13 : Stay
Yakap ko ang magkabilang tuhod habang nakaupo sa sahig, kalapit ng nag-iisa kong single couch. I was staring at space when my phone beeped. Hindi ko 'yon inabot ngunit nakita ko ang message na nag-pop nang nabuhay ang screen.
Cedric:
You okay?
Muling dumilim ang screen nang saktong inilapag ni Terrence ang baso ng tubig sa mini table sa harap ko. Sumulyap siya sa phone kong naroon bago nagbaling ng puno nang pag-aalalang tingin sa akin. He settled on the couch adjacent to where I was sitting. With arms both propped on his legs, he knotted his fingers in front of him.
"You phone's ringing from your mom's call when I saw it on the passenger's car floor. Hindi pa ako gaanong nakakalayo kaya naisipan kong bumalik para mabigay sa 'yo."
Wala akong kahit anong tinugon sa paliwanag niya. After he held me until I calmed down, he answered my door for my landlady and explained what the commotion was about. I didn't know what he said as an excuse because he settled it single-handedly, letting me slowly gather myself in the process.
Fortunately, almost the majority of the borders were home for the weekend. Kung may naistorbo man ay kaunti lang.
I was calm then but I couldn't deny the confusion still creeping within me. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Terrence ang tungkol sa panaginip ko pati nang nakita ko kanina sa closet. I wasn't sure if he would believe me. At kung malaman man niya, may magagawa ba siya? What if he thought I was crazy? Or worse, accuse me as a murderer?
Nanuyo ang lalamunan ko sa mga naiisip. Sinubukan kong lulunin ang mga iyon kaya't inabot ko ang baso ng tubig na inilapag niya sa lamesa at sinimulang inumin.
"What happened, Cee?" maingat niyang sambit, ang malalim at malumanay na mga mata'y hindi kailanman nawaglit sa akin.
I felt shivers ran down my spine as I remembered flashes of the bloody hoodie guy's face. Mariin akong napapikit at agad natantong ayaw ko na iyong balikan lalong pag-usapan pa.
"Did someone try to break in?" Marahan pa rin ang boses niya kahit ramdam ang pilit niyang pagkontrol doon.
Uminom ako ulit at mabilis na nag-isip ng paraan para tumigil na siya sa pagtatanong.
"Marami ba sila? Tinakot ka? Do you want me to call the police?"
Umiling ako bago marahang nagbuga ng hangin. "It's actually funny. I just freaked out from a flying cockroach on the shower. Medyo OA lang." I tried laughing just so I would sound convincing. But it only turned out forced and lifeless.
His expression hardened. Hindi siya umimik at nanatili lamang nakatitig sa akin.
Right. He wasn't persuaded. That was a freaking lame excuse. Who would scream in panic like that just because of a stupid flying cockroach?
"Eunice—"
"I don't wanna talk about it, Rence," suko ko.
"How else could I be sure you're safe here if you won't tell me wh—"
"Stay, then. So you could check for yourself," was my last card.
Muli akong napabuntonghininga nang natahimik siya at sa wakas ay mukhang titigil na sa pagtatanong.
"I'm worried about you. Mananatili talaga ako rito kahit hindi mo hingin. Though I would prefer if you stay at my place instead," aniya sa seryosong tinig.
Tahimik kong hinintay ang dugtong niya roon ngunit wala na siyang sinabi pa. Para akong nabunutan ng tinik sa relief. Ngunit nang nagtagal ang tingin ko sa kaniya'y halos masapo ko ang noo ko.
Oh, God.
Dali-dali akong tumayo at kumuha ng towel. Pagkabaling ko sa kaniya'y naabutan ko ang pagsunod niya ng tingin sa bawat kilos ko, nanatiling seryoso ang ekspresyon.
Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyari. I was pretty sure I saw Ced, then the hoodie guy. But turned out, it was Terrence...
I don't know what's happening to me.
I was then standing in front of him as I stretched out my arm, handing him the towel. Ginapangan ako ng guilt nang muling mapasadahan ng tingin ang mamasa-masa pa rin niyang buhok pati nang itim na shirt. His damped flannel shirt was resting on the backrest.
Bumagsak ang tingin niya sa hawak ko ngunit hindi iyon kinuha.
"Sorry..." Agad akong nagbitiw ng tingin nang magtamang muli ang mga mata namin. "Take off your clothes so I can wash it... may..." Sumulyap ako sa paninitig niya. "May spare shirt ka bang dala sa kotse mo?"
Imbes na kunin ang inaabot kong towel ay tumayo siya at hinarap ako. Wala sa oras kong naiangat ang tingin sa kaniya, sakto namang kinuha niya ang hawak ko. I watched him unfold it. Ngunit imbes na gamitin iyon para sa sarili ay nagulat ako nang binalot niya iyon sa mga balikat ko, mula sa likod.
Sasapuhin ko sana ang towel ngunit kamay niya ang nasapo ko nang manatili iyong nakahawak sa dugtungan niyon. Nagpalitan kami ng tingin matapos.
His deep-set eyes softening by the second as he stared down at me—contrary to his clenching jaw.
"Go change. You're almost soaked too."
Parang kinurot ang puso ko sa malumanay niyang boses at sa bakas ng pag-aalala ro'n.
Dahan-dahan siyang bumitiw sa towel, hindi nag-aalis ng tingin sa akin. "I'll be back in a bit."
Hindi siya gumalaw. Napakurap ako nang matantong hinihintay niya ang sagot ko kaya't mabagal akong tumango, sinasapo ang dugtungan ng towel.
"Alright." Matapos tumangong pabalik ay unti-unti na siyang humakbang at dumiretso palabas. Bumagsak naman ang tingin ko sa towel at natitigilang humakbang na rin para makapag-shower.
Baon pa rin ang kalituhan, panay ang lingon ko sa paligid dahil sa paminsan-minsang pagdalaw ng hapyaw na takot—na para bang may kung ano o sino na namang susulpot bigla kung saan. Ngunit nang lumabas ako sa cr at nakitang naro'n na muli si Terrence sa loob at nakaupo sa couch, tila noon ko lang natanto na narito nga pala siya. Na mananatili siya rito. Nang kaming dalawa lang.
Mula sa pagtanaw sa kawalan ay binalingan niya ang sandaling pagkakatigil ko sa tapat ng pintuan ng C.R.. Agad nagtama ang linya ng mga mata namin at napako sa isa't isa.
He was wearing a dark blue plain shirt then. While I donned my sleeping clothes—a white spaghetti strap and loose shorts. When his eyes travelled the length of my body, I caught his brows knitting a bit, as if my clothes were offending him or something.
Napalunok ako, ang kaba ko'y dahan-dahang nabubuhay.
Ang magkabila niyang braso ay nakadantay sa magkaparteng mga hita. Seryosong-seryoso siya kanina at mukhang malalim ang iniisip bago ako nakita. Ngayo'y bahagya nang umaliwalas ang ekspresyon kahit paano.
"Anong sinabi ni Mommy?" tanong ko nang maalala ito. Pilit kong binalewala ang paninitig niya at isinuot na lamang ang cardigan na nakita.
My room apartment felt cramped with both of us in it. Dalawang room lang ang narito, ang C.R. at ang kasalukuyang tinatayuan namin.
I started blow drying my hair in front of the wall mirror beside my bed. Mula sa kinauupuan ay tanaw ko ang repleksyon niya sa salamin.
"She asked when you're planning to get home and just wanted to remind you of Euan's death anniversary this Sunday," aniya sa namamaos na tinig.
Sinulyapan ko siya mula sa salamin. "Did she say anything else?"
Tumikhim siya bago nagpatuloy. "She invited me to come. Gusto niyang sumabay ako sa pag-uwi mo bukas at do'n na rin mag-stay para sa Sunday."
Muntik na akong matigilan sa ginagawa. Mom said that?
Pinanatili ko ang atensyon sa hawak na blower. "Anong sinabi mo?"
"I said I'd ask you first."
Tuluyan akong natigilan. Sunod ay nagtagal ang tingin ko sa repleksyon niyang naroon sa salamin. Siya nama'y tumitig lamang pabalik sa akin, hindi nagbago ang ekspresyon.
"Ayos lang kung ayaw mo."
"Did you hit your head recently?" kunot-noo ko sa pagkamangha.
"What do you mean?" Nabahiran ng kalituhan ang ekspresyon niya.
Tinigilan ko ang pag-blow dry sa buhok kahit hindi pa ito gaanong tuyo para lang balingan siya.
"I want an honest answer. Bakit hindi ka sumasama sa lakad nina Cali nitong nakakaraan?"
Umawang ang mga labi niya at aktong magsasalita sana ngunit walang nasabi.
"If you can change as easily like this then why are you only doing it now?" pagpapatuloy ko kahit hindi pa niya nasasagot ang una.
Kagat na niya ang labi nang sinundan ko pa ang tanong. "Is it because you realize that I won't tolerate your cheating and I can replace you with someone else?"
"Eunice."
"You're not a liar, right? So tell me the truth."
Bumagsak sa mga daliring magkarugtong ang mga mata niya. A soft chuckle escaped in between his lips before directing back his eyes into mine. With a stifled smile, the evident humor on his expression made his features soft.
"Is it bothering you that much? I already told you tons of times before."
Imbes na sumagot ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay, willing him to continue what he was saying.
He looked at me tenderly like I could break him in every way I please and he would gladly let me do it. Ang biglaang pag-ugong ng puso ko dahil dito'y hindi ko napaghandaan.
"Dahil kailangan kita, Eunice."
Sumikip ang nagwawala kong dibdib. A big part of me was screaming that I would be stupid if I let myself get swayed by him again this easily. Ngunit hindi ko maikaiilang may maliit na parte sa aking gustong magtiwala sa kaniya ulit. The part of me, my other 'I', I'd been trying to leave behind but couldn't. It was so stubborn but I guess there were parts of us that we wouldn't entirely got rid of.
"At pinangako ko sa 'yong hindi na kita sasaktan ulit..."
Mapait akong ngumisi para lang itago ang panghihina. "Gaano kaya ang itatagal?"
Umigting ang panga niya at bahagyang dumilim ang ekspresyon. Kalaunan ay napalitan iyon ng pagod. Bago siya nagbitiw ng tingin ay nahuli ko ang nagdaang kislap ng sakit sa mga mata niya.
May lamig na dumalaw sa sikmura ko at sa kung anong dahilan ay parang gusto kong bawiin ang nasabi. But I kept my silence and decided to not say anything more.
Binalot ng katahimikan ang buong room apartment nang pareho kaming matahimik. Halos marinig ko ang mga kuliglig at tahol ng mga aso sa labas dahil sa sobrang katahimikan. Sinubukan kong tumikhim para lang punan ang blangkong hangin sa pagitan namin.
Tulala siya sa kawalan at mukha na namang may malalim na iniisip nang lumapit ako para kunin ang phone na nasa mini table.
Ni hindi niya ako sinulyapan nang sa wakas ay muli siyang nagsalita gamit ang malamig na tinig. "You should rest. I'll sleep here on the couch. Wake me up if something happen."
Dilat na dilat ang mga mata ko sa madilim na kisame. Mabilis ang pagtakbo ng isip ko sa maraming bagay at mukhang wala itong balak na patulugin ako.
Bumaling ako patagilid sa kama at sinubukang ipikit ang mga mata. Para lang muling matagpuan ang sariling dumidilat. Marahas akong napabuntonghininga nang makita ang oras sa glow in the dark kong wall clock. Pasado alas dos na ng madaling araw.
Wala sa sarili kong binalingan ang couch na katapat ng paanan ng kama. He was so still, he might be sound asleep.
Inabot ko ang phone mula sa bedside table at sandaling natigilan nang bumungad sa akin ang kaninang text ni Cedric. Umakma ako ng pagtipa para mag-reply ngunit sa huli ay napagdesisyunang 'wag na lang. Kanina pa ang text niya. It would be weird if I reply now.
I didn't know how long I kept turning till I fell asleep. Ayaw ko namang bumangon dahil baka magising at maistorbo ko pa si Terrence. Ni hindi ko alam kung maayos ang tulog niya sa couch. He was tall and couldn't even fit there.
But I had to admit, having someone here with me was a huge relief. What happened earlier was confusingly terrifying but I feel safe now that I wasn't alone. Honestly, if he wasn't here, I wouldn't probably get any sleep and lost my mind in the process of thinking things endlessly.
Nagising na lang ako kinabukasan nang wala na siya roon. Bumangon ako agad at animong wala sa sarili nang mapaisip pa kung totoo ba ang mga nangyari kagabi... o baka isa na namang panaginip, given the strange things happening lately.
Nagkukusot pa ako ng mga mata nang may marinig akong ingay mula sa labas. Some indistinct voices were talking. Tinungo ko ang bintana para silipin kung ano ang naroon para lang makita si Terrence kasama ang landlady ko at isa pang lalaki. Naroon sila sa baba habang nakatanaw sa lalaking nakaakyat sa hagdan at may kung anong ikinakabit sa poste.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa kuryosidad. Natagpuan ko na lamang ang sariling lumalabas ng pintuan at naroon sa pasilyo ng second floor. Matapos makita nang mas maayos ang ikinakabit ng lalaki ay ilang beses akong napakurap.
It was a CCTV! I couldn't believe my landlady only thought about installing it now.
Mula sa panonood sa ginagawa ng lalaki ay bumaling ng tingin sa direksyon ko si Terrence. Nagtama ang mga mata namin nang lumingon din ako sa kaniya. May kung ano siyang sinabi sa landlady ko matapos. Hindi siya nagbitiw ng tingin sa akin hanggang sa magsimula siyang maglakad, paakyat sa hagdan at makatungo kung nasaan ako.
"Did you talk to my landlady?" bungad kong tanong.
Matapos bumagsak ang mga mata sa damit ko'y balewala lamang siyang tumango. Wala sa oras akong napasulyap do'n para lang makita ang isang nakababang manggas ng suot na cardigan, revealing my shoulder down to the upper side of my arm.
Hinayaan ko lang iyon at hindi na inayos pa nang mag-iwas siya ng tingin. Sabay kaming napabaling sa baba kung saan naroon pa rin ang dalawa matapos.
Biting my lip unconsciously, I felt kinda guilty. Hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ang nakita ko at nangyari kagabi pero heto pa rin siya at...
"Anong oras ka uuwi?" aniya.
Bumagsak ang mga mata ko sa kaniya. He was wearing the same dark blue shirt and jeans yesterday, hair was a bit dishevelled. Mukha mang pagod ay malakas pa rin ang dating niya dahil sa natural na kumpyansang dala sa tindig pa lang. I wonder if he slept fine.
"Mga before lunch siguro."
He nodded and looked at me in silence, ang tingin niya'y nanunukat.
"Uh..." We were standing across from each other and the air was starting to get awkward.
"I'll go ahead then." As if in understanding, he said, "I'll drop by later if you want a ride to the bus station."
Mabilis siyang nagbitiw ng tingin para pumasok muli sa apartment ko.
I had this sinking feeling then, thinking that he was being distant around me because of what I said last night. Knowing him for years, I could tell that he was really trying. And maybe my words did hurt him. Pakiramdam ko tuloy nag-away kami kahit hindi naman.
Naabutan ko siyang hawak na ang flannel shirt at susi ng sasakyan, mukhang handa nang umalis nang sumunod ako sa kaniya sa loob.
"Breakfast?"
Tumigil agad siya sa akmang paghakbang dahil sa sinabi ko. Lumingon siya sa akin. Ang kaunting gulat ay bumakas sa ekspresyon bago mabagal na tumango.
Sumasabay ang ilang sanga ng mga pine trees sa pagdaan ng malamig at preskong pang-umagang hangin, habang nilalakad namin ang malapit na diner. Tanaw ang lawak ng bawat kurba ng mga bundok na balot ng berdeng damo at ilang puno mula sa gilid ng tahimik at pataas na kalsada. The fog was hovering on the upper side of it, obstructing the rays of the morning sun. Ang ilang mga nakatirik na bahay doon ay tila laruan na lang sa liit mula sa paningin namin.
I liked the night view of the lights from up the road but I couldn't deny how refreshing the ambiance of the day view here was. It always made me feel at ease.
Wala sa oras akong napalingon sa kasabay maglakad nang maramdaman ang pag-angat ng suot kong cardigan. Inayos niya iyon pabalik mula sa pagkakabagsak sa balikat ko. He even buttoned it closed as if not contented.
Sumulyap siya ng isang beses sa akin matapos, bahagyang nagsasalubong ang kilay. "Lagi ka bang lumalabas ng gan'yan lang ang suot?" Sabay sapo sa kamay ko para isilid sa bawat pagitan niyon ang mga daliri niya. He gave it a light squeeze before staring at me, expecting to hear an answer to his question. His arm slightly bumping into mine as I looked back up at him beside me on the roadside.
"No," I said with a little shake of my head. "Nawala lang sa isip kong magpalit." As if on reflex, I squeezed his hand back. It felt so warm and big against mine.
Isang ngiti ang kumurba sa mga labi ko kasabay ng pag-akyat ng init sa pisngi matapos magbitiw ng tingin.
"Did you sleep well?" he asked after we settled on a table for two at the diner and started eating.
Tahimik pa roon at bilang lang sa daliri ang customer.
I just realized then that we haven't had a chance to do this before—eat breakfast together here on a lazy weekend morning. It was nice.
"Hm?" Naalala ko ang paggulong-gulong ko sa kama kagabi at itinawa na lang iyon. "Yeah."
"Talaga? I can hear you tossing on your bed all night."
Muntik na akong nasamid pagkainom mula sa mug ng kape. He chuckled under his breath while staring at me from across the table. Leaning back on his seat, a smile was etched on his lips as he sipped on his mug of coffee.
He wasn't asleep?
"H-Hindi ka ba nakatulog?" sabi ko pagkababa ng mug.
"I've been trying to... restrain myself from coming to your bed and stop you from tossing around... I'm almost at my wits' end... all night. Paano sa tingin mo ako makakatulog?"
Hindi ko sigurado kung para sa hiya o dahil sa biglang pagbilis ng daloy ng dugo ko ang dahilan ng init sa pisngi.
Humalakhak siya, evidently entertained as he watched my reactions.
"Uh... sorry? I just... had a lot on my mind." Alanganin akong natawa sa kawalan ng mairason. I started biting on my toast.
Terrence left after that, said he'd be back after a couple of minutes kaya gumayak na rin ako at nag-ayos ng mga dadalhin pauwi. He dropped me off at the bus station and waited until I boarded before leaving.
Ipinasak ko agad ang earphone sa magkabilang tainga nang makapag-settle sa upuan. Home was a two hour drive from here. Hindi ganoon kalayo pero para sa araw-araw na byahe ay medyo hassle—that was why I decided to rent a room apartment.
Nakaidlip ako sa byahe dahil na rin sa kakulangan ng tulog. Wala nang tao sa loob ng bus nang ginising ako ng konduktor. Nahihiya na lamang akong nagpasalamat dito bago sinikop ang bag pack para tuluyan nang bumaba.
Sinalubong ako ng madilim na langit at malakas na hangin pagkatapak ko sa terminal. Ang pantanghaling araw ay binalutan ng kadiliman dahil sa nagbabadyang ulan. Nang natantong wala akong dalang payong ay binilisan ko ang kilos.
Tinatanggal ko ang earphone sa tainga at plano na sana iyong itabi nang matigilan ako sa text na natanggap.
Cedric:
You didn't reply
But I think you're okay now
Bahagyang kumunot ang noo ko sa huling text. Gumilid ako para magtipa ng reply ngunit nasa akto pa lamang ako ng paggawa niyo'y may isa na naman akong text na natanggap.
Cedric:
Tingin ka sa likod
As if on impulse, I did what I just read. Nalaglag ang panga ko nang makita nga siyang nakatayo limang metro ang layo mula sa likod ko.
What the hell is he doing here?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top