38 : Payback


"Long time no see, Eunice. Naaalala mo pa ba ako?"

Tila nag-ugat ang mga paa ko nang manigas ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw at halos hindi na rin makahinga.

That guy. It was that guy. I'm sure of it now.

Sa kabila nang malayong ingay mula sa kumpulan ng mga tao ay rinig ko ang yapak sa buhangin mula sa suot niyang sapatos palapit sa akin—pati nang aninong aninag ko sa buhanginan. Dahan-dahang kumalampag hanggang sa tuluyang dumagundong ang dibdib ko sa labis na kaba. Lalo na nang maramdaman ko ang tuluyan niyang paglapit. Agad akong napakislot at napatalon palayo nang sinubukan niyang hawiin ang takas kong buhok.

I made a sharp intake of breath when I saw his face. Agad kong nasapo ang awang na mga labi. Para akong hinablot bigla ng sindak mula sa leeg nang kinapos ako ng hangin sa kabila nang mabini niyong pag-ihip.

"How rude." Makapanindig balahibo siyang ngumisi nang magpalitan kami ng tingin. "But I guess you remember me, huh? Even though my face got kinda fucked up."

His face. It was deformed. Broken nose, swollen eyes and cheeks without any hint of bruise. It was completely healed but it didn't look the same.

Oh my, God.

Nanginginig akong napaatras nang magsimula siyang humakbang palapit. Ang paghinga ko'y unti-unti nang bumibigat. Hindi ako makapagsalita sa tila nakalulumpong takot.

It was the hoodie guy, wearing the same black clothes like the one I saw on the diner and near the shore this morning.

Why is he here? What does he want? How the hell did he know we're here? Sinundan niya kami?

"Nasaan si Terrence?" hindi naalis ang nakakakilabot niyang ngisi nang tinanong iyon.

"What... what do you—"

"Kung ikaw ang tatanungin, mas madali bang makaganti sa kaniya kung ikaw ang gagamitin ko o kung papatayin ko na lang siya?"

Nagtindigan ang mga balahibo sa buo kong katawan. Sinundan iyon ng matinis niyang pagtawa. Sa namimilog at namumulang mga mata ay direkta niya akong tinitigan. Halos mapasigaw na ako nang mas lumapit pa siya kaya't muntik-muntikan na akong matumba sa biglang pag-atras.

"There's nothing wrong about a psychopath getting killed by another psychopath, is there? The world is full of psychos if you look at it closely. His twin's one, right? Ainsley?"

Natuluyan ako sa pagkakatumba sa buhanginan dahil sa panginginig ng mga binti nang lalo siyang lumapit.

"Don't..." Umiling ako at sinubukang gagapin ang sarili. "Don't hurt him!"

Mula sa pagtayo sa harap ko ay bahagya niyang itinabingi ang ulo, ang mga mata'y nanatiling nang-oobserba at ang mga labi ay may bahid ng mapanuyang ngisi.

"Sinasabi mo bang ikaw na lang ang pagbayarin ko?"

Mabilis at paulit-ulit akong umiling. Ang pamumuo at pagtulo ng luha ay 'di ko na alintana dahil sa umusbong sa aking galit. With gritted teeth, I cried, "It's your fault! Anong karapatan mong maningil?!"

"Was it?" Isang mahaba, matinis at nakakikilabot na halakhak ang pinakawalan niya. "That was a lie, by the way—hindi si Steph ang nag-utos sa 'king gawin 'yon sa 'yo kundi ang kakambal niya!

"Ainsley wanted so bad to help his brother realized who he really is. Too bad, he couldn't kill me and partake with the murders. So now, I'm here to take his life instead!"

What the hell is he saying?

Para akong tatakasan ng lakas. Ngunit sa kabila ng tila paglukob ng takot ay sinubukan kong buuin ang loob. Dali-dali akong umahon sa buhanginan, nanginginig. I grab a fistful of sand and threw it in his direction before making a run for it.

"Eunice? Eunice!"

Binilisan ko ang pagtakbo sa abot nang makakaya ko at hindi lumingon. Ramdam ang pamumuo at pagpatak nang malalamig na pawis sa noo.

"Eunice!"

Hindi ako lilingon. Kailangan kong tumakbo.

"Eunice! Hey!"

Takbo. Takbo lang.

Sa kabila nang paghangos ay binalewala ko ang mga tawag ni Dina. Mabilis kong tinungo ang villa at dire-diretsong pumasok hanggang sa mahanap ko ang kwarto ni Terrence. But he wasn't there. Tensyunado, tarantang-taranta na ako at hindi na mapakali nang sinuyod ko ang buong villa. Pero walang Terrence akong nakita. Parang gusto kong maiyak sa halong frustration at panlulumo.

Where is he? Did he left alone because of our talk? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Anong gagawin ko? Anong magagawa ko?

"Terrence!"

Lumabas ako ng villa at handa na sanang libutin ang pampang para lang mahanap siya nang tumalon ang puso ko sa nakita. Saktong umahon siya sa infinity pool bago pa man ako makababa ng hagdan paalis ng veranda.

"Rence!"

Hindi na ako nag-aksaya ng oras nang dali-dali ang ginawa kong paglapit.

"Eunice?"

Ni hindi pa niya napangangalahati ang distansya sa pagitan namin nang matunton ko ang kinatatayuan niya.

"Rence, you're—you're not safe—there's—the guy—he's—he wanted to hurt you! He's going to kill you!"

"What?" Kunot-noo niya akong tinapunan ng tingin, basang-basa mula sa pag-ahon.

Hindi makalma ang mabilis na paghinga dahil sa pagkakahapo, sinapo ko ng palad ang ulo at sinubukang pigilan ang mapahikbi. "I-I saw... I saw the... the hoodie guy..."

Kunot pa rin ang noo niya nang balingan ko at masalubong ang mariin niyang pagtingin. Hindi siya nagsalita at hinayaan akong magpatuloy.

"He... he told me he's here... f-for you... he wanted to... he wanted to hurt you... dahil sa... dahil sa nangyari sa locker-room..." Natuluyan ako sa paghikbi, inaalala ang mga nangyari nang gabing iyon pati nang lahat ng nangyari nitong nakaraang buwan.

I thought it was over. But I was dead wrong.

"Rence... we need to get out... we need to get out of here!"

Nanatili siyang nakatitig sa akin sa parehong ekspresyon, tila binabasang maigi ang kung ano sa mukha ko.

"We need to leave, Rence! Please..." Hinawakan ko ang isang braso niya, halos nakikiusap. "I don't... I don't want you to get hurt..."

His jaw clenched. Isang sulyap ang ginawa niya sa kamay kong nasa braso niya bago sa wakas ay nagsalita sa mababang tinig. "What exactly did he say?"

"He said he and Ainsley are conspirators and he'll... he'll kill you... he's here for payback!"

Ang mga mata niya'y nagpasalit-salit sa magkabilang pares ng mga mata ko nang muli niya akong tinitigan, kunot-noo.

"Eunice! Why did you run off? What happened?!"

Isang lingon sa pinanggalingan ng boses ni Dina ay natagpuan ko ang isa pang pigurang kasama niya ro'n. Mike was standing beside her, parehong lito at may bahid ng pag-aalala ang mga ekspresyon.

I gulped and tried to explain myself but Terrence cut me off.

"She wants to go home," aniya sa matabang na tinig at saka humakbang patungo sa chase lounge.

Nabitiwan ko ang braso niya nang kinuha niya ang towel na naro'n at isinampay sa balikat.

"What? Why?" mas litong ani Dina, hinihingal pa nang mag-umpisang humakbang palapit.

Nagpalis ako ng luha. She then silently looked at me with a confused yet worried expression. Parang gusto kong ma-guilty sa mga pinaggagawa kong kumosyon magmula nang makarating kami rito. Because it felt like I was spoiling the fun that we're supposed to be here for.

Nasapo ko ang noo at ulo dahil sa magkahalong guilt at frustration. "Sorry... you guys... you guys can stay here."

Why should I always had to ruin things like this?

"Rence..." Lumipad patungo sa kaniya ang atensyon ko nang magsimula siyang maglakad paalis, papasok ng villa.

Para akong nanghihina pagkasunod ko. But before he pushed the door open, he turned to me with a hard expression. Otomatiko akong napahinto agad sa paglakad.

"We'll talk after I take a shower," aniya sa malamig na tinig bago walang anu-anong tuluyang pumasok ng villa.

Isang mabigat na buntonghininga na lamang ang napakawalan ko habang pinanonood ang paglakad niya palayo. Ang pag-aalala at pangamba ko'y hindi pa rin naiibsan. At tingin ko'y hindi iyon mawawala hangga't narito kami... o hangga't alam kong nariyan ang lalaking 'yon.

"Did you have another episode?" kuryosong tanong ni Mike nang maiwan kaming tatlo sa balcony.

Umiling ako. "I saw the hoodie guy."

"The who?" Kunot-noong natigilan si Dina bago unti-unting namilog ang mga mata. Sa pagitan ng gulat, mangha at disbelief ay idinugtong niya ito, "Oh shit wait—hoodie guy... the one in the locker-room who assaulted you? That freak is here?"

I nodded yes anxiously. Detalyado kong sinabi sa kanila ang nangyari kanina lang—at buong sandali akong hindi mapakali habang nag-aantay sa pagbalik ni Terrence.

"Seriously? Is this another bloody trip in the woods?" Dina scoffed and rolled her eyes before resting her back on the chaise lounge.

"Cali's on his way back," Mike informed.

Panay ang sulyap ko sa pintuan ng villa para kay Terrence. It had only been minutes but it already felt like forever. Ang dami kong naiisip na posibleng mangyari, mula sa pinakamadugo hanggang sa pinakaimposible. I was well aware I was just being paranoid but I couldn't turn off my sick thoughts—it felt like there was no end to it once it started.

I stood up and started pacing back and forth, glancing at the villa's main door from time to time.

What's taking him so long? Parang gusto ko nang pumasok sa loob at i-check siya ro'n.

"Why the hell are you guys here instead of partying? Ba't gan'yan mga itsura ninyo?" tatawa-tawang bungad ng bagong dating na si Cali habang lumalapit sa aming tatlo. He was alone and looked kinda tipsy.

At least this guy was having his fun.

"We kinda have a situation," panimula ni Mike.

"Oh yeah? What is it?"

I stopped from pacing.

"I'll check on him," abiso ko, hindi na sila hinintay na magtanong pa. Dire-diretso akong pumasok sa villa at nagtungo sa pintuan ng kwarto ni Terrence.

I knocked but there was no answer. I knocked again, slightly getting agitated.

"Rence!"

Muli, kumatok ako at walang nakuhang kahit anong tugon. Isang malakas at nakatatakot na kaba ang bumundol sa akin. Hindi na ako nag-isip nang dali-dali kong binuksan ang pintuan at tarantang hinagilap siya sa bawat sulok ng kwarto.

"Terre—"

Mula sa tatlong metrong layo, pareho kaming naestatwa sa kinatatayuan. He was only wearing his board shorts and a towel draped on his head. Mukhang kagagaling lang palabas ng C.R. at patungo pa lang siya sa pinto para sana sagutin ang mga katok ko.

It wasn't the first time I saw him topless but I'm not sure if my fast beating heart was for my dread or for something else. Because this doesn't feel right.

"Eunice," aniya, bakas ang kaunting gulat.

Ramdam ko ang init ng pisngi dahil sa kahihiyan nang mag-iwas ako ng tingin. I was so damn paranoid!

Pumikit ako nang mariin bago muling bumaling sa kaniya at magsalita. "Sorry. I'll just... I'll wait for you outsi—"

"It's fine." Igting ang panga niya nang magbitiw ng tingin sa akin para kuskusin ng towel ang basang buhok. "We can talk here."

I tried to calm my breathing. He was okay. There was nothing to be worried about. We'll gonna talk this out. No one's going to get hurt. Everything will be fine.

"Okay." I made a slow nod but didn't move from where I stood.

Matapos tamad na ihagis sa backrest ng upuan ang towel ay naupo siya sa dulo ng kama. Patong ang magkabilang braso sa magkahiwalay na hita, pinagdugtong niya ang mga daliri sa harap.

"Still wanna go home?" tanong niya sabay angat ng tingin sa akin, seryoso ang ekspresyon sa likod nang magulo at mamasa-masa pang buhok.

Ibinalik ko ang mabibigat niyang tingin at walang anu-ano'y sinabi ito, "I don't know what that guy is capable of or if he really meant everything that he said. But if there's one thing I'm sure of—it's that I don't want you or anybody here to get hurt."

Batid ko ang kaunting paglambot ng ekspresyon niya. Makalipas ang pagpatak ng ilang sandali naming pagpapalitan ng tingin ay bumitiw siya ro'n, wala sa sariling binasa ang labi habang nagtutuon ng pansin sa mga daliri.

"I don't want to go back yet."

Napahakbang ako ng isa paabante sa narinig. "What do you mean? We should get out of here..."

Umiling siya, nanatili ang tingin sa mga palad. "If that bastard really wants to kill me then what's the sense of threatening you first? Pwede naman niya akong patayin agad kung gusto niya, 'di ba? Bakit kailangan pang ipadaan sa 'yo para iparating sa 'kin? It doesn't make sense."

"I don't... I don't know..."

"It's just three things: Whether it's an empty threat, he's a coward or..." Dahan-dahan siya muling nag-angat ng tingin sa akin at hinayaang manatili ang mga salita niya sa ere.

"Or what?"

"I'm not going back," matigas niyang sabi imbes na sagutin ang tanong.

"Rence..." Lito ko siyang sinipat, hindi maintindihan ang desisyon niya. "Are you telling me you want an encounter with him and risk your life?"

"I'm saying if he wants to kill me, then he could go on the fuck ahead."

Tuluyan na akong napahakbang palapit sa kaniya. I was then standing in front of him, frustration and disbelief are crawling within me. Kuyom ang magkabila kong kamao nang mariin siyang pinagtuunan nang buong pansin.

"Why are you being stubborn? Can you hear yourself? Your life is in danger here! We need to leave!"

Tahimik akong napasinghap nang umahon siyang bigla mula sa pagkakaupo at diretsong tumitig sa akin. He was towering over me then. Halos mapaatras ako. Ngunit nanatili ako sa kinatatayuan at sinalubong ang delikado niyang mga mata.

Sa isang pinal na tinig at matigas na ekspresyon ay sinabi niya ito, "I'm not going back, Eunice."

Sabay talikod sa akin para magtungo sa C.R..

Why won't he listen to me? If this was his way of getting back with me, then he won! I just didn't want another trouble. What happened in the last few months was enough. Kaya't kung kayang daanin sa madali at ligtas na paraan ay iyon ang pipiliin ko.

"Rence, please..." Nanghihina, sinundan ko siya. "We need to leave! I don't know anything about that guy but we can find him and make sure he couldn't do what he's planning to. We just need to leave right now. Please... makinig ka naman sa 'kin..."

"We don't have to go anywhere."

Nasapo ko ang ulo at halos mapadaing na sa panibagong frustration nang tuluyan kong tinungo ang loob ng C.R.. I saw him standing in the corner with a shirt in his hand. Nilingon niya ako.

"What is wrong with you?! Why would you risk your life like this?! Wala ka na bang pakialam sa buhay mo?! Is that it?!"

Nagsasalita pa lang ako'y dumidilim na ang ekspresyon niya.

Tila isang kisap-matang nangyari ang mga sunod na sandali. Matapos kainin ng ilang hakbang niya ang natirang distansya sa pagitan namin ay ipinako niya ako sa basang haligi ng C.R.. Halos bumaon na ang mga daliri niya sa mahigpit na hawak mula sa magkabilang braso ko. I could see the quick rise and fall of his bare chest in front of me.

"What the fuck do you think you're doing?" aniya sa pagitan nang mabibigat na paghinga, tila nahahapo sa hina ng boses.

Napalunok ako nang masalubong ang galit ngunit nahihirapan niyang mga matang pako direkta sa akin. Ramdam ang basang salaming haligi ng C.R. sa lantad kong likod. Bumigat ang bawat paghinga ko. Ang hangin sa maliit na espasyong kinatatayuan namin ay animong kinukulang.

"You're giving me this bullcrap after what I said? You desperately wanted to get rid of me, huh?" Gradually, he let go of my arms, balled his fists and slammed it with supressed force on the glass wall behind me. Namumula dahil sa marahas pa ring paghinga, nanatili ang magkabila niyang braso sa gilid ko, kinukulong ako mula sa kinatatayuan.

"It's not—I'm not doing this because of that! I didn't want to cut ties with you, ikaw ang may gustong putulin ang komunikasyon natin! I just wanted you safe—"

"You know what I think?" Kasabay nang mas lalo niyang paglapit ang paghakbang ng isa niyang binti sa pagitan ng sa akin. Ramdam ko na sa pisngi ang pagdampi nang mainit niyang hininga nang muli siyang magsalita. "It's not the hoodie guy who wants a payback and kill me—it's you."

Bahagyang namilog ang mga mata ko. Both taking quick and strained breaths, our nose almost touched.

"And guess what, Eunice? It's fucking working."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top