26 : Real deal
"Eunice! Get to the house!" sigaw ni Cali sa dalagang panandaliang naestatwa sa kinatatayuan.
Hindi niya ininda ang mga tamang sinapit sa lalaki kanina lang at patuloy pa rin sa pakikipagbunuan dito sa hawak na baril. While putting pressure using his arm on the man's throat, he took a quick glance at Eunice's direction—patungo na ito pabalik sa rest house. At kailangan niyang pigilin ang lalaking ito hanggang sa marating ng dalaga ang huling kwarto—para alamin kung ano ang naroon. Hindi man maganda ang kutob ay wala na silang ibang magagawa pa kundi ang sumugal.
Nang muli niyang binalingan ang lalaki ay sinalubong siya nito ng isang suntok. But it only ended up grazing his cheek because the man was becoming weak from choking. Sinamantala ni Cali ang pagkakataon upang agawin ang hawak nitong shotgun. Sa pangalawang pagkakataon ay sumubok muli ng suntok ang lalaki ngunit mas mahina na iyon kumpara nang una.
He must be losing consciousness, isip niya nang makitang hirap na itong manlaban.
A brief second before the man closed his eyes, Cali loosened his arm on the man's throat and tried to seize the gun—only to be horrified when the guy gripped the handle, pointed the gun on his direction and fired it without further ado.
Cali cupped his ringing ears, he could feel the blood coming from it on his hand as a sharp, tormenting pain tackled him. Someone was shouting but it seemed like an echo from a distant place. With eyes tightly shut, he couldn't hear a thing.
Pagmulat ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang lalaking ngayon ay nabawi na ang pagtayo at nakaamba nang paglapit sa kaniya.
Hindi mabilang na mura ang gusto niyang isigaw nang sunod-sunod na tumama sa kaniya ang talampakan ng matigas na botang suot nito. Buong akala niya'y mawawalan na ito ng malay kanina ngunit masyado siyang napalagay.
Is this fucker plans to beat the shit out of me? Hindi ba siya napapagod?!
Parang gusto niyang matawa. Sa pagkakaalam niya'y kasiyahan lamang ang hanap niya kaya niya kinumbinsi ang mga kasamang magtungo rito. Naisip niyang karma na marahil niya iyon dahil sa pagiging likas niyang padalos-dalos sa mga bagay at desisyon.
I should've took some combat training like Dad suggested. Malay ko bang sasabak ako sa ganitong aksyon? Ang gusto ko lang naman ay paganahin ang utak ko at hindi ang kalamnan!
Hinahapong natigilan ang lalaki sa ginagawang pagsipa at pagtadyak kay Cali nang marinig nito ang mahina niyang halakhak. Kunot-noo nitong ipinaling ang ulo patagilid para lang obserbahan kung nasisiraan na ba ng bait ang binata o ano.
Curling his limbs to protect his head and body on the ground, Cali didn't move for a long while. Nanatili namang kunot ang noo sa kaniya ng lalaki, ngayo'y iniisip na kung ano ang gagawin sa kaniya. Hanggang sa napamura ito at iritableng dumaing tungkol sa mga kabataang pakialamero at hindi marunong makinig.
That's three shots now. Wala nang lamang bala ang shotgun.
Pikit ang mga mata, hindi gumalaw ang binata mula sa pagkakahandusay sa damuhan. Isang hakbang at hinablot siya ng lalaki mula sa manggas ng suot niyang damit upang iharap siya.
"Tayo," anito sa malamig at mariing tinig.
Hindi pa rin siya gumalaw. Hanggang sa maramdaman niya ang tuluyang paglapit nito. With eyes opened just a crack, he landed a blow on the man's face with all of his remaining strength. The man flinched when Cali's fist landed on his nose, making a faint crack sound. Ngunit mabilis itong nakabawi nang ibinuwelo ang hawak na shotgun at ibinayo sa direksyon ng binata—na siyang naiwasan naman nito matapos bahagyang gumulong palayo. Dali-dali niyang ginawaran ng tadyak ang lalaki sa tagiliran matapos. Muntik na itong bumagsak sa damuhan ngunit agad nahuli ang sarili pagkatukod ng hawak na shotgun.
Cali regained his footing, not breaking his glare from the man who's now breathing hard, a look of exhaustion evident on his face.
Sa pagitan ng pagkakahingal ay muling napahalakhak nang mahina ang binata.
I might not be that good when it comes to combat but I have my youth with me. Must be nice to be young—unlike this old fucking hag who looks like he'll drop dead any minute now.
"Pagod ka na, tanda?" uyam niya rito.
Dumura ito sa isang tabi at marahas na pinalis ng palad ang dugong tumulo sa ilong habang tinatapunan siyang pabalik nang matalim na tingin. Hindi ito sumagot.
Cali cocked his head on the gun's direction. "Mukhang wala kang dalang extra'ng shells ah?"
Hindi man nagbago ang matigas na ekspresyon ng lalaki, nahuli pa rin ni Cali ang kaunting pagkakatigil nito.
"I'm not really the violent type, you know," aniya pa. "How about we settle this in an agreement instead of a brawl?"
Umigting lamang ang panga nito at nanatiling walang imik, sinusukat ang mga sinasabi niya.
"What's in that house?" diretsahang tanong ni Cali sa seryosong ekspresyon. "Anong tinatago niyo ro'n at bakit pilit mo kaming pinaaalis dito?"
"Wala kayong pakiala—"
"Kinukulong n'yo ba ang anak ng mga Gallevo?"
Ang pagkakatigil at bahagyang pagrehistro ng gulat sa ekspresyon ng lalaki ang nagkumpirma sa hinala niya. Dudugtungan na sana niya ng espesipikong tanong iyon ngunit siya naman ang natigilan nang biglang humalakhak ang lalaki. Kunot-noo niya itong sinipat.
"Iyan lang ba ang gusto n'yong malaman kaya nagpapakamatay kayong bumalik sa bahay na 'yon?" Iminuwestra nito ang rest house sa malayong gilid nila. Mahina muli itong napahalakhak na para bang kakatwa ang katangahang nalaman. "Sige..."
"Sige? Sigeng ano?" anang binata sa mariing tinig, hindi natutuwa at nahahalinhinan ng kaba sa nakikitang reaksyon ng lalaki.
Gumaan ang ekspresyon nito na tila ba nagbababa ng depensa. "Sige, pumasok kayo. Sige, maghanap kayo. Sige... gawin ninyo kung anong gusto ninyo."
Binantayang maigi ni Cali ang ekspresyon nito para sa ibang emosyong maaaring magdaan doon, ngunit wala siyang ibang nakita kundi ang blangko at tila walang pakialam nitong asta.
The hell's happening? He's letting me through? O isa na naman itong distraksyon? Sumuko na ba siya o binibitag na naman niya ako? Oh fuck it. My heads aching with all the beating and thinking. Wala akong naririnig na kakaiba sa bahay magmula pa kanina at hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Eunice ro'n.
"Hindi ko na kailangang bumalik. Sabihin mo na lang sa 'kin kung ano ang naro'n," pagsisinungaling ng binata.
Pagkatabingi ng ulo ay ngumisi ang lalaki sa kaniya. He could tell that the man wasn't buying his bull. At imbes na magsalita ay balewala itong tumalikod sa kaniya at naglakad patungo sa rest house.
"Sinabi ko na bang hindi ako interesado sa mga batang gaya ninyo?"
Nagdadalawang-isip kung susunod sa lalaki o hindi, napamura na lamang si Cali matapos matantong kailangan niyang bumalik sa loob para kay Eunice. Nag-iwan siya ng tatlong metrong layo mula sa likod nito pagkasunod niya rito. Ngunit nang aktong magtatanong na muli sana siya'y walang habas itong lumingon at bara-barang umatake sa kaniya.
Isang mura ang isinigaw niya habang sapo at pigil ang braso nitong may hawak na shotgun na umamba nang hampas sa direskyon niya. Hindi pa man nakakapag-isip ng gagawin ay agad na siyang napadaing at napabitiw dito dahil sa tadyak sa sikmurang natamo. Mula sa bahagyang pagkakayuko matapos sapuhin ang tiyan ay hindi na nagawa pang tumingala ng binata nang marahas na sumalpok ang katawan ng baril sa ulo niya. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Hanggang sa mawalan siya ng malay at humandusay sa lupa. Ang damo at ilang tuyong dahon doon ay nabahiran ng dugong dumanak mula ulo niya.
***
Taas ang isang braso ni Dina'ng may hawak ng phone para humagilap ng signal. Nasa likod naman niya si Mike, tulala at mukhang malalim ang iniisip.
"Why isn't there any signal in this place? Hiwalay ba sa mundo 'to?" himutok ng dalaga, nakararamdam na ng ngalay at iritasyon—kung saan-saan na itinatapat ang hawak.
"We've been walking in the mountain trail for a while, konting akyat pa baka magkaro'n na. Be patient," kalmanteng anang binata, ang pangambang nararamdaman ay hindi bakas sa tinig.
Hanggang sa otomatikong natigilan sa paghakbang ang magkasintahan dahil sa pag-alingawngaw ng isang 'di kalayuang putok ng baril. Parehong namimilog at kababakasan ng takot ang ekspresyon ng dalawa nang magsalubong ang tingin. Eksaktong tatlong segundo ang binilang nang walang sabing tinahak nilang pabalik ang daang pinanggalingan.
"Goddammit!" sigaw ni Mike, ang frustration, takot at panlulumo ay nagtatalo sa loob niya.
"I swear, if anything happens with those two idiots—" Hindi na natapos ni Dina ang gustong sabihin nang nilamon ng kumawalang mahinang hikbi niya ang sariling tinig.
Hindi niya gaanong gusto, lalong hindi siya natutuwa sa dalawang taong naiwan at wala naman siyang pakialam sa mga ito. Ngunit ayaw man niyang aminin sa sarili ay nag-aalala siya sa kung anong posibleng nangyari rito. At imbes na sisihin ang mga ito kung bakit nagpaiwan ay parang gusto niyang ibunton ang sisi sa sarili dahil sa mga masasamang bagay na nasabi. Ganoon naman siya lagi—hindi maiwasan ang dire-diretsong pag-andar ng bibig hanggang sa huli ay tahimik na lamang na pinagsisisihan ang masasakit na salitang sinambit.
Matapos ang ilang minutong pagtakbo, tagaktak ang pawis at parehong naghahabol ng hininga ang dalawa nang sa wakas ay marating ang kinatitirikan ng sasakyan. Wala na roon ang dalawang iniwan. Sa kabila ng pagod ay walang anu-anong nagpatuloy ang mga ito sa pataas na daan patungo sa rest house. Parehong malakas at mabilis ang pagbayo ng dibdib sa magkahalong takot, kaba at sa kung ano ang maaari nilang abutan.
Tanaw na nila ang kataasan ng bahay ngunit may kalayuan pa sila rito nang mahagip ng paningin ni Mike ang lalaking may baril. Without a word, he grabbed Dina's arm and pinned her behind a tree, his hand covering her mouth. Hindi gumalaw ang dalaga nang tila nagkaintindihan sila nito matapos magpalitan nang makahulugang tingin.
Pabalik sa rest house ang daang tinutungo ng lalaki nang sinilip ito ng binata. Mabagal ang lakad at tila hawak ang lahat ng oras sa mundo. Ang shotgun nito'y tamad na hawak sa isang kamay.
Nasaan sina Cali?
Mabigat ang paghinga, mabilis niyang pinadaan ang paningin sa gubat, sa bawat punong nakatirik dito kasama ng mga damong sinasayaw ng ihip ng hangin. Abala siya sa paghagod ng tingin sa lugar nang paulit-ulit niyang naramdaman ang tapik ng dalaga sa braso niya. Agad niyang binawi ang kamay mula sa bibig nito. Isang baling at natagpuan niya ang sariling sinusundan ang direksyon kung saan nakaturo ang daliri nito.
"Si Cali!" eksaktong pagkasambit nito ng dalaga ang siya ring pagtakbo ng binata patungo sa direksyon ng kaibigan.
Pinalilibutan ng lubid ang itaas na parte ng katawan nitong nakatali sa puno. Bagsak ang ulo at walang malay. May bakas ng dugo mula sa sariwang sugat sa gilid ng noo at kaliwang tainga.
"Cali! Hey, man can you hear me? Cali!" Paulit-ulit niyang tinapik ang pisngi nito ngunit wala itong tugon.
"Is he breathing?" higit ang hiningang ani Dina.
Sandaling natigilan si Mike bago may bahid ng takot na ineksamina kung humihinga pa ito. Aktong ilalagay na sana niya ang daliri sa ilalim ng ilong nito nang bigla-bigla'y marahas itong suminghap, hindi makadilat nang wasto.
"Goddamn it, pull your shit together!" Marahas na napabuga ng hangin ang binata nang makumpirmang buhay pa ang kaibigan.
"Mike? D? Oh... hey guys..." napapangiwing untag nito, animong nagkasalubong lamang sila sa campus o ano.
"Where's Eunice?! What the hell happened? Bakit kayo nagkahiwalay? Did you make it back to the house?" sunod-sunod na tarantang tanong ni Dina habang kinakapa ang mga bulsa para sa lighter.
"Uh..." Kumunot ang noo ni Cali, pilit hindi iniinda ang kirot na tinamo sa ulo at ibinabalik ang panandaliang ulirat na nawala. Bahagya pa rin siyang nahihilo nang maalala ang mga nangyari. "Shit..."
"What? 'Wag mong sabihing hinayaan mo siyang bumalik do'ng mag-isa?" Mike said in alarm.
Agad pinagana ni Dina ang hawak na lighter upang putulin ang lubid na nakatali kay Cali. Maya't maya ang sulyap niya sa mukha nito, kabado at hindi mapalagay na naghihintay ng sagot sa mga tanong.
"Where's shotgun man? Did you guys see him?" The sudden tension in Cali's voice sparked terror on the two. Hindi na ito naghintay pa ng sagot nang naghahadaling dinugtungan ang sinabi. "We need to get to the house! Nando'n si Eunice! Someone dangerous is confined in that house!"
"Ano?"
"Shotgun man isn't the real shit. It's someone inside! Hindi ko alam kung si Terrence ang naro'n pero sigurado akong may kinalaman ang kung sinomang 'yon sa mga Gallevo!"
Isang baling sa tanaw na rest house at natulala si Mike rito, tila may malalim na iniisip. "Someone..."
"D!"
"Damn it! Don't agitate me or else you'll burn!"
Mula sa pagtanaw sa nakatirik na bahay ay lumipad ang pansin ni Mike sa isang pamilyar na pigura sa tapat niyon. Hindi iyon gaanong kita mula sa kinatatayuan nila dahil sa nagtataasang damo at puno kaya kinailangan pa niyang magtungo sa may kataasang parte. Isang nakaparadang kotse.
"That's Terrence's car," nahagod niya ng daliri ang bibig matapos magdaan ng mga salitang ito sa labi.
Binalot ng matagal na katahimikan ang tatlo bago sa wakas ay sabay na napabulalas ang dalawa pagkatapos mapamura ni Mike.
"Terrence got here in a fucking car?"
"Who's locked-up in the house, then?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top