12 : Blood
We were caught in a traffic on our way at 60's Diner. It was themed in the sixties, hence its name. Their beef tenderloin was heavenly and we both liked it. But aside from the food, I especially liked the retro and nostalgic vibe of the place. Kaya iyon ang madalas naming pinupuntahan tuwing kumakain sa labas.
"Was there an accident?" Mula sa pagdungo sa sariling phone ay naagaw ang pansin ko ng pagkislap ng pula at asul na ilaw ng mga patrol cars at ambulansya. Nang bahagya ko pang inangat ang ulo para aninagin iyon ay natanaw ko ang ilang kumpulan ng mga tao, dahilan ng traffic.
"Looks like it." Habang tamad na nakadantay ang isang braso sa manibela at ang isa'y dinadantayan ng ulo, sinulyapan niya iyon mula sa loob ng sasakyan.
Ilang minuto kaming na-stuck doon dahil sa bagal ng usad. Muli ko na lamang inabala ang sarili sa phone. Ngunit nang madaanan namin ang mismong lugar ng insidente ay hindi ko naiwasang punahin at pagtuunan iyon ng pansin.
Mas naging malinaw sa kadiliman ng gabi ang nagsasalit na pula at asul na ilaw ng mga rumesponde, kasama ng bawat flash ng camera para kunan ang lugar. Sakop ang ilang metro ng pinangyarihan, may nakita akong body outline sa gilid ng kalsada sa loob ng bakod gawa sa police tape. Sa 'di kalayuan ay may nakatumbang motor, warak halos ang kabuuan ng harap.
With one look, I couldn't tell if the wet patch on the ground was blood because it was dark and almost looked black. But nonetheless, I guess there really had been a mishap. Probably a vehicle accident from reckless or drunk driving.
Mula sa mga otoridad na naroon ay nahagip ng paningin ko ang pagtulak ng ilang med sa stretcher kung nasaan ang katawan ng naaksidente. Isinilid ng isa roon ang kamay nitong lumabas mula sa loob ng puting telang ipinangtakip bago tuluyang ipinasok sa ambulansya. The body was from a guy, I could tell from its large hand and forearm.
Hindi ko inasahan ang biglang pagbaligtad ng sikmura nang maalala ang panaginip ko kaninang umaga dahil sa bahid ng dugong nakita rito. On impulse, I stared down at my hands and only realized then that it was trembling.
Napakislot ako sa biglaang pagtalon ng puso nang maaninag ang bahid ng dugo roon—katulad ng sa panaginip ko. Animong may nagbuhos sa akin ng nagyeyelo sa lamig na tubig nang manigas ako sa kinauupuan. My heart pounded erratically as my breathing started to strain. Para akong mabibingi nang maramdaman ang pag-ugong niyon hanggang tainga ko.
With cold sweat forming on my forehead, I tried to breathe.
"You hungry? Malapit na tayo."
With a sudden sharp intake of breath, I blinked once as if being pulled out of my own reverie. When I looked closely at my hands again, there was nothing on it—no trace of any blood.
"Cee, you okay?"
Hindi ako nakatugon agad sa sinabi ni Terrence kaya't bahagyang nagtagal ang tingin niya nang muling sumulyap.
The blood wasn't there but the beating of my heart was far from calming down—aside from the sudden tremor in my hands I was struggling to control. Pinagsalikop ko ang mga iyon para lang pigilin ang panginginig bago sumulyap kay Terrence. I tried to smile.
"Yeah."
Hindi ko malasahan ang pagkain ngunit pinilit ko pa ring lulunin iyon. Wala rin ako halos naintindihan sa mga sinasabi niya buong sandali. Panay lang tango at maliit na ngiti ang nagagawa kong tugon. Lutang ang isip ko at hindi ko mapigilan ang pabalik-balik na pagkakaalala sa dugo. Sa panaginip ko. At kanina. Paulit-ulit nagsirko iyon sa isip ko hanggang sa halos muntik ko nang maramdaman ang muling pagbaligtad ng sikmura.
I forced myself to think about something else as I shoved and swallowed the food in my mouth as quickly as I could. Agad kong inayang umalis si Terrence matapos.
Fortunately, I felt kinda better as I watched the flickering city lights behind the tall pine trees on the roadside. It gave me something to think about as I wondered how there were people with different lives living inside those house.
Hinatid niya ako sa apartment nang sinabi kong bukas na ako uuwi sa bahay. I couldn't help but notice that he didn't mention anything about Cali's invitation. And now that I think about it, he'd been acting like this for more than a week. I didn't see him hanging out with his friends after class since.
Nagdududa, nakahinto na ang sasakyan niya sa harap ng apartment building ko nang napatanong ako, "May plano ka ba pagkatapos mo rito?"
Hindi nagbago ang ekspresyon niya nang balewalang umiling bago ako binalingan. "Wala. Bakit? Do you want to go somewhere?"
Hinanapan ko ng alinlangan at iba pang emosyon ang mukha niya ngunit wala akong nakita.
"Bakit gan'yan ka makatingin?" May ngiting sumusupil sa mga labi niya nang inabot ang headrest ng inuupuan ko. "Parang hindi ka naniniwala? Gusto mo bang manatili ako rito hanggang mamaya? I'll gladly sleep in your bed, Cee."
Tuluyan nang umangat ang isang sulok ng mga labi niya habang pinagmamasdan ako. Bahagya na lamang akong ngumiti at napailing sa narinig.
"It's Friday night," muli kong paalala na para bang may kung anong mahika ang salitang iyon.
"I know. What's so strange about Friday night to not spend it alone with you?"
Napabaling akong pabalik sa kaniya dahil sa ginawa niyang paghawi ng takas kong buhok patungo sa likod ng tainga.
My eyes wandered on every features of his face, reminding myself that he was the same Terrence I know of, even though somehow, something was telling me that he was slowly becoming someone else. Or maybe I just got used seeing him in a bad light and I'd started forgetting how he really was before...
"Remember my brother Euan?"
With an arm on the steering wheel and the other on my headrest, sandaling nanliit ang mga mata niya at mas napatuon ng atensyon sa akin. "Yeah. What about him?"
"Death anniversary niya this Sunday. If you don't have any plans for that day, do you want to come?" Mahina akong napangiti nang magtagal ang tingin niya sa akin.
We both had a deceased sibling. The only difference was that, Ainsley, his twin, died of an accident when they were still kids. He told me once before how his brother's death took a toll on him and I completely understood how he felt. Only that instead of support from my parents after Euan's death, he felt pressured from his parents' inflated expectations of him—dahil wala na ang kapatid niya at siya na lang ang tutupad sa mga pangarap ng mga magulang nila para rito.
"Just the usual family dinner but I can skip that, so yeah, I'll come." His expression softened as he brushed the back of his fingers on the side of my face. His eyes slowly drifted on my lips then. "Sasama na rin ba ako sa 'yo sa pag-uwi mo bukas?"
Lito, bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniya. Nang nakita ko ang ngiting naglalaro sa mga labi niya'y hindi ko napigil ang kumurbang ngiti sa akin. Tinapunan ko siya ng isang pabirong matalim na tingin pagkatapos.
Defensive, bahagya siyang nag-angat ng palad sa ere. "Just kidding. Hahatid lang kita bukas sa bus station. I'll go there by Sunday alone." Sabay tabingi ng ulo. "O, okay na?"
Umirap ako at hindi napigilan ang kumawalang tawa. "Mabuti nang malinaw."
"But seriously, if you think I'm lying about not having any plans for later then I can stay here with you," naging seryoso bigla ang boses niya pagkasabi nito.
"Sinabi ko bang nagsisinungaling ka?"
"You don't, but your eyes tell me that you think I look the part."
"Just go home and rest."
Napahalakhak na siya roon at mukhang hindi titigil. "I can rest here."
I threw him an uninterested gaze.
Biting his lip to supress a grin, he said, "Hirap namang makipag-negotiate."
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Gusto mo talagang mag-stay dito?"
"Ayaw mo ba?" mabilis niyang tugon, mukhang nabuhayan dahil sa kaunting pagliwanag ng ekspresyon.
Naramdaman ko ang paglapit pa niya sa akin, ang kamay ay nanatili sa head rest ng upuan ko, ang isa pa'y nakasapo at tila minamasahe ang gilid ng leeg niya.
Masakit ba 'yon? Was he tired? He really needed to rest then.
"Ayaw mo?" ulit niya.
I heard myself softly chuckling. "Ano namang gagawin mo rito? Just go home so you could rest."
"Ayaw mo talaga?"
"Terrence!"
"Eunice!" He echoed the way I called his name and held my gaze for a while. Stifling a humorous chuckle, he surrendered, "Okay, okay! Uuwi na nga." Bahagya pang nag-angat muli ng mga palad sa ere. Matapos dismayadong mapailing ay tumunghay siya sa mukha ko at nagbuntonghininga, malamlam ang naiwang ekspresyon sa mukha.
Kukuha na sana ako ng damit para pamalit nang may mapansin akong hindi pamilyar na puting paper bag sa baba ng cabinet. Nag-iisa lang ito at halos matabunan ng mga damit na naka-hanger.
Sa pagtataka ay inabot ko iyon at sinilip ang laman. Agad kong naalala ang nasira kong uniform nang maaninag ko ang pamilyar na puting telang naroon.
Ibabalik ko na sana ang paper bag mula sa pinagkuhanan nang bahagyang kumunot ang noo ko sa napansin. Kinuha ko ang uniform sa loob niyon at unti-unting namilog sa gimbal ang mga mata ko sa nakita. Nabitiwan ko iyon kasabay ng pagtili.
Dugo. Bakit may bahid 'yon ng dugo?
Parang binabayo ang malakas na pag-ugong ng kaba sa dibdib ko. Awang ang nanginginig na mga labi, mabigat at marahas ang bawat paghugot ko ng hininga habang nakalapat ang likod sa pader. Balot ng lamig ang buo kong katawan. Hindi ako makagalaw. Ang mga mata ko'y namimilog at halos manlisik habang nakatuon sa sahig kung nasaan ang sirang uniform. Angat na angat at tila nagsusumigaw ang malapit nang mangitim na mantsa ng dugo sa puting tela niyon.
"N-Nagkamali lang ako, s-sorry... hindi na mauulit. Hindi na talaga mauulit!"
Tila isang sirang telebisyong paulit-ulit na umandar at sumirko sa isipan ko ang panaginip ko kaninang umaga. Mula sa takot, nagmamakaawa at galit na ekspresyon ng lalaki hanggang sa kung paano ko ito sinakal at paulit-ulit na inundayan ng saksak.
Sapo ang ulo sa kalituhan, lumibot ang paningin ko sa paligid na tila naghahanap ng sagot ngunit wala akong nakuha.
"S-Sorr—"
Dugo.
Hindi ko maintindihan.
Nahahapo dahil sa mabilis na pagtakbo ng puso, animong biglang tumigil ang buong mundo ko nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bagay sa sahig, 'di kalayuan sa uniform kong naroon.
Halos panandaliang huminto ang tibok ng puso ko. Hindi ko na magawang ibuga ang singhap. Sa sobrang katahimikan ng silid ay halos marinig ko na ang marahas na dagundong ng dibdib ko.
Ang clip na ginamit ko sa pagsaksak sa lalaki sa panaginip ko ay naroon sa sahig... at tulad ng sira kong uniform ay may bahid din iyon ng dugo... mga dugong tuyo at nangingitim na.
Lumipad ang palad ko sa mga labi, sapo ang kumakawalang hikbi.
What the hell? Wasn't that supposed to be a dream? At kung totoo iyon... kung totoo iyon ibig sabihin...
Napigtal ang lahat ng iniisip ko nang umalingawngaw ang magkakasunod na katok sa pintuan ng apartment ko. Sa namimilog na mata, hindi ako nakakilos at animong panandaliang naparalisa ang katawan at utak.
Sino ang kumakatok?
Napatalon ako sa gulat nang muli kong maulinigan ang matulin at magkakasunod na katok. Hindi ko na mahabol ang bilis ng takbo at kalampag ng puso ko.
Shit. Oh shit. Who is it? Am I in trouble?
Sa kabila ng hindi makontrol na panginginig ng mga kamay ay dali-dali kong dinampot ang uniform sunod ang clip at muling isinilid sa paper bag. Pumikit ako nang mariin at sinubukang huminga nang malalim, para lang pakalmahin ang sarili habang nakasandal sa nakasarado nang cabinet.
I didn't do anything wrong. I was dead sure it was only a dream. Right. Right...
Lumunok ako at pilit tinatagan ang nanlalambot na mga binti bago dahan-dahang tinungo ang pinto. Habang dinidinig ang mabilis at malakas na pagtambol ng puso ay mabagal kong sinilip ang peephole para makita kung sino ang kumakatok.
Tila taon ang huling beses kong nakahinga nang napabuga ako ng hangin at muling napapikit nang mariin. Halos bumigay na nang tuluyan ang mga tuhod ko ngunit ngayo'y dahil sa relief. Mula sa tila pagkakalunod ay muli akong nakahinga sa ibabaw ng tubig—I wasn't in any trouble. Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto matapos.
"Cedric."
"Ayos ka lang?"
Naiwan pa ang takot at kalituhan sa sistema ko ngunit pilit ko na lamang itong isinantabi. Nagbitiw ako ng tingin sa seryoso at may bahid ng pag-aalala niyang mga mata bago ako marahang tumango, nanginginig pa rin. Pagkasuklay ng buhok ng mga daliri ay muli akong nagbuga ng hangin. Pinalis ko rin ang ilang namuong pawis sa noo.
"I'm okay."
"Sigurado ka? May... narinig akong sumigaw, ikaw ba 'yon?"
Natigilan ako sa sinabi niya ngunit agad ding nakabawi. "Uh... may... may lumipad kasing ipis sa C.R.... nagulat lang ako kaya..."
Hindi siya agad nagsalita, mariin ang naiwang titig sa akin. Nanikip ang lalamunan ko at parang gusto kong maiyak.
"Eunice."
"A-Ayos lang, Ced. Ayos lang ako." Ramdam ko na ang init sa sulok ng mga mata nang manginig ang boses ko.
I feel so damn scared and confused. Hindi ko lubos maisip na makakaya kong makapatay ng tao... kahit gaano katindi ang galit ko... hindi ko kayang pumatay ng tao... hindi ako mamamatay-tao...
"Sigurado ka?"
Panandalian akong nanigas sa kinatatayuan dahil sa biglaang pagbabago ng tono niya. Nang dahan-dahan akong nag-angat muli ng tingin sa kaniya'y matalim akong napasinghap. Ang mga balahibo sa buo kong katawan ay walang pakundangang nagsitayuan dahil sa kakaibang ngising humiwa sa mukha niya.
Mula sa mabilisang pagsulyap sa pamilyar at itim niyang hoodie ay para akong nilublob sa tubig na puno ng yelo pagkaangat pabalik ng tingin. In just a snap, Cedric was gone—the hoodie guy was then standing there and staring back at me, blood was oozing all over his wrecked grinning face. Ang mga pasa sa mukha nito at ilang sariwang hiwa sa kilay, gilid ng labi at pisngi ay nilalabasan ng pulang likido—dugo.
Buong puso akong napatili sa hilakbot at halos lumabas na ang lalamunan ko sa lakas niyon. Para na akong mabibingi hindi lang dahil sa sigaw kundi maging sa bayolenteng pagkalampag ng puso ko.
I tried to get away from him when he started advancing towards me. Napaatras ako at sinubukang isara ang pinto ngunit sa panginginig ay natalisod ako kaya't bumagsak lamang ako sa sahig. Patuloy akong sumisigaw hanggang sa tuluyan nang mahalinhinan iyon ng hikbi. Kinapa ko ang paligid para sa pinakamalapit na bagay na maaari kong ipandepensa ngunit wala akong nadampot.
Why the hell is he here? He knows where I live? Why?! How the fuck?!
Hindi ko na alam kung paano ako dali-daling nakaahon mula sa sahig para tumakbo patungo sa C.R.. Rinig ko ang mabibilis at mabibigat nitong yabag pasunod. Isasara ko pa lamang sana ang pinto ngunit huli na ang lahat. Sapo na niya iyon at pwersahang itinutulak pabukas.
"What do you want?!" I screamed at the top of my lungs when I realized I couldn't outmatch his strength.
"Eunice!"
Binitiwan ko ang pintuan at dinampot ang pinakaunang bagay na nahawakan. Isang bidet. Halos maparalisa ng takot, sinubukan ko siyang pukpukin niyon nang maramdaman ko ang paghablot niya sa braso ko—only to fire water onto him. Nang nabitiwan niya ako ay kinuha ko agad ang pagkakataon para dumampot ng panibagong pandepensa. Ngunit dahil sadyang hindi kalakihan ang C.R. ay mabilis niya ako muling nahablot.
Kinain ng mga tili at sigaw ko ang maliit na silid. Tumatakbo sa isip ang nangyari sa locker-room, paulit-ulit at walang pagod akong nagpumiglas at nanlaban.
"No! What do you want?! Don't touch me! Don't—no!"
"Eunice!"
"No! No! Get away from me! Don't touch me! No! Go away!"
"Eunice! Eunice, calm down!"
"Leave me alone! No! No!"
Patuloy ako sa pagsigaw at pagpumiglas nang maramdaman ko ang mga palad nitong hablot na ang magkabila kong braso, pinipigilan ako. Sinubukan kong gumapang paatras para lang makalayo, ngunit bukod sa madulas at basa nang sahig ay hindi rin ako makawala sa mahigpit nitong hawak.
"Eunice, no! Hey! Listen to me! Listen—"
"Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!"
Nagpupumiglas, pilit kong binabawi ang mga braso sa abot nang makakaya para lang makatakas. Ngunit napasinghap ako nang kinulong ako nito ng isang mahigpit na yakap, gayundin ang mga braso kong nakulong sa pagitan namin. Natigilan ako sa panlalaban dahil hindi na ako makagalaw.
I felt so helpless.
"Bitiwan mo 'ko..." tanging hikbi ko na lamang dala ng paglukob ng nakapanghihinang takot. Sinubukan kong pumadyak ngunit tila nauwi na lamang sa mga iyak ko ang natitirang lakas. "Bitaw... bitiwan mo 'ko... 'wag... please... 'wag..."
"No, no, Cee, it's me. It's me... calm down, please... calm down... it's okay... calm down... I'm not gonna hurt you... please... calm down..."
With parted trembling lips, I idled as my eyes widened in shock and confusion.
"It's okay... you're alright..." hinihingal ang garalgal at nanginginig niyang boses habang paulit-ulit na sinasabi iyon. "No one's here to hurt you..."
"R-Rence?" Lalong nanginig ang mga labi ko para sa mga bagong luha.
"Yes... yes, it's me. I'm here... it's me, it's okay."
Panay niyang hinagod ng palad ang buhok ko habang mahigpit akong yakap. Kapwa kami naroon sa malamig at basang sahig. Lito at nanginginig, ang panibagong mga hikbi ay sunod-sunod na kumawala sa akin. Para akong tuluyang tatakasan ng lakas.
"I'm sorry... I'm so sorry... it's gonna be okay. Nandito lang ako... dito lang ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top