39 : No one


"If you can't see then I'll tell you—you are fucking killing me right now, Eunice."

Lumunok ako at tila iniwanan ng mga salita.

"I just told you how I feel and you're right here professing how much you care for me—goddamn bullshit." Matapos kumawala nang halos walang buhay na tawa ay binasa niya ang labi. "Maybe this is fun for you but for me, it's not. So you better watch it before I completely lose my mind."

His arms slowly slipped away from propping on both my sides. Hindi nagbibitiw ng tingin, lumayo siya sa akin at tumalikod. Pinulot niya ang nabitiwang shirt at dire-diretsong lumabas ng C.R., leaving me dumbfounded. Para akong nasampal dahil sa mga sinabi niya.

Matagal bago ko nagagap ang sarili at sa wakas ay nakalabas do'n. Wala na si Terrence sa apat na sulok ng kwarto niya.

I found the five of us gathered on the veranda later that night.

"So what's the plan? Are we going back or not?" panimula ni Dina sa tabi ni Mike.

Terrence scoffed while sitting lazily on the latter's side. Natuon ang tingin ko sa kaniya. Ngunit nang magbaling siyang pabalik ng tingin sa akin ay agad nabuhay ang guilt ko. I had to look away from his intense gaze.

"No one's going back." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang malalim at matigas niyang boses. Ramdam ko ang mariin niyang tingin sa akin mula sa tapat ng inuupuan.

"But we need to at least be careful," ani Mike. "Especially you, Rence. You shouldn't be alone."

Terrence made a sarcastic scoff again. "I can manage, Mike. I'm not a fucking kid. Why are you all scared about a single coward fucktard?"

"I agree with Mike." Tuon ang mga mata ko sa kawalan nang magsalita. "You shouldn't be left alone for a long time."

"For good measure, dude," sang-ayon ng nasa tabi kong si Cali.

"So are you." Dina pointed a finger at me. "Didn't you say he threatened you too? That means you're a target as well."

Natahimik kaming lima sandali. Makalipas ang pagpatak ng ilang sandali ay binasag ni Terrence ang katahimikan.

"What a fucking farce," aniya.

"Or we could strategize a plan," suhestyon ni Cali.

"Anything in mind?" ani Mike.

"It's just one guy. Rence overpowered him at the locker-room so he might not be that big deal—unless he has accomplices which I doubt possible since Ainsley's gone." Sumulyap si Cali kay Terrence. "I'm thinking we should lure him out."

Tuluyan akong bumaling sa katabi. "How? And what are you planning to do once he showed himself?"

Nilingon niya akong pabalik. "We should give him easy access on his target. Then we sabotage him—get help from the authorities then. Easy."

"Yeah, you made it sound so freaking easy," sarkastikong kumento ni Dina.

"How many days left until we leave?" Ramdam ko ang muling pagbaling sa akin nang mariing tingin ni Terrence nang tinanong ko ito.

"Two days," si Dina ang sumagot. "Do you want to go back?"

Kumurap ako. Imbes na magsalita ay marahan lamang akong umiling. Sinalubong ako nang seryosong mga mata ni Terrence nang sinulyapan ko ang banda niya. He didn't say anything and just continued staring at me even when I tore my gaze away from him.

"Since his target is you two, then you should be together often while we lurk in the distance?" ani Cali.

Nang kapwa kami nanatiling tahimik ni Terrence ay dinugtungan niya ang sinabi.

"It's okay for the both of you to be... together... isn't it?"

"Oo naman." Terrence smirked, naghahamon ang ekspresyong nakapinta sa mukha nang magpalitan kami ng tingin. "Is that all? Are we done here?"

"I guess so," Mike said. "Think everyone could sleep soundly tonight?"

Umalingawngaw ang malayong tunog ng mga alon sa tabing dagat dahil sa namayaning katahimikan.

"We should probably lock all the doors and close all the windows," Cali suggested.

"Definitely," sang-ayon ni Dina, may kasamang ilang tango.

Terrence's humorous laugh resounded then. "Want to sleep with me, Eunice?"

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan. Agad ko siyang binalingan nang matalim na tingin. Ang tatlo nama'y natigilan at nagpasalit-salit sa aming dalawa ang may pagtatanong at nanunukat na tingin.

Sumeryoso siya nang pumako ang mga mata namin sa isa't isa. Sabay sarkastikong dugtong, "We should be together all the time to lure him out—who knows if that fucktard plans to break in tonight, right?"

He was still pissed and he was pushing my buttons to get back at me.

Inawang ko ang mga labi ngunit walang sinabi sa kabila ng iritasyon. I took in a breath and slowly puff it out instead.

Hindi ako papatol. Dahil baka mas lalong masira ang gabi para sa lahat—I'd already spoiled it enough.

Dahan-dahan ang ginawang pag-angat ng isang kamay ni Cali.

"What?" Pinagtaasan siya ng kilay ni Dina.

"How 'bout we all sleep in a single room? For another good measure?"

Tinapunan ni Terrence ang kaibigan ng walang ganang ekspresyon. Dina frowned while Mike looked like he was considering the idea.

"Are you suggesting we should have a pyjama party?" nakahalumbabang tanong ni Dina, may halong tunog ng kasarkastikuhan ang tono.

Cali chuckled. "It's whatever you want to call it. Ano?"

"Maybe we should invite the others then. The more people, the less trouble could spark," suhestyon ni Mike.

Cali snapped his fingers then pointed at the latter. "You are a genius, Mikey." Hindi pa man sumasagot ang lahat ay hinugot na agad niya ang phone at nagsimulang magtipa.

"Sounds alright." Dina looked at me. "What do you think?"

"Yeah." I nodded curtly. It wasn't a bad idea. But that means we were having some other people over for the night... that was kinda uncomfortable given the situation. Hindi ko maiwasang isipin na baka pati sila ay madamay.

"I thought we'll gonna lure him out?" bagot na tanong ni Terrence.

"In the daylight. Not in the middle of the night when we're defenceless," ani Cali, smirking about something on the screen of his phone.

"You just want to fuck around and have your fun," sarkastikong tugon ni Terrence sa kaibigan.

Imbes na sumagot ay mas lalo lamang ngumisi si Cali at nagpatuloy sa pagtipa. Hanggang sa muling lumipad patungo sa akin ang atensyon ni Terrence.

"Why don't we lure him out now nang matapos na agad?" aniyang bigla, tila naghahamon.

What the hell is wrong with him? Why is he holding this against me when all I wanted was his safety? We broke up, so what? Mali bang mag-alala ako para sa kaniya? Dahil mahal pa niya ako at masakit para sa kaniya ang ginagawa ko? I don't freaking get it!

Ang pagtitimping kanina ko pang inaalagaan ay nalusaw nang ganoon lang kadali.

"Why are you so hell-bent about meeting that guy?" sarkastikong tugon ko.

"Like I said, para matapos na. Bakit kailangan pang mang-istorbo ng ibang tao? Anong plano n'yo? Mag-imbita ng kung sino-sinu rito? Para ano? Party? That's bullshit."

At kailan pa siya naging concern sa pang-aabala ng ibang tao?

"Why don't we go down the seaside and wait for him to show up then? Mas madali para hindi na natin kailanganin pang mangapa at magplano ng ganito."

He let out a mocking laugh and accepted my challenge. "That's a fucking great idea. Just what I wanted to hear."

"Guys. Okay. Relax. Chill. The bad guy's not here, alright?" Cali tried to laugh but it came out uneasily. "No one's going to the seasi—"

"Let's go." Tumayo si Terrence, hindi nagbibitiw ng mariing titig sa akin.

Iritable at ayaw magpatalo, tumayo rin ako.

"Eunice!" Dina threw the both of us an unbelieving look. "What the hell?"

"Calm down, you two. This is not the time to be careless," Mike chimed in.

"No. This needs to end here. Right now," igting ang pangang ani Terrence sabay dire-diretsong lakad paalis, binalewala ang daing ng mga kaibigan niya.

"Seriously?" anas ni Cali.

"It's fine. I'll scream if something happened," I assured before taking my leave to go after Terrence.

"Bitch lose all her common sense."

Mabilis ang lakad ni Terrence patungo sa pampang. Nilinga ko naman ang paligid habang sumusunod sa kaniya. Wala nang tao ro'n at tahimik na naman ang tabing dagat bukod sa tunog ng mga alon. Aninag ko ang ilang poste ng ilaw na nakabukas mula sa kalapit na resort. Ang ilang liwanag mula ro'n ay hindi halos umaabot para bigyang linaw ang bawat hampas ng alon.

Terrence stopped a few feet from where the waves were crashing. I stood metres away from behind him, hugging myself under my off shoulder sweater. Aninag ko ang pagsuksok niya ng magkabilang kamay sa bulsa ng suot na board shorts habang nakatalikod sa akin.

Hindi ako nagsalita at inabala na lamang ang sarili sa pagtanaw sa madilim at malawak na dagat. Pinakikiramdaman ang pagdampi ng hangin sa balat kasabay nang pagtangay niyon ng ilang hibla ng buhok ko. It made me forget the crossness I felt from our brief row just a while ago.

"Where did you last saw him?" mahinahon ang boses niya nang tinanong ito, mukhang tulad ko'y kalmado na rin siya.

My voice was flat when I answered, "At the party, outside the rest room."

"What did he look like?"

"His face was... it's almost deformed..."

"Clothes?"

"He's wearing a black hoodie... like the one he wore that day on the locker-room..."

Matagal siyang hindi nagsalita matapos. Muling binalot ang katahimikan ng mga hampas ng alon. I let my eyes roam around the darkness of the seaside when all of a sudden, I caught sight of something... rather, someone...

Agad nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan kasabay nang paninigas ko habang pinagmamasdan ang pigura. Mula sa 'di kalayuang ilaw sa mga poste ay aninag ko ang paggalaw nito. Mabagal ang ginagawa nitong paghakbang na tila ba maraming hawak na oras.

Nang dahan-dahan itong nag-angat ng tingin ay matalim akong napasinghap, namimilog ang mga mata. Matapos kumurba ng isang sulok ng mga labi ay bahagya itong yumuko. Dahan-dahang bumilis ang lakad hanggang sa biglang tumakbo patungo sa direksyon namin.

Parang sasabog ang dibdib ko sa biglang sipa ng halong kaba at takot.

"Terrence! He's here! Let's go back!" Puno ng taranta, hinigit ko ang braso niya.

"What?"

Nanginginig ang daliri kong itinuro ang kabilang banda ng pampang kung nasaan ito.

"Let's go!" Muli ko siyang hinigit.

"Isn't that why we're here for?" Binawi niya ang braso mula sa hawak ko at mabilis binalingan ang direksyong tinuro ko.

"Rence!"

Natigilan siya sa akmang paghakbang dito na ngayo'y ilang metro na lang ang layo sa amin. Tarantang-taranta ako at hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Terrence!" halos pakiusap kong tawag. "Umalis na tayo, sasaktan ka niya! Please, let's just go!"

Sinubukan ko siyang hilahin nang paulit-ulit mula sa braso ngunit hindi siya nagpatinag at nanatili pa rin sa kinatatayuan.

Isang lingon at napasigaw ako nang umamba ng pag-atake ang lalaki. Labis ang takot, nasapo ko ng magkabilang palad ang ulo. Nang matisod dahil sa biglang pag-atras ay natalisod ako at nahantong sa buhanginan. Mabilis ang paghinga. Dumadagundong ang dibdib. Sumisiklo ang isip. Nanginginig sa bumalot at tila nanlalamong lamig sa sikmura.

"Bulaga!"

Kasabay ng tili ko ang marahas na singhap dahil sa boses at palad na humablot sa balikat ko. Pagkaangat ng tingin ay agad nagliwaliw ang tingin ko sa paligid para humanap ng sagot.

"Eunice." Nanuhod si Terrence si gilid ko.

Mabilis at mabigat ang paghinga, bayolente kong nilingon ang bawat banda na animong may biglang susulpot doon para atakihin ako. "W-Where did he go?"

"Cee, look at me."

"Nasaan siya?! Did he... did he go to the villa?! We need to... we need to warn them!"

"Where am I? Here! I'm here!"

"Eunice." Aktong patayo pa lang ako nang sinapo niya ang magkabila kong braso at pinanatili ako sa kinauupuan.

"Pst! Here! Look here!"

Panay ang marahas kong paglingon sa paligid para hanapin ang pinanggagalingan ng boses nito.

"They're in danger!"

"I'm coming!"

Sinubukan kong hawiin ang mga braso niya ngunit mas humigpit ang hawak niya sa akin at muli akong ipinirmi. Hinuli niya ang mga mata kong hindi mapakali sa kakalingon.

"No, no—it's okay. No one's in danger."

"Wha-what do you mean?" Nanginginig ang boses ko nang marinig ko iyon nang malinaw. Noon ko lang din natantong kanina pang basa ang pisngi ko ng mga luha. "What do you mean it's okay?! I saw him rushing towards us! Where did he go?! H-He was there a second ago! He was... I could hear his... his voice..."

Igting ang panga, itinuon niya sa akin ang malumanay niyang mga mata. And right at that moment, I knew I wouldn't want to hear the next words he was about to say.

I shook my head fervently as new tears started to sting on the corner of my eyes.

"Have you been skipping your meds?"

Habang nag-aayos ako ng gamit ay dinampot ko ang bag at halos baligtarin na iyon nang hindi makita ang hinahanap.

"Shit," I mumbled to myself.

Did I drop it? Where? Rest stop? Convenience store?

Muli akong umiling nang paulit-ulit, ramdam ang mainit na pagtulo ng mga luha sa nanlalamig na pisngi.

"Crazy!"

A cackle.

"You are fucking crazy!"

Dahan-dahan siyang nagbuga ng hangin bago ito maingat na sinabi, "His name's Jordan Mitchel. Twenty four. Second son of a well-known conglomerate at Willow Grove. He was notorious for having countless criminal records from sexual assault."

"Bulaga!"

Napakislot ako sa ilang mga bulong na sinusundan nang mahihinang halakhak malapit sa tainga. Ang ilang butil ng buhangin sa paligid ay nagsimulang umangat sa ere hanggang sa may mamuong pigura roon.

"Look at this crazy fuck!"

Tulala at tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha, pinanood ko kung paanong tumindig ang lalaking gawa sa buhangin ilang metro ang layo mula sa amin.

"Steph didn't refer you to him. I did."

Words failed to reach my trembling lips.

"It's payback time!"

Mala-demonyo itong tumawa nang umakma ng pagsugod. Ngunit 'sing bilis ng pagtalon ko sa gulat ang siyang pag-uho ng pigurang muling naging buhangin.

"I paid him to scare you... para bumalik ka sa akin. But I took care of him like what I said. That's how I know that he won't set a single foot on Willow Grove again—more or less, show his face there until I told him so. You're safe here with me, Eunice."

"Guess where I am now?"

"Y-You... you what... you did what?"

"Of course it's him. It's always been him!"

"His face wasn't fucked up."

"Because you're the fucked up one! Hah!"

"What..."

"And he's not here."

"I'm here! I'm inside your cuckoo head!"

"How..."

"You're just hallucinating, Eunice."

Umalingawngaw ang magkakahalong halakhak at hagikgik sa pandinig ko. Mayroong malalayo at malalapit ngunit may nag-iisang nangingibabaw. Wala akong makitang tao sa paligid ngunit pakiramdam ko'y kay raming matang nakatuon sa akin. Pinagtatawanan ako. Tinatawag akong baliw. Tinuturo ako. Hinuhusgahan ng mga tingin at bulong.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagtipong muli ng ilang butil ng buhangin, ngayo'y sa mismong harap ko na. Sa isang mabilis na iglap ay namuo mula rito ang dispalinghadong mukha ng lalaki. Isang malaking hiwa ang ngisi sa mukha.

"It's my payback, crazy fuck!"

Tila nahahapo, wala sa sarili ko muling nasapo ng magkabilang palad ang ulo. Kumikirot ang barang nasa lalamunan ko at parang gusto kong humikbi ngunit hindi ko magawa. Sa dami ng emosyong umatake sa akin ay hindi ko na alam kung alin doon ang dapat kong pagtuonan.

"Eunice..."

He paid the hoodie guy... to scare me back at the locker-room... and at the party... all along, he knew him... but now... now he wasn't real... he became one of my hallucinations... how did any of that make sense?

"Cee, it's okay..." He tried stroking my arms but instead of calming down, all I could feel was disgust together with my growing rage.

"It's okay? Hah! What the fuck is okay?"

Marahas ang ginawa kong paghawi sa braso niya kaakibat ng patuloy pa rin niyang pagpapakalma sa akin. Ang paninikip ng dibdib ko'y nag-aalinsunod sa paggapang sa akin nang matinding galit.

Why would he do that?

I screamed at the top of my lungs while sobbing at the same time. Pinaghahampas ko siya para lang bitiwan na niya ako.

"Cee, look at me please."

Ayaw ko nito. Ayaw ko nang magtanim ng galit. Napatawad ko na siya. Bakit kailangan pa niyang sabihin sa 'kin 'to ngayon?! Sana hindi na lang. Sana hindi ko na lang nalaman.

"Mukhang mahal ka nga."

"'Wag mo 'kong hawakan!" I could the heat from my neck up to my face from screaming and crying so hard. "Lumayo ka sa 'kin, nasusuka ako sa 'yo!"

"Please don't be like this, Eunice... ginawa ko lang 'yon kasi mahal kita. I'm sorry..."

I don't fucking know him anymore. Or maybe he didn't really let me know who he truly is.

Muli kong hinawi ang mga braso niyang pilit akong inaabot. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan niya ako. Ginagap ko ang lakas upang makatayo at dali-daling tinahak ang daan paalis, pabalik ng villa.

"Tayong dalawa lang naman ang narito..."

"Eunice! Please, I'm sorry! I didn't mean to hurt you!"

My tracks was momentarily halt to a stop when he held me in his arms from my back. Agad akong nagpumiglas at pilit winaglit ang mga braso niya ngunit mas lalo lang humigpit iyon.

"Let go! Don't fucking touch me!" I sobbed.

Nagbagong bigla ang timbre ng boses niya. "I'm done confessing... it's your turn now."

"What the hell are you talking about?! Bitiwan mo 'ko!"

"You and Cedric have been seeing each other for a long time now... way past before you wanting a cool-off with me... 'di ba?" His voice was low and levelled like he was stating a fact and not a hunch.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo!"

"Cheater."

Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. Halos hindi na ako makahinga. "You've been cheating on me with that guy and made it look like some fucking fate put you here together."

"Nababaliw ka na, Terrence!" Nagpumiglas ako hanggang sa wakas ay bumitiw siya. Agad akong dumistansya bago siya hinarap, nanggagalaiti ko siyang tinuro. "I'm not a cheater like you!"

"Bullshit."

Kapwa mabibigat ang paghinga namin sa nagrereplikang galit sa mga mata nang magpalitan ng tingin.

"Talaga, Eunice? You went at Crestfall once, right? Para makipagkita kay Shant? Sinong ginago mo?"

I shook my head. What is he getting at?

"Sa Varitas. You broke up with me for kissing other girl. Guess what, Cedric and his friends are conveniently fucking there! Kaya pilit mong gustong magpunta ro'n, 'di ba? Hitting two birds with one fucking stone!" He slowly slapped his palms together, clapping mockingly without breaking eye contact. "Well played, Eunice."

"Nice show!"

Umiling ako ulit. Ang patuloy na pagpatak ng luha ko'y hindi ko na alintana, tulad ng hindi ko na alam kung nasaan ang linya ng halusinasyon at reyalidad ko. Everything was getting blurry and confusing.

"No, don't try to deny it. Ainsley's been following you. She knows. She knows how fucked up you are!"

"Crazy fuck. Haha!"

"That's right." I nodded slowly. Ang boses ko'y bahagyang nanginig dahil sa paninikip ng lalamunan. "I've been wanting to hurt you and pay you back with the same—no, with even more pain that you caused me with your cheating! Oo, ginusto ko kitang gantihan at manggamit ng ibang tao! Gusto kong ibalik sa 'yo lahat ng ginawa mo! And the hoodie guy? I've been dreaming of killing him with my own hands!" I cried and tried to laugh but only ended up crying more. Sinapo ko ang ulo at halos mapasabunot na sa buhok. "I know I'm fucked up and I don't need to hear that coming from someone like you!"

"Pareho lang tayo rito."

"We're never the same! Hindi ko alam kung saan kinuha ng kakambal mo ang mga sinasabi mong 'yan. But if you want to believe all that then go ahead! Hindi kita pipigilang paniwalaan kung anong gusto mong paniwalaan! You want me to be the villain? Then be my fucking guest!"

"Yeah, like how you always try to find fault in me? Huh?"

"Why, you think cheating and manipulation is not wrong?! Don't try to justify everything you did out of love because it's not!"

Hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobra-sobrang paninikip ng dibdib. I didn't want to hate him. I just wanted our relationship to end peacefully without any loose ends. But maybe, some things needed to end in a certain way for a reason.

"You're a fucking liar, Eunice. I could tell that you're only faking it—you didn't love me anymore. Kaya kahit gaano ko subukang magbago, hindi mo pa rin ako kayang tanggapin ng buo pabalik. I would never be enough for you no matter what I do," untag niya sa hungkag na ekspresyon, salungat ng luhang tumulo. "So don't try to play me with your sympathy bullshit. I don't fucking need your pity."

Kasabay ng marahan kong pagtango ang pagkawala ng mga bagong luha. "Then just leave me the hell alone. Kung pwede 'wag ka ng magpakita kahit kailan. 'Wag ka ng babalik."

Matagal kaming nagpalitan ng tingin, kapwa tahimik na lumuluha.

"Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita minahal. Sana hindi na lang ikaw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top