6 : Hurt
Terrence drove me to my apartment. Buong byahe kaming tahimik sa loob ng kotse niya. I didn't think he wanted to talk about what happened... and so am I. Kung pwede lang ay tuluyan ko nang kalilimutan at buburahin sa isipan ko 'yon.
"I'll make sure this won't happen again. But if that fucktard tries to do anything funny with you, or even come near you, just call out to me..." Nilingon niya ang pananahimik ko mula sa passenger seat.
Bumagsak lamang ang mga mata ko sa mga daliri kong nasa kandungan. He lent me his varsity jacket because aside from the only thin spare shirt I get to wear, his jacket was warmer than my cardigan.
"Don't call out for anyone but me..."
"I shouldn't be bothering you, remember? Para saan pa ang cool-off kung—"
"You're still pulling that goddamn cool-off?" aniya, malinaw ang pagtitimpi ng galit sa tono.
Mabagal akong napabuga ng hangin. I guess nothing changed, huh?
Dinungaw ko ang tahimik, madilim at pababang kalsada sa tapat ng apartment ko mula sa bintana ng passenger seat. The lights from the city below silhouetted the swaying of the pine trees in the dark.
Mula sa pagtunghay doon ay mahinahon ngunit buo ang boses ko nang dire-diretso itong sinabi, "Can you see what the problem here is? Gusto mo ikaw parati ang nasusunod. What about my say? Ikaw lang ba dapat ang laging tama? Hindi ba ako pwedeng magdesisyon para sa atin for once?"
"Obviously not, Eunice! Kita mo kung anong gusto mong kahinatnan natin? You want us to fucking break up!" Tumaas nang bahagya ang boses niya.
Wala sa oras ko siyang nabalingan. My suppressed anger was triggered kaya't bahagya na ring tumaas ang boses ko. "For Pete's sake, Rence! I'm just asking for a goddamn cool-off! How many times do I have to tell you that it wasn't the same as breaking up?"
"Did you just curse?"
"I did! So what?" Pati ba iyon kokontrolin niya?
Nanatiling nakaawang ang mga labi niya dahil sa sigaw ko. Sinamantala ko ang pagkakabigla niya para magsalita ulit. "Pwede bang bitiwan mo muna ako kahit saglit? Sakal na sakal na 'ko sa 'yo... sa relasyong 'to. Ibigay mo naman sa 'kin kahit ito lang, Rence. Ito lang."
Magsasalita sana siya pero hindi niya naituloy dahil sa sinabi ko. Natulala siya sa mukha ko ng ilang sandali, mukhang hindi alam ang sasabihin dahil sa pagkabigla. The air went dead for a few seconds before I decided to call it a night and get out from his car.
"I'm going."
Naiawang ko na ang pintuan nang bigla niya akong pinigilan. Natigilan ako kaagad at palihim na napasulyap sa kamay niyang nasa braso ko. Magaan at halos walang lakas ang pagkakahawak niya roon, tila nanghihina.
His labored breathing echoed right before he said, "How can I make it up to you, then?"
Napapikit ako nang mariin dahil sa paninikip ng dibdib. Parang maging ako'y nanghihina—sa paraan niya ng paghawak at pagsambit ng mga salitang iyon.
"Rence, listen—"
Nang tuluyan ko siyang nilingo'y sinalubong niya ang mga labi ko. Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil sa mapanuyo niyang paghalik. It was as if he was in pain... for a very long time. At ako ang gamot para maghilom ang mga sugat niya. That every ounce of me was his precious cure.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi kong sapo ng isang palad.
"I miss you... so damn much that it's beginning to hurt. Can you please tell me what to do about it?" His deep-set eyes were bloodshot. Nakaawang ang mga labi niya pero parang hirap na hirap pa rin siyang huminga.
My chest tightened. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao dahil nakakaya kong gawin ang ganito sa kaniya.
Pero... "I've always been hurt by your cheating, Terrence..."
Kagat ang labi, napapikit siya nang mariin sa sinabi ko. For once, he looked seriously regretful.
"For how many times I caught you with other girls... flirting or making out or..." My voice was shaking when I trailed off.
Hinuli niya agad ang mga mata ko nang sandali akong mag-iwas ng tingin. "Eunice."
Hinawi ko paalis ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko at saka siya pinagtuunan ng buong pansin. "Ang pagsabing mahal mo ako at ako lang ang babalikan mo parati? That doesn't give me any assurance, Rence."
Dahan-dahan akong umiling. "I lost count of how many times you cheated on me... every promise you broke for saying it won't happen again... at ilang beses pa ba dapat bago natin ayusin? Bago mo makitang may mali? You think I let it slide because it's okay? No. Hindi kita iniwan at binalewala ko lahat ng kalokohan mo kasi mahal kita. Kasi iniisip ko na darating din 'yung araw na magiging enough ako para sa 'yo. Naiintindihan mo ba? That was me compromising my worth just for you. But I'm done settling for less. I'm done hurting for you!"
"You are enough, Eunice," mapanuyo niyang giit, igting ang panga at nagsasalubong ang makakapal na kilay.
"Then why do you keep using other girls if I am?"
Hindi siya nakasagot doon. Napasadahan na lamang niya ng mga daliri ang buhok at tumitig sa akin. Ang pagod sa mga mata niya'y katumbas ng nararamdaman ko.
"I don't know."
"You don't know?"
"I needed it! Mahirap ipaliwanag pero dumating ako sa puntong naging desperado ako at kinailangan ko 'yon... I never meant for it to go on like this but I can't stop. I told you it's just all lust and nothing else—dahil ikaw ang mahal ko."
"What's up with that?" I scoffed faintly.
"Eunice, come on. This isn't like you at all..." halos pakiusap niyang sabi, pula pa rin ang mga mata. "Hindi naman ito ang unang pagkakataon 'di ba? You used to be considerate about it... so what's with you now? Why can't you forgive me and just let it pass?"
Tumango lamang ako sa sarili bago pinahid ang tumulong luha sa pisngi. Ang sabi ko hindi ako iiyak. But he was right. This wasn't the first time. The more reason I should do this para ito na ang maging huli, hindi ba?
Inayos ko ang sarili at isinukbit na ang dalang bag. I guess there wasn't any progress at all. Perception of someone as stubborn as Terrence was hard to bend. Tingin ko kailangan ko pa nang mas mahabang panahon para tuluyan niyang maintindihan ito. At kung hindi... siguro panahon na para tuluyang tumigil.
Huminga ako nang malalim at naghintay ng ilang sandali para kumalma bago nagpaalam.
"Thanks for the ride. Papasok na 'ko."
"Cee, please..." Nanginig ang boses niya.
Mabilisan akong lumabas ng kotse niya. Walang lingon-lingon akong pumasok sa gate ng apartment building ko't dire-diretsong umakyat para sa unit ko. Nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Terrence ay saka ko lamang binagalan ang paglakad. Tumigil ako nang naro'n na 'ko sa balcony. Ang mga luhang kanina ko pang kinokontrol ay bumuhos nang tuloy-tuloy.
Pagkatapos kong makitang nasasaktan siya'y parang gusto ko na lang siyang balikan at patawarin... I'm being that same old Eunice again. Iyong okay lang na ma-compromise... iyong nagse-settle sa katiting na assurance... iyong konting lambing lang, magpapatawad na.
Damn it! Damn it all!
"You're with Terrence?" Malamig ang boses ng nagsalita.
Natigil ako sandali sa pag-iyak nang mapagtantong may tao. Ngunit nang nag-angat ako ng tingin dito'y laking gulat ko sa taong nadatnan. Silid ang magkabilang kamay sa suot na jeans, diretsong nakatuon ang buong atensyon nito sa akin.
"C-Cedric?"
"Umiiyak ka lang naman ng gan'yan dahil sa kaniya. Tell me... what did he do to you this time?" Mula sa liwanag ng may kalayuang lamp post sa baba ay naaninag ko ang pag-igting ng panga niya.
Umiling ako kahit nahihiwagaan sa presensya niya. Imbes na sagutin ang tanong niya'y ito ang sinabi ko, "You're at my apartment? How is that—"
"I'm renting the room next to yours for almost a month now. Had no idea?" Bahagya niyang itinabingi ang ulo habang seryosong tinititigan ang pagkakagulat ko.
"You look terrible... 'wag mong sabihin sa 'king gusto mo nang balikan si Terrence?" Sarkastikong umangat ang isang sulok ng labi niya. Na siyang agarang humupa nang manatili akong tahimik, tila kinumpirma ng hindi ko pag-imik ang sinabi niya. Bakas ang rahas ng galit sa tono niya nang sunod sabihing, "You're actually planning to, aren't you?"
My lips formed in a thin line as I met his intense gaze.
"Kung babalik ka lang din ngayon, sana hindi ka na nakipag-cool-off. Sana isinalba mo na lang ang lakas ng loob mo para sa ibang bagay. Dahil mawawalan ng saysay ang lahat ng ito, Eunice." Dumilim ang mukha niya matapos sabihin iyon.
Para namang naging bakal ang pasya ko dahil sa narinig. Tama siya. "Alam ko."
"Really? You looked as miserable as a lost kitten to me just now." May halong panunuya at dismaya niya akong tinapunan ng tingin.
"You think this is easy for me?" Hindi ko nakontrol ang panginginig ng boses ko.
"No. But standing for yourself and your rights is a tough decision... and you should be tougher than that if you want to change something. Don't be that same old Eunice who let others walk over her because of her love for them. Mahal mo o hindi, maling hayaan mo ang kahit na sinong saktan ka, Eunice."
Hindi ako nakapagsalita at naiwan na lamang doong tulala sa kaniya—sa presensya niya. Sa lahat ng sinabi at pinunto niya. At sa lahat ng mga bagay tungkol sa sarili kong hindi ko matatanto kung hindi dahil sa kaniya.
He languidly took a few steps towards me.
"Take a rest. Lalo na 'yang mata mo, ipahinga mo na sa pag-iyak. Kung nakakapagsalita lang 'yan panigurado kanina ka pa minumura." The side of his lips rose for a lazy smile as he gave my head a light tap.
Matapos kong pakiramdaman ang kaunting bigat ng palad niya sa tuktok ng ulo ko ay tumalikod na siya sa akin. Hindi pa ako makapaniwalang pumasok nga siya sa katabing kwarto ng unit ko.
He's living here? For real? Mag-isa na lang ba siya sa buhay? O tulad ko, may kalayuan din ang bahay niya kaya kinailangang mangupahan? And what did he say? A month? He'd already been here for a month? Bakit hindi ko alam?
Wala sa sarili kong nahawi ang buhok at nasapo ang ulo.
Oh, wait! I remember... noong hinatid niya ako rito nang Friday. Hindi ko siya nakitang umalis pero hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa kwartong katabi ng akin... so, he was there all along?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top