19 : He's a psychopath


Sinasabi ba niyang si Terrence ang may kagagawan sa mga pagpatay?

Mabigat ang paghinga sa umuusbong na iritasyon sa pinupunto at ginagawa niya, buo na sa isip kong muli siyang itulak ngunit natigilan ako sa sunod niyang ibinulong sa tainga ko.

"Just play along."

The hell?

Kunot ang noo sa kalituhan, binalewala ko ang sinabi niya at sinubukan siya muling hawiin nang mas malakas. Ngunit mabilis ang mga sunod na pangyayari matapos kong marinig ang isang pamilyar na boses.

"Eunice..."

"Damn it." Cali's other hand landed immediately on my nape, pulled it closer to his face, meeting my lips with his.

"You fucking bastard."

All of a sudden, he withdrew away from me when someone grabbed him from his neck—with a belt wrapped and tightening around his neck.

Laglag ang panga ko nang muling mamilog ang mga mata, ngayon ay dahil sa gimbal. Humakbang ako ng isa palapit ngunit hindi ko tuluyang nagawang makalapit dahil sa kalituhan at pagdadalawang-isip.

What...

"C-Cali..."

Oh my, God.

Namumula na ito at ang mga ugat mula leeg patungong mukha ay naglalabasan na. He was gasping violently and struggling to slink off the belt but of no account. Ang tahimik na gabi ay pinuno ng mga daing niya at pagkiskis ng ilang pares ng sapatos sa magaspang na kalsada.

"Ang lakas ng loob mong hawakan ang pagmamay-ari ko," anang baritonong boses sa likod niya.

Hindi mawari kung bakit nangyayari ang nangyayari, nanigas ako sa kinatatayuan nang mamukhaan kung sino ito mula sa ilaw ng malapit na lamppost.

What... what is he doing here? I... I thought...

"Terrence!" Mabibigat at mabibilis na yabag ang umalingawngaw kasabay ng palapit na boses ni Dina.

Narinig ko ang pagbukas sara ng sasakyan sunod ang pagbulaga ni Michael at agad na pagsunggab kay Rence.

"Let go! You're killing him!" hingal na bulalas ni Dina'ng halos magbanda-banda sa katahimikan ng may kadilimang kalsada.

"Take it easy, man—si Cali 'to!"

"Wala akong pakialam kung sino siya!" Tila kulog na umalingawngaw ang boses niya.

Napako ang mga paa ko sa kalsada nang bumagsak sa akin ang namumula at halos nanlilisik niyang mga mata. Michael was trying to apprehend him and take away the belt from Cali's neck but he didn't seem to mind. Mahigpit at hindi matinag ang hawak niya sa belt, bakas mula sa kuyom na kamao ang mga ugat na naglabasan sa kamay at braso. With nose flaring and jaw clenching, purong galit ang nag-uumapaw at nangibabaw sa ekspresyon niya nang kapwa kami magpalitan ng tingin.

Sinubukan kong huminga kahit tila kinakapos ang hangin sa paligid. Almost paralyzed with dread, I was uselessly standing there—watching the scene transpire before me.

"Terrence, what the fuck?! Let go, you psycho! He's not breathing!" Maging si Dina ay nakitulong na sa pagpigil at pag-alis ng paghigit niya ng belt sa kaibigan.

But instead of letting go of it, he said this in a chilling voice, "I'll fucking kill him."

"No, you fucking won't!"

Hindi alam ang gagawin, sinubukan kong umakma ng paghakbang ngunit sa isang mabilis na iglap lamang ay bahagyang nabitiwan ni Terrence ang belt dahil sa natamong pwersadong pagsiko sa sikmura. Sinundan ni Michael ang ginawa ni Cali rito ng isang suntok sa panga, at saka pa lamang nito nabitiwan nang tuluyan ang belt. Bumagsak at humandusay si Cali sa sahig, pulang-pula habang marahas na umuubo at naghahabol ng hininga.

"You fucktards!" Sapo ang sikmura at marahas ang pag-angat baba ng dibdib, nanlisik sa panibagong galit ang mga mata ni Terrence nang magpalitan sila ng tingin ni Mike.

Umatras ako at napatili nang mabilis siyang nakabawi sa mga natamo at nagpupuyos na umamba agad ng pagsugod sa huli. Ang hindi na halos magkandagulapay na si Cali ay maagap na nasunggaban ito mula sa baywang, stopping him from going after Mike. Inabuso naman ng huli ang pagkakataon upang muling ambaan ito ng magkakasunod na suntok—pinagtulungan ito ng dalawa.

"You want to fucking die too?! Huh?!"

Nagpumiglas at nagwala si Terrence mula sa pagpigil sa kaniya ni Cali habang pilit na sinasangga ng mga braso at ginagantihan pabalik ang bawat suntok ni Mike.

"Naririnig mo pa ba ang sarili mo?!"

Buong sandali akong naroon at nakasandal sa gilid ng sasakyan at hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Dina was standing on the side too, watching with a hand cupped on her slacked jaw.

My chest tightened as the memory of the locker-room incident flooded my mind. But this was different—they were friends. And I couldn't bear to watch or hear their violent exchange of fist fight.

"Stop it..."

Ilang suntok ang natamo ni Terrence sa sikmura at panga ngunit ayaw pa rin nitong paawat at tila walang nararamdaman, dahil sa blangko at matigas nang ekspresyon sa mukha. Blood started dripping from the cuts and bruises on his face and Mikes' from their fist fight.

"Stop it!" Nasapo ko ang mga hikbi.

Isang tadyak sa sikmura at nabitiwan ni Cali si Terrence nang tumilapon siya at mapadaing sa natamo. Mula naman sa pagsugod ng suntok ni Mike ay sinunggaban siya nito. Terrence toppled over him. Magkakasunod at paulit-ulit na pinatamaan nito ng suntok ang kaibigan matapos—kita ang pwersa mula sa bawat umalsang ugat sa mga braso niyang tila isang matigas na bakal sa kada pagtama niyon sa mukha ng kaibigan. Mike tried to fight back but couldn't even lift his other arm because of the consecutive blows from Terrence's fist.

Nanlulumo, maya't maya ang pagsikip ng dibdib ko sa nasasaksihan. Why did they have to fight and hurt each other like this?

"Mike!" Para akong natauhan sa basag na boses ni Dina.

Sandali kong ipinikit nang mariin ang mga mata at sinubukang isantabi ang nakalulumpong takot at panlulumo. Gamit ang nanginginig na mga binti ay mabilis akong lumapit sa mga ito.

"Terrence! Stop it! Rence!" I gulped some air as a sobbed escaped in between my lips. "Tama na... please, tama na!"

Parang wala itong narinig nang balewalang nagpatuloy sa ginagawa. Talsikan ang dugo at halos mawalan na ng malay ang kaibigan niya sa natatamo, ngunit tila hindi niya iyon alintana. Wala akong ibang makitang emosyon sa kaniya kundi nag-uumapaw na galit, kakaiba sa galit niya sa locker-room noon.

"Terrence! Rence, please..." Napapahikbi, mas lalo pa akong lumapit hanggang sa naabot ko na ang braso niyang hablot ang kwelyo ni Mike. Nanginginig iyon. Ngunit 'di tulad nang panginginig ng sa akin dahil sa takot, ang kaniya'y nanginginig dahil sa sobrang galit.

Mula sa pag-amba ng suntok ay tumigil sa ere ang kamao niya. Mabagal niya akong nilingon pagkatapos.

Tila bombang sumabog ang malakas na dagundong ng puso ko nang sinalubong ko ang pula at nanlisik niyang mga mata. Halos nagmamakaawa ang ekspresyon ko nang maramdaman ang lalong pag-igting ng panginginig, 'di lang ng kamay ko kundi ng buo kong katawan.

"Tama na... please..." Nasapo ko ang mga bagong hikbi at pilit pinigilan.

Animong bagay na wala nang pakinabang, binitiwan niya agad ang duguan at halos gulapay nang si Mike para lang tumayo at harapin ako.

Pagkasinghap ay dali-dali kong nabawi ang hawak mula sa braso niya at napaatras sa takot, ang mga luha ko'y agarang umurong.

Sa parehong nanlilisik at pulang mga mata, humakbang siyang palapit sa akin. Ang bahid at talsik ng dugo sa mukha, damit at mga kamao niya'y sariwa pa mula sa mga sugat na natamo at binigay.

"So you're fucking around with this bastard all along." His voice was devoid of any emotion as he spoke, contrary to the burning fury on his expression pointed directly at me. "Matagal n'yo na bang ginagawa 'to sa likod ko? Ha? Sabihin mo 'yung totoo."

Mabilis ang iling ko sa kabila ng pangangatal gawa ng lamig na bumabalot sa buo kong katawan. "N-No. It's not—it's not what you think..."

Nang humakbang siyang palapit ng isang beses pa'y muli akong napaatras at halos matalisod pa dahil sa panginginig. His deep-set eyes were almost gleaming with wrath on the dim empty street as it trained on mine. Tila kinakapos ang hangin sa paligid sa hirap kong pagsinghap.

Ang muli ko sanang pag-atras ay naudlot dahil sa ginawa niyang paghablot sa braso ko. With a slight arched of his upper body, he was then standing a foot apart in front me. I made a sharp gasp as he looked down at my horrified expression.

"Ganito mo ba ako sisingilin? Pagkatapos kong ipakitang nagbago na 'ko, at saka mo ako babalikan sa mga nagawa ko?" His grip on my arm tightened. "Sumagot ka."

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa halos nakasusugat sa lamig niyang boses. With my eyes trained on his, I couldn't get my mind off the image of him strangling Cali and beating Mike to death with an intent to kill. Nakita ko na siyang manakit at magalit noon pero para siyang ibang tao ngayon. Para akong nanliliit dahil sa walang paglagyang takot na unti-unting lumalamon sa akin.

"Sagutin mo ang mga tanong ko, Eunice."

Tanging iling ang nagawa ko sa kawalan ng masabi. Sa kabila ng takot ay walang pakundangan pa rin akong inatake ng kirot at paninikip ng dibdib—sa nakikitang dahan-dahang pagbalatay ng pagkabigo sa ekspresyon niya. Ang nag-uumapaw na galit sa pula niyang mga mata'y nahahalinhinan na ngayon ng pagod kada pagpatak ng sandaling pagpapalitan namin ng tingin.

Para akong nanghihina. Ang mga hikbi ko'y kumawala nang walang permiso mula sa pagitan ng mga labi ko. "Rence, no..."

Ngunit sa isang iglap ay malalim siyang suminghap at tila isang switch na kinalabit nang sabay-sabay namatay ang lahat ng emosyon sa mukha. Sa isang pitik lang ay naging hungkag iyon.

After slowly tilting his head to the side, he said this in an unnerving monotone, "That leaves me with no other choice but to end him, then."

I froze as my eyes slowly widened in horror.

"Terrence!"

Suddenly, I heard the car door slammed. Kasabay niyon ang paglingon ni Terrence sa nasa likod at tumawag sa kaniyang si Cali. The latter threw him a punch landing straight on his face. Napatili ako at napaatras sabay nang pagkakabitiw sa akin ni Terrence—nang muntik na siyang matumba dahil sa suntok.

"Goddamn it!"

"Get in the fucking car, Eunice!"

Sunod niyon ang pagkaskas ng gulong at pag-andar ng sasakyang nasa bandang likod ko. Lito, marahas akong napabaling doon at nakitang sakay na niyon ang dalawa, Dina was on the driver's seat.

Pagkabalik ko ng tingin sa dalawa ay saktong hinablot ako ni Cali at dire-diretsong tinangay papasok ng sasakyan. Isang singhap ang hindi ko napakawalan nang kumalabog ang paglapat ng duguang palad ni Terrence sa salamin nang kasasarado pa lang na pintuan. Sa nanlilisik na mga matang nakadirekta sa akin ay mabilis, pwersahan at sunod-sunod niya iyong kinalampag, bawat pagtama ng palad niya sa salamin ay mas lalong nagpapakalat ng sariwang bahid ng dugo roon.

"Holy fucking shit!"

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maalala ang nakakakilabot na ekspresyon ni Cedric nang gabi ng insidente sa parehong resto bar. Dumagundong ang dibdib ko at buong pusong napatili nang nabuksan ni Terrence ang pintuan.

"Fuck!"

Maagap na nasalo ni Cali ang pinto mula sa door pocket na siyang mabilis nasundan ng pag-lock ni Dina rito.

"Dina, hit the fucking gas!"

"Go! Ano pang hinihintay mo?! Let's go!"

"Drive the fuck on!"

"Will you two shut the hell up?! Unless you want us to die of a car accident then shut your fucking mouth!"

Matapos humarurot ng sasakyan ay natahimik ang dalawa. Naninigas sa halong pagkakagulantang at takot, ilang sandaling tanging mabibigat na paghinga lamang naming apat ang lumukob sa loob ng tahimik na sasakyan.

For a while, I tried to collect my muddled thoughts from what just happened. Mula sa pag-uusap namin ni Cali, sa ginawa niya, sa biglang pagsulpot at pagsakal sa kaniya ni Terrence gamit ang belt, pagpapalitan nila ng suntok at ang nakakakilabot na kawalan ng emosyon sa mukha ni Terrence nang sinabi niyang papatayin niya ang kaibigan.

I just realized then that my hands were trembling in a cold, unadulterated fear. Ngunit matapos matanto ang pinag-ugatan ng nangyari ay nanggagalaiti kong tinapunan nang nanlilisik na tingin ang taong nasa tabi ng inuupuan.

"Cali, why the hell did you do that?!" I snapped with a ragged breathing. "And how convenient is it that Terrence went there?!"

Mula sa pagkakahapo at pag-inda sa mga tamang natamo ay binalingan niya ako. Aside from the blood stains, the strangulation from the belt on his neck left a reddish mark. Nabawasan nang kaunti ang galit ko nang makaramdam ng awa kaya nagbitiw agad ako ng tingin at sinubukang kalmahin ang sarili.

"I told him you were there and you need a lift because you're drunk," ani Mike sa seryosong tinig mula sa kabilang gilid.

What?

"Look, sorry if it has to be that way... pero dahil sa 'yo, kahit pa'no may pinatunguhan ang plano." Mabigat na nagbuntonghininga si Cali nang isinandal ang ulo sa headrest, may ilang daing pang kumawala sa kaniya matapos.

Kumunot ang noo ko sa kalituhan. So there was a plan after all. But, "What kind of plan are you talking about?"

"You're a reckless bastard," ani Dina sa tinig na puno ng pang-uuyam.

Cali laughed under his breath like he found something funny about what happened. "Tangina ni Terrence, muntik na 'kong napatay."

"So am I," segunda nang duguan at dumadaing na si Mike. "Did you see how he almost beat me to death? I thought I was fucking done for."

"What did I say about being reckless again?" matabang na untag muli ni Dina.

I balled my fists. "What plan are you talking about?" ulit ko, bakas na ang frustration sa boses.

Muli akong nilingon ni Cali at maiging pinagtuunan habang nakasandal pa rin ang ulo sa headrest. Sa matigas na tinig ay inanunsyo niya ito, "Your beloved Terrence Gallevo is a fucking psychopath."

Hindi ako nakapagsalita, tila nanuyo ang lalamunan ng ilang sandali.

A psychopath?

I groaned in dispute and shook my head afterwards. I didn't know much about it myself but, "Do you even know what it means to be a psychopath? How can you call him that? Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"

Napaahon ang ulo niya mula sa pagsandig sa headrest para lang ituon sa akin ang buong atensyon—na para bang matagal na niyang pinaghahandaan ang mga sasabihin at ngayon ay sigurado na siya ro'n.

"Alright, listen. I know what you're thinking and yes it sounds mad. But did you see what he's done to me?" Sabay maniobra sa pulang marka ng belt na naiwan sa leeg niya na para bang sapat na iyong dahilan.

Hindi ako sumagot at nanatili lang kunot-noong nakatingin sa kaniya. Dina and Mike were also quietly listening to his explanation but I bet they already heard it beforehand.

"It's one thing if we had a row and fought fist to fist when he caught us—but it's another thing if he tried to strangle and kill me with a fucking belt. Nakita mo 'yon, Eunice. He even said he didn't care who I am, he just wanted to kill me."

"Steph didn't die from the injuries. Because based on the autopsy, the cause of death was from asphyxiation... using the same method," sabad ni Mike sa pagitan ng mga mura habang pinapalis ang ilang dugo sa mukha mula sa mga sugat na naroon.

Ilang sandali ang kinailangan ko para lang maiproseso ang mga nalaman.

"You guys... set him up?" I couldn't hide the contempt laced in my voice. These were his friends and yet...

"I've known him since we were kids, Eunice," putol ni Mike. "Pero kahit kailan, hindi ko naramdamang may malalim na koneksyon ang pagkakaibigan namin. Everyone would've thought we're best buds but it wasn't the case. Pakiramdam ko laging may parte sa kaniyang nakareserba at ayaw niyang ipakita sa iba. Sometimes it didn't feel like we're friends at all. At hindi ko rin sigurado kung kilala ko na nga ba talaga siya. You know his twin, right?"

Hindi ako nagsalita nang nagtuon ako ng tingin sa seryosong si Mike. He had always been the brooding type but right then, his expression screamed peril.

"His twin brother who died of an accident? Terrence was with him when it happened. At hindi natukoy ng mga pulis kung ang aksidente talaga ang pumatay sa kaniya dahil walang autopsy na nangyari. Their parents accepted his brother's death as is. Dahil sinong magulang ba ang gustong malaman na kayang patayin ng anak nila ang sarili nitong kapatid?"

Hindi ko maramdaman ang pisngi ko sa panlalamig. Animong lumulutang sa ere ang mga salitang naririnig ko. I wasn't even sure if we were talking about the same person because Terrence couldn't possibly do that... he loved his brother dearly...

Ang kaninang takot na nararamdaman ko'y unti-unting napapalitan ng galit.

"It's unfair to accuse him unless you have a concrete evidence that he's behind the killings," saad ko sa matigas na tinig, feeling the sting of betrayal from his friends in his behalf. "So your plan is to provoke him, am I right? What now, then? How does that prove that he's guilty of the murders?"

"That's not the only purpose of the plan, Eunice," seryoso pa ring saad ni Mike, ang tingin ay nanatiling diretso.

"What else is it for?" matabang kong tanong.

"It's for your sake too, bitch," iritableng anas ni Dina mula sa driver's seat na para bang hindi na nakapagtimpi.

Hindi pa man ako nakakatugon ay nadugtungan na ng pikit-matang si Cali iyon. "You're most likely gonna be the next victim if you stayed with him."

I couldn't help but let out a scoff. Kailangan ko bang magpasalamat dahil lumalabas na may pakialam sila sa akin? Sapat para traydurin nila ang sariling kaibigan?

Oh, I'm not that stupid. The plan just left them with no choice because they need my involvement in order to provoke Terrence. At ngayong napatunayan nila ang gusto, syempre hindi nila ako pwedeng iwan na lang dahil kasalanan nila kung may mangyari sa akin. Well played. Papalakpak na ba ako?

Ang panginginig ng mga nakakuyom kong kamay ay tuluyang napalitan ng dahilan. Halos buksan ko na ang pinto para lang makaalis na rito. The thought of breathing the same air with these people suffocated me.

How could they call themselves his friend? Paano nila ito nagawa kay Terrence? Kung si Dina at Cali ay maiintindihan ko pa, pero pati si Mike? They'd been friends since I could remember! And if they gave a damn or care about Terrence even just a bit, bakit hindi nila naisip na idaan ito sa maayos na paraan?

"And what do you guys think his motives are? Anong mapapala niya kung papatayin niya ang mga babaeng iyon? At pati ako? You didn't even tried to talk to him a while ago about those goddamn crimes," sarkastikong utas ko nang hindi na nakapagpigil.

What if this was all a misunderstanding?

"There's three things. Firstly, Terrence was behind the commotion about Steph with the varsity team—no matter how petty, it was still a dispute. Secondly, as for a witness' statement, he was last seen talking with Steph before she disappeared. And lastly, the belt—he used it with an intent to kill, needless to say that it was the same tool used on killing her. So to sum it up, those are the three circumstantial evidences against him—and it was enough to make him a major suspect of the murders."

Tanging malalim na paghinga lamang ni Cali ang lumukob sa pandinig namin dahil sa katahimikan bago siya nagpatuloy.

"He had a link with the victims since the start of the investigation but the motive and evidence was weak. Sinadya kong i-update sa GC ang mga impormasyon sa kaso dahil naro'n siya at gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya...

"This is Terrence Gallevo we're talking about and holy hell, part of me didn't want to believe he's behind it all... he's my bud and I wanted to prove it myself that he isn't capable of killing—that he's innocent and got nothing to do with the crimes. Pero tangina... siya ang itinuturo ng mga ebidensya. And I'll gladly talk to him, you know. Explaining what he saw between us after that was part of the plan too. Pero kita mo ngang dalawa na kami ni Mike, ni hindi man lang siya natinag—kinokontrol siya ng galit niya.

"But now, we will see if he still have his soul with him if he at least confess to his crimes or prove himself not guilty. But if he won't... I'm afraid he wasn't the person we've all known him to be."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top