4 : Help
"Sabi na nga ba... the crybaby's hiding here," aniya sabay lingon pabalik sa akin. Nakaupo na kaagad siya sa tabi ko nang hindi ko man lang namamalayan. Tamad na nakapatong ang isang braso sa nakatuping tuhod, ang isang binti nama'y nakaunat sa sahig.
"What... what are you... doing here? How did you—"
Ang namumuo kong panic ay naudlot nang matahimik ako matapos maramdaman ang dahan-dahang pagdantay ng ulo niya sa balikat ko. He was too close then that I could hear and feel his breathing... with his warmth.
Nanigas ako sa kinauupuan dahil sa biglang pagtalon ng puso. And I was so damn scared... na baka naririnig niya ang nakabibinging tambol ng puso ko. Para iyong sasabog... hindi ko maintindihan kung bakit.
"Akala ko ba sabay tayong magla-lunch? Nakalimutan mo? You promised me, remember?" namamaos ang boses niyang sabi, halos maging bulong sa hina.
Nag-umpisang bumigat ang bawat pagbuga ko ng hangin dahil sa magkahalong kaba at guilt. "I... I was just..."
"Why are you hiding here like you're afraid of something? Is it because of me?"
"No," agap ko.
"What is it that you're afraid of, then?" sa parehong halos pabulong na tinig niyang tanong.
Napalunok ako. Para akong lumulutang dahil sa timbang ng ulo niya sa balikat ko.
"S-Si... si Terrence..." Nanginig ang mga labi ko dahil sa muling pamumuo ng mga luha. I was trying to calm myself but to no avail.
Sumeryoso ang boses niya. "What about him? What did he do?"
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "I think hanging out isn't the best idea."
Nakagat ko na lamang ang labi dahil sa kirot na naramdaman sa dibdib... though I didn't know exactly what it was for. Nag-iwas ako kaagad ng tingin nang bigla siyang umayos ng upo para lang seryoso akong pagtuunan ng atensyon.
"Anong sabi mo?"
"I don't want to hang out with you so please get lost," I lied in a straight face despite the tears pooling at the corner of my eyes. Nanatili ang tingin ko sa kawalan dahil hindi ko magawang suklian ang mabibigat niyang tingin.
He laughed sarcastically but I sensed a faint hint of pain laced in it. "You think I'll buy that?"
"Haven't you heard about the rumors or you just don't give a damn?" Hindi ko nagawang kontrolin ang panginginig ng boses pagkasabi niyon.
Hindi siya sumagot kaya't napalingon ako sa kaniya nang wala sa oras. Seryoso ang mga mata niya nang pumako ang tingin namin sa isa't isa.
"You don't decide for me, Eunice."
Pilit kong ikinunot ang noo ko sa kabila ng panibagong luha. "You dunce! Gusto mo bang madamay?"
"What are you talking about? Tingin mo may pakialam ako ro'n?"
Mabilis kong pinalis ang luhang naglandas sa pisngi para lang titigan siya nang matapang.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Cedric? Why are you here having a strange interest towards us all of a sudden? What, are you testing how far I could go for him? Or are you just playing stupid games with me seeing how messed-up this is? Is this fun for you? Huh?"
"Eunice, I already told you why I'm doing this."
"Why can't you just stay away?" I covered my face with my hands when tears consecutively fell from my eyes.
When did I become such a crybaby? And when did I start to care this much about someone I barely know? Ano ba sa 'kin kung pag-initan siya ni Rence? Ano naman kung layuan niya ako dahil doon? Why was my heart breaking with just a mere thought of him avoiding me like the others? It felt so strange.
"You liar crybaby..."
Kinabig niya ang likod ko palapit sa kaniya, almost hugging me.
"Why go all the trouble for me?"
Hindi niya ako sinagot. Natapos na lang ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa noo ko. It felt so warm... and calming. The comfort I felt was incomparable with anyone... even with Rence. Cedric and I had known each other since the start of my sophomore year and that was only months ago but... right then, it felt like I'd known him all my life... and it was odd. Had it always been like this?
Pumasok ako ng afternoon class kahit gusto ko na lang sanang umuwi at mapag-isa sa apartment. Sinabi ni Cedric na pumasok ako dahil hindi naman daw connected ang personal kong buhay sa studies ko. May punto naman siya kaya sandali kong isinantabi ang mga iyon para maupo sa lecture. Pero paano ko nga naman ba ihihiwalay ang personal kong buhay sa pag-aaral kung may ganito:
"Eunice! Oh my, gosh... you're still here? I thought 'di na kita makikita! I heard that Terrence has a new girlfriend or something? Which means..." A mocking scoffed. "He finally got bored with you!" After making an awful sad face, she then laughed like a fiend.
Nagsipagbalingan sa amin ang ilang estudyante sa room, ang iba ay pasulyap-sulyap at mukhang nakikinig.
Oh. Someone wanted a shit show.
"Sorry, what exactly do you mean?" I tilted my head to the side and gave her my full attention. Wala akong pakialam kung mapansin nila ang bahagyang pamamaga ng mga mata ko dahil sa kaninang pag-iyak.
Tumaas ang isang kilay niya at humalukipkip habang nakatayo sa harap ng desk ko.
"Oh, look at you feigning ignorance! Girl!" She snapped her fingers in front of me. "Wake up! Terrence dumped you because you're vapid and boring. Akala mo siguro mahal ka na niya porket umabot kayo ng taon! Oh sorry, kahit nga pala kayo nakikipag-make out pa rin si Terrence sa iba. You're just the only one hanging around all this time! Oh my, gosh. I terribly feel bad for you actually... you go all that trouble just to end up like the pathetic girl that you always are." She end it with a smirk, akala mo nanalo sa kung ano.
Ang hindi natural na katahimikan ang nagkumpirmang nakuha na namin ang atensyon nang halos lahat ng naro'n sa room.
I stifled a laugh. My old friends always told me that my features were soft and almost angelic—and how they all thought I was also a saint. Well, for a starter, mabait naman akong tao. Pero para lang sa mga piling karapat-dapat na pakitaan n'on.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" nakangiti ako nang tinanong ko iyon kahit nangangati na ang kamay kong manampal.
"Stephanie! Duh!" She rolled her eyes. "We've been friends for like one pathetic week if you're too dumb to remem—"
"I'm sorry, we've been what?" I gave her a quizzical look, a laugh that I couldn't stifle escaped in between my lips.
Mas mataas na ang isang kilay, umirap siya sa akin ulit.
"Stephanie? Oh, right! I'm so sorry, dear, but what you just said doesn't make any sense. What do you call that—ah! An unsolicited comment? Right! Anyway, thank you for your concern about my well-being but I can take care of myself and my business.
"Ikaw? Baka gusto mong ituon at pag-aksayahan ng oras ang mga bagay na may kinalaman ka. I appreciate your interest towards my personal life but no one asked for it.
"At kung hindi mo rin lang naman maisasalaysay sa harap ko nang tama ang mga bagay na 'yon, then you should probably do a better job than relying to gossips just to get your facts right. Hindi ko pa naman gusto 'pag nagmumukhang tanga 'yung taong nasa harap ko—tulad na lang ngayon."
Hindi siya nakasagot.
"Hindi naman siguro mahirap intindihin? Unless you lack comprehension." I made a small shrug. "No worries though. I can explain it in your level if you want. So tell me if there's a need to because I'll gladly educate you about my life, dear."
I gave her my sweetest smile. Wala siyang nagawa kahit kitang-kita sa namumula niyang mukha ang nag-uumapaw na iritasyon—the second-hand embarrassment for her was clearly felt from where I sat. Sinundan iyon nang pag-ugong ng ilang bulungan sa paligid.
Mabilis ang paghinga at halos sugurin ako ng sakmal, ilang sandali niya akong tinapunan nang matalim na tingin bago sinabing, "You bitch. Pinagsawaan ka lang naman ni Terrence so don't act all high. Binasura ka na niya kaya lumugar ka."
Hindi pa rin siya tapos?
Prente akong sumandal sa sariling upuan. "Oh, okay. But you might want to consider applying that to yourself first because obviously, you need it more than anyone else. It won't hurt much, Steph, trust me," walang gana kong tugon para lang matapos na.
I tried countless times to understand what she was coming from, before. Kung may nagawa ba ako sa kaniya o ano—kaya lang ay wala akong ibang makapa at makita sa kaniya kundi inggit at insecurities. Sinubukan ko pero hindi ko talaga siya maintindihan. At ayaw ko na sanang patulan ang kababawan niya. Pero mas ayaw ko 'pag nakikita ang satisfaction niya o ng sinumang walang ambag sa buhay ko sa tuwing naaapakan nila ako. Over my dead body.
How I wished it was also this easy to argue with Rence and my feelings for him.
Nagdiretso ako sa library para gumawa ng problem sets sa isang major, pati nang ilang activities. Hindi ko namalayan ang oras nang medyo nagtagal ako ro'n. Kung hindi pa ako inabisuhan ng S.A. na magsasara na ang library ay hindi ko pa mapapansin.
Feeling a bit spent and sleepy, the coffee vending machine in front of the building that I passed by was tempting. Natagpuan ko na lamang ang sariling binabawi ang mga hakbang para bumili n'on. Madilim na at bilang na lang sa daliri ang mga estudyanteng naroon sa building nang sumandig ako sandali sa haligi ng corridor. I looked down at the paved pathway of the silent and dark campus premise being illuminated by lamp posts below.
Halos mayakap ko ang sarili ko nang sumayaw ang mga dahon at sanga ng pine trees sa pag-ihip nang malamig na hangin. I was about to sip on my cup when a sudden loud, booming sound made me jump in surprise. Isang lingon at natagpuan ko ang estudyanteng nagpupulot ng mga libro sa sahig, doon sa bakanteng hallway.
I slightly winced when I saw a stain on my uniform. Great, I spilled my coffee on it.
Mag-isa na lang ako sa girls locker-room ng mga bandang eight pm. Good thing I had a spare shirt here. Dadaan ako sa malapit na diner at ayaw ko namang umuwi nang may mantsa ang damit.
Hubad ko na ang cardigan at nag-uumpisa nang isunod ang uniform. Pero tatatlong butones pa lamang ang nabubuksan ko nang makarinig ako ng mga yabag sa 'di kalayuan. I was positive I was alone here when I walked in, dahil nadaanan ko ang lahat ng isle... wala rin akong narinig na pumasok mula sa pinto buong oras na nandito ako... then... who could be...
Nabuhay ang kaba ko nang muli kong marinig ang mga yabag sa mas malapit. Napalinga ako sa paligid para lang bigyan ng dahilan ang sarili kung saan nanggagaling iyon. Ngunit tanging madilim na parte ng locker-room ang sumalubong sa akin bukod sa tanging isle na may bukas na ilaw—kung saan ako nakatayo.
Pigil ang hininga at takot na makagawa nang kahit kaunting ingay, dahan-dahan kong isinara ang locker ko. Pupulutin ko na sana ang bag at cardigan sa upuang nasa gitna ng mga locker—ngunit natigilan ako dahil sa pigurang biglang bumulaga mula sa kabilang isle.
Isang lalaki. Matangkad. Suot ang itim na pullover hoodie.
Halos mabilaukan ako sa biglang pagtalon ng puso ko. Ang panibagong kaba ay mabilis at walang pasubali akong binundol.
"Aalis ka na? Natagalan ka ba sa paghihintay?" Hindi ko nagustuhan ang madilim niyang pagngisi habang nakatitig sa akin. Ang mukha niya ay bahagyang natatakpan ng hoodie gayunpama'y nasiguro ko pa ring hindi ko siya kilala. At hindi rin siya pamilyar sa akin.
"Guys aren't allowed here..." napapaatras kong sabi, hindi nagbibitiw nang gwardyadong tingin sa kaniya.
With a slight tilt of his head to the side, he said this in a chilling tone, "Tayong dalawa lang naman ang narito..."
I shivered.
Nang humakbang pa siya ng isa palapit ay animong kinalabit na gatilyo nang otomatikong gumalaw ang mga binti ko. Hindi ko na nabitbit ang bag ko sa takot nang dire-diretso akong tumakbo mula sa dulong isle na kinaroroonan, patungo sa pintuan palabas ng locker-room.
"Hoy! Hoy sa'n ka pupunta?!"
Umalingawngaw ang mabibigat niyang yabag kasunod ng sa akin matapos magbanda-banda nang malakas niyang boses. Sobrang bilis at lakas ng dagundong ng puso ko't para nang lalabas iyon mula sa ribcage ko habang tumatakbo.
Hanggang sa buong puso akong mapatili matapos nitong bigla-biglang bumulaga sa harap ko—mula sa madaraanan kong isle. Hindi ako nakapaghanda dahil hindi ko ito halos makita sa dilim kaya't bumundol ako rito. Hindi ito natinag sa kinatatayuan samantalang ako'y halos tumilapon nang dumausdos at mapahandusay sa sahig. Ininda ko kaagad ang braso kong tumama at gumasgas doon. Ngunit ang mga daing ko'y mabilis nilamon nang walang paglagyang takot.
Anong kailangan niya? Sino siya? Bakit siya narito? Is this what I think it is?
"Opps, not so fast," anito sa isang nakakakilabot na baritono.
Patayo pa lamang sana ako ngunit maagap niyang nahablot at nahigit ang kaliwang binti ko. Muli akong napatili. Ang nakabubulag na panic ay agad nakahanap ng lugar sa akin. I went hysterics.
"Bitiwan mo 'ko!" Pinaghahampas ko ang mga braso niya at nagpumiglas sa abot nang makakaya ko. Nang hindi siya matinag ay pinaliparan ko ng isang malakas na sampal.
Agad niya akong nabitiwan para lang saluhin ang panga niya sa halong gulat at disbelief.
"Anak ng!—walangyang babae ka! Babayaran naman kita, nagpapakipot ka pa! Magkano ka ba, ha?!"
What the hell was that again?
With a strained breathing, I could feel my heart beating so loudly through my ears. I was sure then that whoever this guy might be—he was here to mess with me.
Pawisan sa kabila ng panlalamig, nanginginig at naghahadali akong bumangon. 'Di tulad kanina'y tagumpay akong nakatayo ngunit natigilan dahil sa paghablot niya ng button down uniform ko mula sa likod. Umangat iyon dahil sa ilang pangunahing butones na nakabukas—halos mahubaran na ako.
Narinig ko ang malisyosong pagpito na sinundan ng halakhak niya mula sa likod ko. Dali-dali ko namang tinakpan ang sarili at pilit hinila pabalik ang suot, nanlalaban.
"HELP!" mangiyak-ngiyak kong sigaw. Umalingawngaw iyon sa kabuuan ng locker pero hindi ko sigurado kung may makaririnig pa ba sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top