28 : Better off dead


Buong sandali akong tulala sa dalawa hanggang sa marinig ko ang maingay at magkakasunod na yabag palapit.

"Anong nangyari?!"

Pinanood ko ang dire-diretso nitong pagtungo sa magkapatid hanggang sa manuhod sa tapat ng mga ito, ang walang paglagyang gimbal sa ekspresyon nito'y unti-unting napalitan ng panlulumo.

Everything was like a bitter pill to swallow. Ayaw niyong mag-sink in sa utak ko kahit malinaw na sa harapan ko ang sagot. Para akong lumulutang at nakahiwalay sa sarili kong katawan habang pinanonood ang lahat ng iyon.

Terrence's twin wasn't a boy and definitely not dead. She was a psychopath being confined here in a secret room for years—but still managed to kill those girls.

How did any of that make sense?

"Susunduin ko ang doktor niya. Ikaw muna ang bahala sa kaniya habang wala ako—babalik ako agad!"

She was unconscious. They were panicking. She was being taken somewhere I wasn't sure where.

"You killed her. You killed someone."

Isang lingon at tila nabalik ako sa mundo nang mapatalon sa nakita—si Cedric. Itim na hoodie. Duguan.

"You care for him, you said? Bakit mo pinatay ang kakambal niya kung gano'n?" Mabagal nitong itinabingi ang ulo, ang namumula at nang-aakusa nitong mga mata ay mariing nakapako sa akin.

Umiiling, napaatras ako mula sa pagkakasadlak sa sahig. "She's... she's not dead... you're... you're not real..." Pinigil ko ang pagkawala ng mga hikbi.

I knew for a fact that he wasn't real but why am I seeing him again?

"You worthless piece of shit. Why won't you just kill yourself to make it fair?" Nagtindigan ang mga balahibo ko nang kumurba pataas ang magkabilang sulok ng mga labi niya—halos umabot na ang hiwa niyon sa gilid ng mga mata niya dahil sa hindi pangkaraniwang haba.

"G-Get the fuck away!" Nanginginig habang sapo ng mga palad ang ulo, may kumawalang hikbi sa pagitan ng mga labi ko.

"Kill yourself, Eunice. Things would be so much better that way."

Marahas ang singhap ko nang tumama ang likod ko sa pader matapos mapatalon sa gulat. Nanunuhod na ito sa harap ko. Halos mabali na ang ulo dahil sa hindi normal na pagkakapaling. Ang mga sariwang hiwa sa mukha ay nilalabasan ng dugo—minamantsahan nang tumutulong pulang likido ang damit ko.

Napasigaw ako sa sobrang takot nang sumunggab ito ng sakmal sa leeg ko. Dali-dali ang ginawa kong pagbalikwas at paggapang palayo. Hindi man makontrol ang panginginig ay sinubukan kong tumayo. Nagkakandarapa kong tinakbo ang hallway pababa sa hagdan matapos.

"You're a murderer! Just kill your fucking self!" Dumagundong sa tainga ko ang sigaw nito na sinundan nang makapanindig balahibong matinis na halakhak.

Iba't iba ang mga boses na biglang nagsulputan at umugong sa pandinig ko—mababa, maliit, mahinahon, malaki, malakas, galit, nagwawala—sabay-sabay ang mga ito at isa lang ang sinasabi nila.

"Kill yourself."

Ilang baitang na lang ang natitira sa hagdan nang mawalan ako ng balanse at matalisod ng sariling paa at dire-diretsong gumulong pabagsak sa sahig ng ground floor—hitting my head and whole body on the solid wooden material. Pumintig ang panibagong kirot sa sariwang sugat na nasa gilid ng ulo ko. Ang panibagong sariwang dugo ay muling dumanak mula ro'n.

Umiikot ang paningin at hindi halos magkandagulapay, sinubukan kong itukod ang mga braso para tumayo. Ngunit nang nahagip ng paningin ko ang mabagal na paghakbang nang duguang si Cedric pababa ng hagdan ay wala sa sarili akong napagapang—makalayo lang dito.

Hindi ko alintana ang mga hikbi dahil sa nakabibinging pagkalampag ng dibdib sa nag-uumapaw na takot, gimbal at panlulumo. Takot sa nagawa ko. Gimbal sa pagbabalik ng halusinasyon ko. Panlulumo dahil alam kong wala na akong takas.

"You hate his friends because of their accusations? How are you any different if you couldn't be with him in his trying times?

"Wala kang alam tungkol sa kaniya, Eunice. Wala kang alam sa mga pinagdaraanan niya.

"You loved him and you care for him? You're not fooling anyone!

"You actually believed his friends' accusations, didn't you?

"You betrayed him too!

"Now tell me why you deserve to live because if you ask me... you're better off dead!"

"Shut up..." halos walang tinig kong mutawi sa pagitan ng paghikbi, patuloy ako sa paggapang kahit alam kong wala akong pupuntahan.

"End it!" A high pitched laugh echoed in the whole house. "End yourself!"

"Pretentious bitch."

"Tanga!"

Kuyom ang magkabilang kamao, para akong malulumpo nang hindi makitang pwersang nanghihila sa akin pababa. Patungo sa isang madilim na lugar. Malamig iyon. Mabigat. Ngunit hungkag. Tila isang buhay na bagay na yumayabong at sumasakop sa akin.

"Wala kang kwenta kaya mabuti pang mamatay ka na!"

May kung anong animong itim na usok ang lumabas mula sa dulo ng mga daliri niya. Tila pakurbang linya iyon nang mabagal na dumaloy sa ere patungo sa direksyon ko sa sahig.

Namimilog ang mga mata, naestatwa ako nang tumigil iyon ilang pulgada ang layo mula sa mukha ko. Isa. Dalawa. Tatlong segundo. Walang habas na pumalupot ang itim na usok sa leeg ko. Tila elastiko iyon nang gigil na humigpit—sinasakal ako.

"Just die and do everyone a favour, alright?"

Unti-unting nawawalan ng hininga, lakas at pag-asa, nasapo ko ang leeg at sinubukang alisin iyon.

Humakbang palapit ang duguang si Cedric. Bahagyang nakataas ang mga daliring pinagkokonektahan ng itim na bagay. May dugo nang umaagos sa namumula niyang mga mata habang pinanonood ang paghihirap ko—ang malaking hiwa ng labi ay nakakurba pa rin para sa isang nakakikilabot na ngisi.

I tried to speak but I couldn't utter a single word.

"Oh, don't fret, Eunice. You'll gonna die soon."

Ipinikit ko ang mga mata at pilit pinanlabanan ang sarili.

Hindi ito totoo. Hindi siya totoo. Hindi nangyayari ito. Wala siya rito. Kailangan kong tumayo. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong mabuhay. May karapatan akong mamili...

At hindi ko hahayaang magpalamon sa sarili kong isip at damdamin.

I got rid of him once and I could definitely do it again.

Hinugot ko ang lahat ng natitirang lakas para lang patatagin ang mga binti sa pagtayo.

I shouldn't die here. Paano na ang mga magulang ko kung pati ako'y mawawala? Kailangan nila ako. Cali, Dina and Mike were still alive and the four of us would get out of here—I wanted to believe that.

No one would die here. We would sort things out the right way.

"Hindi ka totoo!" I screamed at the top of my lungs then all at once, he disappeared like smoke in thin air.

Sumisinghap at nanginginig, mga mata ko lang ang gumagalaw upang obserbahan ang tahimik na muling bahay. Walang sinuman ang naro'n. Ilang sandali pa ang binilang bago ako nakahinga nang maluwag nang matantong wala na si Cedric. Napapahikbi, pahakbang na sana ako ngunit animong nag-ugat ang mga paa ko sa sahig.

"You think you can get rid of me as easily like that?" bulong nang malalim na boses mula sa likuran ko.

Walang pasubaling nagtindigan ang balahibo sa buo kong katawan. Tila isang gatilyong kinalabit nang otomatikong humakbang patakbo ang mga paa ko. Sumalpok ako sa pintuan ng isang kwarto. Naghahadali kong pinihit pabukas nang paulit-ulit ang seradura niyon ngunit ayaw bumukas. Isang lingon at naabutan ko ang palapit na duguang si Cedric, sa kabilang banda niya ay ang bukas na pintuan sa isang kwarto.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras nang walang ligoy-ligoy kong tinakbo ang ilang metrong distansyang layo niyon mula sa akin. Mabilis ang lingon, tumakbo siya pasunod sa akin. Huli kong nakita ang nakakakilabot niyang pagngisi habang naghahadaling nagtutungo sa direksyon ko. Pabagsak akong sumandal sa likod ng pinto pagkasara ko niyon. Hinihingal at nagkalat pa rin kung saan ang isip, nasapo ko ang ulo at mahinang napahikbi.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakakabawi, ginapangan ako ng kuryosidad sa tumambad sa akin.

Mula sa ilalim nang nakapaling na lamesa, may parisukat na parte ng kahoy sa sahig ang nakaangat pabukas.

Sinusubukang kalmahin ang sarili, marahan akong tumayo para lapitan iyon. Tumigil ako sa tapat nito. Hagdan. Lagusan. Pababa.

Napasulyap ako sa saradong pintuang pinasukan bago muling nagbalik ng tingin sa isa na namang sikretong kwarto. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko nang dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa at tinahak ang maalikabok na hagdan pababa. Bawat baitang na apakan ko'y may kaakibat na langitngit dahil sa luma niyong kahoy.

Pigil ko ang hininga nang tuluyan akong makatapak sa simentadong sahig. Aninag ko ang naninilaw at mahinang ilaw na nakabukas sa pinakaloob nang tinungo ko ito.

Kasabay ng pag-atake sa ilong ko ng pinaghalong amoy ng mga kemikal at metal, bumungad sa paningin ko ang ilang pigura ng hayop na nakasabit sa dingding. May ibang nakasilid at nakababad sa mga garapon doon sa isang estante. It was taxidermies like the deer in the fire place. There was a rabbit, squirrel, racoon... and others I couldn't name staring back at me, motionless. Wala nang buhay ang mga ito—tanging kalahating parte na lamang ng katawan mula ulo ang natira.

Laman ng isang lamesa sa tapat niyon ang ilang kagamitan. Kutsilyo, gunting, gloves, pliers, something like a clip and... a trap?

Ang pag-obserba ko sa paligid ay naudlot nang tahimik akong mapasinghap dahil sa isang pamilyar na boses.

"She's been confined here since the accident when we were kids."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Boses iyon ni Terrence mula sa kabilang banda ng kwarto. Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaling sa kaniya. I saw him sitting in a wooden chair, arms propped on both legs, with expression devoid of any emotion, his eyes were trained on the floor.

"Sounds fucked up but as you can see... our parents decided to fabricate her death and hide her here... she's always been here... Ainsley... my twin and I were... we'd been apart for years..." mahina at halos walang buhay ang boses niya habang sinasabi iyon.

I only noticed then that his twin was lying on a bed across from him. With the knife still stabbed in between her shoulder and chest, she was still unconscious and getting pale. I was torn between feeling sorry and getting furious. She tried to kill me, I just defended myself like any other person would do. She was a murderer but... she was also Terrence's twin.

"We only had the chance to see each other again just a few years back... even though my parents decided against it because of the fear of what she might do to me again... but I don't give a damn about it anymore, I just wanted to see her."

Napako ang mga mata ko sa kaniya. My tears were streaming but I couldn't even feel it in my cheeks anymore.

"Twins had a strange connection, they said... whatever the one feels, the other can feel it as well... that probably explains why she loved me so much because I felt the same—she was my other half... my other I."

He gasp a little before continuing, "And even though she almost killed me in that accident and we'd been apart for years, I couldn't entirely get rid of her... because she's always been a part of me."

A faint nod. "You saw it, right? The picture. She used to dress like me since we were kids... everybody thought she's a boy and our parents didn't find it necessary to correct it... Ainsley, she... she got easily pissed with kids before and it always didn't end well—that's why she didn't want to be around other kids anymore but me. That's probably why one day, she got really violent with me when I hung out with other kids and left her alone in our house..."

I tried to gulp down the bile on my throat. Ang mga luha sa pisngi ko'y hindi ko na pinagkaabalahang palisin mula sa walang humpay niyong pagtulo.

"When our doctors said that she's been showing signs of psychopathy at the early age of three, I thought it was just all bullshits. Because they said a child can't be diagnosed with psychopathy and my twin can't be one—she can't be one of those crazy fucks. I just know it." Matabang at walang humor ang tawa niya. "They even tried to cure her then like she's sick, you know... but they just gave up on her after the accident happened.

"They wanted to send her somewhere and get rid of her. But turns out... that our parents decided to lock her up here... like a fucking dangerous animal..." Pinadaan niya ang mga palad sa buhok, bahagya nang nakayuko.

"Rence..." Sinubukan kong humakbang palapit sa kaniya. Parang nababasag ang puso ko habang pinanonood ang pagtulo ng luha niya, kaakibat ng blangkong ekspresyon. I'd never seen him this vulnerable since I've known him. He always looked tough, callous and self-centred to me most of the time—I didn't know he could shed a tear for anyone...

"I left her here for years... I let them do this to her... I failed to be a brother when she needed me the most... it's my fault she became like this... it's all on me..."

Nanuhod ako sa harap niya nang makalapit at agad sinapo ng magkabilang palad ang isa niyang kamay. Pinisil ko iyon habang maingat siyang pinagmamasdan.

"Terrence, wala kang kasalanan... you are not responsible for her crimes."

Nanatiling tuon ang tingin niya sa sahig.

"I know it's hard for you but we should do the right thing... the one that your parents couldn't do..."

Paulit-ulit ang malalim niyang pagsinghap na tila nahihirapan siyang huminga.

Nanghihina man ay sinubukan kong patatagin ang boses, "It's time to make her liable for her doings."

Pula ang basang mga mata niya nang sa wakas ay nahanap ang sa akin. Ngunit 'sing bilis niyon ang pagbabago ng ekspresyon niya mula sa panlulumo patungong pagkagimbal.

"Eunice!"

Nilamon nang mabibigat na paghinga ni Terrence ang pandinig ko nang maramdaman ko ang paglapat ng malamig na simentong sahig sa likod. Pagkabalikwas niya ng upo palayo sa akin ay para akong sinalpok ng gulat sa nakita.

His twin was standing a few metres away in front of us, the same knife with a hook clutched on her hand, her stab wound bleeding nonstop. Namumutla, patay ang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa amin.

"She needs to die... so step out of the way."

"Ainsley..." Terrence got to his feet and faced his twin. Bahagyang nakataas ang magkabila niyang palad nang ipakiusap ito, "Ainsley, please... don't... please don't hurt her... stop hurting anyone."

Mabagal ang ginawang pagbaling nito sa kaniya.

"Are you choosing someone else over me again, Terrence?" anito sa mababa at may pagbabantang tinig.

Matagal itong tumitig sa kakambal hanggang sa unti-unting mamilog at mamula ang mga mata sa galit.

"Mas pinipili mo ba siya kaysa sa akin?!" Nanggagalaiti nitong itinutok sa direksyon ko ang hawak na kutsilyo. "I am your fucking twin! We are one! But you left me here alone for many years! You go on with your life like I didn't even exist! Pinabayaan mo ako rito, Terrence! At ngayon ano?! Uulitin mo ang ginawa mo?! How dare you betray me like this again?!"

Ang hina sa boses ni Terrence ay salungat sa galit ng kakambal niya. "Ainsley... wala akong pinipili at hindi ko kailangang pumili. I couldn't do anything for you and I'm sorry because I can't turn back the time... but I love you, okay? You're my twin, you're my family and she's..."

"She's what?" malamig nitong sambit, wala na muling bakas ng emosyon ang mukha. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya, tila naghahamon. "She cheated on you remember? Do you still love her even after she hit it off with your so called friend?" Tila isang silid na pinatayan ng ilaw, dumilim ang ekspresyon nito pagkatigil sa mismong harapan ni Terrence.

Sa boses na puno ng dismaya at pang-uuyam ay nagpatuloy ito, "For someone smart you're a dumb fucking loser. Do you know that, twin brother?"

Bumagsak ang mahigpit na nakakuyom na mga kamao ni Terrence habang sinusuklian ng tingin ang kakambal.

"Ah... alam ko na... tingin mo patas na kayo? Na pagkatapos mong manggamit ng iba't ibang babae, ayos lang kung siya naman ang gagawa no'n?" A cackle left a smirk on her face. "Remember when you told me you couldn't feel anything?"

"Shut it."

Inangat nito ang hawak na kutsilyo sa pagitan nila at tinignan na animong isang kakaibang bagay na ngayon lamang nakita. Bawat kurba at detalye niyon ay maiging inoobserbahan nang magpatuloy. "How you couldn't feel any remorse after hurting and almost injuring a teammate? How you lack empathy towards anyone and couldn't even sympathize with their pain?"

"I said shut it."

Mula sa atensyong nasa kutsilyo ay mabilis itong nalipat muli sa kakambal, ang ngisi ay mas lumapad. "That the only feelings left in you are rage and your inflated sense of self-worth!"

"Shut up!"

"You only took interest in her because she looked gullible! You dated her thinking she could fill your needs! But boy she refused so you found yourself toying with other girls in order to feel something!"

"Shut the fuck up!" Dumagundong sa buong basement ang tila kulog na sigaw ni Terrence. Mabilis ang pag-angat-baba ng dibdib, halos hablutin at sunggaban na niya ang kakambal sa galit.

Ngunit hindi ito natinag. "Why can't you say it?! You think I wouldn't know?! You went back here not because you care for me! You're here because you started to feel that something is wrong with you too! And you're afraid to turn out to be like me so you had to check! If not then why are you hiding here?! It's not because you wanted to be with me! It's because you're dead scared you'll hurt this girl and your friends! But you had it in you too whether you like it or not because we are twins and it's not impossible if you're a fucking psychopath like me too!"

With a fierce shove, Terrence lurched across the room. Wala nang panahon pa para magulantang nang dali-dali akong napaahon mula sa pagkakatumba pagkasugod nito sa akin. Ngunit bago pa man ako makatakbo ay iniwasiwas na nito sa akin ang kutsilyo. Isang nakapapasong hapdi na lamang ang lumatay sa braso kong ipinangsangga rito. Napaatras ako nang muli niya itong winasiwas kaya't kinuha ko ang pagkakataon upang dumampot ng kahit anong pangproteksyon. Ngunit sa kakaatras ko habang naghahanap ay natalisod ako at nahantong sa sahig.

Sandali kong ininda ang malakas na pagtama ng likod bago ako tuluyang napadaing nang may humablot ng buhok ko, halos mabunot na iyon dahil sa higpit.

"Ainsley!"

Sa isang mabilis na galaw ay nakita ko si Terrence ilang hakbang ang layo mula sa amin. Ang takot ay malinaw sa nakikiusap na mga mata habang nakatingin diretso sa kakambal niyang nasa likod ko, higit ng nakakuyom na kamao ang buhok ko mula roon at ang kutsilyo na hawak ay mariing nakatutok sa leeg ko. Kung anong kinabigat ng paghinga niya'y siyang kinabilis ng pagtahip ng dibdib ko.

"Ainsley... don't do this... please..." Umakma ng paghakbang palapit si Terrence ngunit agad natigilan nang mas idiniin ng kakambal niya ang talim sa leeg ko.

Sinubukan kong kontrolin ang mga daing nang maramdaman ko ang kaunti nitong pagbaon at pagpunit sa balat ko ro'n.

"It baffles me... so pray tell, what's the difference between hunting and killing animals from what I did with those girls? Hayop... tao..." She let out a confused chuckle under her breath. "Sorry... I just find it amusing... because I've long forgotten how to differentiate the two since being locked here... ng mga tinutukoy n'yong tao. They've isolated me here like a dangerous wild animal for years. Tao man o hayop... all I did was to hunt, kill and skin them off... what is wrong with that?"

Tanging katahimikan ang naging tugon namin. Gustuhin ko mang magsalita at ipaliwanag kung sa'n doon ang mali ay hindi ko magawa.

Killing a person was inarguably wrong but with the way she worded it... and knowing how she lived 'till now, it wasn't as simple as it sounds anymore.

"But why do you think I threw those bodies near your campus, huh? Kung hindi ka ba naman tanga—I was following you and giving you signs and warning. I'm trying to show you how you would end up if you continue with your travesty with breaking up with my twin brother. But boy you were more stupid than I thought—pulling a cool-off then cheating. You badly wanted to die too, huh?"

Naramdaman ko na ang pagdanak ng dugo ko matapos niyang idiin pa lalo ang kutsilyo. Suminghap ako at pumikit nang mariin sa hapding dulot niyon.

I remember it now. She was it—that girl on the shed who asked me if I'm okay. She'd been the one who's following me around. The paranoia of someone watching me wasn't entirely from my delusion!

"No, no, please... Ainsley, listen to me... you told me you wanted to live like a normal person... didn't you? Tutulungan kita—may paraan pa... just don't... don't do this, please."

"She reminded me so much of that girl on our neighbourhood that's why she's my favourite. I told you this before, Terrence, right? That girl was so stupid and an easy target for manipulation. Pero hanggang huli—kahit sinaktan ko na siya, mas pinili pa rin niyang patawarin ako. She said I'm her friend and she could accept me for who and what I am!" Her manic laughter echoed in the silence of the basement. "What a fucking fool!"

All of a sudden, she stopped laughing. Sabay mas mariing higit sa buhok ko.

"But where do you think I went wrong?" nanghinang bigla ang boses nito, almost sounding like a lost, clueless kid. "Can you tell me, Terrence?"

Binalot muli nang nakabibinging katahimikan ang basement sa matagal na sandali. Tanging maliliit at sukat na mga singhap lamang namin ang namayani matapos.

Hanggang sa nagpatuloy ito sa mahina at makapanindig-balahibong tinig. "Because if you can't then I'll tell you..."

Hindi na ako halos humihinga nang gumapang sa akin ang matinding kilabot dahil sa sunod nitong isinigaw.

"I should've killed your friends instead! And I won't do the same mistake again because I'm gonna kill this girl right now!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top