22 : Trust


Humahaginit ang tunog ng malulutong na tuyong dahon at maliliit na sanga sa bawat apak namin sa lupa.

"How can his parents access the place? CCTV? Caretaker?" tanong ni Cali.

Sa 'di kalayuan ay tanaw na namin ang nag-iisang gusaling nakatirik sa gitna ng gubat—ang two-storey rest house ng mga Gallevo. Mula sa ilang nakatabing na puno at damo sa daan ay kitang gawa sa makakapal na kahoy ang haligi niyon at purong salamin ang mga bintana. The house was not gated. Tanging balkonahe lang ang nagsilbi nitong bakod sa harap. Sa 'di kalayuang gilid nito'y may tila isang maliit na barn.

"They have a caretaker," ani Mike sabay sulyap sa akin mula sa likod nila. Si Dina ang kasabay ko roong maglakad.

"Anong gagawin natin sa caretaker kung gano'n?" si Cali ulit sabay sulyap sa pagsabay namin ni Dina sa likod nila, ang pilyong ngisi ay nakaligid sa labi. "Dispatsahin ba natin?"

Only Cali could still joke around at a time like this.

"Their caretaker only goes here early in the morning to check the place. He usually goes here around six so we're safe since it's already quarter to eight," ako ang sumagot.

"Mukhang madalas kayo rito ah?" malisyoso ang ngisi ni Cali sa akin.

Binalewala ko lamang siya.

"But we can't just barge in there like we own the place. Pa'no kung nand'yan nga si Terrence?" Dina asked.

Humintong bigla si Mike sa paglakad ng ilang metro na lang ang layo namin sa bahay kaya't napahinto rin kaming tatlo at agad naalerto.

"What is it?" bulong ni Cali.

Panay naman ang sulyap ko sa tahimik na rest house. Walang kahit anong kaluskos o bakas ng paggalaw akong namataan doon.

"We need a plan, idiot!" sigaw na bulong ni Dina, nandidilat.

"From asshole to idiot, nice, D," sarkastikong ngumisi si Cali rito, may kasamang maliit na tango.

"Mike." Binalingan ko ito at inudyok na magsalita para marinig ang planong naiisip niya. If there was anyone reasonable here, it was him. Wala akong maaasahan sa dalawa pang narito.

Nagbalik siya ng tingin sa aming tatlo matapos dungawin sandali ang rest house. Sumandal siya sa punong nasa tabi bago nagsimulang magsalita. Sa likod niya ay ang pataas pang daan ilang metro ang layo mula sa pakay.

"Okay. So here's what I think we should do."

Bahagya kaming lumapit sa kaniya para pakinggan siyang mabuti.

"We need to split up in pairs for the two floors para mas mabilis. Me and Dina will search the ground floor while you two head up for the second floor."

"What?" apila ko sabay lingon kay Cali. Why was I stuck with this ass?

"What?" he echoed mockingly as he glanced back at me.

Dina laughed under her breath.

"May problema ba, Eunice?"

"Nothing. Go on," mabilis ko na lamang iling kay Mike nang may kasamang dismayadong buntonghininga.

"Don't talk when we get inside and be quiet as much as you can. Make your search fast. We'll meet at the living room after ten minutes."

Sabay-sabay kaming tumangong tatlo.

"Teka... paano tayo papasok?" With a hand slightly raised, Cali tilted his head to the side as he waited for an answer.

Nagkatinginan kami ni Mike at animong nagkaintindihan nang sabay na tumango.

Dina made her way towards Mike and onto the rest house. "Let's go." Madilim ang ngisi niya nang sumulyap sa amin ni Cali. "Just scream your lungs out if you found him."

"Let's get this over with," ani Mike bago sumunod sa huli.

Cali and I exchanged glances. Ang mga mata niya'y may pagtatanong pa rin kaya't sinagot ko na ito para sa kaniya. "We'll get in through the back porch."

Sumunod na rin ako sa naunang dalawa pagkatapos. Narinig ko ang mga yapak ni Cali pasunod.

"We might be after a psychopathic serial killer. Aren't you afraid of Terrence, Eunice?" tanong niya sa mababang boses nang nakasabay sa paglakad ko.

"Why else would I be here if I am?" matabang kong tugon, not really interested to have a conversation with him.

"You don't believe he's behind the killings..." Hindi iyon tanong kaya't hindi ko na sinagot. I didn't think I owe him an answer to that as well.

"How admirable. Mukhang mahal na mahal mo siya para pumanig ka sa kaniya sa kabila ng mga nalaman mo. What a lucky bastard."

Nagpakawala siya ng mahinang halakhak.

"You're not a hundred percent sure too that he's the culprit with the lack of concrete evidence. Don't tell me you're afraid of him?"

"Come on, now. As I said, after narrowing the suspects down, he became the most suspicious."

Binalingan ko siya. Sa matigas na tinig ay dineklara ko ito, "And we'll find that out sooner or later if he happens to be here."

Staring back at me with a hint of amusement on his expression, he shrugged idly. "I don't feel the need to point this out but... why are you so hostile over me? I mean, you used to be friendly around me before."

Matapos hakbangan ang ligaw na sanga sa daan ay halos sarkastiko ang sunod na tinging pinukol ko sa kaniya. "Do you even have to ask?"

Mas lalo siyang namangha sa tinuran ko, kalaunan ay kababasakan na ng lito ang ekspresyon. "Okay, first of, that's not a good sign. We need to trust each other right now, Eunice. If things go south here, we only have each other's back. Paano ako makasisigurong hindi mo ako ipagkakanulo 'pag nagkaroon ka ng pagkakataon kung may galit ka pala sa 'kin?"

Matagal ko siyang pinagmasdan nang marating namin ang tapat ng back porch at matigil sa paglakad. Sa parehong ekspresyon ay maigi niyang hinintay ang sagot ko. Mike started looking for the secret door on the wooded wall then.

"What are you trying to say? Kalimutan ko muna ang iritasyon ko sa 'yo?"

"Iritasyon," he echoed with a light chuckle before slowly nodding in understanding and acknowledgement. "That would be a great relief, if you will." He stared closely at me then. "Don't worry, I'll promise to do the same."

"Found it," deklara ni Michael. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya at nakita ang hindi kalakihang lagusan mula sa parte ng dingding. Halos tatlong talampakan lamang ang laki noon at kulang kalahating dipa naman ang lapad.

Bakas ang kaba sa mukha naming apat nang sandali kaming magpalitan ng tingin bago isa-isang pumasok. Mike came in first followed by Dina, Cali and me. Madalian kong pinasadahan ng tingin ang tahimik na paligid sa labas kung saan kami galing bago isinara ng dahan-dahan ang pasukan.

"Fuck yeah." Ngumisi si Cali matapos pasadahan ng tingin ang bumungad sa aming dirty kitchen. Agad namang inilapat ni Dina ang hintuturo sa tapat ng labi bilang pagsenyas ditong tumahimik.

Mike pointed his fore finger to Cali and me then upward for the second floor. Sunod niyang itinuro ang suot na wristwatch at ipinakita ang magkabilang palad na bukas sa bawat isa sa amin. We all nodded yes without a sound.

Tumambad sa amin ang tahimik na kusina matapos dahan-dahang binuksan ni Dina ang pintuan mula sa dirty kitchen. Mula roon ay tanaw ang malawak na living room at ilang pintuan ng kwarto. Maliwanag sa loob dahil sa liwanag na nagmumula sa mga bintanang salamin kahit patay ang lahat ng ilaw.

The place looked tidy and the wooden furniture seemed unmoved for a long time. It was dead quiet inside because there wasn't a single window opened. Tanging ilang mahinang langitngit lamang ng mga hakbang namin sa kahoy na sahig ang rinig.

From the wooden sala set on the fire place, my sight went to a deer taxidermy hanging by the wall—only the upper part of the body was kept. I gaped at its black eyeballs and the longer I stared, the more it seemed alive as it looked back at my every move.

Natauhan at bahagya akong napatalon nang may palad na dumampi sa balikat ko. Isang lingon at nagkatinginan kami ni Cali. Huli kong naaninag ang tahimik at dali-daling pagtungo ni Mike at Dina sa ilang kwarto roon. Pagkabaling kong pabalik ng tingin sa taong kasama ay nagpalitan kami ng tango.

And I hate to admit it but he was right. We had no choice but to trust each other—at least for now that our lives were in somewhat danger.

Seryoso ang ekspresyon, wala na ang pilyong ngisi niya kanina nang tinungo namin ang kahoy na hagdan para sa pangalawang palapag. Nang bumungad sa akin ang halos parehong premisyo roon ay napalunok ako. Sa kung anong dahilan ay ginapangan akong bigla ng kaba habang pinagmamasdan ang tahimik na hallway. Kung hindi pa ako tinapik ni Cali sa balikat ay hindi pa ako magsisimula sa dapat gawin.

I need to focus, dammit.

He gestured an okay sign after noticing me almost startled. I just nodded yes before pointing the rooms on my side. While watching me attentively, he slowly nodded and motioned the rooms on his side too. Nauna ko siyang tinalikuran para tunguhin at isa-isahin na ang mga kwarto roon.

Pilit kong sinubukang pakalmahin ang malakas na pagkalampag ng puso ko kasabay nang pamaya't mayang langitngit ng bawat hakbang. I tried my best to stay quiet and careful as I turned open the knob for the first room. Para nang sasabog ang puso ko nang dahan-dahan ko itong tinulak at inawang pabukas. Halos manginig ang mga binti ko nang unti-unti ko 'yong inihakbang papasok. Pigil ang hininga, binuksan ko nang malaki ang pinto at agad pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

No one was there.

Mabagal kong naibuga ang hininga. Tanging malinis at walang gusot na kama ang nakita ko roon kasama na ng ilang drawers at cabinet. Tulad sa ground floor ay mukhang walang sinuman ang nagtungo roon.

Isa pa muling pasada ang ginawa ko para makasigurado bago ko tuluyang iniwan ang kwarto. Pareho sa ginawa ko sa unang kwarto ang ginawa ko sa sunod. At nang wala muli akong makita roon ay nabawasan nang kaunti ang kabang baon ko. Hindi ko malaman kung ano talaga ang gusto ko ng mga oras na 'yon: ang makita si Terrence rito o hindi.

Nasa pangatlo at huling kwarto na ako at halos makumbinsi nang walang sinuman ang namalagi rito nang makitang bakante rin iyon. Isang hakbang paatras at palabas na sana ako roon nang may biglang sumapo ng bibig ko mula sa likuran. 'Sing bilis ng kisap matang natagpuan kong muli ang sarili sa loob ng kwarto—takip ng kung sinong taong nasa likod ko ang bibig, ang isang braso nito'y nakapalibot sa bandang taas ng dibdib ko, malapit sa leeg at tila pinipigilan akong gumalaw.

Sa mabibigat na paghinga ay walang habas akong binangga ng takot. Maraming pumasok sa isip ko at ayaw kong kumprontahin ni isa sa mga iyon. Imbes na magpalamon sa nakapanghihinang pangamba ay mariin akong pumikit at inisip kung ano ang gagawin.

Pinakiramdaman ko ito—tulad ko'y marahas din ang paghinga nito. At base sa laki at lapad ng palad ay sigurado akong lalaki ito. Kung sino ay hindi ko alam dahil hindi ito nagsasalita.

Saktong pagdilat ng mga mata ko'y lakas loob at buong pwersa ko itong siniko. Nabitiwan ako nito matapos mapadaing sa sakit na tinamo. Wala na akong sinayang na oras nang dali-dali ko itong nilingon at plano sanang itulak o hawiin palayo sa pinto ngunit natigilan ako—sa nakita at sa malaking baritonong boses na sumigaw.

"Sinong nand'yan?!"

Namilog ang mga mata ko sa tahimik na dumadaing na mukha ni Cali habang sapo ang tagiliran niyang siniko ko. He was about to gesture a hush sign but just ended up cursing under his breath when heavy footsteps echoed in the hallway.

My lips parted for the words I couldn't utter. Pasalit-salit ang tingin ko sa kaniya at sa pintong bahagyang nakasiwang pabukas. Kasabay ng bawat palapit na yabag na tila galing sa isang malaking taong may suot na bota ang siya ring pagkalampag ng panibagong takot sa akin.

Napapamura, frustrated na pumikit nang mariin si Cali bago labag sa loob na inihanda ang sarili para sa parating.

"Who's that?" bulong ko sa kabila ng lagabog ng dibdib at mabibigat na paghinga.

Imbes na sumagot ay mabagal niyang idinipa paharang sa harap ko ang isang braso, na animong prinoproteksyunan ako sa kung sinumang papasok mula sa pintong nasa harap namin.

Narinig ko ang bulong niya dahil sa katahimikan. "Stay close."

Sa parehong punto ng pagtigil ng mga yabag ang siya ring pagkakahigit ko ng hininga. Ang bawat hampas ng puso ko'y mabilis at tila nakikipag-unahan.

I was only about to ask him what the guy looked like because it might just be the caretaker but a certain sound stopped me. A gun—being loaded.

Naestatwa si Cali sa kinatatayuan sa narinig, katulad ng pagkakatigil ng buong sistema ko.

"Fuc—" Bago pa man niya matapos ang dapat sasabihin ay lumipad nang pabukas ang pintuan.

Isang pares ng malalamig na mata at nguso ng isang mahabang baril ang sumalubong sa amin. Isa't kalahating segundong napako sa amin iyon hanggang sa walang habas na ipinaling ang baril at kinalabit ang gatilyo. Nasapo ko ang magkabilang tainga dahil sa nakabibinging pag-alingawngaw ng putok ng baril sa bawat sulok ng rest house.

Halos hindi ko narinig ang sariling sigaw dahil sa matinis na tunog sa mga tainga dulot ng panandaliang pagkakabingi. Pareho na kaming nasa kahoy at malamig na sahig ni Cali at nanginginig sa magkahalong gimbal at takot.

"Sino kayo at anong ginagawa n'yo rito? Paano kayo nakapasok?" anang lalaki sa parehong mababa at malalim na boses, walang kahit anong emosyon ang mukha.

This is certainly not the Gallevo's caretaker.

Sabay kaming napatalon ni Cali nang muli nitong itinutok sa amin ang hawak na shot gun. A fucking shot gun! Why and where he got it, I have no freaking idea!

Who is this guy? What the hell is he doing here?

"T-Teka! Teka lang—"

"Hindi ako pasensyosong tao kaya sasagutin ninyo ang mga tanong ko o matutulad 'yang mga ulo ninyo sa salaming 'yon." Nakakapangilabot ang kalmante ngunit puno ng pagbabanta nitong tinig. Para bang isang maling salita lang mula sa amin ay walang pagdadalawang-isip niyang pasasabugin ang mga ulo namin.

Ginaya ko ang ginawa ni Cali'ng pagtaas ng magkabila niyang palad sa ere bilang tanda ng pagsuko. Sa kabila ng panginginig ay dahan-dahan kong sinulyapan ang basag na salaming bintanang binaril nito kanina.

I swallowed hard.

"We didn't mean any harm... we... we're just... we're just looking for our friend," tarantang bulalas ni Cali.

"T-The Gallevos..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil sa pangangatal ng mga labi.

The man cocked his head to the side just to take a careful look on my face. "Sino sa mga Gallevo ang kakilala n'yo?"

"T-Terrence... Terrence Galle—"

"At bakit n'yo siya hinahanap dito?"

Marahas akong napasinghap nang walang ano-anong inilapit ng lalaki ang nguso ng baril pasalit-salit sa amin ni Cali.

"He's missing. Narito kami dahil sa pagbabakasakaling nandito siya," the latter said.

Hindi nagbago ang malamig na eksresyon ng lalaki sa harap namin. He wasn't one to take any bullshits, I could see it in his callous eyes.

"At hindi alam ng mga Gallevo na nawawala ang anak nila?" Something glinted on his piercing cold eyes.

"W-We just... we just want to help..." Nanliliit sa takot, sinalubong ko ang pagkakatagal ng tingin nito sa akin, tila pinanonood at binabasang maigi ang bawat dugong dumadaloy sa ugat ko.

"Cali! Eunice!" Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Mike mula sa hallway. Kasunod niyon ang ilang mabibigat na yabag na galing sa dalawang pares ng paa.

"That was a fucking gunshot!" Sinundan pa iyon ng mga mura ni Dina.

"Sino ka?"

Nabaling ang atensyon ng lalaki sa nagsalitang si Cali. Sa parehong malamig na ekspresyon ay bumalatay ang makapanindig balahibo nitong ngisi. "Wala ka sa posisyon para magtanong, bata."

Isang tadyak sa pinto at eksaktong paglipad nito pabukas ang siyang muling pag-alingawngaw nang malakas na putok ng baril.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top