11
"Okay, so let's talk about Virginity, class. For you, what is the meaning of virginity?"
"Maam, Maam, Ako!"
"Okay, Marc."
"Maam, yun po yung wala kay Cara, virginty. Wahahahaha!"
"Nice tol! Hahahaha!"
"Wahahahaha!"
Ibinaba ko na lang ang ulo ko at hinayaan silang pagtawanan ako.
"Quiet, class!"
"Maam, totoo po yun!"
"I know. But be serious."
"Maam, ako na lang."
"Okay, Sheryl."
"Maam, for me, virginity is the most precious thing that we have. Dapat iniingatan, at dapat ibibigay lang ito sa taong mahal mo at mamahalin ka ng pang habang buhay."
"Wow, hugot!"
"Hahahaha!"
"Very good, Sheryl. That is right, class. Virginity is the most important thing that we have as well as our lives. Mapa-babae o lalake man. Ang virginity ng isang tao ay maihahalintulad sa buhay ng bawat isa. Kagaya ng buhay natin, iniingatan. Lalayo tayo sa kapahamakan na maaring mangyari sa atin o sa disgrasya na pwedeng kumitil ng buhay natin."
"Maam! Eh bakit po si Cara nadisgrasya?"
"Hahahahaha!"
"Flirt kase."
"I know."
"Quiet, class, attitude! Focus on our lesson. Like what I said, ang buhay natin ay dapat iniingatan at pinapahalagahan kagaya ng ating pagka-birhen, well, maliban na lang sakin dahil may asawa at mga anak na ako. Hahahaha. Pero ayun nga, just like what Sheryl said, ibibigay lang natin sa taong mahal at mamahalin natin ng pang habang buhay. Hindi ito basta-basta ibinibigay sa kung sino-sino."
Nakita ko pang tinignan ako ni Ma'am pagkasabi niya sa last part.
"Aw shet! Tagos to the heart, Cara!"
"Hahahahaha."
"Right in front of her face, girl! Hahaha!"
"Ouchieee."
"Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay ang maagang pagbubuntis. Batang ina, batang ama. Nadadala sila sa pusok ng pag-ibig. Hindi man lang iniisip kung ano ang mangyayari pagkatapos. Hindi inisip kung anong mangyayari sa pamilya, sa mga magulang, at sa sarili nila. Kaya nga nag-aaral ang mga kabataan upang malaman ang dapat at hindi dapat. Ngunit kahit alam nila ang hindi dapat ay sumusugal parin sila, ang pagkawala ng virginity ay hindi parang sugat na gagaling din kapag gagamutin at lalagyan ng ointment. Dahil kapag nawala na ang virginity ng isang tao, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Ang bumuo, at makabuo."
"Maam naman, ang deep words ng sinasabi niyo eh! Pwede namang sabihing makabuntis at mabuntis eh. Wahahahaha!"
"Like Cara ba?"
"Mabuntis you mean? Hahahaha!"
"Buntis si Cara? Ilan? Isang daang anak?"
"Hahahaha gago tol, aso lang?"
"Baka kasi baboy hahahahaha!"
"AsoBoy na lang hahahaha."
"AsoBoy?"
"Aso, kasi kung kumantot parang aso. Baboy, kasi dosena ang ipinapanganak. Hahaha!"
"AsoBoy. Hahahaha!"
"Class, watch your words lalo na kayong boys! Kaunting respeto kay Miss Cara."
Wow. Respeto. Coming from you, Maam. Just wow, magic.
"Maam, pano namin rerespetuhin yan si Cara girl eh siya nga mismo wala siyang ganun sa sarili niya eh."
"Tumpak!"
"Nice one, besh."
"Pak na pak!"
"Excuse me."
Nahinto ang lahat sa pag-tawa at tumingin sa pinto kung saan naka-silip si Carlo.
"Yes, why?"
"Good morning, Maam. Can I excuse Cara?"
"Omg yan ba yung Carlo?"
"Oo besh, It's him."
"Ang cute niya!"
"I told you."
"Anong gagawin nila? Magkakantutan?"
"Siguro, tol."
"Tangina, di ko pa natitikman yan si Cara may mauuna nanaman sakin."
"Give me some valid reason para i-excuse si Cara."
"Maam, valid na po ba yung i-eexcuse ko siya para naman po makaalis siya sa lugar na to dahil kahit KONTING RESPETO lang hindi niyo pa maibigay sakanya? Kung tratuhin niyo siya parang hindi siya tao ah. Akala niyo kung sino kayong malilinis, sabihin na nating madumi ang pagkatao ni Cara. Pero mabuti ang kalooban niya. Hindi katulad niyo na kung makahusga akala niyo kilalang kilala niyo siya. Tara na, Cara."
Wala ni isa sakanila ang nagsalita kaya agad kong kinuha ang bag ko at lumabas din. Hinabol ko si Carlo na mabilis ang lakad. Sinabayan ko siya sa paglakad at walang nagsasalita sa amin, pinagtitinginan kami nang mga estudyante pero patuloy lang kami sa paglalakad at deretso lamang ang tingin ni Carlo.
"Carlo."
"Bakit hindi mo ipagtanggol ang sarili mo?"
"Wala namang saysay."
"Anong walang saysay? Ginagago ka nila dun tapos tatahimik ka lang? Tanga ka ba?"
"May mangyayari ba kung ipagtanggol ko ang sarili ko?" Hindi siya sumagot.
"May mababago ba kapag sinabi ko sakanila ang totoong gawain ko? Na nakikipag-sex ako bara matustusan ang pag-aaral at kabuhayan ko? Hindi ba wala. Dahil alam ng lahat, na fuckgirl ako. May video, may picture na sinasabing fuckgirl ako. At hindi na mababago ang paningin ng mga tao sakin kahit ano pa ang gawin ko."
"Pero."
"Tanggap ko na, Carlo. Wala nang rerespeto sakin. Hindi na magiging normal ang buhay ko. Wala nang magmamahal sa—"
"Pero mahal kita."
Natigil ako at napatitig sakanya.
"A-Ano?"
"M-Mahal kita ano bilang kaibigan, Cara. Bilang kaibigan. Nandito pa ako."
"Okay."
"T-Tara na nga!"
"Saan?"
"Basta."
Hinila niya ako at nagpahila naman ako sakanya, hindi namin pinansin ang tingin ng mga tao sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng Theatre Arts Room.
"Anong gagawin natin dito?"
"Papanoorin mo ako, hehehehe."
Tahimik kaming pumasok sa loob at may mga estudyante na nasa stage sa tapat ng spotlight at nag-aacting.
"Layuan mo siya, Tamara! Masama siyang tao!"
"Hindi, Xiruz. Siya ang mahal ko!"
Nag-aacting ang mga estudyante at pumunta kami sa stage, pinaupo ako ni Carlo sa gilid tapos ay pumunta din siya sa spotlight. Pinagtitinginan ako ng mga katabi ko at pinagbubulungan ako.
"Direk, dito nako! Hehe!"
"San ka nanaman ba galing, Carlo? Pang ilang alis mo na to ng hindi nagpapaalam. Gusto mo bang tanggalin na kit—"
"Hehehe kaw talaga Direk. Sorry naaaa. Di na mauulit promise. Pasok na ako sa scene, Direk ah? Hehe."
"Tsk. Sige na, sige na. Okay, in three, two, one, action!"
"Tamara! Akin ka! Akin ka, Tamara! Akin ka!"
Nagulat ako sa biglang pagbabago ng ekspresyon ni Carlo. Ang kanina na makulit ngayon ay isang nakakatakot na lalaki siya. Well, I think he's a good actor.
"Hindi! Hindi kita mahal, Xiruz. Si Lando ang mahal ko!"
"Hindi! Hindi pwede! Kung hindi ka mapapasakin ay papatayin ko na lang kayong dalawa!" Naglabas ng pelet gun si Carlo na kunwari ay baril at itinutok sa babae at lalake na gumaganap bilang Tamara at Lando.
"Itigil mo ito, Xiruz. Nababaliw ka na!" Sigaw ni Lando.
"Papatayin kita! Inagaw mo sakin si Tamara. Ako ang mahal niya nung una, nung dumating ka ay naagaw mo siyang hayop ka!"
Umiiyak na ang babae na gumaganap bilang si Tamara.
"Tamara, ako'y nakikiusap. Bumalik ka na sakin, please. Ako na lang. Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal sayo ni Lando. Ako na lang, pakiusap, mahal." Nagtaasan ang aking mga balahibo ko nang lumuhod si Carlo at nagunahan ang pagpatak ng mga luha niya.
"Ang galing talaga ni Carlo."
"True. Ang bilis ng luha niya, bida o kontrabida. Baliw o sikat kayang kaya niyang i-act. Mapapaniwala ka talaga, hindi mo alam kung siya ba yun o hinde. Kung nag-aact lang ba siya o totoo na," bulungan ng katabi ko.
"Kahit kailan ay hindi na kita mamahalin pa Xiruz! Dahil hindi ako magmamahal ng baliw na katulad mo!"
"Baliw? Hahahaha sinong sinasabi mong baliw?" Humalakhak na parang baliw si Carlo tapos biglang iiyak at tatawa ulit. Kinakabahan ako. May nabubuong conclusion sa utak ko.
"Akin ka, akin ka, akin ka. Sa kabilang buhay, akin ka, Tamara."
Itinutok ni Carlo ang pellet gun sa baba niya at kunwaring ipinutok ito saka bumagsak sa semento. Nagkalat na sa damit niya ang kunwaring dugo na lumabas sa kung saan.
"Cut! Very good! Very good, Carlo. All of you, very good!"
Ang galing niyang mag-acting, ang galing niyang gumanap, ang galing niyang magpanggap. Naglakad papalapit sakin si Carlo nang nakangiti.
"Oh ha, bilib ka no. Galing ko mag-acting," tinaas baba niya ang kilay niya.
"Oo nga eh, paniwalang paniwala mo ako. Akala ko totoo," sabi ko.
Tila natamaan siya sa double meaning na sinabi ko dahil natigilan siya. It was just a conclusion, Carlo. Di ko alam na maaapketuhan ka.
"Magaling kasi talaga akong magacting hehe. Pero syempre, acting lang yun. Walang totoo dun, magaling talaga ako magpanggap."
Oo nga, Carlo. Sa sobrang galing mong magpanggap, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa ipinapakita mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top