10

"Cara, sagutin mo na yung tanong ko, sino yung lalaking yun?"

"Kapatid nga ni Chad. Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Paulit-ulit ka."

"Eh yung bata? Anak mo ba? Kamuka mo eh."

"Hinde."

"Weeeh."

"Hindi nga."

"Weeeeeeh?"

"Bahala ka sa buhay mo. Ge na papasok na ako."

"Sige, sabay tayo mag-lunch ah?"

"Ge," pumasok na ako ng classroom namin. It's monday and as usual pingtitinginan nanaman ako ng mga kaklase ko.

"Bes, may chika ako. About Cara."

"Talaga? Ano yun?"

"Ganito yan, I have a friend sa other grade kasi, tapos kumakain daw sila kasama ng friends niya sa Inasal nung Saturday. Then nakita nila si Cara with Carlo."

"Who's that Carlo?"

"Yung singer ng banda ng school, Basta he's cute."

"Omg, I like him na. Next?"

"Then while they're eating daw they heard Cara's scream sa banyo, and you know what? They said they saw Chad daw!"

"Oh my gosh, ano to reunion ng mga malalandi? Hahaha!"

"Hindi daw nila narinig yung pinag-uusapan nila kasi medyo malayo daw yung table nila sa CR then you know what? May bata daw na kasama si Chad and kamukang-kamuka daw ni Cara."

"So does this means na may anak sila?"

"Possible. Then Cara was crying daw nung nakita niya si Chad then ito na dumating si Carlo tapos lumabas na daw sila."

"That was exciting. May chismis nanaman ang buong school about Cara."

Mga tanga, Si Chase yon hindi si Chad.

"Look at her, she looks awfull. If I were her, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Malandi kase."

"No, if I were her. Much better kung mag-susuicide na lang ako."

"Yeah."

Hindi ko napigilan at tumayo sa harapan nila.

"And if I were you, hindi na lang ako mangengealam sa buhay ng iba. At ikaw," humarap ako sa kaklase ko na dumadaldal.

"Mangangalap ka na nga lang ng chismis, mali mali pa. Hindi si Chad yon, si Chase yon, kapatid ni Chad. Gaga."

Padabog akong umalis, hindi alintana ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Nakakainis. Nung sabado lang nangyari yun tapos ngayon kumalat na agad sa school. Tss. Parang hindi pa naman ako sanay, pati nga paghinga ko pinapanood ng lahat. Pagkurap ng mata, paglakad, takbo, lingon. May mga matang palaging nanonood sa bawat galaw ko, nag-aabang ng ma-iichismis sa lahat.

Isang artista, para akong isang artista. Walang privacy. Pero hindi yung artista na tinitingala at hinahangaan. Dahil isa akong pornong artista. Kinamumuhian ng mga kababaihan, binababoy ng mga kalalakihan. Punong-puno ng kadramahan ang buhay ko.

Bakit nga ba hindi na lang ako magpakamatay? Napaka-dali lang naman. Tatalon lang ako mula sa rooftop hanggang sa magkanda-lasog lasog ang katawan ko. Im dead. Magpakabangga ako sa sasakyan. Im dead. Itali ang leeg ko sa kung saan, then it's the end. It's that simple, Pero hindi ko magawa.

Maybe it's him who's keeping me alive, God. Since then, Religous na ako. Linggo linggong nagsisimba, Im close to him spiritually. Sabi nila everything happens for a reason. Anong rason niya at hanggang ngayon buhay pa ako? Mas mapapadali kung mamamatay na lang ako. Mawawala na ako, pati ang pighati at mga problema ko. But then, Im still here. Here in a place where I was once a queen, idolized, fairy tale life like the script in a song. But now it's already a place where I don't belong.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansin na nasa harapan na pala ako ng Music Room. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nang makitang walang tao ay pumasok na ako sa loob. Dito sa music room ginaganap ang mga events o contest sa Musika. Kung nagpapapractice ang mga banda dito sila pumupunta. Sa loob ng dalawang taon, ngayon na lang ako ulit nakapasok dito.

May mga speakers na nasa loob ng Music Room at nakakonekta sa lahat ng room, hallways, canteen, field at sa lahat ng sulok ng school.

Umakyat ako ng stage at dahan-dahang hinawakan ang gilid ng grand piano na nasa gilid at saka umupo. Tinitigan ko muna ang keys at tumipa ng kung ano-ano. Piano at Violin ang instrument na ginagamit ko at tuwing may contest ang school ay palagi akong isinasabak. Samantala si Chad ay Drums at Gitara naman.

Habang tumitipa ay naalala ko ang mga  tinutugtog ko noon. Dalawang taon na ang nakalipas mula noong huling nakahawak ako ng Piano, at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay marunong parin ako. Habang tumatagal ang aking pag-tipa ay naaalala ko na ang mga nota at chords, nabubuo ko na ang isang kanta kaya naman napasabay ako sa pag-hum.

"Akala ko'y habang buhay tayo..." Paninimula ko sa kanta.

"Akala ko'y hanggang dulo..." Naaalala ko, Ito ang kinakanta ko matapos nang break up namin ni Chad.

"Ka'y haba pa mg kalsada dito na ba tayo bababa? Kung ganito na nga ba ang usapan, kung dito na ang hangganan..." Hindi mapigilan na lumipad ng utak ko at maalala ang mga nakaraan. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ang mga masasayang memorya namin ni Chad. Na habang buhay na mababaon bilang isang malaking bangungot.

"Dapat sigurong iwasan ang mga minsang kamustahan..."

"We're over."

"Don't leave me, please."

"Im sorry."

"Hindi ko kaya."

"Im sorry."

Ramdam ko ang pag-tulo ng luha ko kahit pa na nakapikit ako at dinadama ang kanta.

"Mga nakasanayan dapat nang kalimutan, sunugin na ang mga larawan..." Hindi alintana ang pag-piyok at panginginig ng boses ko dahil sa pag-iyak, itinuloy ko ang pag kanta.

"Hanggang dito na lang... Hanggang dito na lang..." Sa kabila ng paghihirap na nadulot sakin ni Chad. Aaminin ko na hanggang ngayon, mahal ko pa siya. Walang nagbago, hindi nagbago ang nararamdaman ko para sakanya. Pero mas malalim na ang galit ko sakanya ngayon, at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.

"Ikaw ba ang nagbago o ako tayo... Hanggang dito na lang..."

Agad kong pinunasan ang mga mata ko at tumayo para umalis nang may marinig akong naggigitara. May nanonood ba sakin?

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it's the only thing that I know," mula sa dilim ay narinig ko ang boses ng lalaki na kumakanta. Siya nanaman.

"When it gets hard, you know it can get hard sometimes. It is the only thing makes us feel alive... We keep this love in a photograph."

"Oooh... Oooh... Oooh..." Narinig ko ang boses ng mga lalaki na sumasabay sakanya. May kasama siya?

"We made these memories for ourselves where our eyes are never closing hearts are never broken, and time's forever frozen still," mula sa dilim ay lumabas si Carlo habang naggigitara at sa likod niya ang mga lalaking nagsesecond voice.

"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans holding me closer 'til our eyes meet you won't ever be alone, wait for me to come home," mula sa gilid nila ay lumabas ang lalaki at tumabi sakanila saka tinugtog ang beatbox.

"Loving can heal, loving can mend your soul and it's the only thing that I know, know I swear it will get easier remember that with every piece of you
Hm, and it's the only thing we take with us when we die."

"Oooh... When we die..."

"Hmm, we keep this love in this photograph We made these memories for ourselves where our eyes are never closing hearts were never broken And time's forever frozen still," tumitig ako kay Carlo at hindi maiwasang bumilis ng pagkabog ng puso ko habang pinapakinggan ang magandang boses niya. Nakatitig din siya sakin na parang binabasa ang buong pagkatao ko sa mga mata ko.

"So you can keep me, Inside the pocket of your ripped jeans, Holding me closer 'til our eyes meet you won't ever be alone, And if you hurt me that's okay baby only words bleed inside these pages you just hold me And I won't ever let you go," sabay sabay silang kumanta at hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng boses nila.

"Wait for me to come home."

"Wait for me to come home..."

"Wait for me to come home."

"Wait for me to come home..."

Tumigil sila at lumapit sakin si Carlo, ngumiti ako sakanya ganun din siya sakin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Nandito lang ako, Cara. Nandito lang," yumakap din ako sakanya at nginitian ang mga kasama niya.

Niligtas mo nanaman ako, Carlo. Andito ka nanaman kung kailan nasasaktan ako. Kahit kailan hindi nawala ang sakit, pero nandito ka. Dumating ka sa buhay ko. Napangiti mo muli ako. Naparamdam mo ulit sa akin kung paano ang sumaya kahit saglit. Salamat, Carlo. Salamat.


*********
A/N: Ayan na po, update. Alam kong sumabay din kayo sa kanta. Hahaha! Don't forget to vote and leave your comments!😁

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top