8 : Are you okay?


Lalo akong hindi nakatulog dahil sa text na natanggap. Hindi ako mapakali kaiisip kung saan niya nakuha ang number ko at kung bakit niya ako t-in-ext. Seriously. I always got message threats from random girls so why is this a big deal? Dahil ba hindi ito threat? O dahil galing kay Cedric?

"You're in the process of falling in love with that guy."

Oh, Shant, shut up! No one's falling for anyone!

Pumasok ako kinabukasan para lang masaksihan ang pag-iyak ni Steph. I had no freaking idea what the fuss was all about. Isang araw lang naman akong nawala pero parang ang dami kong na-miss na pangyayari. Not that all of it was important enough to made sense though.

Nang nakapag-settle na ako sa sariling upuan ay sakto namang tumayo ang umiiyak na si Steph. Sandali siyang huminto sa tapat ng desk ko para lang tapunan ako ng masamang tingin. Sabog ang makeup niya nang mapasadahan ko ng tingin ang basa niyang mukha. Ang atensyon ng ilang kaklase namin sa room ay mabilis niyang nakuha.

"Are you happy now?" basag ang boses niya nang sinabi iyon ngunit rinig ang pagtatapang-tapangan doon.

"Excuse me?"

Matapos kong mapakurap ng ilang beses ay mabilis na niya akong tinalikuran para mag-walkout palabas ng room. Nasundan ko siya ng tingin dahil sa pagtataka.

What's with the drama?

Kibit-balikat ko na lamang siyang binalewala. Ako dapat ang nagagalit ngayon sa kaniya dahil sa ginawa niya noong isang araw. That bitch. Pasalamat siya at hindi ako palagawa ng mga senseless na kumosyon.

Aktong kukunin ko na sana ang handout sa bag nang natigilan ako dahil sa mga bulung-bulungang narinig.

"I heard pinapunta raw ni Terrence si Steph yesterday sa boys locker room. She's bragging about it kasi after class—telling everyone that Terrence is finally going to ask her out! Iyon naman pala Terrence only ask her to be an escort for the whole varsity team."

"Goodness! Talk about humiliating! Who does she think she is? She looks so desperate kaya."

"She's crying her eyes out since yesterday pa 'no. Duh! A lowlife filthy escort like her doesn't deserve to even dream about dating someone like Terrence."

I heard a small group of girls laughed.

"She's delusional!"

"I also heard pa na nag-e-escort din siya ng mga old professor dito sa campus because she desperately need the money. Disgusting!"

"Eww that's so gross!"

"I know right!"

I couldn't believe my ears.

Hindi ko na nakita si Steph sa buong araw. I was guessing she went home. Mukhang hindi niya kinaya ang mga bulungan at tingin ng mga tao sa kaniya sa college namin.

At least now she knows how it felt. Hindi ko nga lang sigurado kung ano ang mas mahirap. Iyong iwasan ka ng mga tao o itong patalikod ka nilang pag-usapan.

Sandali akong natigilan sa paglakad nang maabutan ang tahimik at walang taong hallway pagkalabas ko ng library. Bukas ang lahat ng ilaw do'n ngunit walang bakas ng kahit anong paggalaw. Past eight pm na nang masulyapan ko ang wristwatch.

Matapos ayusin ang suot na shoulder bag ay isang mabilis na pasada ang ginawa ko sa kabuuan ng pasilyo. Tanging tunog ng mga yapak ko ang umalingawngaw sa kahabaan niyon.

But right after I turned for the stairs was when I felt someone else's presence. Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong natigilan sa paghakbang pababa. Pigil ang hininga, pinakiramdaman ko ang pagbalot ng katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko ro'n pero hindi ko rin magawang igalaw muli ang mga binti para maglakad.

I gulped down the growing fear in my throat as flashes from the locker-room incident occupied my thoughts.

Kasabay ng ilang yabag palapit ang marahas kong singhap. Pabilis nang pabilis ang bawat yabag nito kasabay nang pagkalabog ng dibdib ko. Hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sariling naghahadali sa paglakad palabas ng building. Dire-diretso. Walang lingon. Hinahapo. At kinakalampag ng sobra-sobrang kaba ang dibdib.

I wasn't sure if I was just being paranoid—pero pakiramdam ko'y laging may nakamasid sa akin. Na may sumusunod sa bawat puntahan ko. Nanonood sa bawat kilos ko. I was starting to think it might've been only because of the locker-room incident. Maybe I was just really traumatized then.

"Are you okay?" Napasulyap ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko nang magtanong ito, ang boses niya'y kababakasan ng pag-aalala.

Bahagya pang hinahapo dahil sa bilis ng ginawang paglakad, sinagot ko ito ng isang marahang tango. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko matapos. Kapwa kami naro'n sa waiting shed katapat ng second gate ng university. Tanaw mula ro'n ang bilang na mga estudyanteng naglalabasan sa campus at ilang madalang na sasakyang nagdaraan sa kalsada.

"Are you sure?"

Kalmado na ang paghinga ko nang tuluyan ko itong nilingon sa tabi. Sporting a bob cut, I noticed that we were almost the same height and frame—only that she wasn't wearing the same uniform.

"Yeah, I'm okay..." I assured in a quiet voice as we held gaze.

Mula sa liwanag ng lamppost sa gilid ng shed ay kita ko ang pagbalatay ng isang malumanay na ngiti sa mukha niya. "That's good to hear."

Hindi alam ang sasabihin, kumurap ako at sinuklian na lamang din siya ng ngiti.

"Ah! That's my ride." With the same gentle smile across her face, she waved at me before heading for the taxi. "Bye!"

Pagkasakay niya ro'n ay nasundan ko na lamang iyon ng tingin. She looked a few years younger than me, maybe she was a high schooler?

Nang mga sumunod na araw ay sinubukan kong hindi na magpaabot ng gabi sa campus. And as much as possible, I always stayed in a place where I wasn't alone.

Lumipas ang isang linggong iyon nang wala akong nakitang Terrence. Nakakasalubong at nakikita ko kung minsan si Michael at ilan pa niyang kabarkada pwera sa kaniya—sa hallway, cafeteria o sa ibang building.

I didn't receive any calls and texts from him as well, as if he just vanished in thin air.

Honestly, it felt weird but I was thinking that maybe, I did knock some sense to him that night with our talk and he was finally giving me the time alone to think. That or... he finally truly hates me and decided to not see me anymore.

Hindi ko inasahan ang kirot na nadama dahil sa naisip. Part of me was glad for not seeing him with other girls but a bigger part of me was feeling down for not seeing him at all. I wonder where he was and how he was doing...

Finally, he gave me the cool-off I'd been asking... but seriously, why do I feel a little disappointed? Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko kung minsan.

"Hi, uh... Eunice?"

Dismissal nang bigla akong in-approach ng isa kong kaklase. Bahagya kong ikinagulat iyon.

"Can I help you with anything, Luke?" Sinikop ko ang mga gamit. Pinanood naman niya ako hanggang sa bitbitin ko ang dalang bag.

"Uhm... I was just wondering if you're—ano, nakita kasi kita last time sa library..." Mukha siyang kabado at hesitant. Ni hindi niya ako matignan nang diretso sa mga mata.

What's up with this guy? Nakakatakot ba akong kausap? O dahil na naman ito sa pagbabantang sinabi 'di umano ni Terrence?

"Okay? What about it?" Tinapunan ko siya nang nawi-weird-uhang tingin. Aninag ko ang paglabas ng ilang estudyante sa room na unti-unti nang nababakante, leaving the both of us alone.

Nang sandaling nagtama ang mga mata nami'y mabilis siyang nagbitiw at agad napayuko na animong napaso. Ngayo'y mukhang mas lalo siyang naging hesitant sa pakay. Hindi na ako sigurado kung takot ba siya o sadyang nasobrahan ang pagkamahiyain.

"Uh..."

After a few seconds of silence, the dead air between us went awkward kaya't nagpasya akong magsimula nang maglakad palabas ng room. Sumunod siya ngunit mukhang hindi talaga niya masabi ang kung ano mang sasabihin niya. Ako tuloy ang naf-frustrate dito.

"Do you need help with anything?" alanganin kong sinabi nang tuluyan kaming makarating sa hallway. Ang kaunting ingay nang maya't mayang pagdaan ng mga estudyante roo'y nagpahupa ng awkward na hangin sa pagitan namin.

Sinubukan kong ngumiti para maging kumportable siya. Hinanap ko ang mga mata niya't finally, nagawa rin niyang mag-angat ng tingin sa akin. He even managed to look straight into my eyes, kahit may kaunti pa ring bakas ng hesitation akong nakita sa kaniya.

"Eunice... I, uhmm... g-gusto ko lang sanang itanong kung... kung okay ka lang ba?"

Naglaho ang ngiti ko't naramdaman ang panunuyo ng lalamunan dahil sa tanong niya.

Tinatanong niya kung... okay lang ba ako. I remembered the girl on the shed who asked me the same thing.

May kung ano siyang kinukuha mula sa bulsa niya habang mabilis na sinasabing, "I don't completely understand your situation but if you're suffering from depression right now because of your relationship with Terrence, baka pwede—"

"What about me?" May biglang umakbay sa akin mula sa likuran.

May bahid ng gulat akong nag-angat ng tingin sa tabi para lang makita ang blangkong mukha ni Terrence. Parang kabayong sumipa ang puso ko nang tamad siyang ngumiti sa akin. Sabay binalingan ang naestatwa at namumutla nang si Luke. Sinulyapan ni Terrence ang hawak nitong papel o pamphlet na dapat ay iaabot sa akin.

"Are you talking about me, kid? And what's that on your hand?" May halong pagbabanta ang dominante niyang boses nang tumango sa direksyon ng hawak ni Luke.

"W-Wala, Terrence..." Natatarantang ibinalik nito sa bulsa iyon. "I-I was just a-asking her kung... kung—"

Binitiwan ako ni Terrence at agresibong humakbang palapit kay Luke. Muling natigilan ang huli at mas lalong namutla nang tumayo si Terrence sa mismong harapan niya. Sa tangkad nito'y animong naging bata si Luke nang itinabi sa kaniya.

"Ano sabi 'yan?"

"Rence."

Sinapo ko kaagad ang braso ni Terrence na dapat ay hahablot sa anumang hawak ni Luke. Hinila ko na rin siya agad palayo sa huli nang mukhang pupuwersahin niya ito.

"Let's just go."

Nasulyapan ko na lamang ang namumutla sa takot na mukha ni Luke nang tuluyan kong hinila paalis doon si Terrence. Mabuti na lang talaga at nagpatangay siya sa akin kahit naiiwan pa ang tingin niya sa taong iniwan namin. Iyon nga lang, hindi kami nakaligtas sa mga matang nakamasid sa paligid. Ang iba'y nagbubulungan na. At sigurado akong makakahakot kami roon ng audience kung hindi ko pa napigilan ang isang ito.

"What were you and that wuss talking about?" hila sa 'kin paharap ni Terrence mula sa braso niyang hawak ko nang makalabas kami ng building. Kalmado siya pero mukhang isang maling sagot ko lang ay bubuga na siya ng apoy. "And what's that he's trying to give you? 'Wag mong sabihing interesado pati ang isang 'yon sa 'yo?"

Obviously, Luke wasn't interested in me. He was just probably curious about something. Hindi ko nga lang alam kung anong interesante tungkol sa pagkakakita niya sa akin sa library pero... siya pa lang bukod kay Cedric ang naglakas loob na kausapin ako... at tanungin kung okay lang ba ako.

It might sound funny but I appreciate little things like that. Katulad ng isang inosenteng ngiting matatanggap mo sa isang masayang estrangherong nakasalubong mo lang sa daan... nakakagaan iyon sa pakiramdam, kahit paano.

"Magpaliwanag ka. Pakikinggan ko." Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Hindi naman sa kailangan pa ng eksplanasyon ang nangyari pero... he was seriously asking for my explanation? Until when did he listen to any of it?

Tumikhim siya nang nagtagal ang tingin ko. Pagkatapos ng ilang kurap ay bahagya siyang ngumuso at nag-iwas ng tingin. Humalukipkip na lamang siya roon habang tahimik at kalmadong hinihintay ang hinihinging eksplanasyon ko.

Nakapagtataka.

Tumikhim din ako at bahagyang napahawi ng buhok palayo sa mukha. "We don't have much to talk about because you interfere."

Napalingon siya sa akin, buong atensyon niya'y hawak ko na ngayon.

"You sound like you're blaming me." Tumaas ang isang kilay niya bago sarkastikong ngumisi. "Gaano ba kaimportante ang dapat pag-uusapan ninyo? Parang gusto mo yatang magalit ako," kalmado pa rin siya nang sinabi iyon.

There must be something wrong with him. I'm sure.

Habang pareho kaming nakatayo sa tapat ng building at magkaharap ay pinanliitan ko siya ng mga mata, tila inoobserbahan. It had only been a week since we last saw each other, right?

"What?" aniya, may munting ngisi ang lumiligid sa sulok ng mga labi. "Missed me?"

Bahagya akong natawa at napailing sa turan niya. Kung kausapin niya ako'y parang walang nangyari sa pagitan namin nang mga nakaraang araw.

And speaking of—"Do you really have to do it?"

Nagsalubong nang kaunti ang kilay niya. "Do what? Made him fuck off? Cee, you know I can do worse than that. You don't have to make a fuss out of nothing, alright? Kung ayaw mong tuluyan akong magalit." He smirked.

Muli akong umiling. "No. I meant the commotion last week at the boys' locker-room? With Steph?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Uh-huh. What's wrong with that?" Kumurap-kurap siya sa akin.

I couldn't believe there wasn't any guilt evident on his face. He looked sincerely innocent. Si Terrence nga ito.

"That's one way of showing generosity. I just happened to know people who can help her with her thing. Iyon nga lang, mukhang hindi niya na-appreciate." Umiling siya sa disappointment at kumalas sa pagkakahalukipkip para ibulsa ang mga kamay sa itim na pants. "Ungrateful wench."

Bumuntonghininga ako't napailing na lamang. "Whatever. Never mind that."

I wasn't a goody-two-shoes para sabihan si Terrence na 'wag nang ulitin iyon. At least ngayon alam na rin ni Steph kung saan dapat lumugar. I just hoped she learned her lesson now.

The trauma from sexual assault wasn't something that could easily set aside or forget. Hindi ko alam kung biro lang ba ang gano'ng bagay para sa kaniya kaya nakuha niyang iutos na gawin iyon sa akin—given she was also a girl. And for what it was worth, hating and getting back at me that way over a guy was straight out shallow on her part.

I couldn't remember competing with her about Terrence and though I wasn't one to talk—but I hope she knows her worth because I believe that she could do better than that. I already have my fair share of fights. Kaya't ayaw ko nang isali sa bilang n'on ang galit ni Steph hangga't maaari.

"You want a ride home?" biglang sabi ni Terrence. Kagat niya ang ibabang labi at mukhang kanina pa akong pinagmamasdan nang saktong binalingan ko siya. "If you have plans I—"

"No thanks. I still have class." I tried to smile. Sinulyapan ko ang suot na relo matapos. "Speaking of, I gotta go."

Tinalikuran ko siya ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapaglakad palayo ay maagap na niya akong naharang. Natigilan ako nang muling matunghayan ang malalim at malumanay niyang mga mata.

"I'll wait for you then," aniya, may bahid ng pag-iingat ang tono. He gave me a hopeful look, anticipating a positive response.

But, "That... won't be necessary," mabilis kong tanggi.

Damn those eyes. Muntik ko nang makalimutang cool-off kami.

"Why is that?" kurap niya sabay bahagyang paling ng ulo patagilid.

I bit my lip to stop myself from pointing out the obvious. Instead, I said, "Terrence, can you please go home if your classes are all done?"

Umiling siya at bahagyang ngumuso. "Nope. I'll go partying like an animal if you won't allow me to give you a lift."

"Dude, seriously?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata, hindi alam kung matatawa o maiinis. "I still have a class to attend to. Can you please..."

Hindi niya ako hinayaang dumaan nang nagtangka akong umalis, blocking every direction I tried to go with his tall figure. Naisip ko tuloy bigla na marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya kasama sa varsity team ng basketball. Hindi ko tuloy napigilan ang kumawalang tawa sa akin.

Mali-late na ako natatawa pa ako rito? Crazy. Maybe it was like what he said. I missed him.

Baliw ka, Eunice!

"You're gonna be late if you don't decide now," mapanuya niyang turan.

What happened to cool off? Akala ko ba hinayaan na niya ako? Or did he think that a week will do?

"Just a lift?" kumpirma ko, trying real hard to keep a straight face.

The corner of his lips curved for a triumphant grin. "You got me. There's a party later at Mike's."

Bahagya akong napangiwi. "I don't—I'm in no mood to party."

Humakbang siyang palapit hanggang sa halos wala nang matirang distansya sa pagitan namin. He had a serious yet calm expression when he stared directly into my eyes.

Para akong kakapusin ng hininga dahil sa lapit at paninitig niya sa akin. Sa dami ng mga salitang alam ko, nabablangko talaga ako 'pag siya na ang pinag-uusapan.

"You said it should be a give and take relationship, right? I gave you your time. And this is all I ask in return, Cee," aniya sa malumanay na tinig.

Nanuyo ang lalamunan ko habang tinatanggap ang marahang paggala ng mga mata niya sa bawat parte ng mukha ko. Hanggang sa huminto iyon at magtagal sa mga labi ko.

"I'll take that as a yes then," aniya, halos bulong.

Walang salita ang nangahas dumaan sa pagitan ng mga labi ko. Ang mga mata ko, pandama, lalo nang isip ay nakatuon lahat sa kaniya—sa kung paano niya hinaplos ang pisngi ko at sinabi ang sunod na mga salita habang nananatiling nakatitig sa mga labi ko.

"I missed you."

Hindi na yata ako humihinga.

Matapos hawiin ay dahan-dahan niyang inipit ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

A languid smile curved across his face as our eyes met again. "I'll pick you up after your class later."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top