo?"

"Hahahaha ang layo ng joke mo."

"Ang lapit kaya!"

"Anong malapit? Ang layo ng Lovein sa hangin. Hahahaha."

"Malapit! Love-in, ha-ngin. Oh diba!"

"Sige."

"Eh ikaw, Cara. Para sayo, ano ang love?"

Hindi ako nakasagot. Ano nga ba ang love?

"Love, pag-ibig. Iisa ang ibig sabihin, yun yung dahilan kung bakit nasira ang buhay ko, At hindi ko alam kung mararamdaman ko pa yun sa kahit na sino, kahit kanino."

"Kahit kay Carlo?" Tanong niya.

"Kahit sayo?"

Nagkatinginan kami at sabay ding nag-iwasan.

"Carlo."

"Op?"

"May gusto ka ba sakin?"

"Pano kung sabihin kong oo?"

Hindi ako nakasagot, Hindi ako handa kung meron ulit bagong papasok sa puso ko, at mas lalong hindi ako handa na buksan ito sa kahit kanino. May napakalaking bato na dumurog dito, at sa tingin ko, kahit kailan ay hindi na ito mabubuo o mabubuksan pa, kahit kay Carlo.

More than friends less than lovers. Yun kami, magkaibigan na palihim na nagkakagustuhan. Kahit na gustuhin kong papasukin si Carlo sa puso ko, gusto ko ay buo na ito at naghilom na ang mga sugat.

"Alam kong mali, sabi ko gusto kong mapalapit sayo para maging kaibigan mo. Pero..."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Kasalanan ba kung sasabihin kong umpisa pa lang, Cara, gusto na kita? Kasalanan bang higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo? Kasalanan bang—"

"Wala kang kasalanan, Carlo. Ako ang may kasalanan na pinapasok kita sa buhay ko nang hindi man lang inaalam ang totoong motibo mo. Kasalanan kong hindi ako handa na magmahal ulit. Kasalanan kong nagugustuhan ako ng mga lalaki na kahit wala man lang akong ginagawa ay nasisira ang relasyon nila nang dahil sakin at napabilang ka don. At kasalanan ko din na kahit gustuhin ko man, ay wala kang lulugaran sa puso ko. Pasensya na Carlo. Pero sa tingin ko kahit kailan man ay hindi na magkakaroon ng espasyo sa puso ko para sayo o para sa kahit na sino. Pasensya na, pero hindi pa ako handa. Masasaktan lang kita, Carlo. Iba na lang, basta wag ako. Sorry."

Nauna na akong nag lakad at iniwan siya. Pasensya na Carlo. Aaminin kong nagugustuhan na kita. Pero si Chad pa rin ang mahal ko, pero hindi dahil siya parin ang mahal ko ay babalikan ko siya kung sakali. Mahal ko siya, pero kailan man ay hindi ko na siya mapapatawad at tatanggapin pa.

Nakuha niya ang lahat sakin. Ang pangarap ko, ang buhay ko, at ang puso  ko na winasak niya na gusto ko sanang ibigay sayo ng buo, Carlo. Pasensya na, pero pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Pero sa tingin ko ay pagkakaibigan na lamang iyon na hindi na magtatagal pa.

Ito, ito ang ibig sabihin ng Love. Isang sakit o virus na pag dinapuan ka ay wala ka ng kawala at unti-unti ka nitong papatayin, dahan-dahan. Wala itong ibang maidudulot kundi sakit.

Im sorry, Carlo. At pati ikaw ay nahawaan ko ng sakit ko. Nasaktan pa kita. Isang malaking kasalanan na pumasok ka sa buhay ko, Carlo. Dahil isa akong lumpo na biktima ng virus na hanggang ngayon ay hindi parin nililisan ang pagkatao ko. Kahit kailan, hindi na gagaling, kahit kailan, hindi na makakawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top