2 : Things
"Missing person? Pangalawa na yata ito ngayong buwan ah?"
"Nako, malamang at nakipagtanan lang ang dalagitang 'yan—tulad n'ong pamangkin ni Esme. Mga kabataan talaga ngayon masyado nang mapupusok!"
Napasulyap ako sa dalawang may katandaang lalaking nag-uusap sa loob ng twenty-four seven diner, malapit sa apartment ko. Tanging ang mga ito lang ang nakita kong customer doon dahil dis oras na rin ng gabi.
"Thank you."
Pagkangiting pabalik sa babaeng nag-abot ng take-out order ko'y binalewala ko na lamang at hindi na nasundan ang usapan ng mga ito. Dire-diretso na akong lumabas doon matapos. Mula sa mga naninilaw na sinag ng mga posteng bukas, tinungo ko ang may kadiliman at tahimik na kalsada bitbit ang brown bag ng pagkaing binili.
A delivery would be easier but I wanted to take a walk outside. Hindi kasi ako makatulog dahil sa pag-iisip ng naging usapan namin ni Terrence kanina.
Niyakap ko ang sarili mula sa suot na cardigan at huminga nang malalim habang tinatahak ang paakyat na daan. My breath was visible from the cold night air.
Malapit na ako sa apartment nang makarinig ako nang mahinang friction ng sapatos sa kalsada mula sa 'di kalayuan. Out of curiosity, I stopped on my tracks just to scan the empty premise of the road to the tall pine trees on the side. But when the silence welcomed me for a long while, I just shrugged it off and continued heading to my apartment.
The weekend came. I neither went home nor stayed at my apartment because I knew Terrence would be there. Kaya't nagpunta ako sa library at buong araw na inabala ang sarili sa paggawa ng assignments, due papers at advance reading na rin doon. I grabbed my meals on the nearby cafes for breaks. At nang maggabi ay napagdesisyonan kong mag-sleepover sa bahay nina Shant, kaibigan ko noong high school.
Terrence called me several times and I didn't answer any of it. I received a text from him when his calls stopped—said he was waiting outside my house.
Sinabi na nina Mommy na wala ako roon at hindi uuwi para sa weekend. Hindi niya alam kung nasaan ako dahil hindi ko rin naman sinabi sa parents ko kung nasa'n ako ngayon. They trusted me enough when it came to things like this. Alam nilang hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong pagsisisihan ko lang din sa huli.
That... and because of what happened to my late brother. They didn't want to make the same mistake twice so they needed to put their trust in me.
"May babae na naman si Terrence?" Pagod akong nagbuntonghininga bilang kumpirmasyon sa tanong ni Shant. "Ilan ang galamay?"
Natawa ako. "Ilan ba ang galamay ng higad?"
Nang mga sumunod na araw ay sinikap kong iwasan at hindi makita si Terrence. Kada pagkatapos ng isang subject ay agad akong umaalis ng classroom. Hindi na rin ako nagla-lunch sa cafeteria dahil madalas sila roon ng mga kabarkada niya. We were in the same college pero dahil papalit-palit ng room at building ay posibleng hindi kami magkita. And it worked for three days. Pero nang dumating ang Thursday ay hindi na ako nakatakas.
Isang oras bago matapos ang panghuli kong subject ay nasulyapan ko ang pagdating ni Terrence sa labas ng room ko. He eyed me dangerously. Igting ang panga niya pagkasulyap sa akin mula sa pinto. Bumagal ang lakad niya bago nag-settle sa gilid ng hallway matapos. Matangkad siya kaya kita ko ang taas na parte ng buhok niya mula sa maliit na bintanang nasa bandang taas ng dingding.
May klase siya ng ganitong oras. Then it means he ditched that subject just to be here...
What should I do? Should I talk to him? As if I have a choice not to. Nandito siya, imposibleng pumayag siyang hindi kami mag-uusap. I just hope he would listen to me this time.
Hindi ako nakapakinig nang mabuti sa kalahati ng lecture dahil sa presensya niya. Nabagabag ako buong sandali. Nang nag-dismiss ang prof namin ay saka ko lang naramdaman ang lamig na bumalot sa sikmura ko. I gulped.
Lumabas ako ng room at sinubukang sa opposite direction nang kinaroroonan niya dumaan ngunit maagap niyang nahablot ang braso ko. Wala siyang kahit na anong sinabi. He just dragged my arm forcefully as he headed outside the building.
"Terrence!" apila ko nang medyo nasasaktan na sa paghila niya.
Hindi niya ako pinansin. Mas humigpit lang ang hawak niya sa braso ko. Ilang sandali at mabilis kaming nakarating sa field. Sa malayong gilid ng court siya huminto kung saan wala na gaanong tao. Binitiwan niya ako at galit na hinarap.
"What the fuck are you doing, Eunice? 'Di ba sinabi kong hindi tayo mag—"
"This is not about what you want, Rence! Hindi mo ba makita? Kailangan natin 'to!"
"No, we don't! Ginagawa mo lang 'to para may maidahilan ka! Tapos ano, isang araw magugulat na lang ako may ibang lalaki ka na?"
"What?" Natawa ako sa disbelief.
"We haven't seen each other for five days now, happy? You finally have your time alone!"
"It doesn't work that way—"
"Ano bang gusto mo, Eunice? Bigla na lang akong mawawala sa buhay mo? Are you that eager to get rid of me?" Nabasag ang boses niya sa huling pangungusap. His bloodshot eyes look pained all of a sudden.
Agad akong ginapangan ng konsensya kaya't sandali pa akong nangapa ng mga tamang salita.
"No... it's not like that. I told you..." Nanghina ang boses ko. "I just need time, Rence... and you need the same too to think things through between us. This relationship isn't healthy anymore."
Napailing siya, hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. "There's nothing wrong with us, Eunice. We were fine until you pull this fucking 'cool-off' thing!"
"There is something wrong with this relationship! And if you can't see it then maybe there's something wrong with you."
Binalewala niya ang sinabi ko na parang hindi ako narinig. Sa mababa ngunit mariing tinig ay dire-diretso niya itong sinabi matapos, "Pagod ka lang ba talaga? O sawa ka na? Hindi mo na ako mahal? You just have to differentiate it correctly. Hindi ganitong pinagmumukha mo akong gago. Hindi ako tanga, Eunice. If you can't straight out break-up with me then don't ask for a fucking cool-off. Because that's the same as being in-between and indecisive.
"What's with the farce of suddenly acting up like this? Kung gusto mo talagang tapusin ang relasyon natin, sabihin mo sa 'kin nang diretso at malinaw. I'm not up for any of your goddamn stupid mind games."
Animong nag-ugat ang mga paa ko sa daan. I hate to admit it but he got a point. Mahal ko pa rin siya kaya hindi ko kayang tapusin kami. That was why I resorted to cooling things off for a bit—because I needed more time to sort out my feelings. Dahil kahit nasasaktan at napapagod ako, hindi ko pa rin kayang mawala siya, hindi ko pa rin siya kayang bitiwan nang tuluyan.
This is so pathetic. Pagkatapos kong mangako sa sarili kong hindi na ako babalik—hindi pa pala ako tuluyang nakakaalis.
All I wanted was to make our relationship work so badly. Pero may paraan pa ba? May pag-asa pa ba? Mananatili pa ba ako kung alam kong may mali? Gayung hindi ko pa kayang tuluyang bumitiw dahil may malaking parte pa rin sa akin ang nakakapit?
I should break up with him, right?
Why does doing the right thing seemed so easy to think yet so hard to conform to when feelings are involved?
"Fine then," aniya makalipas ang matagal na sandali kong pananahimik. Umiigting ang panga niya nang magkatitigan kami.
My lips cracked open for the words I couldn't utter.
Malinaw ang pagpipigil na nakita ko sa ekspresyon niya bago ako tinalikuran.
Out of my building panic from guilt, maagap ko siyang sinundan.
I get it. He was basically asking me to break up with him if I have the guts but if not, then I should put up with his cheating. How is that fair? He wanted to dominate this relationship and he didn't want me to do anything but to stay put and let him do whatever he wants? What did he take me for? A pushover? How could he call this a relationship when it was all his say that mattered? What about mine? Wala ba akong karapatang magdesisyon para sa amin?
"Rence!" Hinawakan ko ang kamay niya pero tinapik lang nya palayo ang kamay ko. Natigilan ako dahil sa bahagyang pagkakagulat.
"You need time? Then take all the goddamn time you want. I'll do the same and use a lot of it to do things too." Wala nang ibang emosyong nasa ekspresyon niya kundi galit nang tinitigan ako sandali.
Nanunuyo ang lalamunan, hindi ako nakapagsalita. Pagkatapos magdaan ng isang kisap-matang lungkot sa mga mata niya'y tuluyan na niya akong tinalikuran.
What did he mean about things?
I didn't receive any calls or texts from him later that night. At oo, para akong tangang nakaabang nang nakaabang sa phone ko para lang maghintay ng himalang tawag o kahit text man lang galing sa kaniya. I even got startled every time my phone beeped for notifications—para lang paulit-ulit na madismaya.
Unang apak ko pa lang papasok sa loob ng campus kinabukasan ay nagsisi na kaagad ako. Nagsisi ako kung bakit bumangon pa ako sa kama. Nagsisi ako kung bakit gumayak pa ako para pumasok. Nagsisi ako kung bakit hinabol ko pa ang bus kanina kung pwede ko namang sakyan na lang ang sunod na darating... nagsisi ako. Sising-sisi ako kung bakit kailangan kong dumating sa campus sa eksaktong oras din nang pagpasok ni Terrence... tama. Si Terrence... kasama ang mga kabarkada niya... at... at isang babae. May kaakbay siyang babae. Nagbubulungan sila habang naglalakad at mukhang katuwa-tuwa ang pinag-uusapan dahil malaki ang ngisi nilang pareho.
My God, Eunice. What exactly are you upset about? 'Di ba inasahan mo na 'to? You're even expecting the worse! Anong bago rito? It's Terrence we're talking about. Kilala mo 'yon. At hindi siya nakakatagal nang walang babae. 'Di ba? Kahit nga nasa kaniya ka na, naghahanap pa rin siya?
"What a sight." I scoffed as a bitter taste seized my mouth.
So this is what he meant by things.
How ironic. Siya ang ayaw makipag-cool-off pero siya ang mas unang nakahanap—wait no. Marami nga pala siyang reserba. At ako? Sino nga naman ba ako? Sa dami ng babae niya, napakadali ko lang palitan.
He's in love with me? Hah! What a farce.
Marahas kong hinawi patungo sa likod ang mahaba kong buhok at padabog na nagpatuloy sa paglalakad.
"Break na ba kayo? I'm hearing a lot of rumors, you know..."
Matalim ang tingin ko sa paligid nang mapasulyap ako sa nagsalita. And what good news? Cedric, in his usual sarcastic tone, was walking leisurely beside me. Both hands were tucked inside his jeans like he had all the time in the world to spare for chitchats.
What a very nice day, really!
"What do you want, Cedric?"
Parang hindi niya ako narinig nang nagpatuloy sa sinasabi. "Oh, wait! Wala nga pa lang bago. He used to play with girls even when you two were together, right? Siguro hindi lang niya inasahang parehong oras kayo papasok ngayon? 'Di ba? Come on, I'll help you think reasonable excuses for—"
"You sarcastic bastard—shut the hell up!" Pareho kaming napahinto sa paglalakad. Some students threw us puzzled looks—na siyang binalewala ko lang bago balewalang nagpatuloy muli sa paglakad.
"I'm a bastard now?" Humalakhak siya, tila nasisiyahan. "Ano pa si Terrence, Eunice? Huh?"
"Wala ka sa lugar para makialam. Stop sticking your nose on other's business! You're not my brother or whatever. God, you're not even my friend!" sigaw ko nang hindi na nakapagtimpi.
"I maybe not but you can't get rid of me. You know that well enough, Eunice, don't you?" seryoso na siya nang sinabi iyon.
It sounded so bothering that I had to stop from walking again. "What the heck are you talking about? May tama ba 'yang ulo mo?"
"It's pretty obvious, but if you haven't get it yet, nandito ako para gisingin ka sa katotohanan..."
"Oh, bugger off!" I laughed indignantly. "Who said I needed you to do something like what—this is ridiculous!" Mabilis ko siyang tinalikuran at iniwan doon.
Ramdam ko pa rin ang mga sulyap sa akin ng ilang estudyante, marahil dahil sa pagtaas ng boses ko kanina. Hindi ko na lang din napigilan ang sarili ko. I was obviously not in a good mood but this freak sure didn't know about bad timing.
"Yeah, alright, walkout all you want, Eunice! Keep doing what you're good at." May kalayuan na ako sa kaniya ngunit narinig ko pa rin ang mapang-uyam niyang paghalakhak.
Crazy moron. Sino ba siya sa tingin niya para bumulaga na lang bigla sa buhay ko at sabihin ang mga bagay tulad n'on?
Gisingin sa katotohanan? Really? Piss off!
I had to confess. Walang magandang nangyari nang araw na 'yon. Nagsisisi akong nag-aksaya pa ako ng enerhiya para pumasok at sapitin ang walang kwentang araw na ito. I should've laid in bed all day instead of wasting my time going here. Ang dami ko sanang naisalba. Time, energy, effort... at pati nang puso ko—sa sakit.
Hindi na natapos ang confliction sa isip at damdamin ko. Buong araw kong pinag-isipan kung paano ako makikipaghiwalay kay Terrence—kung paano ko kakayanin. Gayung sa pag-iisip pa lang niyo'y hindi na makatarungan ang pagsikip ng dibdib ko.
God, I miss him. Pero tuwing naaalala ko ang kasama at kaakbay niyang babae kanina ay nabubuhay ang galit sa akin—na kalaunan ay napapalitan lang ng panghihina.
What is it about him that I can't let go?
Curse Cedric for this. This was all his fault!
Pero... at some point, naisip ko rin. Hindi ko naman talaga gusto ng cool-off. Gusto ko lang namang timbangin niya kung anong bigat ko sa buhay niya... lalo nang ayaw kong makipag-break... maraming beses ko nang naisip 'yon pero masyado ko siyang mahal para totohanin. Tapos ganito ang gagawin niya? Ipapamukha niya sa aking kayang-kaya niya akong palitan? Na maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya kaya hindi ako kawalan?
I didn't know it would hurt this bad. Hindi ko siya kayang pakawalan dahil hindi ko kayang makitang may iba siya—ibang babaeng lalambingin at sasabihang mahal niya. Pero hindi ko makita kung saang parte ng mga ginagawa niya pumapasok ang ibig sabihin ng pagmamahal na sinasabi niya para sa akin.
I just wanted him to grow. I wanted our relationship to grow but how could that happen if he was so stubborn? If he couldn't commit to us? What was so hard about being faithful?
He hadn't call 'till now... no texts came as well. Mas lalo akong nanghihina.
"Fucking jerk!"
Tulala, muntik kong mabitiwan ang hawak na phone, matapos mapatalon sa kinauupuang swing sa village park dahil sa biglang sumigaw niyon. Agad kong nilinga ang paligid para maghanap ng sagot.
"Who the hell?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top