VI

"I'm excited for you to meet him," Jake said, grinning, as he drove back to their mansion. Napabuntong hininga si Julianna. Minsan hinihiling niya na sana hindi na lang mayaman si Jake. Sana ordinaryong tao na lamang ito kagaya niya para sana walang issue ang relasyon nila. She was just a trainee in his father's office when they met each other, and although sinadya naman talaga niya na magpapansin dito, ang plano sana niyang akitin ang anak ng may-ari ng kumpanya para maka-angat sa buhay ay nag-back fire dahil tuluyan siyang na-inlove dito.

She watched Jake as he droned on and on about his adoptive brother. Apparently nasa ugali na talaga ng ama ni Jake ang mag ampon ng mga batang sa tingin nito ay may potensyal at paaralin ito. Kagaya ng ginawa nitong pagsuporta sa kanya ngayon.

He was such a good man. Ngayon tuloy ay nakakaramdam siya ng guilt dahil plinano lamang talaga niya na gamitin ang mga ito. She was ambitious. Any woman who had this kind of opportunity given to her would quickly grab it without second thoughts. Ang kaibahan na lamang ngayon ay mahal na niya si Jake. She wasn't supposed to fall in love with him. But he was a kind man, and he was so charming and handsome and...

"Stop looking at me like that!" natatawang sawata ni Jake sa kanya.

"Like what?"

"Like you're so in love with me," he smirked.

It was her turn to laugh. "Because I am!"

Jake smiled and stole a glance at her. "I so love you, Julianna,"

Nagtatawanan parin silang magkasintahan nang pumasok ang sasakyan ni Jake sa malaking gate ng mansyon. Si manong guard na naging kabatian na niya dahil sa dalas niyang magpunta dito ay magalang na tumango sa boyfriend niya at ngumiti naman sa kanya. Kinawayan ni Jules ang may edad nang lalaki. Niyakag na siya ni Jake papasok sa kabahayan kung saan sinalubong sila ni Miss Talia, ang mayordoma ng mga Mitchell.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Señora Josephine," imporma nito. Mukhang aligaga ito, malamang ay nagbubunganga nanaman ang mama ni Jake. Napangiwi si Julianna.

Si Jake naman ay ngumiti lang sa matanda. "Sinundo ko pa si Jules," hinawakan nitong muli ang kamay niya at hinila na siya sa hapag kung saan naghihintay ang pamilya ni Jake.

Muntikan na siyang magyaya pauwi nang bumungad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Josephine Mitchell, ang ina ni Jake. "You are late, Jacob Alexander." strikta ito pagdating sa nag-iisa nitong anak. Katwiran ng ginang, si Jake ang magmamana ng negosyo ng pamilya nito kaya marapat lamang na matutong maging disiplinado si Jake sa lahat ng oras. Something that Jake's father did not exactly agree on.

"It's not like it's a board meeting, Josephine, relax," tumingin sa kanila ang ama ni Jake na si Alejandro Mitchell. He was a big man. Ngunit kung gaano ito nakakatakot na tingnan mula sa malayo, ay ganoon naman kabuti ang pagkatao nito. In her opinion, Jake took after his dad. They have hearts that are as big as them. "Sit down, son. And you too, Julianna. Thank you for joining us."

"Thank you for inviting me din po," sambit niya habang nakasunod kay Jake. Hindi nakaligtas sa kanya ang palihim na pag ismid ng ginang. She knew for a fact that she hated her. Simula't sapul pa lamang, nang makita siya nito sa opisina ng asawa nito na nagsisilbi ng kape ay nagpakita na ito ng disgusto. Lalo pang lumalim iyon nang i-announce ng asawa nito na tutulungan siya nitong makapag aral. Her indifference before gradually develop into hatred when Jake expressed his feelings for her and introduced her as his girlfriend.

Ginawa naman niya ang lahat para magustuhan siya ni Josephine. Siguro ay sadyang naramdaman lamang nito sa kanya ang matinding kagustuhan na umangat sa buhay at iniisip nitong sinasamantala niya ang kabaitan ng asawa nito at ginagamit naman niya si Jake.

Aminado naman siya na noong una ay totoo naman iyon. Pero mahal na niya si Jake ngayon. At kahit hindi man siya umangat sa buhay, basta kasama niya ito ay magiging masaya siya.

Muli ay naramdaman niya ang pagpisil ni Jake sa kamay niya mula sa ilalim ng mesa. She looked up to him and gave him a reassuring smile. Hindi lingid dito na matindi ang takot niya sa mama nito. Madalas na pinagtatawanan lang nito ang mga pag-aalala niya at laging sinasabi na mabait si Josephine Mitchell kahit pa gustong sagutin iyon ni Julianna na halata namang hindi.

The dinner went well, aside from the occasional snide remarks from Jake's mother. Naging magiliw si Alejandro sa kanya kagaya nang madalas nitong disposisyon.

"Dad, I thought Reed's going to join us?" Jake asked while they were having desert.

"He got hold off in one of his meetings," his dad air quoted the word meeting and that made them both laugh. Mukhang hindi naman natuwa ang mama ni Jake. She wondered what would please the old woman. Tila ba napakahirap na kunin ang loob nito. Mukhang kagaya sa kanya ay mainit din ang dugo nito sa ampon ni Alejandro.

"Well, I hope he makes it kasi gusto kong ipakilala sa kanya si Jules," sabi ni Jake habang saka ito sumubo ng pagkain. Halos sabay na lumaki ang dalawa at malapit sila sa isa't isa, according sa kwento ni Jake. Kung hindi lamang ipinadala ni Alejandro si Reed sa isang kumpanya sa ibang bansa upang i-train ay malamang na sabay niyang nakilala ang dalawa.

"You better be careful, then," nakangisi ang ama ni Jake. "Kilala mo naman si Reed,"

Jake glanced at her and smiled widely. "I'm not worried, Dad, alam kong mahal na mahal ako ni Jules at hinding hindi niya ako ipagpapalit,"


TINANGGAL NI JULES ANG SANDALYAS NA SUOT habang patuloy na binabaybay ang dalampasigan. May kaunting liwanag mula sa palamuti ng hotel na siyang nagsisilbing tanglaw niya. Maulap ang kalangitan at base sa ginaw ng hangin ay tingin niya ay baka umulan. Tiniis niya ang lamig at baka sakaling mas mahimasmasan siya rito kaysa magmukmok siya sa kwarto niya.

Reed is here. And Jake wanted her to help him buy the resort from him. Ito ang tinutukoy niyang bagay na gusto nitong mabawi mula sa kababata. Hindi alam ni Jules kung paanong napunta kay Reed ang lupaing pag-aari ng mga Mitchell. Ang alam lang niya ay balak ipamana ng ama ni Jake ang lugar na ito rito. Ngunit sa ginawa nilang eskandalo noon ay sa tingin niya malabong natuloy ang planong iyon ng matanda. Galit na galit si Josephine sa kanilang dalawa. Kagaya niya ay halos isumpa rin nito si Reed.

Ang isa pang tanong ay kung paano niya matutulungan si Jake na mabawi ang lupa kay Reed kung kahit gaano kalaking halaga ang itapat nito sa kababata ay hindi man lang ito natinag. Isang matigas na hindi ang sinabi nito at wala raw itong balak na ipagbili ang lugar. What was he expecting her to do? Beg? Does he want her to seduce Reed?

Oh, for the love of God, Julianna? Ganoon na ba kababaw ang tingin mo kay Jake? He probably just want you to talk Reed into it! Santong dasalan at hindi santong paspasan. She rolled her eyes at her own absurdity.

Umihip ang hangin at napagpasyahan na ni Julianna na bumalik sa kwarto niya bago pa siya sipunin. Madilim noon at bago pa niya makapa ang switch ng ilaw ay may biglang humawak sa bewang niya sanhi para mapatili siya.

"What the fuck?!" pumihit siya paharap upang mapagsino ang hayop. Masakit sa mata nang biglang lumiwanag ang kwarto at tumambad sa kanya ang kababata ni Jake. "Reed?!"

"I didn't expect to see you here, Jules," tila bale walang sabi nito na akala mo ay hindi nito basta na lang pinasok ang kwarto niya nang walang pasabi. Suot parin nito ang dress shirt na asul nito mula sa dinner nila, ngayon nga lang ay nakarolyo na ang mga manggas niyon at nakabukas ang ilang butones sa dibdib nito. His hair was slightly ruffled and his eyes were tight unlike the calmness he was faking an hour ago.

Napaatras siya at nilawakan ang distansya sa pagitan nila. "Well, I don't either! What the hell are you doing here in my room?"

"I own this place," he said nonchalantly that made her jaw drop in irritation.

"Ah, so dahil pag-aari mo itong resort may karapatan ka nang mang-invade ng privacy ng mga guest mo?!"

"Fine!" he said. Naupo ito sa gilid ng kama niya. He looked up to her with that sad puppy look that he does so well. Noon pa man ay may boyish charm na si Reed. Para siyang salbaheng bata sa playground na kahit gusto mong sampigahin ay naroon ang pagnanasang alagaan ito. "I'm sorry, baby,"

The audacity!

"Don't call me that!" she snapped at him. Dumiretso siya sa closet at kinuha niya ang isang cardigan mula doon dahil sadyang nilalamig na siya. Nang isuot niya iyon ay niyakap pa niya ang sarili na tila ba kaya siya nitong protektahan mula sa presensya ni Reed. "Please, leave. Nasa kabilang kwarto lang si Jake. I don't want him to get ideas in his head."

Nagtawa nang nagtawa si Reed sa sinabi niya. "Funny because that's the same thing you said seven years ago."

Nagtagis ang bagang ni Julianna.

"Don't you think it's history repeating itself?" he got up from the bed and stalked towards her. "Ang kaibahan nga lang ngayon ay may asawa na si Jake. Unfortunately, it's not you."

Tinulak niya ito. "Get out of my room, Reed! Ayaw kitang makausap! Ni ayaw kitang makita!"

"Then why are you here?" pilit parin nitong tinawid ang distansya sa pagitan nila. Mabilis nitong nahagip ang braso niya bago pa man siya makaiwas dito.

"Hindi ko alam na ikaw ang sadya ni Jake dito!"

"What is your business with Jake?"

"It's called none of your business!" marahas niyang hinablot ang braso mula rito. Muli niyang niyakap ang sarili at hinimas ang nasaktang braso. "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo na magpakita pa? Pagkatapos mong tumakbo at magtago? Who had the fucking nerve--"

"Sino ba ang mas makapal ang mukha sa ating dalawa, Julianna?" his eyes were burning with contempt. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang lakas ng loob ni Reed para baliktarin siya. Ito pa ang may ganang magalit sa kanya? He ruined her life! "You dare you show your face after ditching my brother!"

"You dare call him your brother after you seduced me?!" itinulak niya itong palayo, papunta sa pinto ng kwarto niya. "Lumabas ka rito! Napakakapal ng pagmumukha mo!"

"I didn't seduce you, Julianna, you know that," nakangisi itong tumayo sa tapat ng pinto.

"Out!"

Pailing iling pa itong tumawa bago ito tuluyang tumalikod at lumabas.

Humihingal pa si Julianna nang ilapat niyang maigi ang pinto at pihitin ang seradura pasara. Isinandal niya ang noo sa pinto at pilit na kinalma ang sarili. She should've slapped him. She should've punched him. She should have hurt him in anyway possible because how dare him! She felt so weak that Julianna actually fell on the floor, clutching her stomach. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa pakiramdam niya ay inasinan ang mga mata niya. She could've had it all if it weren't for that fucking asshole! Hindi sana nawala ang lahat sa kanya!

Akala niya noon ay maayos na ang lahat. She thought she's already moved on. She thought she had everything shoved behind her and that whatever happened years ago was just an awful memory. She thought those memories will never be able to hurt her anymore. But, God, was she wrong! Hinding hindi niya makakalimutan ang sakit.

Kahit pa gustuhin niyang manatili sa sahig at hayaan ang nakaraan at ang kalungkutan na lamunin siya ay mas pinili ni Julianna na bumangon. She's not like the Julianna she was before, she reminded herself. She's stronger. Nawala man ang lahat sa kanya noon ay hindi siya papayag na hindi niya mabawi iyon ngayon.

Just like what Jake said, she's going to take back what was hers. And if she had to play dirty to get it, she will.

Nang lumabas siya sa veranda upang subukan na sumagap ng hangin ay napansin niyang naroon din si Jake sa terasa ng kwarto nito. They were both looking at the coast ahead of them, but were equally aware of each other's presence.

Siya ang unang bumasag ng katahimikan, "He's a fucking asshole--"

"Are you okay, Julianna?" he interrupted her. Hindi malabong narinig  nito ang komosyon sa pagitan nila ni Reed kanina.

May gumapang na kilabot sa braso niya papunta sa batok niya. She never thought she would hear that kind of concern from Jake ever again. She realized just how much she craved for it.

"I'm fine," she clipped. Hindi na nito kailangan pang malaman ang detalye ng naganap sa pagitan nila ni Reed. Hanggat maiiwasan niya ay hinding hindi lalabas ang sekreto niya. Pero gagamitin niya si Jake para magbayad si Reed sa kasalanan nito sa kanya.

"Tell me what I should do to help you, Jake."

Nakita lang niyang marahang tumango ang lalaki.

It was seven years too late, it's true. Pero hinding hindi siya nakalimot. Ipapaalam niya kay Reed kung anong pakiramdam na mawala ang lahat sa'yo.

Hell hath no fury like a woman who lost her child.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top