33 : This guy


Maya't mayang lumilipad ang isip ko sa lalaking nakita sa café kanina habang nakikinig ako ng lecture. Panay ang buntonghininga ko at pilit na pagbalewala rito para mag-focus sa klase, ngunit hindi pa rin ako nilubayan ng pangamba.

Something about that guy was unsettling. But then again, I couldn't be sure if he was real or just made up from my imagination. Because I'd seen him before. I was sure of it.

"Are you sure?"

"He's that guy."

"That."

"You know. That. Guy."

"That."

A laugh.

"That."

"I've seen him before too."

"That."

"Pst!"

"Look here!"

"That!"

"Hey!"

"We meet again."

"Hey!"

"Are you sure you remember me right?"

"Eunice!"

May bumulaga sa harap ko. Marahas akong napasinghap at nanigas sa kinatatayuan, yakap ang dalang mga libro sa dibdib.

"Hey, bitch. Have you gone deaf? Kanina pa kita tina—what's that look on your face? Mukha ba akong multo?" kunot-noong ani Dina sa harap ko. "It's freaking cold here why are you sweating like a pig?"

Lumunok ako at marahang umiling. Bahagya kong pinalis ang pawis sa noo habang sinusubukang huminga nang maayos. Tila noon lang napansin ang bilang na mga estudyanteng naglalakad sa hallway.

"Sorry, I'm... I was just thinking of—"

Tumili ako at napatalon sa gulat nang maramdaman ang pagbagsak ng mga palad sa magkabilang balikat ko. Lumagabag ang mga librong dala ko sa sahig nang mabitiwan ko ang mga iyon. Sunod ang lingunan ng mga nagdaraan, may bahid ng pagtatanong ang mga ekspresyong nakadirekta sa akin.

"Woah!"

"You idiot!" Sinapak ni Dina ang gulat na si Cali. "Can't you see she's having an episode?!"

There was an erratic pounding in my chest when Cali quickly turned to me. Nakataas ang magkabila niyang palad sa ere tanda ng pagsuko.

"Sorry, Eunice. I didn't know. You okay?"

"That guy?"

"It's him. Who?"

Anxiously, I turned my head on both my sides. Nang wala akong makitang kakaiba ay sinubukan kong pakalmahin ang sarili. It's just voices. In my head. They're not here, they're not real.

"Pst!"

"Look! Look here!"

"Mukha ba siyang okay?" Dina threw Cali a sharp look before pointing to my books on the floor. Agad naman iyong pinulot ng huli, pasulyap-sulyap sa akin.

"Do you have your meds with you?" bakas ang pag-aalalang tanong ni Dina.

Tumango ako, bahagya nang kumakalma. "It's... it's in my locker."

Dala ang mga libro ko, tumindig nang maayos na tayo si Cali. Pagkasulyap kay Dina ay sinabi niya ito, "Come on, we'll go with you."

Muli na lamang akong tumango.

"I don't really like you before you know," ani Dina bigla habang nakatanaw sa kawalan. We were inside the girl's locker room then. Ang ilang estudyanteng naro'n sa kabilang isle ay bilang lang sa daliri.

Nakaupo ako sa bench na naro'n sa gitna ng mga locker nang tinapunan ko siya ng isang ngiting may bakas ng kasarkastikuhan. "Oh, same goes here."

Pinagtaasan niya ako ng kilay, may ngising sumusupil sa mga labi. "Ang tanga-tanga mo kasi. You're putting up with Terrence's bullshits like being stupid is your niche. But oh boy, look at you—you're an outright bitch." While standing in front of her locker, she started retouching her smokey eyeshadow as she chuckled.

"I'm nothing compared to you though." Ngumisi ako. "You're a moody bitch."

Sandali siyang tumigil sa ginagawa para lang tapunan ako ng namamanghang tingin. She rolled her eyes at me once again. Binalot kami ng katahimikan sa ilang sunod na segundo. Hanggang sa muli niya itong binasag gamit ang seryosong tinig.

"For the record, what you did back at the rest house for Terrence was the stupidest thing I can think of—putting your life on the line for someone who hurt and could probably end you.

"I've been hating on selfless people all my life because my mom suffered by being one and it cost her her life. Ayaw ko ng mga taong sobrang bait sa puntong harap-harapan na silang inaabuso at ayos lang sa kanila. That's plain idiocy. But if it weren't for your stubborn stupidity then the culprit wouldn't have resurfaced—she's still probably on the loose 'til now planning how to kill her next victim. More so—your boy Terrence is probably still torn between his twin and the situation that he'll soon end up being an accomplice and a serial killer like her."

Sinara niya ang compact at ngumiti sa harapan ng salaming nasa locker bago bumaling sa akin sa parehong ekspresyon.

"Some stupid things didn't always end up bad, is all I'm saying."

A laugh escaped in between my lips as I stared at her. "Okay. Should I be touched with your speech?"

"I prefer an applause, thank you." Taas noo at dire-diretso siyang lumabas ng locker-room matapos.

Nasundan ko na lamang siya ng tingin, ang ngiti ay lumiligid sa mga labi ko. Cali and Mike were waiting outside. We headed at Varitas and talked about when we're having the trip. Napagkasunduan naming lahat na i-set iyon sa summer break, pagkatapos ng school year.

"It's okay for Terrence to come... right?"

Para akong naglapag ng kutsilyo o kung ano pa mang delikadong bagay sa lamesa namin nang bigla silang matahimik.

Nasabi ko na noon sa kanila ang mga sinabi ni Ainsley sa basement—kung bakit biglang umalis at nawala si Terrence. The latter told me the same thing when I asked him about it too: He was afraid he might hurt us and he didn't want to end up like his twin. I also told him about Cali's plan that night. Wala siyang sinabi pero mukha namang wala na iyon sa kaniya, dahil masyado siyang okupado ng nangyari sa kapatid lalo na sa naging epekto niyon sa pamilya nila.

"I tried inviting him to see if he's up for it... para rin makapag-usap-usap kayo since hindi n'yo siya nakausap magmula nang umalis sila rito."

"So? Did he agree to come?" Tanging si Dina ang sumagot. Ang dalawa'y nanatiling tahimik ngunit maiging nakikinig, ang mga ekspresyon ay nanunukat.

"He said he'll see to it." Ngumiti ako nang magbuga ang mga ito ng hininga na para bang kanina pa nila iyon pinipigil.

"Isn't it awkward to talk to him casually like you two didn't break up?"

Sinalubong ako ng kuryosong mukha ni Dina nang nilingon ko ito sa tabi.

"I don't love him that way anymore. We're just friends now," I said, dismissing her now sarcastic expression.

"Friends my ass." She scoffed before turning to Mike and Cali who was sitting from across the table. With a pointed finger then, she asked, "Would you take an ex for a friend?"

"A definite no," Mike replied with a grin.

"Hmn. Ex fubu? I don't think so. I prefer different girls—"

Dina immediately waved her hand in Cali's direction to gesture stop. Nakangiwi siya nang muli itong tinapunan ng tingin. "Ugh. Disgusting fuckboy."

Cali shrugged with a smirk. "Ikaw ang nagtanong. Sinagot ko lang."

"You never had a girlfriend?" mangha kong tanong sa huli.

He looked at me with both brows arched up. "'Di ko ba nasabi? I don't do girlfriends, remember?" Binasa niya ang labi. Nakamantsa ang isang malisyosong ngisi sa mukha niya ng dinugtungan iyon, "Have you changed your mind about me lately?"

"I kinda less hate you as a person, Cal. But please know—nasusuka talaga ako sa mga ginagawa mo," si Dina ang sumagot, puno ng sarkasmo ang boses.

Mike couldn't supress his laugh.

Bahagyang itinaas ni Cali ang magkabilang palad sa ere. "Ako na naman ang pinupuntirya mo! Bakit sa 'kin na naman napunta ang usapan? D, seriously, aren't you getting tired of picking on me?" Sabay iritableng halakhak.

"Oh, I'm enjoying myself, no worries," nakangiting ani Dina matapos uminom sa sariling smoothie.

I crinkled my nose and said this with a resigned sigh, "He'll grow up soon, Dina. Just let him be."

"Oh, wow—okay! Eunice?" Mangha akong itinuro at tinapunan ng tingin ni Cali. Laglag ang panga niya at halos humilig na sa lamesa palapit sa akin. "Pati ikaw? Porket magkasundo na kayo pinagtutulungan n'yo na ako? Wow! How fun, huh?"

Matamis ko lamang siyang nginitian bago sinulyapan ang natatawang si Dina sa tabi ko.

"One of these days, you'll stumble upon some psychopathic girl and she'll be the end of you." Tinapik ni Mike ang balikat ng kaibigan na animong inaaulo o ano.

Nilingon siya nito sa blangkong ekspresyon sabay sabing, "No one asked for your fucking ideas, Mikey."

Mike gave him a dismayed look. "It's probably better to learn from experience. Take your time, dude."

"Oh, fuck you," Cali said indignantly. But later on just laughed it off. "Kung magsalita kang hayop ka. You're no better than me—you had your fair share of hoes too!"

"Okay, shut up now if you don't want to end up dead with the hands of your friend."

Willow Grove had been dead quiet while all of us got busy the next few months. Nothing eventful happened. We hung out at the school café and Varitas from time to time and I was surprised at how fast the time went.

Ang pagtatalo ni Dina at Cali ay halos naging normal na parte na ng linggo ko. And though I reckon that being alone was more productive, I was starting to get used to being with them. Magulo, oo. Madalas ay walang saysay. But I guess a little fun won't hurt.

"Where's Terrence?" tanong sa 'kin ni Dina pagkasakay ko sa backseat ng sasakyan ni Mike, sa tabi niya.

Nasundan ko ng tingin ang pagsilip niya sa labas ng sasakyan mula sa bintana para hanapin ito.

"I gave him the address of the villa. Susunod na lang daw siya."

Bumagsak ang tingin niya sa akin at walang imik na tumango na lamang nang mabagal.

"All set?" Mike asked from the driver's seat.

I smiled at him and made a curt nod.

Humikab si Cali mula sa passenger seat bago dumungaw sa amin ni Dina sa likod. "Who wants to grab some coffee on the way?"

It was quarter to six in the morning. Ang liwanag ng pasikat na araw ay sumisilip pa lang sa langit nang tinahak namin ang kalsada. The beach resort was a six hour drive away that's why we decided to leave early in the morning, expecting we'd arrive there before or after noon.

Bandang alas nuebe nang mag-stop over kami sa nadaanang gasoline station para mag-CR at magpalit na rin ng magdi-drive. May ilang sasakyan at van ding nakaparada roon at mukhang bumibyahe tulad namin.

Sinamahan ako sa 7-eleven ni Cali para bumili ng mineral at ilang snacks. Pagkapasok pa lang ay agad nang bumagsak ang tingin ko sa isang matangkad na lalaking customer na naroon sa bungad na isle. Itim ang suot na damit nito mula ulo hanggang paa. Hindi ko makita nang maayos ang mukha nito dahil sa itim na suot na baseball cap.

Nag-ugat ang mga paa ko sa sahig. Kasabay ng bahagyang pagkakabundol nang nakasunod sa aking si Cali ang pag-atake sa akin ng kaba.

"Eunice?" Nakatabingi ang mukha niya nang dinungaw ang sa akin mula sa bandang gilid. Sinundan niya ang direksyong tinitignan ko matapos. "What is it? What are you looking at?"

Sandali ko pang sinubukang iorganisa ang isip at damdamin bago makumbinsi ang sariling hindi bihira ang mga taong nagsusuot ng ganoon. I was just being paranoid. He couldn't be that same guy I saw on the café weeks ago.

"Sorry." Mabilis na bumalik ang tingin ko sa lalaki matapos sumulyap kay Cali sandali.

Muli akong nagpatuloy sa paglakad papasok. Ngunit nang bigla itong mag-angat ng tingin direkta sa direksyon ko ay parang may nalaglag na bomba sa dibdib ko. Dali-dali ang ginawa kong pag-iwas ng tingin at paghahadaling lumakad palayo sa paningin nito.

Calm down. Don't be paranoid. Just calm yourself down. He's not looking at you. Nataon lang.

Bukod sa kaunti lang ang tao roon ay pansinin ang nakaitim na lalaki dahil sa tangkad nito. Kaya't nang maaninag ko ito sa kabilang banda ng stand na kinatatayuan ko'y hindi ko malaman ang gagawin sa pagkakataranta. Lalo na nang mapansin ko ang pagsulyap-sulyap nito sa akin. Walang tao sa tabi o likod ko kaya sigurado akong ako ang tinitignan niya.

Shit. Why is he looking at me?

"Inaantok ako. Kulang three hours pa tayo." Humikab si Cali pagkalapit.

Nang palihim kong sinulyapan ang lalaki ay naglalakad na ito patungo sa kasunod na isle. Napabuga ako ng hangin sa kaunting relief.

"Anong oras nga pala makakasunod si Terrence?" tanong ni Cali nang nasa counter na kami. Mapungay sa antok ang mga mata niya at bahagya pang magulo ang buhok.

Inilapag ko ang mineral bottle at ilang snacks roon bago siya sinulyapan. "Wala siyang sinabi. Tatawag na lang daw siya 'pag malapit na siya sa villa."

"You sure he won't kill us? Especially me?" nakangising biro niya. "For God's sake, I don't want another bloody trip in the woods."

Ang tawa ko sana'y naudlot pagkahagip ng tingin sa taong nasa likod namin. Mabilis na gumapang sa buo kong sistema ang hindi makatarungang pangamba nang magtama ang mga mata namin nito. I shivered. Pumatak ang ilang segundo at saka lamang ako tila nagbalik sa reyalidad pagkarinig sa boses ni Cali.

I tore my gaze away from the guy immediately and strode as fast as I could towards Cali. Taranta at kabado. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng mga binti nang dali-daling sumunod sa kaniya palabas, kasabay ng pagbalik ko ng wallet sa dalang maliit na bag. Ngunit ilang hakbang matapos kong daanan ang nakasara nang pinto ay narinig ko ang muli niyong pagbukas.

Sabay, "Eunice?"

Sa pangalawang pagkakataon ay muling nanigas ang mga paa ko sa simentadong sahig. Natigilan, lumingon si Cali sa akin sunod sa direksyon ng tumawag sa pangalan ko.

Bakit niya ako kilala? Sino siya? Totoo ba siya?

Sinubukan kong lulunin ang namumuong panibagong kaba sa dibdib nang dahan-dahan ko itong nilingon.

"You're Eunice, right?" anang mataas na lalaki habang mabagal na humahakbang palapit.

Kumurap ako, halos mapakunot-noo rito. "I'm sorry, who... who are you?"

The tall figure stopped in front of me. With a slight tilt of his head to the side, he grinned, eyes trained on mine.

"Hindi mo na ako natatandaan?"

Parang hindi na ako makahinga nang dumoble ang kaba ko. Was I supposed to remember this guy? Who is he? How did he—

"I'm Cedric."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top