5 : Better not lie
*Trigger warning: violence, strong language & sexual violence
"Anong help?" Muli siyang humalakhak. "Ang galing mong umarte ah? Sinampal mo ako kanina pero sige... 'wag kang mag-alala, kahit ga'no ka pa kamahal, dadagdagan ko pa rin ang bayad sa 'yo mamaya."
Pwersahan niyang hinila ang button down uniform ko kaya't isa-isang napigtal ang mga natitirang nakasarang butones doon. Tuluyan iyong nahubad mula sa katawan ko.
Nanginginig, ang nanlalambot kong mga tuhod ay humandusay sa malamig na sahig. The fear growing in me was paralyzing.
I know how cruel Terrence could get but this one... I never thought he was capable of doing things like this...
Ganito na lang ba ang galit niya sa 'kin dahil sa cool-off? What more was he capable of doing if I actually break up with him?
"Pareho tayong mag-e-enjoy... promise 'yan. Kaya 'wag mo na 'kong masyadong pahirapan, okay?" Narinig ko ang mabagal niyang yabag palapit.
I shut my eyes tight and cried his name out loud. "CED!"
Someone please, "HELP ME!"
Napahikbi ako sa takot at kawalan ng pag-asa. Niyakap ko ang sarili, iniisip ang pinakaimposibleng bagay na maaaring mangyari: for someone to come and save me.
Because who would come to this place? At this hour? Siguradong nakauwi na ang halos lahat ng estudyante... including Cedric... and given the fact that most of the girls hate me and the guys didn't want to get involved... who would dare come save me?
No one.
Mas malapit na ang halakhak na narinig ko. "O, tapos ka na ba sa arte mo? Gusto mong ako naman ang magpasigaw sa 'yo?"
Para akong napaso sa magaspang niyang palad nang marahas niyong hinawi ang isang strap ng tanging naiwang suot kong undergarment. While screaming in repulse, dali-dali akong patalikod na gumapang palayo hanggang sa mahantong sa gilid ng locker. Nanginginig, mas lalo kong nayakap ang sarili.
"Don't touch me!" hikbi ko.
Mula sa may 'di kalayuang ilaw na nanggagaling sa dulong isle, naaninag ko ang mabagal niyang pagpasada ng tingin mula sa balikat ko pababa. Nanlamig ang mga kamay ko sa panibagong kabang muli na namang bumundol sa akin. Maging ang mga tuhod ko'y nag-umpisang manginig sa takot dahil sa lagkit ng mga tingin niya.
"Mukhang mahal ka nga..." Ngumisi siya pagkahawi sa hood nang suot na pullover. His eyes were almost gleaming wickedly in the darkness as it bore into every inch of my body.
Gusto kong sumigaw muli. Magwala. Tumakbo. Humingi ng saklolo. Ngunit wala akong nagawa ni isa sa mga iyon kundi ang magpalamon sa takot at kumapit sa imposible.
Muling lumapit sa akin ang lalaki at marahas na hinablot ang isa kong braso. Sa kabila nang panghihina ay pinilit kong manlaban. Sinubukan ko siyang sipain ngunit nasapo lamang niya ang binti ko. Nawawalan na ako ng lakas at pag-asa sa sitwasyon. Para bang wala na talagang magandang mangyayari sa akin. Kahit ang pag-iyak ay tila ba nakakapagod na rin.
"Please, no..." humihikbing pakiusap ko kahit alam kong hindi niya pakikinggan.
"Bakit ka umiiyak? Konti na lang talaga maniniwala na 'kong hindi ka lang umaarte..." Hinigit niya palapit sa mukha ang kamay ng braso kong hawak niya. Isang mahabang singhap ang ginawa niya roon habang nakatitig sa akin.
Nanginginig man ay nagawa ko pa ring ikuyom ang kamao kong iyon. Ang kilabot ay unti-unting gumapang sa akin at parang gusto ko na lang mawalan ng malay.
Sinubukan ko muling manlaban ngunit ipinirmi niya ang binti kong hawak pati nang braso ko. Tuluyang nanuyo ang lalamunan ko nang maaninag ang dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa akin. Kasabay n'on ang paghaplos pataas ng palad niyang nakahawak sa binti ko patungo sa hita ko. Napakislot ako sa pagtutol nang maramdaman kong nasa loob na iyon ng skirt ko.
Pumikit ako nang mariin at tahimik na humikbi, hindi alam kung anong nagawang mali para lang sapitin ang ganito.
Isang malakas na kalampag ng pintuan ang umalingawngaw sa madilim at tahimik na locker-room, dahilan nang sandaling pagkakahinto ng lalaki.
"Pucha namang istorbo pa."
Kumawala ang tili ko kasabay nang pagbagsak ng likod at pagtama ng ulo ko sa malamig na sahig, dahil sa pwersahang paghilang ginawa niya mula sa hita ko. Sandali akong napadaing sa dinulot niyong matalim na kirot. But then, I immediately tried to squirm out of his hold when he grabbed my other free arm. Pero tulad kanina ay wala rin iyong nagawa. Hanggang sa ipako niya ang magkabila kong braso sa sahig at mag-umpisang halikan ang leeg ko pababa, tila naubusan ng pasensiya.
I tried to scream.
Mabibilis at mabibigat na yabag ang umalingawngaw. Ilang segundo lamang ang lumipas nang tumigil iyon.
Humihikbi, hindi na ako makasigaw nang maaninag ko ang nakatayong bulto sa malapit.
Ced?
"Eunice?"
Hawak na ng isang kamay ang magkabila kong pulso, natigilan ang lalaki sa akmang pagtaas ng skirt ko para lang iritableng lingunin ang dumating. Sinundan iyon ng mga reklamo at mura niya.
Ang panandaliang katahimikan at pagkakatigil ay pinunan ng paghangos nang dumating, kasabay nang mahihinang hikbi ko.
Dahan-dahan itong humakbang. Agad namilong ang mga mata ko pagkaaninag sa mukha nito mula sa kaunting liwanag na nanggagaling sa dulo ng locker-room.
Binitiwan ako ng lalaki para pagtuunan ang dumating. Iritable siyang dumaing at pumalatak. "Lintek naman. Pare—"
"Tangina ka, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Furiously, with just a few long strides, he was suddenly standing in front of the guy, grabbing him from the collar as he forcefully pinned him on the side of the locker. Napaubo ito kaagad sa pagkakasakal dahil sa suot na nahigit.
"T-Teka lang, pare!"
"Gusto mong mamatay?!"
Napapikit na lamang ako nang inumpisahan niyang paulanan ng suntok ang lalaking nagtangka sa akin. Hindi lang isa iyon, marami, sunod-sunod at malalakas. I couldn't watch it so I kept my trembling eyes shut.
"Role play! Nagro-role play lang kami! Saka b-babayaran ko naman siya! Hindi naman sapilitan—"
"What did you fucking say—you fucking shitface?!"
Tahimik akong humikbi sa isang gilid habang yakap ang sarili. I want to get out of here... I want to go home... I want to be alone... I don't want to be here anymore... please... please...
"Kaya ko siyang b-bayaran kahit magkano—"
"Putang ina mong tarantado ka! Girlfriend ko 'yang binabastos mo gago! Anong pinagsasabi mong babayaran?!"
Muli kong narinig ang magkakasunod na pagtama ng kamao mula sa mga suntok. Kasabay niyon ang maingay na pagkalampag ng katawang bumabalya sa locker.
Sinapo ko ng palad ang mga hikbi, hindi na kaya pang manatili ro'n.
I heard heavy, ragged breathings from the sudden stillness. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin para humanap ng sagot.
Hinahapo, higit ng kuyom at nanginginig na kamao ni Terrence ang lalaki mula sa suot nitong hoodie.
"Ano? Babayaran? Ha? Oo, tangina magbabayad ka talaga at sisiguraduhin kong hindi pera ang kabayaran! Ano, subukan mong ulitin lahat ng sinabi mong tarantado ka!"
Sunod niyon ang pagkakarinig ko sa hapyaw na sigaw at nanginginig sa takot na boses ng lalaki.
"Sorry! H-Hindi ko a-alam! Sorry! Akala ko s-siya 'yung... siya 'yung s-sinasabi n-ni..."
"Sinong hayop yan?! Papatayin ko 'yan!"
Nilukob ako ng kalituhan. I... I thought it was Terrence's doing and this is all for show but turned out...
"S-Si S-Steph... S-Stephanie..."
Steph?
"That fucking hoe..." galit na anas ni Terrence.
Para akong tinakasan ng lakas. Mapait at walang bahid ng humor na lamang akong natawa sa sarili, halos pahikbi. She hates me this much?
"N-Nagkamali lang ako, s-sorry... h-hindi na mauulit. Hindi na talaga mauulit!" Napadaing sa magkahalong sakit at takot ang lalaki nang malakas na tinampal ni Terrence ang ulo niya. I saw blood stain all over his face and Terrence's fist.
"Lumuhod ka sa kaniya bago kita patayin," mariing banta ng huli rito.
The guy did what he's told without any hesitation. Trembling, he kneeled in front of me with his head bowed down on the floor.
I thought for a second that it was too much but... I also thought that if Terrence didn't come then I was done for.
"S-Sorry... sorry talaga. N-Nagkamali lang ako... sorry..." Mula sa pagdungo ay sumilip ito at nag-angat ng tingin sa akin.
I gasped sharply. Nayakap ko agad nang mahigpit ang sarili nang muli akong kilabutan sa mga tingin nito kahit mukha naman itong nagsisisi sa nagawa.
"Look what you fucking done!" Muling kinuwelyuhan ni Terrence ang lalaki sa galit. His jaw was clenching tightly. Umamba siya ng suntok kaya't mabilis akong nag-iwas ng tingin kasabay nang mahinang tili. I waited for the sound of it but it didn't come.
"Sorry! S-Sorry talaga!"
"Pagbilang ko ng tatlo dapat wala ka na rito. Kundi tangina, mapapatay talaga kita."
Pagkamulat ng mga mata ay naabutan ko na lamang ang ginawa niyang pagsipa sa binti ng lalaki bago ito hinayaang umalis. Paika-ika itong tumakbo habang napapadaing sa mga sugat na natamo. May ilang dugo pa ang aninag kong tumulo mula sa sahig na dinaanan nito.
Tumahimik kaagad ang buong locker-room nang naiwan kaming dalawa ni Terrence doon. Marahas pa rin ang paghinga niya nang binalingan ako. Ngunit ang galit niya'y unti-unti nang humuhupa ng ilang sandali kaming magpalitan ng tingin.
I wasn't sure how many times I'd seen him fight pero sigurado akong ngayon ko pa lamang siya nakitang nagalit nang ganito katindi. For a moment there, he looked like he could actually kill someone...
I shivered at the thought.
"Hey... are you hurt?"
Napaurong ako sa sinasandalang locker nang lumapit siya sa akin at nagtukod ng isang tuhod para lang tumalungko sa harap ko. Sandali siyang natigilan dahil sa nakitang reaksyon ko. The faint light a few meters from us made his features grim as he looked at me with a pained expression. Hindi ko siya kinayang tignan pabalik nang matagal.
Kalaunan ay nagbitiw din siya ng tingin bago tumayong muli para pulutin ang uniform kong nasa sahig, tatlong metro ang layo mula sa akin. Sa pangalawang pagkakataon ay marahan siyang lumapit at tumalungko sa harap ko.
"Do you have any spare clothes in your locker?" he said after scrutinizing the cloth.
Nanghihina at pilit pinipigil ang mga hikbi, hindi ko nakuhang sumagot. Dahan-dahan na lamang akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
Igting man ang panga ay malinaw sa ekspresyon niya ang pag-aalala at bahid ng takot. Nang magtama ang tingin namin ay parang piniga ang puso ko sa lumanay ng kaniya pagkapako niyon sa akin.
"Eunice, please... bumalik ka na sa 'kin. I don't want you to get more miserable than this. You know I'm the only one who can protect you."
Umiling ako agad at halos mapapikit nang mariin sa panibagong pagsikip ng dibdib. "Stop..."
I'm not some fragile girl in need of protection.
"Hindi mo ba makita? Ako lang ang para sa 'yo... there's no one out there who could do a better job than me—"
"Terrence, please." Nasapo ko ng mga palad ang mga pinipigilang hikbing tuluyang kumawala. "Please..."
Hindi ako makapaniwala na iyon pa rin ang iniisip niya sa kabila ng nangyari. Parang gusto kong maniwalang ginusto niyang mangyari ito, na ginusto niyang maging miserable ako para balikan ko na siya.
Where is the Terrence I love?
"Cee..." He sighed in defeat and tried to reach for my face but stopped midway. "Alright, I'm sorry... stop crying please."
Kasabay ng paninikip ng dibdib ang paulit-ulit kong pagpalis sa mga luha, ngunit tila ayaw niyong tumigil.
"Did that bastard hurt you? Did he touch you somewhere? Do you want me to go after him and kill him right now?" Hindi ko alam kung paano niya nasabi iyon nang marahan at puno ng lambing.
Umiling ako bilang tugon sa mga tanong niya. "I want to go home... please..."
Sandali pa muna siyang nagtuon nang buong atensyon sa akin bago muling nagsalita sa seryosong ekspresyon. "Do you know that guy?"
Marahan lamang akong umiling ulit. I had no idea who that guy was.
"Who's Ced, then?"
Natigilan at halos manigas ako mula sa akmang pagtayo dahil sa tanong niya, ang mga luha ko'y agarang umurong. Ang atensyon niya'y mas lalong natuon sa akin dahil sa nakitang reaksyon ko.
"You're calling out to him—kung tama ang pagkakarinig ko..." Igting ang panga, dumilim ang ekspresyon niya nang magtamang muli ang mga mata namin.
"I-I... I didn't. I don't know anyone with that n-name." Nagbitiw ako ng tingin sa kaniya bago tuluyang inangat ang sarili. Sapo ang isa kong braso, inalalayan niya akong tumayo dahil nanginginig pa rin ang mga binti ko.
"You better not lie to me, Eunice." Dinalaw ako ng kilabot sa tila may pagbabanta niyang baritono.
Pahakbang na sana ako patungo sa locker ko para kunin ang spare shirt, ngunit natigilan nang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Nang mas lalo siyang lumapit ay tila naestatwa ako sa kinatatayuan. The sudden leap of my heart threatened to choke me. I tried to gulp it down. Towering over me then, the line of my sight only reaching his chin because of his tall frame.
"I'm not... I'm not lying." Shit. Hindi ako sigurado kung kilala o kung natatandaan niya si Cedric pero sana ay hindi...
Isang singhap ang hindi ko napakawalan nang humaplos mula sa braso patungong balikat ko ang daliri niya, matapos ibalik ang nalaglag na strap nang natirang suot ko. Nagtagal ang palad niya sa balikat ko nang matigilan siya sandali pagkapuna niyon. Kalaunan ay binitiwan niya ako para ibalot sa akin pabalik ang button down.
His expression remained dark and serious, contrary to the burning mortification in my cheeks. Agad kong sinapo ang dugtungan ng uniform kung saan tanggal na ang ilang butones matapos niya iyong bitiwan.
"You better not." Mariin ang titig niya nang salubungin ang mga mata ko. "Come on, I'll take you home." Sabay dahan-dahang talikod.
"Rence."
Natigilan siya sa akmang paglakad paalis para lingunin ako. Noon ko lamang napansin ang suot niyang jersey matapos ko siyang pasadahan ng tingin.
"How did you know I was here?"
Hindi siya kaagad nagsalita. Tinitigan pa muna niya ako ng ilang sandali bago nagbuntonghininga't sinabing, "Why? Are you expecting someone else?"
Hindi ako sumagot.
Nag-iwas siya ng tingin pero nahuli ko pa rin ang pagbalatay ng galit sa mga mata niya. "With all that missing person shits, you shouldn't be alone anywhere this late. Paano kung hindi ako lumabas ng boys locker-room at hindi ko narinig ang sigaw mo? What if—fuck. Goddammit!"
Napatalon ako sa gulat nang umalingawngaw ang tunog ng pagsipa niya sa isang estante ng locker. Kasunod niyon ang muling pagbigat ng paghinga niya at ilan pang mga mura.
"I'm actually not planning to attend that stupid practice but I'm fucking glad I did! Kasi kung hindi... kung hindi..." Umigting nang paulit-ulit ang panga niya, ang pag-angat baba ng dibdib ay mabilis habang tinititigan ako. "Baka makapatay ako ng tao, Eunice... sa pinakabayolenteng paraan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top