29 : Traitor


"You'll do whatever I ask you to, twin brother?"

"Anything..."

"Eunice! Eunice, are you here?!"

Panandalian akong nanigas sa kinauupuan nang marinig ang boses ni Cali mula sa taas. Sinundan ito ng sigaw ni Dina at Mike sa 'di kalayuan.

They're alive. Oh thank, God.

"Do you know there are four of them here?" Muli itong humagikgik na para bang may kakatwang naiisip. "Your friends are here for you. Isn't that funny? Maybe they want you dead so why don't you kill them first?"

Natigilan sandali si Terrence bago muling nagsalita. His jaw clenched.

"I sent Uncle Gil to fetch your doctor. But your wound need to be tended to right now and if we leave we could meet them along the wa—"

"You think I'm a joke, aren't you? Tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo pagkatapos mo akong pabayaan dito ng ilang taon? We didn't share the same genes for nothing. Don't look down on me just because I happen to be caged here forever, twin brother. I'm not stupid like this girl."

Bahagya akong napatingala nang hinigit niya ang buhok ko.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"I already told you. If you wanted me to believe your bluff then kill your friends. Unless you want Eunice to die here instead. Your choice."

"He's not like you," I heard myself say after a long while of being silent. "He might have high tendencies to be a psychopath but he doesn't want to be like you!"

"Ah... I thought you'd gone mute. Turns out you still have the energy to talk even when no one wanted to hear your bull. Kailangan pa bang may magsabi sa 'yong hawak ko ang buhay mo?!"

"I'll do it."

Mula sa muling pagdiin nito ng balisong sa leeg ko'y bahagya iyong kumalma matapos makuha ni Terrence ang atensyon naming dalawa.

I looked at him in horror.

"No..." What the hell is he saying? Papatayin niya sina Mike? No, he wouldn't! "Rence, no!"

Hinigit akong pabalik ng kakambal niya mula sa buhok nang sumubok akong umahon mula sa pagkakaupo.

Sa pulang mata at matigas na ekspresyon ay binalingan ako ni Terrence at tinitigan nang mabuti. "I'll take care of them but you need to promise me to leave her alone. Aalis tayo pagkatapos kong gawin ang gusto mo."

"That would be lovely, twin brother."

Wala nang natirang kahit anong bakas ng emosyon ang mukha niya nang nagbalik ng tingin sa kakambal. "But before that... I want you to let her go."

"Why would I?"

"You're losing so much blood... let me tend to your wound first... please."

Mahina itong natawa. "If that's an underhanded tactic then I must applaud you. But sad to say, I'm not falling for it."

"I can't let them go down here."

"Then get the fuck up there. Right. Now. I won't repeat myself."

I could see the tension on Terrence's jaw as he gave his twin a hard stare. He wouldn't do it. I knew he wouldn't.

"Rence, don't..." Sinubukan ko muling umiling.

"Hey bitch, are you down here?!" Sinundan ng ilang mabibigat at mabibilis na yabag ang sigaw na ito ni Dina. Nakuha nito ang atensyon naming tatlo.

Things happened so fast when she came into view. Terrence grabbed his twin's arm with the knife and toppled over her, making the latter loose her grip on my hair. He was pinning her wrist on the floor and seizing the knife from her hold when I looked up, trying to gather myself.

"Get out of here!" Napatalon ako sa sigaw ni Terrence at tila noon lang nagbalik sa reyalidad nang sinubukan kong gagapin ang nanginginig na binti para tumayo.

"Who the hell is that?" Sinalubong ako ng gulat at litong si Dina. Ang tingin niya'y nagsasalit sa kambal at sa paglakad kong palapit. Her eyes settled on me when I came close. Kumunot agad ang noo niya at nilapitan ako para tulungang tumayo nang maayos. Hindi ko man inasahan ay nakita ko ang pagbalatay ng pag-aalala sa ekspresyon niya. "Oh bitch, you look fucked up. Anong nangyari sa 'yo?"

Susubukan ko pa lamang sanang magsalita ngunit umalingawngaw na ang ilan pang mga yabag pababa ng kahoy na hagdan.

"D!"

"Are they here—"

Gulat na natigilan si Mike at Cali sa paghakbang nang mamataan kami roon.

"You fucking—traitor!"

Isang lingon at naabutan ko ang pagpupumiglas ni Ainsley mula sa pagpigil sa kaniya ng kakambal. Terrence was saying something under his breath but his twin didn't seem to care what it is. Patuloy lamang ito sa galit na pagsigaw at pagwawala, hindi alintana ang pamumutla dahil sa kanina pang pagdurugo nang natamong saksak.

"Can you... can you find anything to dress a stab wound?" nanghihina kong mutawi sa gulat at tila naestatwang si Cali at Mike.

"Nasaksak ka?" Nang makabawi ay napahakbang palapit ang duguang si Cali at agad akong pinasadahan ng tingin para lang hanapin iyon.

"Idiot. Hindi 'yan saksak, hiwa 'yan," kunot-noong ani Dina patukoy sa tinamo ng nagdurugo kong leeg, panga at braso. "Mike, can you find something for her wounds?"

Agad namang naging abala sa paghalughog si Mike mula sa mga gamit na naroon sa lamesa. Habang hinahawi ang mga naro'n ay narinig ko ang mahina niyang kumento, "What the fuck are these for?" Sabay pasada ng tingin sa mga taxidermy sa dingding sunod sa kabuoan ng basement.

Marahan akong umiling habang tinatapunan silang pabalik ng tingin.

"Terrence is here. But who's..." Cali's eyes were trained on the twins.

"It's... it's not for me," patuloy kong iling.

"What you mean?" litong tanong ni Dina.

"It's for her..."

Mabagal ang ginawang paghakbang palapit ni Cali sa dalawa kasabay nang paglingon naming tatlo sa direksyon ng mga ito.

"Stay right where you are—don't fucking come here!" angil bigla ni Terrence na siyang agad nagpatigil sa kaibigan.

"Okay, dude... okay..." ani Cali, bahagyang nakataas ang magkabilang palad sa ere bilang tanda ng pagsuko.

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang malalakas na halakhak ni Ainsley sa buong basement. Nanatili siya sa sahig, sinusubukang pigilin sa paggalaw ng kakambal.

"Calen Lionell Ramirez, did anyone bothers to tell you how much of a dumb fuck you are?"

Mabagal na naibaba ni Cali ang magkabilang kamay, ang gulat at kalituhan ay nagtatalo sa ekspresyon nang tinunghayan ito.

"No one bothers because no one can beat me to it—but how the hell did you know my name?"

I tried to calm my breathing when the weight of the air thickens as a few seconds ticked in silence.

Hanggang sa binasag ng mahina at kontroladong boses ni Terrence iyon. "Umalis na kayo rito..."

"Did you fuck her? Because my brother couldn't!"

"Get the fuck out of here right now!" tila kulog na sigaw ni Terrence, tipong naputol na ang pisi ng kanina pang nagpipigil.

Muling umalingawngaw ang malalakas at naghihisteryang tawa ng kakambal niya. Ang naninilaw na liwanag ng nag-iisang bumbilya roon ay halos umuga sa lakas ng pagdagundong nito.

"This chick has gone batshit," anas ni Cali sa pagkakagulat.

"I think we should get out of here," seryosong ani Mike sa matigas na eskpresyon pagkalapit sa pagkakaestatwa namin.

Pumikit ako nang mariin sandali. I wanted to get the hell out here so much but I couldn't will myself to leave Terrence behind. He couldn't possibly apprehend and attend to his twin's wound at the same time. Someone needs to help him.

"Let's go," Dina urged when I take back my arm from her hold.

"You guys go ahead. I can't leave him here." Humakbang ako at nag-umpisang maghalughog sa lamesa at ilang drawers ng estanteng nakita—para sa bandage o kung ano pa mang pwedeng gamitin para sa saksak ni Ainsley.

"Bitch, are you crazy?"

"Eunice, you don't have to do this."

Pressure. We need pressure to stop the bleeding. Pagkadampot ng isang pulumpon ng telang nakita ay palapit na sana ako sa dalawa. Ngunit natigilan nang sinapo at hinilang pabalik ni Cali ang isang braso ko.

"Sandali..." Nagpasalit-salit sa akin at sa kambal ang tingin niya, unti-unting kumukunot ang noo niya at mukhang may pinag-iisipang mabuti. "Who the hell is she calling... her bro—holy shit. No way." Walang humor ang kumawalang tawa sa pagitan ng mga labi niya nang mariing tinitigan muli ang kambal. Sunod na bumagsak sa akin ang mabibigat niyang mga mata. "Am I getting this right?"

"Right about what?!" Dina spat in confusion.

"Guys. It's not the right time to talk—" Mike tried to butt in.

"Ang sabi ko umalis na kayo rito bago ko kayo patayin isa-isa!" The four of us froze in terror with Terrence's voice together with Ainsley's manic laughter reverberating in the four corners of the basement.

"Come on!" Naghahadali akong sinubukang hilahin muli ni Dina at kahit anong pagbawi ko ng braso ay hindi na ako makapanlaban dahil sa panghihina. Nabitiwan ko ang pulumpon ng telang hawak.

Nauna na ang dalawa sa pag-akyat. Ang nanlalabo kong paningin ay naiiwan pa kay Terrence bago kami tuluyang makalabas din ng basement.

I remembered his bloodshot pained eyes. The way his shoulders quiver with broken sobs for the tears he'd shed for her twin. How much it broke him to watch how Ainsley got hurt.

I need to be there. I can't leave him. I need to go back.

Pagkabitiw ni Dina sa akin ay umakma ako nang pagbalik ngunit mabilis nasapo ni Cali ang magkabila kong braso. Hahawiin ko sana siya ngunit natigilan ako sa bigla niyang sinabi.

"That chick is Terrence's twin. Tama ba?"

Hindi ako nakasagot. Napahinto ang patungo at palabas na sana sa pintuang si Mike at Dina. Lumingon ang mga ito pabalik sa direksyon namin.

"She's the one being confined here and not her brother," pagpapatuloy ni Cali, hindi na iyon tanong. "Sabihin mo sa 'kin, Eunice... silang dalawa ba ang may gawa ng mga pagpatay? O isa lang sa kanila?"

Tinitigan niya akong mabuti habang hinihintay ang sagot ko. I tried to gather my thoughts and compose myself because I feel like I might faint. Hindi ko pa nasisigurado kung hindi sangkot si Terrence sa krimen. At ayaw ko mang isipin ngunit malaki ang tsansang kung hindi siya ang pumatay ay may malaki siyang naitulong doon. He wasn't innocent as well.

Mas lalo akong nanghina sa mga naiisip.

Bumitiw ako ng tingin kay Cali at pumikit nang mariin bago nagsalita. "I don't know." Sabay bawi ng braso mula sa hawak niya.

"I get how much you care for him. Pero maling pagtakpan mo ang ginawa niya," aniya sa mariing tinig pagkapirmi sa akin.

"His... his twin did it... but I..." Kumawala ang mahina kong mga hikbi at hindi na halos makapagpatuloy. "I don't know... if he's... got anything do to with it... that's why I need to go back for him."

Nang muli kong binawi ang mga braso ay hinayaan ako ni Cali. Nagtungo ako agad sa hagdan at dali-daling tinahak ang mga baitang pababa, pabalik ng basement.

"Eunice!" I heard Dina called after me but I carry on.

Hinihingal at bitbit ang bigat sa dibdib, nadatnan ko siyang hawak ang kutsilyo habang ang kakambal ay nanatiling nakahandusay sa sahig.

"Rence." Pinulot ko ang nabitiwang palumpon ng tela at umakma ng paglapit. "Let me help."

"What are you still doing here?" Humarang siya sa daraanan ko.

"Let me help," ulit ko.

Sinundan na lamang niya ako ng tingin nang nilapitan ko ang kakambal niya. The latter groaned when I pressed the layers of fabric on her stab wound, until she eventually let out a hysteric laugh after glancing at me. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang ginagawa ko o ano.

"Stupid... bitch..." she coughed out these words weakly.

Nanatili namang blangko ang ekspresyon ko habang maiging nilalagyan ng pwersa ang saksak niya.

"Don't mistake my concern for foolishness." Napadaing siya agad nang dinagdagan ko ng pwersa ang ginagawa. Rekta ang malamig kong tingin sa kaniya nang dinugtong ko ito matapos, "I'm not doing this for you. Tama man sa paningin mo ang mga ginawa mong krimen o hindi, kailangan mo pa ring pagbayaran ang mga 'yon." I shook my head lightly. "So don't think that dying here would be enough to atone for every lives you've taken."

Sinuklian niya ako nang matalim na tingin, nagngingitngit sa galit at tila gustong gumanti. Only that she couldn't, given the amount of blood she'd lost.

"What you've been through wasn't normal... and I'm sorry that you have to go through all that. I can't imagine how lonely that might be..."

"Liar." Namumula ang mga mata, unti-unting bumilis at bumigat ang paghinga niya. "You have no fucking idea."

"I don't," mabilis kong tugon, halos bulong. Dahil iyon ang totoo.

"I wanted... to get out... of here..." Slowly, tears started to fall from her eyes while letting out broken laughs. Her piercing eyes were still directed at me. "I just wanted to get the fuck away from here!"

"Ainsley."

"I don't care how... or where I'd end up... I just wanted the fuck out!"

"Hey." Nanuhod si Terrence sa tabi ko para daluhan ito.

Putlang-putla, sunod na umalingawngaw ang mga tawa niya kasabay ng pagpatak ng mga luha. Ang dugo niya'y nakamantsa sa balat, damit at telang hawak ko.

"Funny isn't it? People crying foul when you treat them the same way they've been treating you... hypocrite... all of them are fucking hypocrites!"

Pumikit ako nang mariin at sinubukang panatilihin ang hawak at pwersa sa sugat niya.

I hate her for what she'd done, hindi lang sa akin kundi lalo na sa mga nabiktima niya. Ngunit hindi ko mapigil ang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan siya ngayon.

They said that we were defined by the choices we make that's why we always chose the ones that would best serve our interests. But once we do, suddenly it wasn't fair. Some says that we should consider others with every decisions we make. But again, why did it feel so wrong when we chose to prioritize ourselves first?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top