27 : Terrence


Wearing a plaid shirt on top of a white t-shirt, black jeans and sneakers the same way Terrence dressed.

"S-Sino ka?" ang tanging mga salitang nahugot ko mula sa magulong isip.

Itinabingi nito ang ulo patagilid, hindi pa rin humuhupa ang namamanghang ngiti at tingin.

"Hmn? Can't you tell?" Matagal itong tumitig sa akin, unti-unting namimilog ang mga mata na tila hinihintay akong matanto ang gusto niyang ipakiwari. Sabay nitong iniangat ang magkabilang palad sa ere, iminaniobra ang sarili at saka humagikgik bago inanunsyo ito, "I'm Terrence!"

Who the hell is this girl?

Parang gusto nang kumawala ng puso ko mula sa dibdib dahil sa marahas niyong pagtahip. May kung ano sa taong ito na nagsasabi sa aking nasa maling lugar ako—at kailangan kong makaalis.

Tila nahahapo sa paghinga, mabilis lumibot ang paningin ko sa lugar para maghanap ng labasan, sagot o kung totoo nga ba ang nangyayari at hindi isang masamang panaginip.

"It gets boring here sometimes... and I've been dying to see you..."

Isang kwarto. Maliit. Walang mga bintana. Tanging naninilaw na ilaw lang sa nag-iisang bumbilya ang nagsisilbing liwanag dito. Kama, kahoy na lamesa at isang upuan lang ang laman ng silid.

Nasaan ako?

Kumukunot ang noo sa panibagong pagtataka, huling nagtungo ang paningin ko sa pintuang nasa gilid niya. Ngunit nang mahagip ko siya ng tingin ay bahagya akong napatalon pagkakitang blangko na ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin.

"You don't look happy. Aren't you glad to see me again, Eunice? You came here for me, didn't you?"

Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan sa binanggit niya. Ang pangalan ko. Bakit niya alam ang pangalan ko?

Higit kong muli ang hininga at halos mapaatras ako pabalik sa kinauupuang kama nang mabagal siyang humakbang palapit—wala nang kahit anong bakas ng ngiti sa ekspresyon niya tulad kanina.

"Dahil ba kay Cali?"

Mula sa natitirang dalawang metrong layo ay mahina akong napatili nang kumaripas siya ng hakbang bigla palapit—stopping in front of me. Nanginginig, nanigas ako sa kinauupuan nang unti-unti siyang yumukod para lang ipantay ang linya ng mga mata namin.

"Tell me. You wanted a cool-off because you want to be with him—all this time you've been cheating on me with that prick!"

Paano niya nalaman ang mga 'yon?

Hindi ko na alam kung ano ang uunahin—ang paghikbi o ang pagkalma sa nakapanghihinang takot na namamayani sa buo kong sistema. Sinubukan kong magsalita ngunit hindi ko mahanap ang sariling tinig.

Paulit-ulit kong hinila ang braso mula sa pagkakatali niyon sa belt ngunit halos hindi iyon natitinag sa higpit.

Hinablot niyang bigla ang mukha ko mula sa baba, ang mga daliri niya'y halos bumaon na sa magkabila kong pisngi dahil sa gigil. Kita ko ang ilang ugat mula sa namumula at nanlilisik niyang mga mata dahil sa halong galit at dismaya.

"I've been with you... I never left your side in your hard times! How could you do this to me, Eunice? At sa walang kwentang lalaking 'yon pa?!"

Sa kabila ng takot ay hindi ko na napigil ang sunod-sunod kong hikbi. Everything was in vain. We took our chances only to head to our death. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Cali pero pakiramdam ko'y responsable ako sa kung ano mang kinahantungan niya. If I didn't insist to go back here—if I just listened to Dina and Mike and come with them instead, hindi sana 'to nangyayari.

This was all my fault. And dying here might be a fair way to pay for it.

"I told you I love you—wala akong pakialam sa ibang babae dahil ikaw lang ang importante sa 'kin. Alin doon ang hindi mo maintindihan?!"

Mula sa pagkakatigil ay naalarma akong bigla pagkaaninag ng paghugot niya ng kung ano mula sa likuran. Isang kutsilyo. Unti-unti niya iyong itinapat sa mukha kong mariin pa rin niyang hablot.

It looked like any other regular knife except that there was a hook out of its spine, near the end of the blade.

Dumoble ang kaba ko at hindi na ako halos makahinga nang mabuti. Nahihilo. Nangangatal. Nilalamon na naman ng dilim ang paningin ko—kaya't pumikit ako nang mariin at sinubukang gagapin ang gulo-gulo at nalulumpo sa takot na isip.

"I thought you loved me enough to let it pass... you've done it multiple times before so how come you couldn't do it again?"

Hindi siya si Terrence at hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang mga 'yon. Ang tanging alam ko lang ay delikado siyang tao at kailangan kong makaalis dito—sa kahit na anong paraan.

"Why aren't you saying anything, Eunice?"

Namilog ang mga mata ko habang pinanonood ang dahan-dahang pagkurba ng isang malapad at nakakikilabot na ngisi sa mukha niya. Ang pula at namimilog na mga mata ay isa-isang inoobserbahan ang bawat kurba ng mukha ko.

"Oh, alright. Lemme tell you a secret then... alam mo ba... na sa lahat ng mga babaeng 'yon, ikaw ang pinakapaborito ko? And I was saving you for last, you know. But it's too bad that you turned out to be just another whore..."

My skin crawled in mixed terror and repulse when she said the next lines in a low, sickening tone, "Ang ganda-ganda mo talaga... I always wonder how your face would look like if I put it on mine—I guess I'll find that out soon."

Crazy fucking bitch.

An ominous laugh echoed in the silence of the small room. Animong isang gatilyong kinalabit nang tinusok nitong bigla ang talim ng kutsilyo mula sa ilalim ng panga ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit at animong nakapapasong hapdi. Dahan-dahan at pwersahan niya iyong ipinadaan sa linya ng mukha ko—as if trying to knife off the skin on my face by tracing its shape from my jaw.

"Wanna know what the best part of living and growing up here in the woods is? It wasn't hunting itself but the one after that—killing and skinning those dumb animals alive!"

Sinapo ko ang kamay niyang iyon ng magkabila kong palad at pilit siyang pinigil sa ginagawa kahit maluha-luha ako sa matinding hapdi at sakit. Hinugot ko ang natitirang lakas para lang maiangat ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo palayo mula sa pagbaon niyon sa panga ko.

Parehong nanginginig ang mga kamay, nagbuno kami sa pagtatangka niyang ituloy ang paghiwa sa balat ko. Ang kaninang ngiti niya'y muli nang naglaho at napalitan ng hungkag na namang ekspresyon.

Nang dalawang kamay na ang ginamit niya para lang ipwersa pabalik sa ginagawa ang kutsilyo ay bahagya akong napadaing dahil hindi ko na nakayanan pang pigilin iyon. Ngunit imbes na sa mukha ko iyon magbalik ay marahas at mabilis niya iyong ibinwelo at itinarak sa akin.

Wala nang panahon pa para indahin ang pulumpon ng buhok kong naputol dahil sa pagkakatarak ng kutsilyo sa kutson matapos kong mailagan iyon. Bagsak sa kama habang nakabaon ang talim sa gilid ng ulo ko, gasegundo lamang ang lumipas nang muli niya iyong hinugot at umamba ng panibagong saksak direkta sa akin.

"I should've tied all of your fucking limbs!" nanggagalaiti niyang sigaw nang nasapo ko ng magkabilang kamay ang braso niyang may hawak ng kutsilyo. Muli kaming nagtalo rito. "Tutal at wala ka na namang silbi, dapat ka na ring mamatay! Gusto mong matulad sa mga laruang babaeng 'yon 'di ba?!"

A hint of bafflement hits me until I realized something—she was it. She was the culprit behind the killings!

May kung anong pwersa ang dumaloy sa mga ugat ko dahil sa natanto. Bago pa man niya magamit ang kabilang kamay bilang dagdag na pwersa ay mariin kong itinikom pasara ang mga labi ko. Ayaw kong sayangin ang hinugot na lakas sa pagsigaw nang gamit ang buong pwersa ay dali-dali kong ipinaling ang talim at itinarak patungo sa belt na nakatali sa akin. Agad niyang binawi iyon at gamit na ang magkabilang kamay ay muli niyang itinuon sa akin ang kutsilyo—kasabay niyon ang tuluyan kong pagbawi ng isang braso at pwersahang pagbaling pabalik sa kaniya ng talim niyon.

Isang nakabibinging hiyaw ang umalingawngaw nang tumarak sa pagitan ng dibdib at balikat niya ang kutsilyo. Isa't kalahating segundo akong natigil bago walang anu-ano'y marahas ko siyang hinawi paalis mula sa ibabaw ko. Hindi ko ininda ang panghihina at panginginig ng mga binti at palad nang umahon ako sa kama at tinungo ang pintuan sa pinakamabilis na kaya ko.

Ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang matalisod dahil sa kamay na humablot sa isa kong paa. Impit ang daing ko nang maingay akong sumadlak at kumalampag sa kahoy na sahig—hitting my upper body in the process.

Isang lingon at naabutan ko ang nanlilisik niyang mga mata—nakahandusay din siya sa sahig at mahigpit ang kapit sa sakong ng paa ko habang unti-unting hinuhugot ang kutsilyo na nakabaon sa laman niya.

"You fucking bitch..." I don't know who you are—how the hell you knew about me and Terrence—why you killed those girls and why you're trying to kill me now but, "Rot in fucking hell!"

I've never felt plain rage this intense in my entire life. Thinking that all this time, someone like this girl was behind the murders pretending to be Terrence. And how the latter being gone could mean he'd face danger because of this psychopathic bitch.

Buong lakas kong sinipa ang kutsilyo bago pa man niya iyon muling mahugot—dahilan upang bumaon iyon nang mas malamin sa hiwang pinanggalingan.

Nabitiwan niya ang paa ko para lang mapasigaw at halos magwala sa matinding sakit na sinapit. Pulang-pula siya habang nanginginig sa nag-uumapaw na galit nang isinigaw ito, "I'M GONNA DRAIN ALL YOUR FUCKING BLOOD UNTIL YOU DIE YOU FUCKING SHREW!"

Not wasting any second, I scrambled to my feet and immediately head towards the door. Patakbo akong lumabas mula roon ngunit agad natigilan nang tumambad sa akin ang isang kwarto sa rest house. Pagkalingon sa nilabasang pintuan ay nakita kong nakapaling ang isang cabinet na mukhang pinagtatakpan niyon. Ilang beses pa akong kumurap sa kabila nang mabilis na paghinga bago natantong naroon ako sa huling kwarto.

May pinto sa likod ng cabinet. Patungo sa isa pang maliit at sikretong kwarto.

Balot ng kalituhang unti-unti nang naliliwanagan ay tumungo ako palabas. Duguan at nanlalambot man ang mga tuhod ay mabilis kong tinahak ang tahimik na hallway. Pababa na ako ng hagdan nang maulinigan ko ang mabibigat na yabag palapit. At hindi ko na kinailangan ng sagot kung sino iyon nang may sumalubong sa akin sa mga baitang ng hagdan. Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang pagkakita sa taong paakyat sana ngunit tulad ko'y natigilan din.

Mula sa pagkakagulat ay matagal kaming nagpalitan nang may pagtatakang tingin hanggang sa mahanap ko ang sariling boses.

"Terrence?"

"Eunice?"

Sabay naming naimutawi.

He's here?

"What are you doing here?" sinabi niya ang salitang nasa dulo ng dila ko.

Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa hindi paniniwala nang mabagal siyang nagpatuloy sa paghakbang paakyat, parehong pako ang tingin namin sa isa't isa.

"Eunice."

Nang muli niyang binanggit ang pangalan ko'y 'tsaka ko lamang naramdaman ang pagbabadya ng luha. Huminto siya ibang baitang ang pagitan mula sa kinatatayuan ko.

He was alive. He wasn't hurt.

Nakapanghihina ang relief na bumuhos sa akin at wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya nang sobrang higpit. Ngunit mas nangibabaw sa akin ang takot para sa kaniya, para sa amin.

Sapo ang braso niya, mabilis kong tinahak ang mga natitirang hakbang pababa at pilit siyang tinangay.

"Sandali, Eunice, bakit ka nandito? Anong... saan mo nakuha ang mga sugat mo?" Isang higit niya sa braso ko pabalik ang nagpatigil sa akin.

Sa nanginginig at natatarantang tinig ay sinubukan kong magpaliwanag. "We don't have time! Hindi tayo ligtas dito! There's—there's someone here! Someone dangerous! We need to get the hell out of here!"

Nasa ground floor na kami nang hinila kong muli ang braso niya ngunit walang kahirap-hirap lamang niya akong hinigit pabalik. Mabigat na ang paghinga niya nang muling magtama ang linya ng mga mata namin.

"What are you saying? Who's here? What happened?" Something flicker in his eyes but I couldn't tell if it was anger, fear or bewilderment. Or maybe all of it.

"Listen to me—I'll explain it to you but we have to get out of here right now!" pakiusap ko.

"Terrence!"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang isang malakas na sigaw na sinundan ng mga palahaw mula sa pangalawang palapag. My heart was pounding hard in my chest when I heard deliberate slow thuds closing in.

Swallowing my brand-new growing fear, I tried to yank his arm again but he quickly withdraw from my hold. Namilog ang mga mata ko nang walang anu-ano'y tumalikod siya sa akin para lang dali-daling tunguhin ang hagdan paakyat.

"Rence... no..."

Hindi ko halos maihakbang ang mga binti dahil sa biglang panlalamig ng sikmura.

Why would he go up there?! That girl's dangerous!

Sa pagitan nang mahihinang paghikbi ay nasalo ko ang ulo at ilang sandali pang nakipagtalo sa sarili bago sa huli ay napagdesisyonang sundan siya.

Umalingawngaw ang mabibigat at mabibilis kong yabag mula sa kahoy na hagdan hanggang sa marating ko ang pangalawang palapag. My feet immediately rooted on the ground when I saw Terrence holding the girl in his arms like a fragile thing he was terrified of getting shattered. Sinusubukan pa rin nitong bunutin ang kutsilyo sa laman ngunit tila hindi na sapat ang lakas para mapagtagumpayan iyon.

"No... no, please don't do that." Sinapo ni Terrence ang kamay nito para lang pigilan sa ginagawa. Hindi ko naintindihan ang panlulumo, takot at galit na nagtatalo sa ekspresyon niya habang maiging pinagmamasdan ang duguang babaeng kalong niya.

"She... did this... to me..." hikbi nito matapos ituro ang pagtayo ko ilang metro ang layo mula sa kanila.

Gulong-gulo, hindi ko malaman kung ano ang iisipin ko. Tumayo lamang ako roon, halos hindi humihinga at unti-unting nilalamon ng kalituhan at ginagapangan ng kakaibang takot.

Who... is this girl?

She knew everything about me and Terrence. She'd been pretending to be the latter. She was living here in the rest house in a secret room. She was the real culprit behind the killings. All of that could only mean one thing.

Nanginginig ang mga kamay, marahang hinaplos ni Terrence ang pisngi nito. "Ainsley... stay with me, okay? It's gonna be okay... I'm here, don't be scared... I won't let anything happen to you... just hold still and listen to me... okay?"

Ainsley?

The picture of Rence and his twin on the front porch... the same clothes they wore. It was here. That picture was taken here—at their rest house. That's why it was familiar.

Para akong nilubog sa nagyeyelong tubig at tuluyang tinakasan ng lakas. Bumigay ang mga binti ko at sumadlak ako sa sahig. Awang ang mga labi ngunit walang ni isang salitang naimutawi. Hindi ko na maramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko habang pinagmamasdan ang mahinang paghikbi ni Terrence—ang duguang kakambal ay tila nabasag na pigura nang maingat niya itong kinulong sa mga bisig niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top