23 : Friends
Apat na pares ng gulantang na mga mata. Limang segundong muling pagkakabingi dahil sa putok ng baril. Isang lagabog mula sa katawang humantong sa sahig.
Hindi ko na alam kung paano ang huminga.
"Aalis kayo rito o hindi na kayo makakabalik sa mga pinanggalingan ninyo?" anang lalaki matapos ang mahabang katahimikan.
Walang kahit na sinong pumangahas na gumalaw sa aming apat. Ultimong paghinga namin ay tila limitado sa kabila ng paghangos. Tanaw ko mula sa sahig na kinasasadlakan ang pabilog na butas sa kahoy na dingding sa labas ng kwarto, sa gilid lamang ng nakatayo at tila nanigas nang si Mike. Si Dina ay laglag ang panga at tulala sa sahig na animong tinakasan ng kaluluwa sa sobrang gulat.
Kita pa ang bahagyang pag-usok ng nguso ng shotgun na hawak ng lalaki dahil sa putok, ng sandali ko iyong masulyapan.
"Kaninong utak ang gustong sumabog sa natitirang isang bala?"
"Fuck! Okay, we're leaving! Okay! Don't shoot us, man we're leaving!" bulalas ni Cali mula sa sahig. Nanatiling nakataas ang magkabila niyang palad sa ere habang dahan-dahang tumatayo, ang mga mata niya'y hindi inaalis sa lalaki. Hindi naman nagpatinag ang huli sa pagtutok ng baril sa bawat isa sa amin.
"Eunice... get up, come on." Cali cocked his head in my direction when I didn't move.
"D, get on your feet... we're leaving this place."
I gulped down my fear and tried to stand up slowly. Pantay sa ulo ang taas sa ere kong mga palad, hindi alintana ang panginginig niyon.
Sa parehong seryosong ekspresyon ay maiging binantayan ng tingin ni Cali ang lalaki ng mag-umpisa siyang humakbang.
"Eunice..." He urged me to go and walk out of the room first, eyes were wary.
Dahan-dahang tumayo si Dina kahit hindi halos maiapak nang diretso ang mga paa dahil sa panginginig ng mga binti. Mike was still standing outside, stunned but somehow managed to help Dina get up.
Mabagal ang bawat kilos namin dahil sa takot na baka biglang paputukin ng lalaki ang baril, at sa pagkakataong iyon ay maaari nang sa amin at hindi sa kung saan pa man.
"Aalis kami... aalis kami nang maayos... ayaw namin ng gulo..." marahang ani Cali habang mabagal na sumusunod sa unti-unti kong paghakbang palabas.
Buong sandali namang nanatili sa kinatatayuan ang lalaki, hawak ang shotgun na pasalit-salit na itinututok kalebel ng bawat ulo namin. His eyes remained distant and blank, like a hollow space in a dark and dangerous alley.
"Woah! Okay, okay!" Sapo ni Cali ang balikat ko nang binilisan ang paglakad at tinangay ako upang tuluyang lumabas—dahil sa paghakbang palapit ng lalaki.
"Fucking run for it!" tila naging gatilyo ang sigaw niyang ito nang naghahadali kaming nagtatakbo sa kahabaan ng hallway patungo sa hagdan pababa. Kasabay nito ang pagkakarinig namin ng mga yabag ng lalaki pasunod kaya't kahit doble-doble ang kaba, takot at panginginig ay binalewala ko para lang magkumahog na makaalis doon.
"That fucking motherfucker!" Panay ang mura ni Dina habang para kaming mga nabulabog na insekto sa ilalim ng bato at nag-uunahan sa paglisawan.
"Who the hell is that guy?! That was a fucking hunting shotgun, right?!" si Mike, sapo ang nagdurugong daplis nang tumamang kahoy sa pisngi.
"I don't fucking know!" sigaw ni Cali sa gilid ko.
"I've never seen him before," anas ko sa hangin.
We reached the ground floor and was about to head and scram from the main door when it suddenly burst opened. Sabay-sabay at halos matumba kaming apat nang huminto sa pagtakbo nang may isa na namang tao ang bumulaga sa amin doon.
Dina and Cali was swearing under their breaths while Mike and I was gaping at the image of the man. Walang ni isang nagtangkang humakbang sa aming apat nang isa-isa kaming pinasadahang mabuti ng tingin ng lalaki. Sa nangungunot na noo ay nanliit ang mga mata nito para lang aninagin kami.
"Eunice?" Nahigit ko ang hininga nang marinig ko ang pamilyar nitong boses. "Michael?"
Nakahinga ako nang maluwag. But my relief was short lived when the heavy footsteps emerging from the stairs reverberates. Ang dapat ko sanang sasabihin sa matandang lalaking caretaker ay naudlot.
"Mike!" sigaw ko sabay hila sa braso ng nasa tabi kong si Cali at dire-diretsong tungo palabas ng pinto.
As if in understanding, Mike and Dina went with us too.
"Hindi po kayo safe rito, sumama na lang po kayo sa 'min—may lalaking narito—may dalang baril—sasaktan—"
"Eunice!" Bago ko pa man matapos ang sasabihin at mahila ang matandang caretaker kasama namin ay natangay na akong paalis ni Cali. "We gotta go! He could be an accomplice!"
"He's the caretak—"
"At hindi tayo sigurado kung hindi siya ang nagpapasok sa lalaking 'yon!"
"Pero pa'no kung—"
"Don't think about anyone else's safety other than ours because we can't trust anyone at this point!"
"Cali, he can't be—"
"Goddammit, just run for it!"
Habang tumatakbo sa parehong daang tinahak namin patungo sa rest house, isang lingon ang ginawa ko pabalik. Agad namilog ang mga mata ko sa nakita—mula sa maindoor, nakatanaw sa amin ang matandang caretaker at sa tabi nito ay ang lalaking may baril. Sa blangkong mukha ay tamad na nakasandig ang hawak nitong shotgun sa balikat. Wala itong ibang ginawa kundi ang panoorin ang pagtakbo namin paalis—mukhang wala nang balak na sumunod pa.
So they were really accomplices? What the hell for? Alam ba ng mga magulang ni Terrence ito?
Pare-pareho kaming hapo nang marating ang trail kung nasaan ang sasakyan. Ngunit hindi pa man humuhupa ang hingal ay muli na namang napalitan ng tensyon ang hangin.
"Fuck! Fuck!" Kasabay nang paulit-ulit na mura ni Mike ang pagkalampag niya ng kuyom na kamao sa taas ng sasakyan dahil sa sobrang gigil.
"You gotta be shitting me!" buong pusong dismayadong sigaw ni Dina habang sapo ang ulo.
"What?" tanong ko sa kalituhan habang naghahabol ng hininga.
"The front tires are busted," si Cali sa mahina at halos nanginginig na tinig. "Tangina. We're fucking dead! This is it! Those bastards did this to hunt and kill us!"
Nasadlak ako paupo sa lupa dahil sa panlulumo.
"Why the hell would they do that?" Mike blurted out in frustration. "We didn't do anything wrong but break in the freaking house! It's not even theirs'!"
A thought suddenly hits me. Dali-dali akong umahon at manginig-nginig na nagtungo sa sasakyan.
"We should call for emergency. Or... or for a tire replacement!" Dina was saying. "Extra tire! Do we have any?"
"There's one at the trunk but it wouldn't be enough."
"Ah shit."
"Mike, the locks." Napaangat ito ng tingin sa akin bago hinugot ang susi ng sasakyan sa bulsa. Matapos patunugin ang sasakyan ay dali-dali ko nang binuksan ang pinto ng backseat.
"The guy threatened us to leave. Eh gago pala sila, paano tayong makakaalis kung ganito ang ginawa nila sa sasakyan?!" sigaw ni Cali.
Muntik-muntikan nang malaglag ang phone sa mga kamay ko dala ng panginginig. Pilit ko iyong hinawakan nang mahigpit para lang mapirmi. I dialled a number and waited for the ring but it didn't came.
"Walang signal?" boses ni Cali sa likod ko. Napuno ng mga nanlulumong daing niya ang pandinig ko kasabay ng ilang beep mula sa tawag na ayaw kumonekta.
Sinubukan ko muling mag-dial ngunit parehong beep lang ang nakuha kong sagot. Parang gusto kong sumigaw sa halong panic at frustration. Fuck. That's right—there wasn't any signal here before. Fuck. Even until now!
"Shit," was all I could manage to mumble.
Parang gusto kong maiyak nang paulit-ulit akong nag-dial ngunit paulit-ulit lamang din ang tugon nito sa akin.
"We can't call for help and we can't possibly walk our way home," Mike stated in musing.
"Maybe we can try for a signal in a high place," suhestyon ni Dina, balisa. "Like, up in the mountains..."
"Or we could go back to the house and—"
"Fuck no."
"Absolutely not."
"Why would you think that?" tanging si Cali ang naging kuryoso sa suhestyon ko.
Natigilan ang dalawa dahil sa disbelief nang sandali kaming magpalitan ng tingin ni Cali.
"He has all the time and opportunity to kill us... but he didn't."
"And so? That's what you called we got lucky!" angil ni Dina. "I ain't coming back to that house! O baka tuluyan na talaga tayong mabaril ng siraulong 'yon!"
"Maybe he's just giving us a chance to escape... and hunt us afterwards—like a sick psycho fuck in the movies," si Mike.
"Or he just wanted to scare us away." Pumako ang kuryosong mga mata sa akin ni Cali matapos sabihin ito. "He fired the gun twice but he didn't intend to harm us."
"Oh yeah? Look at my bleeding fucking face," iritableng untag ni Mike—not buying any of it.
"Mike, kilala niya si Tito Lem." Tito Lem was the old caretaker. "He's been taking care of the rest house for almost two decades and I doubt he's conspiring with that guy about anything illegal—or anything the Gallevos aren't aware of."
"What is your point? You want us to head back there and get killed for real?!" apila ni Dina sa nandidilat na mga mata.
Marahan akong umiling, ang panginginig ay unti-unti nang naiibsan dala ng mga naiisip.
"There must be something in the house," ani Cali, hindi nagbibitiw ng mabuting tingin sa akin.
I slowly nodded yes.
Natigilan si Mike at Dina matapos kaming tignang dalawa. Gasping a little, we caught their full attention, looking interested all of a sudden.
"Like what? We checked all the rooms downstairs and we found nothing," bahagyang kalmado nang ani Dina, kunot ang noo sa lupa at mukhang may malalim na iniisip.
"Did you check all the rooms upstairs?" Nagpasalit-salit sa aming dalawa ni Cali ang tingin ni Mike.
Tumitig akong pabalik sa seryosong mukha ng kasama kanina sa pangalawang palapag. "I checked all the rooms on my side. Cali, did you?"
Halos hindi kami humihinga habang hinihintay ang sagot niya.
Nagbitiw siya ng tingin sa akin at kumunot ang noo bago nagsalita. "I was about to check the third and last room when I heard faint footsteps on the stairwell. I thought it was weird because we agreed to meet downstairs after ten minutes. Kaya sasalubungin ko sana dahil baka isa 'yon sa inyo pero nang nakita kong hindi, sinubukan kong magtago." Sabay balik ng tingin sa akin.
That was when he grabbed me back the room to hide.
"So you didn't get to check the last room?" kumpirma ni Dina.
Cali shook his head. "It was weird."
"What's weird?" Mike asked.
"All the door from that floor was the same but the door on that room is different."
"How is it different?" Maigi ko siyang pinagmasdan.
"It's padlocked—but the lock and the chains are both broken."
"What the hell? Padlocked and chained?" ani Dina sa magkahalong kilabot at kalituhan.
"Saan banda ang kwartong 'yon?" I heard myself asked.
"Sa pinakadulo ng hallway..."
Nagkatinginan kami ni Mike, ang gulat at kaunting pagkakaunawa ay parehong bumalatay sa ekspresyon.
"Fuck." He gasped.
"What? What is it?! What's in that effing room?!" Halos yugyugin na kami ni Dina para lang marinig niya ang sagot.
Massaging my temple, I bit my lower lip before heaving out a deep sigh. "That was—that was Terrence's favourite room. He... he always insist to stay there alone whenever we're here."
"Goddammit are you serious? Then it could only mean one thing—they're hiding—confining him there!" Cali surmised.
"Pero bakit sira ang lock at kadena?" Lumipad patungo sa nagsalitang si Mike ang atensyon naming tatlo.
I swallowed the lump on my throat before it could choke me. "That's what we need to know."
Animong may ipinagbabawal na salita akong nasabi nang pinunan ng huni ng mga ibon ang pananahimik naming apat. Ang sikat ng araw ay unti-unti nang umiinit sa paglapit ng tanghali. All of us mulled it over like our lives depended on it—because it did.
"How sure are you that he's not gonna kill us? Lalo na kung malalaman natin kung ano ang itinatago nila sa bahay na 'yon?" tanong ni Mike makalipas ang mahabang katahimikan.
"Sandali—bakit nila bubutasin ang gulong natin kung gusto nila tayong umalis dito? Hindi ba ibig sabihin no'n na may plano nga silang patayin tayo? At baka gusto lang nilang patagalin—maybe they wanted to hunt us down first like what Mike said!" Dina was almost in hysterics.
"The tires could not be their doing," anas ko.
"Sino naman ang gagawa n'yan kung 'di sila? No one lives here!" Natahimik ako sa muling sigaw ni Dina. She got a point but we can't be sure about it.
"We don't have many choices now, do we?" ani Cali sa mababang tinig. "It's either we walk 'till we get to the main road for help, find a signal in the mountains—or find out what's in that house and bring about the purpose of this trip. Pwede rin siguro nating akyatin ang tuktok ng rest house para sa signal—that is—if we didn't die after shotgun man spotted us again."
"Okay, I'm here for the thrill but I'm not gonna risk my fucking life for this!" apila ni Dina.
"Hold up—you said the caretaker isn't likely gonna betray the Gallevos... then... they might be the ones behind this." Pinasadahan kaming tatlo ni Cali ng tingin, tila nanghihingi ng pagsang-ayon.
"So it's true then? The Gallevos are hiding their son. Probably again," sarkastikong tugon ni Dina. "Know what guys? Here's my take: we walk 'till the highway and get the fuck out of here. Let's leave whatever insights we got here to the authorities. Unless you all want to die—listen to me."
Muli kaming binalot ng katahimikan.
"How 'bout we find a signal in a high place?" suhestyon ni Mike. "I can't leave my car here. At mas mapapadali kung makakakuha tayo ng tulong—at least a tire help will do. We can't report this to the authorities yet because we don't have any concrete evidence that they're hiding Terrence here."
"Why are we doing this—why do we need to risk our lives for that psycho?!" There was something in Dina's scream that triggered me to speak my mind.
"How can you call yourself his friend? You've been sitting in the lunch table with him for the last year for fame but now that he's under suspicion, you turn your back and accuse him without even batting an eye," I said it in a flat tone.
Dina gaped at me too long until she looked like she could turn the whole of me to shreds.
"You psychotic bitch! You're no better than us!"
Sinapo siya ni Cali nang umakma ng pagsugod sa akin. "D, calm the fuck down!"
"Oh, I'm so moved with your undying love for him!" puno ng kasarkastikuhan niyang anunsyo. "Bagay na bagay kayo! Alam mo kung bakit? Dahil pareho kayong may mga depekto! Mga baliw! Ngayon kung gusto mong magpakamatay dito para lang kay Terrence, then go the fuck ahead!"
"Dina, that's enough!" pati si Mike ay inawat na rin ito.
Naikuyom ko ang magkabilang kamao habang tinatapunan siya nang matalim na tingin.
I hate to think about it. Ngunit tuwing naiisip ko ang kadena at ang lock ay hindi ko maiwasan ang pagsikip ng dibdib. The Gallevos could be confining their son out of his own will—kung bakit ay hindi ko alam. At hindi ko kayang sikmurain na umalis dito nang hindi iyon nalalaman o nang hindi ko siya natutulungan. Dahil baka kami lang ang hinihintay niya—baka kami na lang ang huli niyang pag-asa para makatakas sa impyerno kung saan siya maaaring naro'n ngayon.
Sarkastiko akong ngumisi. Patay ang anumang ekspresyon sa mukha ko ng sinabi ko ito sa bawat isa sa kanila, "I honestly don't expect anything from anyone of you since that night at the resto bar. At kung ako ang tatanungin, hindi ko na hihingin pang magkaroon ng kaibigan kung tulad lang naman ninyo ang ibibigay sa akin." I gave my head a light, disappointed shake as I looked straight to Mike. "You don't deserve to be called his friend."
Tanging phone ang hawak ko nang tinalikuran sila para muling tahakin ang daan pabalik sa rest house.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top