25 : The last room


Segundo lamang ang lumipas nang mapatili ako matapos walang habas niyang tinadyakan ang likod ni Cali. Ang paa niya'y nanatiling nakadiin sa likod nito nang bumagsak ang huli sa madamong lupa.

"Cali!"

Ang pamilyar na takot ay nakahanap ng lugar sa akin nang muling itinutok ng lalaki ang baril sa ulo nito—ang daliri ay naroon na sa gatilyo at handa nang kalabitin iyon.

"Mga bata nga naman—hindi marunong umintindi," mariing usal ng lalaki pagkasulyap sa akin. "Ano sa sinabi kong umalis kayo rito ang hindi ninyo maintindihan?!"

Napatalon ako sa bigla niyang sigaw. May ilang ibon ding nagliparan na animong nabulabog dahil sa lakas ng boses niya. Tinangay ng nagdaang malakas na ihip ng hangin ang ilang tuyong dahon at maliliit na sanga sa lupa.

Cali groaned. "How the hell are we supposed to leave if our tires are busted? Sino kaya ang may kagagawan?"

Crouching a little, gigil na idinikit at halos iduldol ng lalaki ang nguso ng baril sa ulo nito. "Wala akong pakialam! Nasaan ang mga kasama ninyo?!"

"W-We split up!" Ako ang sumagot dahil sa takot na baka tuluyan niyang kalabitin ang gatilyo sa pabalang na pagsagot ni Cali.

Malakas na nagmura ang lalaki at tila malaki ang problema sa narinig. Ang kalmado niyang postura ay tuluyan nang naglaho.

Palihim kaming nagkatinginan ni Cali at mukhang nagkaintindihan. Shotgun man wasn't the one who busted our tires. Then who did?

Muling napadaing si Cali nang bigyan ito ng isa na namang gigil na tadyak ng lalaki sa likod. Igting ang panga at mabilis ang paghinga, panay ang lipad ng mura niya sa hangin at hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin. He looked torn but I could really tell that he has no intention of killing any of us.

"T-They called for help! Can you please let us s-stay here until they get back? We won't... we won't cause any troubles," lakas loob kong suhestyon.

Natigilan naman ang lalaki at agad akong nilingon. Bahagya akong napatalon sa takot nang ibaling niya sa akin ang pagkakatutok ng baril. Dahan-dahan kong itinaas ang magkabilang palad sa ere at halos hindi na gumalaw matapos.

"Hindi kami g-gagawa ng kahit anong gulo—just let us wait here for the others. Aalis kami oras na dumating ang tulong... para sa sasakyan," maingat kong mutawi sa bahagyang nanginginig na mga labi.

Dumagundong ang kaba ko nang marinig ang malakas at sarkastikong tawa ng lalaki, nagbanda-banda iyon sa tahimik na gubat. Lumunok ako, ramdam ang pagtulo ng malamig na pawis mula sa noo—ngunit hindi lang dahil sa painit nang araw.

"Sinong ginagago mo?" aniyang bigla sa seryosong tinig, wala na muling kahit anong bakas ng emosyon ang mukha.

Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan at palihim lamang na sumusulyap kay Cali na nanatiling nakasadlak sa lupa—tulad ko'y hindi rin halos gumagalaw.

"Anong pangalan mo, bata?"

Lito ko siyang sinipat bago may pag-aalinlangang sinagot, ang boses ko'y animong bulong sa hina. "Eunice."

Isang kakaibang ngisi ang kumurba sa mga labi ng lalaki bago gigil na gigil at paulit-ulit na ginawaran ng sipa at tadyak si Cali. Sa likod, tagiliran, braso, hita, kung saan-saan. Sa dami ay hindi ko na mabilang. Ni hindi ko na rin marinig ang mga daing nito dahil sa sarili kong mga sigaw.

"Stop it! Please stop!" Umakma ako ng pagtayo para awatin sana ito ngunit mabilis natigilan nang tinutukan ako ng baril.

This isn't the time to cry but I feel like bawling my eyes out with the sight of Cali's body crumpled down on the ground, his agonized groans echoing in my ears.

Nang makuntento sa ginagawa ay hinihingal na tinigilan ito ng lalaki. He cocked his gun up in my direction, motioning for me to stand up but I didn't.

"Tayo!" sigaw niya at saka ko pa lamang nanginginig na ginawa iyon, nagpipigil ng hikbi. He motioned on the gun again while catching his breath. "Lakad."

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at hindi ko maialis ang nanlulumong tingin kay Cali na namimilipit pa rin sa sakit na natamo.

"Lakad sabi!" Nandidilat ang pulang mga mata, halos ingudngod sa akin nito ang nguso ng baril.

Dahan-dahan kong inumpisahang maglakad—sa likod ko'y nakasunod ang lalaki habang nakatutok sa akin ang hawak na baril. Palingon-lingon ako sa naiwang si Cali na naroon sa lupa.

"Lakad. Bilis!" Tinulak ako ng lalaki gamit ang dulo ng baril kaya't halos matalisod ako habang humahakbang. Noon ko lang natantong salungat sa direksyon ng rest house ang tungo namin. Aninag ko ang maliit na animong barn sa tabi niyon.

I was thinking then where he was planning to take me when I heard something hit the ground—bodies colliding behind me. Isang lingon at nakita ko si Cali pati nang lalaki na nagbubunuan sa lupa at nag-aagawan sa baril. Shotgun man was struggling to get a hold of his gun with Cali on top of him, arms pressed on the man's throat.

Namilog ang mga mata ko sa gulat at taranta—ang mga paa ko'y tila nag-ugat na sa kinatatayuan.

"Eunice! Get to the house!" sigaw ni Cali habang nakikipagbunuan.

Paano ka?—gusto ko sanang isigaw pabalik ngunit hindi ko na ginawa. I couldn't do a thing for him and there was no use of me being here. He was right. I should head to the house and check what's inside the room—and so I did.

Sa kabila ng bahagyang panginginig ng mga binti ay tinakbo ko ang ilang natitirang distansya ng rest house. But before I could entirely enter the unlocked main door, a gunshot echoed in the silence of the trees.

Halos hindi ko mapakawalan ang hininga dahil sa mga hikbi ng sumandal ako sa sarado nang pinto. I didn't see what happened outside. Ayaw ko mang isiping posibleng isa sa dalawa ang tinamaan ng bala ay hindi ko magawa. Nakapanlulumo ngunit hindi ito ang panahon para maging mahina.

May kailangan akong gawin at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay ni Cali.

Isang mabilis na pasada ang ginawa ko sa bahay. Tulad kanina'y walang sinuman ang naroon.

With a ragged breathing, sinalubong ako ng katahimikan ng bahay nang inumpisahan kong tahakin ang loob niyon paakyat sa pangalawang palapag. Tanging mabibilis at mabibigat na pag-alingawngaw ng bawat hakbang ko sa kahoy na sahig ang rinig hanggang sa makaharap ko ang pinto—kung saan naroon ang kinakalawang na sirang kadena at lock na mukhang pinaglumaan na ng panahon.

The last room in the hallway.

Pawisan at hapo, halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Sa bahagyang nanginginig na kamay ay hinawakan ko ang seradura. Bago pihitin iyon pabukas ay nilunon ko ang namumuong bukol sa lalamunan. Pumikit ako nang mariin at humugot ng isang malalim na hininga matapos. Kasabay ng muli kong pagdilat ang biglaan kong pagpihit at pagtulak niyong pabukas.

I froze on my tracks. I didn't know what I was expecting to see but it was certainly not this—this same neat room without any trace of disturbance like the other ones in the house.

What the hell?

My mind went blank for a while. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buo kong sistema habang tulalang nakatunghay sa hungkag na silid. Nobody was there.

Humakbang ako papasok at inisa-isa ang bawat cabinet at drawer na naroon—I found nothing. Malinis ang buong kwarto.

Sapo ang ulo, paulit-ulit kong pinasadahan ng tingin ang apat na sulok ng kwarto na para bang makahahanap ako ng sagot doon.

How come there was nothing in here? What was the chain and lock for? Why was that guy so hell-bent into making us leave?

I was too preoccupied with thinking what this could mean—ang mahinang langitngit ng sahig ay hindi ko pinansin hanggang sa unti-unti iyong mapalitan nang mabibigat at magkakasunod na yabag palapit. Napalingon ako sa bukas na pinto at buo na sa isip na isara iyon ngunit huli na ang lahat.

Something solid rammed the side of my head, hard. Ang sakit mula rito ay huli ko nang naramdaman nang walang pasubali akong inatake ng hilo. Tila mabilis ang pag-ikot ng mundo nang mawala sa balanse ang mga binti ko at tuluyan akong bumagsak sa sahig. Parang gusto kong sumigaw dahil sa unti-unting pagrehistro ng nanunulis na sakit, ngunit hindi ko mahanap ang sariling boses.

I saw a familiar pair of shoes from someone standing in front of me. No. It wasn't just familiar because I know all too well who owned it.

"Rence..."

Nagtatalo ang hilo at pagkakawala ng ulirat, sinubukan kong tumingala ngunit nilamon na ng dilim ang paningin ko.

My eyes fluttered open slowly. The faint yellowish light from a fluorescent on the ceiling welcomed my vision as I came to. With a slight dizziness, I felt a sharp pain registered on the side of my head. Otomatiko ko iyong nasapo para lang muling atakihin ng kirot nang mahagip ko ang sariwang sugat doon.

Mahina akong napadaing habang tinitignan ang mga daliring nabahiran ng dugo. Ilang sandali pa ang kinailangan ko para alalahanin kung ano ang nangyari at kung saan ko iyon nakuha.

Umahon ako paupo mula sa pagkakahiga sa kama at noon lamang natantong hindi ko mabawi ang isang braso mula sa kung saan. Isang lingon at nakita kong mahigpit na nakatali iyon sa bed frame gamit ang isang belt. My forehead creased as I tried to tug my arm from the belt's grip. But I froze mid movement on my attempt to remove it when I heard a voice.

"Oh, you're awake!"

Walang pasubali ang biglang pagtalon at pagtambol ng puso ko nang dumapo ang paningin ko sa sahig—sa parehong pares ng sapatos na nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay.

Pigil ang hininga at animong naninigas, tanging mata ko lang ang gumalaw nang dahan-dahan kong inangat ang tingin sa taong nakatayo ilang metro ang layo mula sa akin.

"Hi!" Maligaya itong ngumiti nang may kasamang pahapyaw na kaway pagkatama ng linya ng mga mata namin.

Hindi gumagalaw, ang emosyong naghari sa akin habang mabuti itong pinagmamasdan ay hindi ko makuhang pangalanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top