9 : The party
I didn't have any spare clothes for the party aside from my white button down uniform and skirt under my knitted cream cardigan. And dropping by at my apartment would be impossible. Dahil nang sinalubong ako ni Terrence palabas ng room mula sa last subject ko ay naabutan kong kasama niya si Michael at Dina.
"They're hopping in," he said after noticing where my eyes went.
He was wearing a black t-shirt over an unbuttoned red and black plaid shirt, both his jeans and sneakers were black too. I just realized then that I'd never known anyone who could wear black so well but him.
"Let's go?"
With a small smile, I nodded as he held me from my waist and we started walking towards his car. Napasulyap ako sa palad niya at bahagyang naasiwa.
Obviously, we need to do some talking to clear things out—specifically our set-up. And here I thought we could do that on the way. Pero paano kung narito ang mga kaibigan niya?
"Hey, Eunice," nakangising bati nang nakasandal at nakahalukipkip sa pinto ng backseat na si Dina, Michael's girlfriend.
"Hi." I gave her smile back, remembering how she only greeted me whenever I was with Terrence.
A fitted black tube dress hugged the curves of her body well under a dark denim jacket. It was paired with a fishnet on her legs and a black boots. And as usual, she had on her smoky makeup, making her slanted eyes bigger.
Dina was a snob, moody chick and I didn't really expect her to be genuinely nice to me. I started convincing myself that after countless times of her ignoring me whenever we saw each other on campus at random times. She didn't like me, I could feel it.
But yeah, no hard feelings. Iyong mga naging kaibigan ko nga'y kung hindi ako pinapansin ay nagawa pa akong traydurin. Para saan pa ang paghahangad ng expectation mula sa ibang taong hindi ko naman talaga naging kaibigan? That was why I'm just here, returning the same energy she was giving me. Fair enough.
Itinabingi niya ang ulo habang pinapasadahan ako ng tingin. Chuckling sarcastically under her breath, she said, "Are you kidding me? You're planning to wear your uniform at the party? What are you, a nerd?" Sabay ikot ng mata.
"You don't have a spare dress on your locker?" Agad natigilan si Terrence pagkatapos na pagkatapos iyong itanong sa akin. His jaw clenched when he realized he knew the answer to his own question. "We can drop by your apartment."
"Dude, we don't have time for that," ani Michael na kabababa pa lang ng passenger seat, abala sa pagtipa ng sariling phone. He had a plain white shirt on under his varsity jacket, paired with a light jeans and blue sneakers. "I'm sure Dina can do something about it."
Lumipad ang mga mata namin kay Dina na ngayo'y bagot nang tumatango. "Yeah, okay. I know. Whatever."
There I was, riding his car and suddenly hanging out with him and his friends again. The irony.
Hindi ako mapalagay buong byahe patungo sa party. I wanted so bad to talk to Terrence but I couldn't. Iniisip ko pa kung paano kami makakapag-usap mamaya sa party dahil paniguradong maingay do'n.
Halos magkakasudlong ang mga sasakyang nakita kong naka-park sa gilid ng kalsada pagkalabas namin ng sasakyan. Mula sa labas ay rinig na rinig ang malakas na dagundong ng upbeat music sa loob pati nang ilang sigawan ng mga naroon.
The house looked alive with all the lights opened. Napahagod pa ako ng tingin sa mga kalapit-bahay nang maisip na baka mareklamo ang may pasimuno ng party. Ngunit matapos kong pasadahan ng tingin ang paligid ay walang ibang sumalubong sa akin kundi kalsada at naglalawakang bakanteng lote na nasasalitan ng mga damo at pine trees. It looked really weird but then again, this is an exclusive new developed subdivision so it really might be deserted. Tanging ang malaking three storey house lang nina Michael ang nakatirik doon—probably their second or third house here at Willow Grove? Not sure.
This is fine, I guess. At least walang magrereklamong kapit-bahay dahil sa ingay?
"Has anyone ever told you, Mikey? You live in a fucking secluded house. You must be a serial killer!"
"That means I am a fucking liberated man! I can do whatever the hell I want in this house with all these empty land!" tanging sukli nito nang may tawa sa biro ni Terrence.
Sabay na nagtungo ang dalawa papasok, Dina and I trailing behind them.
"Bro!"
"Rency boy!"
Pagkapasok pa lang sa maindoor ay sinalubong at halos kuyugin na kami agad ng mga pamilyar na mukha ng ilang varsity. Maingay ang mga ito sa pagbati sa mga kaibigang bagong dating.
"This party is a bomb!"
"Mikey, my man! Where you been?!"
Matapos magbatian ng mga ito ay inabutan ang dalawa ng tig-isang red cup na may lamang beer.
"Bottoms up!" sigaw ni Cali, isa sa mga kabarkada nila.
Agad namang nakuha ng dalawa ang atensyon ng mga tao nang sumigaw ang mga ito, matapos tanggapin ng dalawa ang kani-kanilang baso.
The cheer from the crowd roared when the two started drinking it straight until they emptied their own cup. Hiyawan at tawanan ang namayani kasabay ng malakas na music sa buong bahay nang tuluyan na kaming nakapasok.
Mga pamilyar na mukha ng mga ka-college at ilang estudyante ng ibang colleges sa univ namin ang tumambad sa akin. Ang karamihan ay nagkakagulo lalo na sa pool side—na umuusok at paniguradong mainit upang panlaban sa likas na malamig na klima sa Willow Grove. Mayroon namang ibang grupo-grupo at nag-uusap habang hawak ang kani-kanilang red cup sa bawat sulok ng bahay.
The place was packed with familiar faces yet for some reason, I didn't find what I was looking for.
"Eunice! Hello?!" Iritableng mukha ni Dina ang bumulaga sa akin nang matigilan ako sa paglakad.
"Sorry, uh... ano 'yon?!" Nilakasan ko ang boses ko para lang marinig niya ako sa kabila ng malakas na music.
Umirap siya bago iritang nagbuga ng hangin. "Your clothes! Come with me!"
She started marching up the stairs and I followed her without a word, kahit pa bahagyang kumukunot ang noo ko sa asta niya.
Nang makapasok kami sa isang kwarto ay agad naging muffled ang tunog ng music mula sa labas. Sandali akong nagpasalamat sa katahimikan. But my gratitude was short-lived.
"Wear this."
Tinanggap ko ang inabot niya sa aking damit. Nang inilatag ko iyon sa harap ay tuluyang kumunot ang noo ko.
"I guess I'll stick to my uniform," tanging nasabi ko na lamang nang tumambad sa akin ang isang fitted ding mini tube dress na bukas ang parte ng tyan at lower back.
"After my effort of lending it to you?" sarkastiko niyang untag habang nakapamaywang at nakatunghay sa akin. Para bang napakalaking effort ang inilaan niya para iabot sa akin ang damit niyang iyon—because of the weight of the disappointment on her expression.
"This is just... not me, Dina. Thanks though," I tried to say as politely as I could.
Sandali siyang natahimik bago mabagal na humakbang palapit sa akin. Iniabot kong pabalik sa kaniya ang dress ngunit imbes na kunin ay tumitig siya nang mabuti sa akin at tinanong ito, "Nagkabalikan ba kayo ni Terrence?"
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya. "And how is that any of your concern?"
She scoffed. "Bitch."
Instead of showing touchiness, I smiled at her. "We didn't break up, Dina."
Namilog ang mga mata niya sa kalituhan ngunit kalaunan ay muli lamang nagbalik sa pagkasarkastiko. Out of the blue, she asked then, "Michael and Terrence have been friends since they were kids. Do you know that?"
"Of course."
"And both of them are walking red flags. But I'm dating Mike. Do you know why?"
Lito akong napaisip at kalaunan ay napailing. "No. Why?" Why is she asking me this?
A smirk grew across her face all of a sudden. Sabay hablot sa dress niyang hawak ko. "You've known Terrence for years and yet you're still dead from the neck up."
"What do you mean? Is there something I need to know?" Muling kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang mag-retouch mula sa malaking salaming nakadikit sa pader.
Why did she have her things at Mike's house? Oh. Of course. She's his girlfriend. What else?
"You're a good girl, Eunice, so you don't have to worry... unless you're really not." She looked at me through my image on the mirror.
Pababa ako ng hagdan nang muli na namang sumalubong sa akin ang maingay na music kasama ng ingay mula sa mga tao. May ilan doong ngumingiti at bumabati sa akin, ang iba nama'y lihim na umiirap. I was wondering then if Cedric was here but... I guess I shouldn't let my hopes up.
Nahubad ko na ang suot na cardigan at kasalukuyang tinutupi ang mahabang manggas ng suot na uniform. Aktong palabas na ako sa pool side nang may biglang humigit ng baywang ko pabalik. Agad akong natigilan sa ginagawa dahil sa gulat nang mahantong ako sa dibdib ni Terrence.
Sa kabila ng malakas na music ay rinig ko pa rin ang ilang singhap at bulungan sa malapit na siyang pilit kong isinawalang-bahala.
"Why are you still in your uniform?" aniya sa namamaos na tinig. I could smell alcohol on his breath given the small distance left between our faces.
Crouching a little to avoid his gaze, I tried to break free from his hold but he just pulled me closer to his chest as if he knows what I was trying to do.
Tahimik akong suminghap at nag-angat ng tingin sa kaniya. "I just... I'm more comfortable with my clothes."
Mas lalo siyang yumuko habang nakapaling nang kaunti ang ulo para matitigan ako nang mabuti, buong atensyon niya'y nasa akin na para bang kami lang ang naroon at walang ibang matang nakamasid. Ang palad niya'y pirmi sa likod ko at mukhang walang balak na bitiwan ako anumang oras.
I tried to breathe.
"Uh... nasaan ang mga kabarkada mo? Hindi ka ba nila hinahanap?"
Walang pasubali akong binundol ng kaba nang bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Buong akala ko'y hahalikan niya ako kaya't mariin akong napapikit. Ngunit imbes na halik ay naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko.
"Let's get you a drink."
Lumipad pabukas ang namimilog kong mga mata—inaakyatan ng init ang pisngi, tumango ako nang paulit-ulit pagkasulyap sa kaniya. I caught him stifling a smile as if he knew what I was thinking. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng hiya.
Why am I acting so flustered as if we hadn't done that before? Damn it.
Nag-umpisa siyang maglakad habang higit ako mula sa baywang. Huminto kami sa isang mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at inumin.
He finally let go of me to fill a new red cup with beer, clinking his with mine after handing it to me. Isinabit ko ang hawak na cardigan sa sandalan ng upuan matapos.
I wasn't really into alcohol. Natuto na lang din akong uminom dahil sa kaniya at sa mga kabarkada niya. I could control my intake though.
"Hi, Rence!" Maya't maya ang bati sa kaniya ng ilang grupo ng mga babae. Wala naman siyang isinusukli sa mga ito kundi seryosong sulyap.
I tried to stop my train of thoughts but I couldn't help but ask myself if he did it with all those girls. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o iba talaga ang tingin ng mga 'yon sa kaniya.
With a knot forming in my stomach, a sour taste seized my mouth—as if a bitter reminder of the real situation we're in.
Nothing was resolved, ano nga bang ikinatutuwa ko rito?
Habang sinusundan ng tingin ang ilang mga babaeng bumabati kay Terrence ay napangiwi ako sa malamig at mapait na hagod ng beer sa lalamunan. Sinundan ito ng paglukob ng init sa sikmura ko.
"Akala ko ba naghiwalay na sila?"
"No. Look at that, they got back together again."
"As usual."
"I can't decide if Eunice is stupid or crazy. Maybe both?"
"It's Terrence Gallevo we're talking about. Kahit ako siguro 'yon."
"Well. I think she's really delusional if she thinks he's serious about her."
"Your uniform looks sexier on you by the way." Halos mabilaukan ako sa muling pag-inom mula sa cup nang ibulong iyon sa akin ni Terrence.
I just realized then that his hand found its way on my waist again like he had no intention of ever letting me go for a long time. We stood in the middle of the crowd like it was just the two of us.
Muli na lamang akong napainom sa hawak na beer at hinayaan siyang gawin iyon. Aside from the satisfaction I got from the knitted brows and disappointed look on the hoes faces who was checking him out, I would be a hypocrite if I won't admit that I still love him and that I missed him in the last week that we haven't seen each other. But it didn't mean that we patch things up... because everything's still a mess.
Ilang beses siyang inayang maglaro ng mga kaibigan niya ngunit tanging tango at ngisi lang ang isinusukli niya sa mga ito. When I asked him why he didn't want to play with them, he would only give me a shrug while pulling me closer to him.
Pumatak ang ilang sandaling hindi ko namalayan ang pagiging abala sa panonood sa paglalaro ng mga ito. Buong sandali akong umiinom sa sariling cup—na siyang agad namang pinupunan ng laman ni Terrence sa tuwing napapansin niyang ubos na. Pasayaw-sayaw na rin ako sa music at panay na ang tawa.
On the other hand though, Terrence was just staring at me with a soft expression all the while. May ngiting nakapinta sa mga labi niya at kung minsan ay napapahalakhak. Para bang hindi siya tinatamaan ng alak dahil mukha pa rin siyang normal.
Sa 'di kalayuan ay tanaw ko ang pagchi-cheer kay Cali habang nagbo-bottoms-up ng isang punong red cup. The crowd roared with laughter and delight when he dived in the pool after finishing it. Pati ako'y napahiyaw at napapalakpak mula sa kinatatayuan.
Natawa ako nang dumungaw ang namumula nitong mukha mula sa pool. He was shouting and screaming with exhilaration together with the cheering crowd. Sobrang gulo ng mga naro'n at animong mga presong unang araw na nakawala sa selda. May isa pang naghubad na ng damit at nakitalon sa pool. Nagtilian ang mga nakakita lalo na ang mga babae dahil wala itong itinirang kahit anong saplot.
Napapangiwi akong napasapo ng noo at napaiwas ng tingin.
"Oh, my God! That dude's really drunk. He'll definitely regret what he's done tomorrow when he's sober." Narinig ko ang sariling hagikgik.
Terrence chuckled under his breath. "Or not because he won't remember a single fucking thing tonight."
Bahagya akong nahilo nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. I felt his arm tightened around my waist then. That was when I realized too that I lost count of how much I drank, my eyes felt kinda heavy.
I leaned my head on the space between his chest and shoulder, feeling him breathing. Mabilis na tumakbo sa isip ko ang nangyari nang nakaraang araw. Sa locker room. Hindi siya ang may pakana n'on. At kung hindi siya dumating, God knows, I was done for. I didn't know if I could live with myself if that guy succeeded on his plan.
"You alright? Dizzy?" dungaw niya sa akin.
Umiling lang ako at mahinang ngumiti nang magpalitan kaming dalawa ng tingin. With his familiar warmth close to mine, I could feel the fervent beating of my heart.
I wondered then how something could feel so right yet so wrong at the same time. How he could make me feel like I'm home when he held me yet broke and homeless when he let go.
And I know... we still need some time off. Maybe I'm just deluding myself right now because I know that it's still wasn't enough. Though something about him seemed to change, I still can't be sure if it was for good this time. I definitely still have my doubts.
Nilubayan niya ako ng tingin kalaunan para uminom sa sariling red cup. Umayos naman ako ng tayo para sabayan ang pag-inom niya.
Our relationship started out just fine. But later on, I caught him cheating with another girl, not once, not twice, but multiple times. Hindi ko na nga mabilang sa dami. And maybe I was at fault too because I let him do it over and over again. Masyado ko siyang mahal, o siguro tanga, para pagbigyan siya nang paulit-ulit.
Someone told me once that I let my love for a person ruin me. At tingin ko, naiintindihan ko na iyon ngayon. Tingin ko, nakikita ko na kung saan doon ang mali.
Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa akin at marahan itong tinapik. I gave him a smile before whispering this, "Comfort room lang ako."
"Samahan na kita," mabilis niyang tugon na mabilis ko ring tinanggihan.
"Saglit lang ako." Muli ko siyang nginitian nang magtagal ang seryoso niyang mga mata sa akin. "You should go play with your friends."
Slowly, he let go of me without breaking eye contact. Agad ko namang narinig ang muling pagtawag sa kaniya ng mga kaibigan niya.
I nodded as if to say 'go on'. Inilapag ko ang cup na hawak sa table bago tuluyang tumalikod sa kaniya at umalis. Nang nilakad ko ang maingay at puno ng taong hallway para hanapin ang C.R. ay mas naramdaman ko ang pagkakahilo.
Mula sa baba ay nahagip ng paningin ko ang pintuang nilabasan ng isang babae mula sa taas ng hagdan. Naiwan itong bahagyang nakaawang kaya't aninag ko ang loob. Dali-dali kong tinungo ang hagdan para akyatin iyon.
I was then standing in front of the half opened door when I thought I saw a silhouette of someone passing by on the faraway hallway of the second floor. Hawak ko na ang doorknob nang mapalingon ako sa tahimik, walang tao at may kadilimang hallway. Nasa baba ang halos lahat ng bisita at ni anino'y wala akong naaninag na sinuman doon.
I might be drunk. I need to sober up.
Ipinagbalewala ko na lamang ang guni-guni para tuluyang pumasok sa C.R.. I locked the door and did what need to be done. Naghilamos ako pagkatapos at humarap sa salaming naroon sa tapat ng lababo.
I looked at my pale reflection in the mirror, now tinted with a slight blush on my cheeks. The tip of the fallen waves on my forehead together with some hair close to my face got slightly wet. Hinawi ko iyon at inipit sa likod ng isa kong tainga.
Pagbibigyan ko ba ulit si Terrence kung talagang nagbago na siya? But how would I know if he really changed for good?
Sakop ang isip ko ng mga tanong na iyon nang matalim akong napasinghap dahil sa malalakas at magkakasunod na katok mula sa pinto. Matapos bayolenteng mapasulyap doon ay napabuga ako ng hangin at mabilis na kumuha ng tissue para punasan ang mukha. Tinungo ko ang pintuan matapos at pinadaan ang taong kumakatok doon. Dali-dali naman itong pumasok at nagsara ng pinto nang makalabas ako.
I was back in the second floor hallway and was busy wiping the water off my face when I caught sight of yet another silhouette, someone, standing in the middle of the quiet corridor.
Natigilan agad ako sa ginagawa. Mula sa ingay ng music at nagkakagulong mga tao sa baba ay sinubukan kong aninagin ang tao sa hallway. Ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil sa dilim. Tanging bulto lamang nito ang hagip ko nang magsimula itong humakbang palapit. Mabagal nang una. Hanggang sa dahan-dahan itong nasinagan ng liwanag mula sa ilaw na malapit sa kinatatayuan ko at nakita ko ang pamilyar nitong suot.
Itim na hoodie.
Isang singhap ang hindi ko napakawalan nang tuluyan kong maaninag ang nakangising mukha nito sa ilalim ng nakataklob na hoodie. Napaatras ako ng isa, dalawa, hanggang sa nauwi iyon sa pagtakbo nang biglang bumilis ang paghakbang palapit ng pamilyar na lalaki.
Parang may bombang biglang sumabog sa dibdib ko. Habol ang hininga, tinakbo ko ang mahabang hallway sa pinakamabilis na kaya ko. Maya't maya ang lingon ko sa lalaking ngayon ay humahabol na pasunod sa akin.
Diretso ang namimilog nitong mga matang nakatuon sa akin. Mabilis ang pagtakbo. Dispalinghado ang hindi natitinag na ngisi sa mukha.
I couldn't be mistaken. He was that same guy in the locker-room!
Bakit niya ako hinahabol?! What does he want?!
Narating ko ang dulo ng hallway. Wala nang ibang daan doon. Nanginginig ang mga kamay at hindi magkamayaw sa paghataw ang dibdib, sinubukan kong pihitin ang lahat ng pintong nakita ko. Ngunit walang ni isa roong bumukas. Lahat ay nakakandado.
Mas lalong bumilis nang bumilis ang dagundong ng puso ko sa bawat pagliit ng distansiya nito sa akin. Hinahapo ngunit hindi makahinga nang maayos. Hindi ko na alam kung tubig pa ba o pawis ang tumutulo mula sa noo ko.
I was growing desperate. Panic and terror was crawling in my skin. I took a few steps back and with a trembling voice, I tried to scream at the top of my lungs.
The last thing I know, I was cornered and his hands were tightly wrapped around my neck. With bared teeth and nose flaring, his bloodshot eyes were then a pair of raging fury as it bore lethally into mine. Contrary to the sickening grin resurfacing across his face.
"H-Help..." was the last word I managed to utter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top