15 : What do you want


Ipinaling ko ang ulo pabalik sa direksyon kung nasaan si Cedric ngunit tanging madiilm na espasyo ang sumalubong sa akin. Wala siya roon. Pagkapasada ko ng tingin sa paligid ay naaninag ko siyang patalikod nang naglalakad palayo sa mas madilim na parte, tanging anino na lang niya ang naaninag ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang naiiwan niyang tingin sa akin.

"Eunice."

Kunot pa rin ang noo ni Terrence nang muli ko siyang binalingan. "Why are you standing here in the dark? Come on, I'll get you home."

Nanuyo ang lalamunan ko nang mag-umpisa akong lumakad palapit sa kaniya. Parang sabit-sabit na wire na nakakonekta sa mga poste ang isip ko.

"Don't you find Terrence's sudden change suspicious?"

"Oh, the things we do for love."

Animong sa kweba nanggagaling ang boses ni Cedric nang paulit-ulit iyong magbanda at umalingawngaw sa pandinig ko. Buong byahe patungong apartment ay hindi ko alam kung tahimik ba si Terrence o hindi ko lang siya narinig dahil sa ingay ng mga boses sa isip ko.

Hanggang sa tila nahigop ang lahat ng iyon nang biglang tumahimik pagkarinig ko ng boses niya sa wakas.

"We're here."

Sumulyap ako sa bintana at nakitang naroon na nga kami sa tapat ng building apartment.

"You okay?"

Ilang ulit akong kumurap bago humugot ng isang malalim na buntonghininga. At that moment, I felt a strong sense of resolve to know the truth and completely end my doubts.

"I heard your friends are hanging out at Varitas tonight like usual. Do you want to come?" tulala ako sa mga palad at animong wala sa sarili nang tinanong ko ito.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan bago ko napagpasyahang mag-angat ng tingin sa kaniya.

He looked serious while eyeing me intently on the passenger seat. Ang magkabilang kamay ay tamad na nakapahinga sa steering wheel. "Do you want to?"

"What if I don't, hindi ka ba sasama?"

"No."

"Then I'll come with you."

Nagsalubong ang mga kilay niya at mas lalo akong mariing pinagtuunan ng atensyon. Ang isang kamay ay nabawi mula sa manibela para lang ipatong sa hita nang bahagya akong nilingon.

"You want to hang out with my friends?"

"Don't you want to hang out with your friends?" balik kong tanong, hindi natitinag ang matigas na ekspresyon.

Kunot pa rin ang noo, walang humor ang ngising namuo sa mga labi niya. "Hindi 'yan ang tanong ko."

"Why aren't you hanging out with your friends lately?"

"Does it bother you that I don't?"

"Why, Rence?" diin ko, sinusuklian ang paraan niya ng pagtitig.

With parted lips, there was an evident wary on his expression as he looked at me for a while. "Because I wanna be with you more," aniya sa marahang tinig. "Cee, what is it? Is there something wrong?"

"Let's go there," pasya ko imbes na sagutin ang tanong niya.

Lito, umiling siya at bahagya nang natawa kahit wala pa ring bakas ng humor ang ekspresyon. Ang magkabilang palad ay naitaas pa ng kaunti. "All of a sudden? Bakit—"

"I said let's go," malamig kong untag, hindi nagbibitiw ng tingin sa kaniya.

Awang muli ang mga labi, natigilan siya agad. Ang kaunting pagkakagulat ay bumalatay sa ekspresyon habang nakatitig pabalik sa akin. Bumagsak ang mga palad niya mula sa kaunti niyong pag-angat. Kalaunan ay umigting ang panga bago sa wakas ay muling pinaandar ang sasakyan—may halong sobrang pwersa mula sa normal.

"Alright, then," utas niya sa parehong malamig na tinig.

Ramdam ang bigat ng hangin dahil sa tensyon nang wala kaming naging imikan buong byahe patungong Varitas.

Nanatiling seryoso at madilim ang ekspresyon niya buong byahe. Samantalang halos manlamig naman ang sikmura ko sa pangamba dahil sa mga naiisip.

Hanggang sa makarating kami roo'y wala siyang imik at dire-diretsong lumabas ng sasakyan. Agad bumungad sa akin ang ilang bukas pang establisyemento sa kalsada katabi niyon nang sumunod ako sa kaniya palabas.

The two-storey building of Varitas looked alive from outside because of the different colors of the dancing lights penetrating through the glass walls. The main light inside was dim but it was enough to make out the figures of everyone inside. Ang bawat hampas at kalabit ng mga instrumento ng tumutugtog na banda mula sa second floor ay rinig din mula sa labas.

"Rence, pare, ikaw ba 'yan?"

"What took you so long, bro?!"

Nagkagulo ang mga kaibigan niya nang makita siya roon. May ibang varsity din bukod sa kanila at syempre, mga babae.

"Eunice, you are heaven sent! Sabi ko na nga ba at ikaw lang ang sagot sa mga panalangin ko," biro ni Cali sabay malakas na humalakhak nang sinalubong kami. He was holding a glass of draft beer on his hand.

"Watch it, Cal." Hinigit ako agad ni Terrence mula sa baywang palapit sa kaniya, ang matalim na tingin ay naiiwan pa sa kaibigan.

Matapos uminom sa basong hawak ay nagtaas ng magkabilang palad sa ere si Cali bilang pagdepensa, ang ngisi ay nanatili.

Bahagya ko namang hinawi ang braso ni Rence sa akin kaya't agad kong nakuha ang atensyon niya.

"C.R. lang ako." Hindi ko na siya hinintay sumagot nang mabilis kong tinungo ang comfort room.

I was still in my uniform but I didn't give a damn. I had something else in mind. Masyado nang nakakasawa ang ganitong problema sa relasyon namin kaya't sisiguraduhin kong hindi na ito magiging hadlang. Yes, the past month had been quiet and calm between us. I gave him a last chance and I was willing to forgive him. Pero kailangan kong makasigurado kung totoo ba talagang nagbago na siya.

He could be hiding his hoes. Maaaring naging mas maingat lang siya ngayon kaya hindi ko na siya nahuhuli.

I hate to admit it but once again, Ced was right. He'd always been.

And I might not be able to completely get rid of that pathetic other 'I' but I wasn't entirely her right now. If anything, she just seemed like a distant memory of what I used to be. Maybe giving Terrence this last chance was all it took to outgrow that part of me.

Paglabas ko ng C.R. ay natanaw ko ang table ng mga kabarkada niya at nakitang may katabi nang babae si Terrence. Seryoso ang ekspresyon niya kahit kinakausap at panay ang hagikgik sa kaniya nito. Maingay din ang mga kaibigan niya roon at mukhang may kinatutuwaan kaya't pinili kong manatili sa kinaroroonan.

Palihim akong umupo sa madilim na parte, sa isang bakanteng single table kung saan tanaw ko ang mga ito. Blangko ang ekspresyon ko pati nang sikmura ko habang pinanonood ang paghagod ng babae sa braso ni Terrence. The latter reached for drinks on the table and consecutively downed three shots. Nang hindi pa nakuntento ay inabot din niya ang isang draft beer at inumpisahang ubusin ang isa.

I gulped and started to feel uneasy. May parte sa aking umaatras sa maaaring kahinatnat nito ngunit narito na ako at hindi ko na ito pwedeng bawiin. Being a coward wasn't an option. No matter what I'll witness here would be the underlying reason if our relationship was still worth the try. It was scaring me but I had to do it.

Makalipas ang ilang sandali ay naaninag ko ang paghugot ni Rence ng phone mula sa bulsa ng pantalon. The girl beside him was whispering something on his ear but he didn't seem to mind whatever she was saying and just started tapping on his phone.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng skirt. Kumurap pa ako ng ilang sandali bago iyon hinugot.

Terrence:

What's taking you so long?

Everything alright?

Tumulala ako sa mga texts niya bago mabagal na nag-angat muli ng tingin sa table nila. Nakatingin siya sa phone bago muling uminom ng dalawang shots galing sa table, seryoso at blangko ang ekspresyon mula sa nagsasayawang iba't ibang ilaw sa loob ng may kadilimang resto bar.

Umugong ang malakas na tugtog ng bandang nagpe-perform 'di kalayuan sa table nila.

Kinagat ko ang labi at nagdalawang-isip pa kung babalik na ba ako. He would be suspicious if it took me longer than this to come back. Baka magpunta pa siya sa C.R. kung 'di pa ako babalik kaya tumayo na ako at nagpasyang magtungo na ro'n.

Lumipad ang tingin sa akin ni Terrence kaya't napasulyap din sa direksyon ko ang babaeng nasa tabi niya. Tumaas ang kilay nito at isang mabilis akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago maarteng tumayo. Naiiwan pa sa akin ang tingin nito hanggang sa malampasan ako.

Pinigilan ko ang mapairap dahil wala akong panahon para intindihin kung ano ang problema niya. Naupo na lamang ako sa upuang nabakante at sinubukang aliwin ang sarili sa panonood sa bandang nagpe-perform sa stage. Bahagyang naging malumanay ang intro ng sunod na kantang kasalukuyang tinutugtog ng mga ito, 'di tulad ng mga nauna.

"Eunice."

Ramdam ko ang titig sa akin ni Terrence mula sa tabi ko ngunit sinubukan ko iyong balewalain. Kahit pa ang dagundong ng puso ko'y tila sumasabay sa unti-unting paglakas ng bawat hampas ng drums sa buong resto bar.

"Cee..."

Dahan-dahan ko siyang nilingon sa tabi. Ang malalim niyang mga mata'y namumungay nang maabutan ko itong nag-aabang sa paglingon ko. He started playing with the tip of my hair then.

"Hmn?"

"Do you want to call it a night?" Halos hindi ko marinig ang boses niya sa hina dahil sa malakas nang tugtugan ng banda.

Hindi ko inasahan ang pagsikip ng dibdib habang pinagmamasdan siya—kung paanong manlambot ang madilim niyang mga mata.

Why did it felt like I was betraying him by testing his faithfulness this way?

Marahan akong umiling. "We just got here."

Umawang ang mga labi niya habang lumilibot ang mga mata sa bawat parte ng mukha ko. Binasa niya ang labi matapos. In a quiet voice, he muttered, "Alright..."

"Rence, hear this!" Naagaw lamang ang atensyon niya nang magsimula nang magkwento si Cali.

When I saw Michael across our seat, nagtaka agad ako nang hindi ko nakita si Dina. There was an unfamiliar girl sitting beside him and they were both grinning at each other like they had been talking about something funny. Ang ilang varsity player na naroon ay abala rin sa pagkikipagkwentuhan hawak ang sariling mga baso at may kani-kaniyang babaeng katabi.

A few moments after, when the alcohol took effect on them, some started making out, walang pakialam sa mga kasamang nakakakita. Sure, the resto bar was quite dim but... nevermind.

Lasing na rin si Cali dahil kita na ang pamumula nito habang masayang nagkukwento. Nakatayo siya sa harap namin ni Rence nang kumuha ng shot sa table. Ngunit dahil sa gulo niya ay natapon ang laman n'on.

"Oh fuck. Sorry!" Napahalakhak siya at umambang aabutin ang skirt kong natapunan.

"It's oka—"

He was kneeling in front of me then. Ngunit bago pa man maabot ni Cali ang skirt ko ay may humablot na ng braso niya bilang pagpigil. Sabay kaming napalingon sa seryosong mukha ni Terrence, mukhang may tama na rin ng alak gawa ng mapupungay na mata.

"The fuck are you doing? Don't touch her," anito sa malamig at may pagbabantang tinig.

Muling natawa si Cali. "Dude—"

"I'll just wash it... sa C.R.," mabilis ko na lamang paalam na agad kumuha sa atensyon ng dalawa.

Ginawa ko ang dapat gawin nang magtungo ako ro'n. Buti na lang at dark ang skirt kaya hindi gaanong halata ang natapon bukod sa amoy. That was why I took my time washing and drying a part of it before getting out.

I was thinking of asking Rence to call it a night as I made my way back to our table. Ngunit ilang metro na lamang ang layo ko rito nang mahinto ako sa paglakad at mapako sa mismong kinatatayuan.

Pikit ang mga mata ni Terrence mula sa paghilig sa headrest ng upuan. I saw the same girl sitting next to him a while ago came up to his lap and started kissing him.

Para akong sinaksak sa dibdib ng pinakamatalim na kutsilyo nang makitang hinawakan ito ni Terrence sa batok at sinuklian nang mapupusok na halik.

Walang humor ang tawang kumawala sa pagitan ng awang at nanginginig kong mga labi habang pinanonood ang mga ito. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang isang iling dahil sa halong dismaya at pagkabigo. Ang lumukob na galit sa mga ugat ko'y mabilis nilamon ng panghihina.

I knew it. I trusted and gave him a chance again but I knew deep down that history would always repeat itself. Sa huli, isang bagay lang ang tuluyan kong napatunayan: tanga pa rin talaga ako.

"Cedric!"

Tumalikod ako at akma na sanang aalis ngunit natigilan ako dahil sa taong nalingunang nakatayo sa likod. Kasabay nito ang pagkakaaninag ko sa ilang lalaking lumabas mula sa likuran niya.

"Gano'n na lang 'yon? You'll just walk out of here like you haven't seen that?"

I'm so fucking done with this.

Marahas kong pinalis ang luha at matapang siyang sinuklian ng tingin. "What do you want to say, huh? I told you so? I'm not up for any of your stupid preach, Cedric! Oo, tama ka! Tanga ako, masaya ka na?"

Umamba akong lalagpasan siya ngunit muli lamang niyang hinarangan ang daraanan ko. His face betrayed no expression as he looked directly into my eyes.

"It won't be over unless you confront him, Eunice."

Matalim ko siyang tinapunan ng tingin sa kabila ng walang humpay na pamumuo ng mga luha ko.

"Go there and say what's on your mind."

And what? Make a scene?

As much as I was tempted to do what he said, dahan-dahan ko na lamang nilingon pabalik ang table. The two were still kissing but when Terrence opened his eyes, tila nanigas ito sa kinauupuan nang matigilan. Umamba ng muling paghalik ang babae ngunit sa isang bayolenteng paghawi ay agad itong nawaglit sa kandugan ni Terrence. Bumagsak ito sa sahig. He was mouthing something to the girl with his brows in a furrow then. Mabilis namang umawat ang may tama nang si Cali nang umahon ang kaibigan mula sa kinauupuan. He was then in between the two when he helped the girl scrambled to her feet and went away in a hurry.

I saw Cali trying to talk to him but Terrence was busy breathing heavily while scanning the place until his eyes found mine.

"Eunice." I read him mouthing. Agad napalitan ng pamumutla ang pagkunot ng noo niya. With parted lips, he went frozen as we exchanged glances over the dim lights of the resto bar.

"You have all the reasons to break up with him right now," bulong ni Cedric mula sa tabi ko. "Do it, Eunice. That bastard is not going to change. He's a fucking cheat and will always be."

Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan nang magsimulang humakbang palapit sa akin si Terrence, ang takot ay nakita kong lumiligid sa mga mata niya. I maintained my straight face as I watched him nearing me, not minding the tears blurring my eyes.

"He's not the one for you."

"Eunice..."

Inabot niya agad ang kamay ko nang makalapit ngunit mabilis ko iyong binawi. He paled and stilled for a moment, realizing that I saw the whole thing. Ang takot ay mas naging klaro sa ekspresyon niya nang sunod akong tapunan ng tingin, halos nakikiusap na ang mga mata.

"Let's stop this baloney once and for all."

"Eunice, sandali—"

"We're done."

Awang ang mga labi at tila hindi makapaniwala, I saw pain crossed his bloodshot eyes. Huli kong nakita ang nag-uumapaw na takot sa mga mata niya bago ko siya tuluyang tinalikuran palabas ng second floor. Parang sinasaksak ngayon ng mapurol na kutsilyo ang dibdib ko, paulit-ulit na tila hindi maibaon nang tama ang bawat unday.

"You did the right thing, Eunice. Hindi ka na niya masasaktan ulit."

Balcony ang bumungad sa akin nang makalabas sa pintuan. Umihip ang malamig na panggabing hangin nang sandaling matahimik. Tapos nang tumugtog ang banda kaya't tanging kalmadong background music na lang mula sa loob ang rinig.

Feeling worn out to even cry, I was about to take my leave but my stupid thoughts stopped me.

What if Terrence was just too drunk to notice that he was kissing other girl... because the whole time we'd been here, his attention hadn't been to any girl but me... what if...

I heard Cedric's footsteps nearing until he stopped in front of me, blocking my sight on the dim and steep staircase behind him. The touch of the cold night air blowing on my damp cheeks almost made me shiver.

"You finally did it. 'Di ba ang dali lang? I don't know what took you so long to decide and end it. But see? It only takes two words from the beginning."

Naglaho ang anumang naiisip ko tungkol kay Terrence nang makuha ni Cedric ang buo kong atensyon. He'd been pushing me to see through to what was wrong with my relationship with Rence. But at some point, I thought he wanted me and the latter to make it work. And I thought of him as a friend in the process... but again... why?

"Is that what you really want from the beginning?"

"Hindi ko gusto ang relasyon ninyong dalawa."

"Lahat, Eunice... everything about you is my concern."

"I maybe not but you can't get rid of me. You know that well enough, Eunice, don't you?"

"...nandito ako para gisingin ka sa katotohanan..."

"What you want is what I want." Slowly, a menacing smile curved on the corner of his lips followed by silent yet manic giggles.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa kilabot. Nang lumipad ang mga mata ko sa suot niya at matanto ang pagiging pamilyar niyon ay walang pakundangan ang kabang bumangga sa akin.

A blood-stained black pullover hoodie.

Namimilog ang mga mata, napaatras ako kasabay nang mabilis na pagbayo ng dibdib. Hindi ko na halos ramdam ang paghaplos ng malamig na hangin dala ng lamig na lumukob sa buo kong katawan.

Shit.

"I'm renting the room next to yours for almost a month now. Had no idea?"

Sa tila nasisiyahang tinig ay muli siyang nagpakawala ng matinis ngunit mababang hagikgik. Sa isang iglap, animong bumaligtad ang mundo ko kasabay ng tila pagbabagong-anyo ng Cedric na narito sa harap ko. With an irregular sinister smile etched on his lips, he looked like a stranger... someone who was always watching from a far... a prey waiting for its victim... toying with it before making his kill...

"Did you follow me?"

Shit!

Ang kaninang panghihina ko'y agad napalitan ng nananakop na takot.

Sa muli kong pag-atras ay sinalubong na ng barikada ang likuran ko. Habang siya'y mabagal na humahakbang palapit. Ang ilang beses kong pilit na paglunon sa barang nasa lalamunan ay walang silbi.

"You... what are you... what do you really want?" May hikbing kumawala sa nangangatal kong mga labi. Ang mainit na luhang tumulo sa pisngi ko'y tila nakapapaso dahil sa panlalamig ng balat.

"What do you really want?" pag-uulit niya sa mababa at mabagal na tinig, tila nang-uuyam. "What—do—you—"

Matalim ang singhap ko nang mabilis kinain ng isang malaking hakbang niya ang maliit na distansya sa pagitan namin. Hindi ako makagalaw. Pigil ang hikbi at namimilog ang mga mata, tumitig ako sa mukha niyang may dispalinghadong ngisi, dalawang pulgada ang layo mula sa akin.

"You sound like a broken record, Eunice. Hindi ba ilang beses ko nang sinagot ang tanong na 'yan?"

You creep...

The bitter taste of betrayal was sipping in my bones.

I confided in him. I treated him as a friend! But all along he had ill motives?

Pinanlisikan ko siya ng mga mata sa kabila ng takot ko. The stupid creep had been under my nose all along! How dare he play like an innocent caring friend? And how foolish of me to fall victim of it despite having my doubts?

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang tiwala ang sinusubok sa akin ng pagkakataon. Ngunit ang dismaya ko'y tila nagdaan lang nang nalunod at inanod iyon ng gimbal pagkakita sa isang cutter.

"I bet you knew it all too well by now, didn't you?"

Angat ang kaliwang kamay, kumislap ang blade niyon matapos tamaan nang nagtatakasang ilaw mula sa loob ng resto bar. The cracking sound of its blade being released reverberate on my ears. Gusto kong sumigaw ngunit tila hindi ko na alam kung paano ang huminga. Animong kinukulang ang hangin sa paligid nang manigas ako dahil sa labis na takot at gimbal.

"Sabihin mo sa 'kin... 'di ba pareho lang tayo ng gusto?"

Sa isang mabilis na galaw ay nakatutok na iyon sa harap ng mukha ko.

Sinubukan kong umiling kahit para nang sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng kalampag nito.

"Please..."

"Hmn? Please what?" Tinatapik-tapik niya sa pisngi ko ang talim niyon.

Humihikbi, sa huli ay nanatili akong nakapako sa kinatatayuan at tila naging paralisado na ng takot.

"Why can't you say it?"

Mahina siyang humalakhak at dahan-dahang itinabingi ang ulo habang lumilibot ang mga mata sa bawat parte ng mukha ko. May ikinatutuwa sa nakikitang ekspresyon ko—animong ninanamnam ito tulad nang bagong pagkain na ngayon lang natikman.

"Why did you... why are you doing this? What did I do—"

Hinablot niya ang panga ko gamit ang isang kamay, ang mga daliri niya'y halos bumaon sa magkabila kong pisngi dahil sa diin niyon. Ang isa'y nanatiling hawak ang cutter, ngayo'y nakatutok na sa leeg ko.

Nandidilat ang pulang mga mata, inilapit niya pa sa akin ang mukhang may nakapintang nakakakilabot na ngisi. "Because you were so stupid I couldn't stand it."

Silent helpless sobs escaped in between my lips as I shut my eyes tight. Until I took in a sharp intake of breath as my eyes flew open. The cutter was then being pressed against my throat—I could feel my flesh tearing from its blade.

"C-Cedric... please..." I almost choked on a sob but still managed to carry on, "Ced, please. W-Whatever it is... I'll do it, just please don't... p-please don't be like this... please—"

"Eunice..."

Namilog sa panibagong gimbal ang mga mata ko nang mamataan ang paglabas ni Terrence mula sa pinto. Sinundan iyon ng paglipad din ng atensyon ni Cedric patungo sa kaniya.

Oh, God, no.

Sa isang iglap ay binitiwan ako nito. Ang mga hikbi ko'y agad umurong sa natanto.

"Terrence! No! Rence, go back!"

"Cee, please hear me out." Imbes na sundin ang sinabi ko'y lumakad pa siyang palapit.

Basa ng luha ang mga pisngi, halos magwala na ako sa panic. "No! Get away from here! 'Wag kang lumapit! Get back inside! Don't come! Don't—please, just go away!"

Mula sa pagyuko ay diretso ang namumulang mga mata ni Cedric sa direksyon ni Terrence. Kasabay ng pagbalatay ng tabinging ngisi sa mukha nito ang pagkawala nang mahihin ngunit matitinis na hagikgik. Isang hakbang lang ay nakabwelo na ito ng pagwasiwas ng cutter kay Terrence.

Bayolente akong napasinghap.

"NO!"

"Eunice!"

Tila gatilyong kinalabit nang buong puso kong ibinangga ang sarili upang mapigilan at maitulak palayo si Cedric kay Terrence—only to find myself getting out of balance and rolling down the steep, dark staircase in an instant.

I felt something hard hitting random parts of my head and body but the pain haven't completely registered to me then. Until everything slowly went dim and blurry. The voices in my head turned muffled. My body went limp, almost numb. I tried to move but I couldn't. Tried to utter something but couldn't find my voice. Tila umiikot ang mundo sa harapan ko at hindi ko mawari kung saan ako pinapadpad nito.

Isang bulto ang naaninag kong nanatili sa taas ng hagdan, nakadungaw sa akin. Sinubukan ko muling gumalaw upang tumayo ngunit tila nawalan ako ng kontrol sa buo kong katawan. Ramdam ang malamig at magaspang na sahig, unti-unti akong nilamon ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top