34 : Do you remember?
"I'm Cedric," anito. "Cedric Montiel?"
Pagkaabot sa peak ng suot na sumbrelo ay hinugot nito iyon paalis. Isang pasada ng mga daliri ang ginawa nito sa may kahabaan at alun-along buhok bago muling nagtuon ng tingin sa akin. Ang ngiti ay nakapinta pa rin sa mukha.
Laglag ang panga at namimilog ang mga mata ko sa gulat nang kumurap ako at maituro siya.
"Cali... can you... can you see him?"
"Hmn? This guy? Yeah. He's pretty much real. In the flesh."
Kasabay ng pagkakasapo ko sa mga labi ang pagbakas ng kalituhan sa ekspresyon ng lalaking nasa harap.
Did he say his name was Cedric? But he didn't look like the one in my hallucinations. And he was... he was real? Like a breathing and alive person? How did that make sense?
"Do you know him?" alanganing tanong ni Cali.
Mabilis nitong sinulyapan ang huli bago magtuon muli ng tingin sa akin. He lifted his right hand and placed it horizontally in the air levelled on his stomach—like he was indicating a height. "Cedric. Fifth grade. Shrimpmunk. New kid in town? You don't... you don't remember?"
He held my gaze without moving as if waiting for me to recall what he said like those are important keywords.
Tuluyan lamang kumunot ang noo ko sa kalituhan. But when I stared back long enough to every features of his face, faint random flashes of memories spilled on my mind—parang pader na basta-basta na lang tinapunan ng bagong pintura iyon. Kulang-kulang at putol-putol na parte, na kinailangan ko pang alalahanin at pintahan nang mabuti para mapagtagpi-tagpi at maintindihan.
When I recalled a certain memory, it all started to make sense.
"Shrimpmunk! Shrimpmunk!"
"Bakit ang liit mo? Ulila ka ba? Walang magulang kaya walang nagpalaki?"
Nang hindi na nakatagal ay iritable kong nilingon ang mga nang-aasar sa likod ng inuupuan.
"Ang ingay ninyo hindi ko maintindihan ang binabasa ko."
Mula sa paghampas sa table at pagturo-turo sa katabi ko'y natahimik ang mga ito. Nagsikuhan pa bago nahihiyang ngumiti sa akin.
"Sorry, Eunice..." Sabay may pagbabantang baling ng tingin sa taong nakaupo sa tabi ko.
Nang tumahimik ang mga ito'y binalewala ko na at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. Ramdam ko ang titig ng katabi magmula pa kanina kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Agad naman siyang nagligaw ng tingin sa classroom namin at kukurap-kurap na nagmaang-maangan.
"Good morning, class."
Hanggang sa dumating ang art teacher namin.
"Good morning, ma'am!"
"Okay. For today's activity, I want you to draw one facial feature of your partner."
"Ma'am! Ma'am! Kami po ba ang mamimili ng partner namin?"
"Yes." Natawa ang teacher sa katuwaan ng nagtanong niyon bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag.
Panay naman ang kalabit sa akin ng nasa likod.
"Eunice, partner tayo..." anito.
Lilingon na sana ako sa likod ngunit nang nahagip ng tingin ko ang katabi ay natigilan ako. Nakatingin siya sa akin at parang may gustong sabihin.
"Eunice!" Imbes na pansinin ang muling pagtawag ng nasa likod ay nanatili akong nakatingin sa katabi at hinintay siyang magsalita.
Ngunit nang umawang pa lamang ang mga labi niya'y agad na siyang natigil.
"Hoy, shrimpmunk! Anong tinitingin-tingin mo? Hindi ka niya gustong maging partner!" Sinundan ito ng hagikgikan.
Kumurap ako nang mag-iwas siya ng tingin sa akin dahil sa pang-aasar na narinig.
"Sinong partner mo?" kuha kong muli sa atensyon niya.
Natahimik ang tawanan sa likod namin. Siya naman ay namimilog na ang mga mata nang magbaling muli pabalik sa akin ng tingin.
"W-Wala pa..."
Bahagya kong niliitan ang mga mata para tignan nang mabuti ang bawat features ng mukha niya.
I liked his downturned eyes. Ang amo tignan at malumanay.
What was his name again? Ah! "Cedric."
Kumukurap, bahagya siyang namula habang pinagmamasdan akong pabalik.
I smiled at him. "Ikaw na lang ang partner ko."
"Oh my, God."
That's right. There was a new kid back in my hometown when I was in fifth grade. He was the target of bullies because he's small and new. I couldn't really remember most of our interactions way back but I remember his downturned eyes vividly. He was so small then... who would've thought he'd grew up this tall?
Wala na akong matandaan pang ibang interaksyon namin noon kundi ang isang iyon. No one heard about them after they left too. At hindi ko na rin naman siya naisip magmula noon.
But did it mean that the Cedric in my hallucinations manifested not entirely from my alter ego? But also because of my memories of him? Why him?
I can't believe this is happening.
"Cedric?"
Muling gumuhit ang ngiti sa mukha niya. Ngunit ngayo'y halos mapunit na ang labi dahil sa lawak niyon. His dark wavy hair fell on his eyes.
"Yeah." He nodded slowly, not breaking his gaze away from me. "How many years has it been? Five years? Six?" Nasapo niya ng mga daliri ang namamanghang halakhak, ang mga mata'y may bakas din niyon. He said the next words so quietly like he couldn't believe this was happening too. "Do you remember me now?"
In between wonder-struck and disbelieving, I gave him a slow nod. Ang kaninang pangambang naramdaman ko'y hindi ko na mahanap sa akin.
Isang akmang pag-abante ang ginawa niya bago matigilan.
"Ced, tara na!" tawag ng isang lalaking kalalabas pa lang ng convenience store. Paalis na sana ito ngunit napahinto pa para lang balingan muli at pasadahan kami ng tingin.
"Uh..." Sapo ang batok, nagpasalit-salit ang tingin niya rito at sa akin, hindi alam ang gagawin.
"Uhm... if you need to go... it's... it's okay."
He stared at me for a long time, looking torn between leaving and talking to me some more. Sa huli ay napahugot na lang siya nang malalim na hininga at saka binuga iyon.
"Alright. Uh..."
"Ced!"
May kaunting bakas ng iritasyon niyang sinulyapan ang kasama bago mabilis na nagbalik sa akin ng tingin.
"It's... it's nice to see you again," aniya, nakapako sa mga mata ko ang tingin at parang may gusto pang sabihin ngunit hindi masabi.
Wala sa sarili akong tumango, ramdam ang kaunting dismaya sa maliit na tagpong mabilis ding natapos. "Yeah, me too."
His expression softened when he smiled at me. "I'll go ahead, then."
Wala na akong isinukli pa kundi isang tango nang paatras siyang naglakad palayo. Malayo na sila ng kasama niya'y pasulyap-sulyap pa rin siya sa direksyon ko. Ako nama'y hindi maalis ang tingin sa kaniya.
I didn't understand. Tulala ako sa natitirang byahe namin patungo sa beach resort, paulit-ulit na umaandar sa isip ang tagpong iyon kanina lang, na para bang importante iyon at kailangan kong sauluhin.
"Look who's been spacing out since meeting her childhood friend." Nakangising mukha ni Dina ang bumungad sa akin nang magbalik ako sa reyalidad. "Cedric, was it? Hmn."
"What?" Natatawa ko siyang sinipat. "Hindi ba pwedeng magulat?"
"As a guy, it looks to me that the dude have the hots for you," gatong ng nakangisi ring si Cali sa driver's seat.
"Oh my, God. I can't believe—" Napasapo na lang ako ng noo at hindi na natapos ang sasabihin nang maging tawa iyon.
Ang malisyoso ng mga 'to. Ang dami agad naiisip. I didn't need someone because I was too busy looking after myself. And I didn't want to drag someone else with it. I didn't think I was ready for another relationship for I needed more coping up to do with the last one.
Sure, Cedric turning out to be a breathing human being had left a mind-blowing realization—but that didn't mean we would be together. There was just no way that's gonna happen with my condition right now. My priority at the moment was my well-being. Nothing else.
"I saw him. He's kinda hot." Tumango si Dina, tila aprubado sa kung ano.
I gave her a disbelieving look. Sumulyap siya sa rear-view mirror saka kumindat sa taong naro'n sa passenger seat.
"You're still the hottest, don't glare at me," aniya, matamis ang ngiti kay Mike. Ngunit mabilis siyang nagbaling ng tingin sa akin. "I'm not finished with you yet, bitch. Umamin ka, naka-move on ka na kay Terrence, 'di ba?"
Umirap ako sa kaniya. "Why would I broke up with him if I haven't?"
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Dina habang nanliliit ang mga mata. Mukha siyang demonyita kaya natawa na talaga ako.
"You look like a fiend!"
"Listen here, you practically hallucinated someone named after that Cedric guy, regardless if they don't look the same. And if that didn't mean you have some attachment or whatever about him, then pray tell what the hell is all this farce is about?" lintaya niya sa parehong ekspresyon. "Oh, I smell something."
I couldn't hide my smile for the ridicule of it all. "What attachment are you talking about? Shut up, I can't even remember that he existed until now!"
"I'm no hopeless romantic but if that guy shows up again, then there's some destiny bullshit going on." Humalakhak siya at halos mapapalakpak pa.
"Or he's probably just another psychopath in hiding," kumento ni Mike na nalunod na nang 'di matapos na pang-aasar sa 'kin ni Dina—na siyang ginatungan na rin Cali.
They were enjoying themselves with this.
Mataas ang pantanghaling araw nang marating namin ang beach villa. Kakaunti ang tao at halos bilang lang sa daliri ang nakita kong naro'n sa lugar. Kung 'di naglalakad sa pampang ay naroon naman sa mga hut. Ang mga resort na nakita ko'y may kalayuan na.
The view of the sea was so serene, it calmed my nerves—a peaceful sight I badly needed.
Tahimik kaming apat sa loob ng villa matapos mag-lunch, malaki iyon kaya't kani-kaniyang pahinga at okupa kami ng mga kwarto. Habang nag-aayos ako ng gamit ay dinampot ko ang bag at halos baligtarin na iyon nang hindi makita ang hinahanap.
"Shit," I mumbled to myself.
Did I drop it? Where? Rest stop? Convenience store?
After resting for a while, I took the chance to stroll alone in the shoreline wearing my tiered ruffle string sun dress and a straw summer hat. I paced the sand leisurely with bare feet, holding my flip-flops in one hand.
Abala ako sa pagtingin sa lawak ng dagat at tunog ng mga alon. Banayad ang dalang lamig niyon tuwing hahampas sa mga paa ko. I decided to sit on the sand when the sun started to set. Hugging my knees to my chest, I watched the breath-taking view before me.
Ang kulay kahel na tumapon sa kalawakan ng dagat ay nagbabanda-banda sa bawat alon. Sinasabayan nang mabining pag-ihip ng hangin ang bawat hampas niyon patungo sa pampang. Para akong nahihipnotismo para ipikit ang mga mata habang pinakikinggan iyon.
Nang muli kong imulat ang mga mata'y niyakap ako ng dilim at kalituhan.
Nasaan ako?
Ramdam ko ang lamig ng hangin pati nang buhanging hinihigaan ko sa balat. Inaatake ang pandinig ko ng pagbagsak ng mga alon habang dahan-dahang nagigising ang diwa. Wala sa sarili kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lugar para lang matantong naroon pa rin ako sa pampang. Nakatulog ako sa panonood ng paglubog ng araw. At gabi na.
Nahawi ko ang pahaba na muling buhok nang sumambulat iyon sa mukha ko gawa ng malakas na hangin. Kinusot ko ang mga mata at tatayo na sana ngunit nanigas ako sa kinauupuan dahil sa pigurang naaninag ilang metro ang layo mula sa gilid ko.
Walang ibang pinagmumulan ng ilaw sa pampang kundi ang may kalayuang mga poste sa tapat ng isang pinakamalapit na resort. Animong anino lang ang pigura sa kadiliman kaya't sandali pa akong nakipagtalo sa sarili kung totoo ba iyon o hindi.
Pigil ang hininga, dahan-dahan ang ginawa kong pagbaling sa direksyon nito upang suriin. Kahit may kalayuan ay pansin ang tangkad nito. Hindi gumagalaw. At nakabaling ang buong katawan sa direskyon ko imbes na sa dagat o kung saan pa man, para bang kanina pa akong pinanonood.
Nagtindigan ang mga balahibo ko.
I took in a quick, sharp breath when I saw it move. Without thinking, I scrambled to my feet and started treading on the sand in my growing panic. Gustuhin ko mang tumakbo ay kay hirap dahil sa buhanging tila nagpapabigat ng bawat hakbang ko.
Pagkasulyap sa pigura ay marahas ako muling napasinghap. Sa kabila ng kadiliman ay naaninag kong sumusunod ito sa akin. Distorted images of someone I knew so well flashed on my mind.
Walang babalang dumagundong ang dibdib ko sa kaba.
I hate feeling paranoid but I really think it's after me! Shit!
'Sing bilis ng mga sunod kong paghakbang ang bilis ng pintig ng puso ko.
I couldn't breathe. I could feel a hand wrapping tightly around my neck, as if someone was choking me.
"Sigurado ka?"
Blood. The blood oozing on the wrecked grinning face of the hoodie guy.
"You know you can't escape. This will only end if you kill yourself."
Hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong inaalis ang kung anong kulay itim na bagay sa leeg ko ngunit hindi iyon maalis-alis. Hindi ako makahinga. Patuloy ako sa pagtakbo ngunit tila anumang sandali ay mawawalan na ako ng malay, dahil sa kung anong bara sa lalamunan ko. Hindi ako... makahinga.
Kasabay ng salitang pandidilim ng paningin ay nagsimula akong mapatili sa iba't ibang imaheng nagsusulputan at nawawala sa bawat daraanan ko. Napapakislot akong palayo sa mga iyon dahil sa gulat.
Lumuluwang mga mata. Nilalabasan ng itim na likido ang naaagnas na balat. Matatalim na ngipin. Sungay. Napapasigaw ako sa bawat tila imahe ng mga demonyong sumusulpot sa tinatahak kong daan. Bawat hakbang ko'y nanginginig dahil sa takot ngunit hindi ako tumigil. Kailangan kong magpatuloy.
Takbo lang. Hindi sila totoo. Takbo lang.
I didn't know where I am or where I was heading. Pinanlalabanan ang nangangain at nakalulumpong takot, wala akong ibang ginawa kundi ang tahakin ang diretsong daan. Halong hapo, takot at gulilat, malapit na akong malagutan ng hininga. Ngunit tila biglang naubos ang lahat ng hangin sa baga ko nang may bumulaga sa mismong mukha ko. Ang duguang mukha ni Ainsley. Nanlilisik ang namumula nitong mga mata habang nakadirekta sa akin.
Hinahapo ngunit hindi makahinga nang maayos, para ako muling sinasakal pagkabagsak sa buhanginan.
"You killed me."
Abot hanggang tainga ang dagundong ng bawat pintig ng puso ko. Sinusubukan kong suminghap ngunit tila kinakapos ng hangin ang paligid. Paulit-ulit akong umiling at desperadang gumapang sa buhanginan para lang pilitin ang sariling makatayo. Nanginginig ang buong katawan, nahanap ko ang lakas ng mga binti upang tumayo ngunit may marahas na humablot ng braso ko.
Nagsisigaw ako at nagpumilit na pumiglas para lang bitiwan ako nito.
"Bitiwan mo ako! 'Wag mo akong hawakan! Bitiwan mo 'ko!"
"Miss?! Miss, okay ka lang?!"
Natagpuan ko ang sariling nasadlak muli sa buhanginan nang binitiwan ako nito. Hindi man makalma ang nagwawalang puso, sinubukan kong kalmahin ang paghinga nang sa wakas ay mawala ang kung anong bara sa lalamunan. Wala sa sarili kong ginapang muli ang buhanginan sa pagitan ng paghikbi. I was literally gulping for air to fill my lungs.
"Miss?"
"Jon! Anong nangyari? Anong ginagawa mo?!"
"Wala akong ginawa sa kaniya! Nakita ko lang siya kanina sa pampang na walang malay! Pabalik na sana ako sa resort kaya lang narinig ko siyang sumisigaw kaya sinundan ko..."
"Miss? Miss, okay ka lang?"
Higit ng kuyom at nanginginig kong kamay ang tela ng damit sa bandang dibdib nang mapakislot ako dahil sa taong biglang nanuhod sa harap ko. Ang ilaw ng poste sa 'di kalayuang likod nito'y halos sumilaw sa akin pagkabaling. Gamit ang basang mga mata, sinubukan kong aninagin ang mukha nito laban sa liwanag na iyon. Bago ko pa man mamukhaan, ay naaninag ko na pamimilog ng mga mata nito.
"Eunice?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top