7 : Cedric
Pansamantala kong nalimutan ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Terrence, pati nang nangyari sa locker-room dahil sa presensya ni Cedric.
Was it just me or this dude is somewhat strange? Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot mula sa kawalan... tapos ngayon malalaman kong dito rin pala siya nanunuluyan sa parehong building apartment, sa mismong room na katabi ng sa akin... for about a month?
I was close to thinking that he was a stalker even though he didn't really look the part because he seemed like a normal person. At dahil... sa kung anong dahilan ay gumaan na rin ang loob ko sa kaniya pagkatapos nang nangyari sa library. I know I still shouldn't trust him but my gut was telling me that it was the right thing to do.
Mula sa malalim na pag-iisip ay napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na pag-alingawngaw ng kung anong bagay na bumagsak sa labas. While holding my breath, I slowly tried to push aside the curtain on my window just to take a peak from outside.
Napalunok ako nang makita ang madilim na balcony, garahian at anino ng pababang hagdan mula sa labas ng bintana ko. Sinubukan kong lumapit pa roon para makita ang kabuuan niyon—mula sa nag-iisang posteng naroon sa tabi ng gate at tanging nagsisilbing liwanag.
Pagkalingon ay muli akong napatalon kasabay ng paghugot nang matalim na hininga. Muntik-muntikan na akong mapatili at mapaatras sa gulat dahil sa dali-daling pagtakbo paalis ng isang pusa—ang mga galit na ngiyaw nito na animong may kaaway ay naiiwan pa.
Sapo ang nagwawalang dibdib, ang kanina ko pang pinipigilang hininga ay dire-diretso kong napakawalan sa wakas.
Nagbalik sa akin ang premisyo ng madilim na locker-room kasama na ng mabibilis at maiingay na yabag. The fresh memories were glitching as it played back inside my mind.
Ang paraan ng pagpasada ng malagkit na tingin sa akin ng lalaki. Itim na hoodie. Ang halong dispalinghado at nakakakilabot niyang ngisi. Matangkad na pigura. Ang paghaplos ng magaspang niyang palad sa balat ko. Bahid ng dugo. Ang pag-angat niya ng tingin sa akin para humingi ng tawad. Nakikiusap at takot na sigaw. Pagdanak ng dugo mula sa sugat.
Mula sa mabibigat na paghinga at dagundong ng dibdib sa iba nang dahilan, hindi ko alintana ang pagyakap at pag-alu sa sarili sa ilalim ng suot na shirt at jacket. I know Terrence made sure that it won't happen again but I don't know how to forget it as if nothing happened. Pakiramdam ko'y hindi ko na kayang tumuntong muli sa locker-room. Lalo na kung mag-isa lang ako.
Maaga pa lang ay dinalaw na kaagad ako ng antok. Naging masyadong mahaba ang araw na ito. I think I needed a lot of rest to recover. And speaking of rest, tingin ko'y nasobrahan ako roon.
I woke up past nine the next day. And guess what? My class starts at eight. Holy crap! I was definitely late for school. Though I was thinking...
Why not skip school today?
I texted Shant. Nagkasundo kaming magkita after ng mga klase niya. She said her classes would be done at around three pm. Wala akong ibang ginawa bukod sa pagkain kundi panonood ng movies sa laptop habang nag-aantay ng oras. I just re-watched my favorites... mostly ay iyong mga kinatulugan lang ni Terrence noon nang pinanood namin nang magkasama. He wasn't much into romcom katulad ng karamihan sa mga lalaki. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ayoko sa mga action at thriller movies na gusto niya.
"Care to explain why you skip school today, young lady?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Shant bilang pambungad.
We met on a café near her campus at Crestfall, a town next to Willow Grove. At dahil ako naman ang nag-aya, ako na ang sumadya.
Bumuntonghininga ako habang pinapasadahan ng tingin ang bilang na mga customer sa loob, karamihan ay estudyante. The place was cozy with its minimalist design and serene ambiance. From its wooden furniture down to the cream and light color mixture. The calming background music was relaxing as well.
The busy street was quiet as I looked at it from outside the glass walls. I had no choice then but to tell her what happened. After all, tingin ko'y kailangan ko rin talaga ng matinong kausap ngayon. And so I did. I told her the tragedy of yesterday's events, walang labis at walang kulang.
"Sasabunutan ko 'yang impaktang Stephanie na 'yan!" Uminom siya saglit sa frappe niya para kalmahin ang sarili ngunit tingin ko'y walang naging bisa iyon. "Akala mo naman papatulan siya ni Terrence kung hindi naging kayo. Ilusyunadang bakla! High school pa 'yon, hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on? Oh my, gosh?"
"I just didn't expect she could go that far... given that we used to be friends..." Tulala akong napainom sa sariling frappe. "What a travesty..."
"Ano girl, mag-transfer na ba 'ko sa uni mo?" she joked.
Natawa naman ako. Pagkalapag sa table ng iniinom ay walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. "As if! Alam ko namang may tao kang hindi maiwan-iwan d'yan sa school mo. I wonder what happened to your undying love for Michael back in high school."
Pabiro akong umirap nang abot tainga siyang ngumiti.
"Sorry, girl. Mas importante ang love life ko kaysa sa 'yo. And who's Michael again?" She made a puppy eyes followed by a peace sign when I glared at her.
Michael Juarez was one of Terrence's friends since grade school, the closest to a best friend Terrence had. Hanggang ngayon ay magkasama pa rin ang dalawa sa varsity team ng basketball. Tulad ko'y Business Ad din ang kursong kinuha ng dalawa kaya't iisa lang ang college namin.
"You call yourself my friend? Huh?"
"Oh, someone needs a recap." Pagkainom sa inumin ay siya naman ang maarteng umirap bago nagtuon ng tingin sa akin. "Miss Laxamana, let me remind you what you have forgotten, okay? We were supposed to enter the same university, 'di ba? Pero ano, Terrence Gallevo happened and all of a sudden, you have a change of mind."
With both arms slightly suspended on the air, she made a shrugged as if proving a point. "Not my problem then if you're having a hard time—because you chose your boy over me first! Bakla ka."
"Whatever." Umismid ako sa kaniya, natatawa.
She was right. Attending a university at Willow Grove wasn't a part of my plan. Pero dahil sa pagkumbinsi ni Terrence, nagbago ang isip ko.
I wonder what could've happened if I'd decided to go on with my original plan of attending a uni the same as Shant here. Siguro hindi ko mahuhuling may mga babae si Terrence? Nah. We'd probably broke up before our first year anniv then.
Bumuntonghininga ako at sumandig nang nakahalukipkip sa lamesa. Nasa kawalan ang tingin ko nang dire-diretso ko itong sinabi, "Actually, bakit hindi na lang kaya ako ang mag-transfer ng school? That would probably solve everything. Knowing Terrence, he won't chase after me dahil hindi niya maiiwan ang varsity at lahat ng mayro'n siya ro'n. Tingin mo?"
"Say what?" Nabilaukan siya mula sa paghigop ng frappe kaya't nalingon ko. Sa namimilog na mga mata ay pinagtuonan niya ako nang buong pansin, halos mag-panic. "Are you out of your mind? Akala ko ba cool-off lang ang gusto mo? Girl, maghihiwalay kayo nang tuluyan ni Terrence 'pag nag-transfer ka. Walang biro!"
Sandali akong napatulala sa kaniya para lang isipin ang narinig. Ang mahina at kalmadong musika mula sa mga speaker ng café ay nangibabaw sa pandinig ko. Matapos mahagip ng paningin ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Shant ay naalala ko si Terrence—his smug smiling face while lazily staring at me. Pero wala siya ro'n. And his absence was probably the reason why I had the courage to utter the next words.
"What is there to hold onto when he can't fully commit? Nakakapagod kumapit mag-isa para isalba ang dalawang tao sa isang relasyong papalubog na."
With a sad expression, she nodded slowly as she leaned on her seat. "You're right. Pero... mahal mo pa rin 'di ba?"
"Oo, pero..." I'm worn out. At hindi na lang yata pahinga ang sagot doon.
My train of thought was obstructed by her sudden sharp intake of breath.
"Wait a sec... don't tell me—" Namilog ang mga mata niyang bigla't nasapo ang napaawang na mga labi. "Oh gosh, no way."
"What?" Kumunot ang noo ko nang bahagya siyang nag-lean forward sa table namin sabay bumulong, "You're seeing someone else?"
Mabilis agad ang pag-iling ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Ngunit hindi siya nagpatinag.
Mas lalo siyang sumandig sa table namin. "Is he hotter than the Terrence Gallevo you're crazy about?"
"Shant, what the heck?!" natatawa kong singhal, pinandidilatan siya.
"Did you hit your head or something?" Ch-in-eck niya pa ang ulo ko.
Tinapik ko lamang ang mga kamay niya palayo, bahagyang napapakunot-noo. "I'm not seeing anyone, alright."
Umiling siya nang maraming beses habang natatawa. She crossed her arms then looked straight at me as if she was about to educate me.
"You listen to me, Eunice, okay? It took you almost a freaking year to realize there's something wrong with your relationship with Terrence. I have no idea how you do it but if I was in your shoes, matagal na akong nakipag-break! Who cares if he's that hot kung fuckboy naman?
"But here you are, suggesting a lame cool-off. Oh, geez! At this point, I'm not sure if you're a martyr or a masochist. Tapos ngayon you're contemplating to transfer school? All of a sudden? Oh, God! There really must be someone special behind this miracle! Tama ako, 'di ba? Girl, sumagot ka, gusto ko 'yung totoo!" She laughed hysterically. May pang-aakusa pa akong tinuro mula sa tapat ng inuupuan niya.
Calmly, I gave her an innocent smile then casually said, "I don't think so, Shant. You're just being mistaken."
"Shut up and just tell me his name," she demanded.
"What name?"
"Don't play dumb on me, Eunice. Come on, spill it." She smiled and waited for my answer.
"Oh, please." Nasapo ko ang sariling noo, halos mapairap na kahit natatawa.
"Sasabihin mo o tatawagan ko si Terrence." She smirked again.
Bahagyang namilog ang mga mata ko. "What—"
"Dialing..." Minuwestra niya ang hawak na phone kalebel ng mukha.
"Alright! You win! Okay? Hang up already!" natatawa kong sabi.
Agad niyang ibinaba ang phone sa lamesa nang mas lumawak ang ngiti at magtuon ng buong pansin sa akin. Para siyang batang sabik sa kwento nang mag-antay sa sasabihin ko. "So?"
"His name's Cedric. Happy now?" suko ko.
"Hmn... that sounds familiar. I think I heard that name somewhere." Pumangalumbaba siya at sandaling nag-isip. "Cedric..."
"It's a common name."
"I mean, like someone I know." Sabay irap niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako.
"What's he like?"
Sandaling naagaw ng maingay na grupo ng apat na lalaking pumasok ang atensyon niya mula sa akin. May sukbit na itim na case ng guitara ang isa sa mga ito, pare-parehong nakatawa at mukhang okupado ng pag-aasaran.
Binalewala ko ang mga ito at napisil na lang ang mga daliri sa kandungan, inaalala ang mukha ni Cedric. "Well... he's sarcastic and blunt but in a funny way. Sometimes I feel like we're on the same page or something. Para kasing naiintindihan niya ako kahit anong sabihin ko. And he always says the right words at the right time... sounds weird?"
"So you're saying that you're comfortable around him?" Her eyes narrowed.
"I think so."
"You like him?" Mas lalong nanliit ang mga mata niya.
I shrugged. "Can't say."
He was alright. Siguro kung mas una ko siyang nakilala kaysa kay Terrence, posibleng magustuhan ko siya. But there were reasons why I met him after Terrence... kahit pa pakiramdam ko matagal ko na siyang kakilala.
Napatalon ako sa gulat nang biglang ibinagsak ni Shant ang cup ng frappe niya sa lamesa namin. Ang bilang na tao sa loob ng café ay napalingon pa sa amin.
Out of nowhere, she just concluded, "You're in the process of falling in love with that guy."
"W-What? No way!"
Hindi ako makapaniwalang inabot ako ng hating gabi kaiisip sa sinabi ni Shant kanina. How could I fall for Cedric? Silly girl. Just because he was always there for me didn't mean I would eventually fall for him. That was too cliché to happen. And okay, I'd known him for like, a couple of months but we really didn't know each other that much.
I was reading my notes on my bed for tomorrow's quiz when my phone beeped for a new message. Tamad ko iyong inabot mula sa bedside table at in-unlock.
Unknown number:
Make sure to save this number. I'll be texting you from now on. Good night.
Cedric
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top