3 : Firsts
"Gusto mong isigaw 'yon 'di ba? Isinigaw ko na lang para sa 'yo." Ngumisi siya.
"Stalker ka ba? Bakit mo alam na nandito ako?" I looked at him, totally weirded-out. Malapit na talaga akong makumbinsing may lihim na motibo ang Cedric na 'to.
"Stalker? Ako?" Natatawa siyang naupo sa bakanteng swing sa tabi ng inuupuan ko. He shrugged lazily then. "Edi okay, kung saan ka masaya."
Isang mabilis na pagpasada ng tingin sa kabuuan nang madilim at walang taong village park ang ginawa ko, bago muling nagbagsak ng tingin sa kaniya.
Hindi naman siguro siya isang serial killer, 'di ba? He was kinda creeping me out but he didn't look like someone who could kill a person. But for good measure, should I be nice to him?
Bumuntonghininga ako at walang gana siyang inirapan. This dunce couldn't be a serial killer. But seriously. "Kung nandito ka para pangaralan na naman ako tungkol kay Terrence, you're free to get lost."
"You're the one who brings him up though. You think about him all the time, huh?"
Kumalansing ang kadena ng swing na inuupuan niya nang bahagya niya iyong inugoy. Naramdaman ko ang pagtuon niya ng tingin sa akin mula sa gilid ko. Hindi ako naglakas-loob na lumingon. Imbes ay isinilid ko sa bulsa ng suot na skirt ang hawak na phone.
"Jerk..."
"Who? Me?" He chuckled. Sumulyap siya sa akin mula sa kaunting pag-ugoy ng sariling swing.
"Terrence, you jerk! Asshole! I hate you!" Halos magbanda-banda sa tahimik na park ang sigaw ko. Tanging mga tahol ng ilang aso sa malayong banda ang sumagot sa akin.
Bahagyang hinahapo dahil sa unti-unting pagbilis ng pintig ng puso, pinagmasdan ko ang pagpatay-sindi ng isa sa mga poste ng ilaw na nakatirik sa bawat sulok ng parke at... gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko.
Cedric stopped swinging.
"I freaking hate you!"
"Woah! There! That's it!" With mouth opened a crack, Cedric clapped his hands slowly and cheered for me in amusement.
I balled my hands tight into fists, my knuckles almost turning white.
"You love me? Sinungaling! Anong pinaglalaban ng mga babae mo kung mahal mo talaga ako?!" my eyes watered after shouting this. Ang lalamunan ko'y nag-umpisang kumirot.
"I'm sick of your excuses! Gasgas nang lahat ng 'yon pero ginagamit mo pa rin! Anong sense ng pagiging bolero mo ha? You've changed! You promised me things but you've changed! Sinungaling ka!" I wish I could say all these to his face.
"Hoo sinungaling! Dapat sa mga 'yan binabalatan nang buhay!" muling gatong ni Cedric.
Padarag akong tumayo at mabilis na tumungo sa harapan ng inuupuan niyang swing. Natahimik siya sandali sa hapyaw na pagkabigla at pagtataka.
"Gago ka!" Sinapak ko ang dibdib niya.
"Ow!" Sinapo niya iyon, namimilog ang mga mata. "The fuck?! Did you just poke me?!" Humahalakhak na siya nang sinapak ko ulit. Ngunit natigilan pasandali para lang magtuon ng buong atensyon sa akin. Nang may mapagtanto'y ngumisi bago sinabing, "Shit, para sa 'kin na ba 'yon?"
"I hate you so much..." Natuluyan sa panginginig ang boses ko.
Remembering every memory I had with Terrence. How he courted and pursued me. How he made me smile with his way with words and sweet gestures. How the look on his eyes made me shiver. How his touch both calmed and terrified me. How everything I did with him felt different...
My train of thoughts were immediately followed by the sobs I'd been holding for a long time. "Kung papipiliin ako ng mamahalin, hindi ikaw ang pipiliin ko!"
And I think I knew then what it was about him that I couldn't let go. It was everything—all the things I did with him were my firsts. I'd been holding onto our memories together because I didn't think I could do it all over again with someone else. I couldn't see myself loving someone else but him. And I wanted to believe he could still turn back like the way I remembered him. Dahil hindi naman siya ganito noon. The Terrence I know was nothing like this cheating bastard he had become.
But when... will the time come when holding onto these memories isn't going to be enough anymore to stay? When will I be able to completely let it go?
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko kahit tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga iyon. Muli kong nilapitan ang swing kung saan ako nakaupo kanina't pinagsisipa iyon para lang may mapagbuntunan ng frustration.
"I love you and I hate it so much!" Pagkatapos ng isang malakas na sipa sa inosenteng swing ay na-out of balance ako't nasadlak sa lupa. Ang dahilan ng pag-iyak ko'y agarang napalitan ng dahilan. "Ang sakit!"
Parang gusto kong maglulupasay doon. Hindi ba ako pwedeng maglabas ng sama ng loob nang hindi agarang kinakarma? Nakakainis.
Narinig ko ang walang modong paghagalpak ng tawa ni Cedric sa likod ko. "Okay ka lang? Aga ng karma?"
Hindi ako kaagad nakatayo dahil sa pag-inda ng sakit. Ilang sandali pa akong humikbi. Why did it seem like nothing was going my way? Para bang wala nang mangyayaring maganda sa akin.
"Eunice, ano na? Need help?" Naglahad ng kamay sa akin si Cedric kahit tawa pa rin siya nang tawa. Naiirita ma'y tinanggap ko rin ang palad niya para lang makatayo. "You're cute when you're clumsy."
The moron was still laughing his heart out that's why I glared at him while dusting my skirt off from the fall. Aktong kukunin ko na sana ang shoulder bag sa gilid ng swing nang matigilan ako, dahil sa marahan niyang pagbagsak ng mga palad sa magkabilang balikat ko, keeping me from where I stood. I heard him sigh after that, almost sounding defeated for some reason.
"Loving someone could never be a bad thing you know. It's what you do about it."
I wiped my cheeks from my tears over and over again. Nag-angat lamang ako ng tingin sa kaniya nang unti-unting akong kumalma sa pag-iyak. I saw him staring at me with eyes full of concern. I didn't know why but my heart felt warm in an instant. Ang iritasyong nadama ko sa kaniya kaninang umaga ay hindi ko na mahanap sa akin.
"And there would always be a better place for you, Eunice. You just have to be decisive enough to take the risk and find where you really belong." He sported a gentle smile at me.
Kasabay ng pagsikip ng dibdib ay muling nanlabo ang mga mata ko.
Better place. Could I really find it if I take the risk?
"Let's get you home, crybaby." He patted my head lightly. Kinuha niya ang bag ko sa gilid ng swing at siya na mismo ang nagdala niyon.
Pinanood ko lamang siyang gawin iyon habang nagpupunas ako ng mga bagong luha.
Cedric walked me to my apartment. Bukas na lang siguro ako uuwi sa bahay. I was emotionally too exhausted to ride the bus. But I was glad he's here...
Yeah, the irony. Who would have thought that this moron could be such a gentleman? Medyo creepy ang mga sinabi niya sa akin ng mga nakaraang araw. But right now... I guess he was alright?
Pagkatapos ng P.E. namin nang Monday ay mabilis akong nagpalit ng regular uniform. Medyo na-late kasi ang dismissal. Ang sabi pa naman ni Cedric noong Friday ay sabay kaming magla-lunch ngayon. Pumayag ako given na wala akong kasabay lagi sa lunch bukod kay Terrence at mga kabarkada niya.
Isa pa, I was used to girls in our college hating me because of Rence. Dahil kung hindi niya naging babae ang mga ito ay iniisip naman ng iba na bitchesa ako, dahil sa ere ko umanong tila ayaw ng kausap at nagtataboy ng atensyon, anila. Hindi ko alam kung totoo iyon dahil kabaligtaran niyon ang tingin sa akin ng mga schoolmate ko nang high school. Or maybe I changed? I dunno. And though I talked to some of my classmates from time to time, I didn't hang out with any of them and I couldn't really call them my friends.
I hung out with Rence's friends but I didn't regard them as my friends too. It was okay though because I preferred being in solitary. Mas marami kasi akong nagagawa at natatapos 'pag gano'n. I kinda found casually hanging out with friends all the time unproductive and waste of time anyway.
"Ouch!" Nabangga ako ng isang lalaki sa hallway dahil sa pagmamadali niya. Ang ilang librong dala ko'y maingay na kumalampag pagkabagsak sa sahig. Tanging sulyap ang natanggap ko mula sa ilang estudyanteng nagdaraan.
"Sorry, miss!"
Yumukod siya nang hindi ako tinitignan para pulutin ang mga libro. Ininda ko sandali ang braso kong tumama sa kaniya bago yumukod din at tumulong sa pagpulot.
I know him. Classmate ko ito sa isang subject.
"Sorry ah. Hindi kasi kita napan—Eunice?" Natigilan siya sa pagpulot ng mga libro ko. Actually, binitiwan niya iyong bigla at dali-daling tumayo na para bang nakakita ng multo. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya sa pagkagulat.
"Bakit?"
Nagpapalinga-linga siya sa paligid at mukhang kabado nang mamataan ko.
"S-Sorry..." Sinulyapan niya ako nang may pag-aalangan mula sa pagkakayukod ko.
Kumunot lamang nang bahagya ang noo ko sa biglaan niyang pagkakabalisa. Matapos ang ilang sandali'y naghahadali niya akong nilampasan. And for some reason, it bothered me. Because I could clearly feel that something was wrong about it.
For one thing, I wasn't sure how or when I started to do it—but I think I could feel the weight of someone else's feelings, like I can put myself on their shoes and have a tang of their emotions clearly. It got in my way sometimes but I always did my best to ignore it.
"Hey, Ian! Sandali lang!" Madalian kong sininop ang mga libro para lang maabutan siya. Nasa pagitan ng pagtawa at kalituhan kong sinabing, "What are you so scared about? Hindi naman ako galit?"
Natigilan siya nang bumulaga ako sa harap niya. The look of uneasiness slowly washed over his expression. Hindi siya makatingin sa akin, nag-aalangan. "H-Hindi naman 'yon eh."
"Eh bakit parang takot na takot ka? Seriously, may nakahahawa ba 'kong sakit?" marahan kong utas habang hinihintay ang sagot niya.
"Ayoko lang madamay, Eunice." Kabado niya akong tinignan. Hindi ko naintindihan para saan iyon.
I blinked in confusion. "What do you mean?"
Umawang ang mga labi niya ngunit walang salitang naimutawi. Mabigat siyang bumuntonghininga, ramdam ko ang frustration niya ro'n.
"Kalimutan mo na lang. Wala 'yon." Pagkailing ay nag-iwas siya ng tingin at nilampasan ako ulit.
Matabang akong natawa. "No, wait." Hinarangan ko ang daan niya. "Tell me what it is."
"Eunice." Luminga na naman siya sa paligid na para bang may kinatatakutan at tinataguan siyang tao na bigla na lang susulpot o ano.
"What? Spill it," I urged in a stern expression.
Pumikit siya nang mariin sa pagsuko. May nakapinta pa ring pag-aalinlangan sa ekspresyon niya nang sa wakas ay nagsalita. "Hindi ko alam kung anong estado ninyo ni Terrence ngayon pero ayokong magaya sa iba."
What?
"Haven't you heard about the rumors?" Hindi mapalagay siyang luminga-linga.
"What rumors?"
"Narinig kong binabantaan niya lahat ng naglalakas-loob na lumapit sa 'yo sa college natin... katulong ang varsity team."
I gaped at him in astonishment. Terrence did what?
"'Yung classmate nating kumausap at sumabay sa 'yong maglunch no'ng nakaraan, balita ko binantaan niya. Hindi raw nakinig kaya nagkaro'n ng iringan at nasuntok. Hanggang ngayon balita ko mainit pa rin ang mata sa kaniya ni Terrence."
"You're kidding." Parang gusto kong matawa kahit hindi katuwa-tuwa ang biro niya.
Umiling siya, bahagyang namumuo ang tensyon sa panga. "Seryoso ako, Eunice. You might think it's an empty threat and completely absurd but I don't want to risk it... I'm sorry."
With an apologetic expression, he turned his back on me and walked away. Hinayaan ko na lamang siya. Ang hindi ko lang alam ay kung kaya ko bang hayaan si Terrence sa pagiging gago niya.
Siya pwedeng mambabae tapos ako—it's not like I wanted to have an affair with someone else too. Masyado lang siyang makasarili at unreasonable! He wanted to make sure that he owned me but not the other way around. How dare he?
Hindi pa ba sapat na malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya kasama ang ibang babae katulad ng sinabi niya sa akin nang nakaraan? Bakit kailangan niyang kontrolin ang lahat?
A sudden rage boiled inside of me.
The affection I felt blurred with the fury surging in my veins. I think I just stepped in what they called the thin line between love and hate. And the pathetic other I was too hurt and weak to dominate me at the moment.
Papunta na sana ako ng cafeteria para kumprontahin si Terrence nang matigilan ako sa kalagitnaan ng paghakbang. Ang kaninang nakapapasong galit na nadama ay tila biglang naapula dahil sa natanto.
Cedric. Cedric was there. I was itching to confront Terrence with his bullcrap but I didn't want to make a commotion and risk it with Cedric. Baka madamay siya. Ayokong mandamay ng iba. And confronting Terrence right then might triggered him to involve others about us...
Maybe... I should avoid being with Cedric in a place where there's a lot of people for the time being... para hindi rin siya pag-initan ni Terrence.
Shit. I don't know who I'm supposed to avoid anymore.
Labag sa loob akong nagtungo sa library para magpalipas ng oras. Pumwesto ako sa pinakadulo at pinakamadilim na shelf at sa pagitan niyon naupo.
This is fine... this is all fine. Solitude was fine. It was bleak, dim and cold here but it's fine. I'll be fine.
Niyakap ko ang mga binti at nagbaon ng mukha sa mga tuhod.
"You jerk..."
What did I ever do wrong with you to deserve this, Terrence? Why are you doing this to me?
Parang gusto kong hugutin ang phone at tadtarin siya ng hate messages at lahat ng swear words na alam ko. Gustong-gusto kong tumakbo ngayon papuntang cafeteria at tapusin ang lahat sa amin, para lang ipamukha sa kaniyang kaya ko ng wala siya at kaya ko rin siyang palitan!
Ang sarap isipin na kaya kong gawin iyon. Pero hanggang pag-iisip na lang ako, dahil wala akong ibang magawa kundi ang muling magpalukob sa parte kong nananatili pa ring nakakapit.
Why did he have to drag someone else in our issues? He wasn't playing fair.
I was pathetically crying here while I bet he was out in the cafeteria having a good chitchat with his friends and a different girl on his side!
Mabuti na lang at walang gaanong tao rito dahil lunch break. Walang makakarinig at makakakita sa akin sa ganitong estado. But who was I kidding? Nobody here truly cared anyway.
Matabang akong natawa sa pagitan nang mahinang paghikbi.
Ganito ba kagusto ni Terrence na maging miserable ako? Para lulunin ko ang lahat ng sinabi ko? Para bumalik ako sa kaniyang talunan at aminin na nagkamali ako? If he was that cruel to make me suffer like this... then how could he say that he loves me?
Mas lalo lamang akong naiyak sa mga naiisip.
The place was quiet with my crying when all of a sudden, I felt something warm beside me. Wala sa oras kong naiangat ang ulo para lingunin iyon dahil sa pagtataka. And to my surprise, it was the sarcastic guy I'd been trying to hide from.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top