11 : Change


"N-Nagkamali lang ako, s-sorry... hindi na mauulit. Hindi na talaga mauulit!" Malinaw ang iniindang sakit at takot sa daing ng lalaki mula sa malakas na pagtampal ng palad ni Terrence sa ulo niya.

Trembling, his chest was moving up and down as he desperately tried to fill his lungs with air. Through the faint light, the darkness of the room was tinted with nothing but the crimson blood smeared all over his face and Terrence's fist.

"Tayong dalawa lang naman ang narito..."

Dahan-dahan, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha ko nang pinulot ko ang nahubad kong button down sa lapag. Inikot ko iyon nang paulit-ulit gamit ang magkabilang kamay, habang diretso ang titig sa puno ng takot na mukha ng lalaki.

Slowly, Terrence move aside to give me way. Magkasabay na napakislot at matalim na suminghap ang lalaki, nang pinalitan ko ang pagtalungko ni Terrence sa harapan niya. Higit ko sa pagitan namin ang blouse kong ngayo'y mahigpit nang napaikot at nagmistulang lubid.

"Opps, not so fast."

"S-Sorr—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mamilog ang mga mata, matapos kong walang habas na ipulupot ang blouse na animong tali sa leeg niya. Abot-abut ang takot at tarantang humilamos sa ekspresyon niya. Walang anu-ano'y nagpumiglas siya habang sinusubukang alisin iyon sa leeg.

"Anak ng!—walangyang babae ka! Babayaran naman kita, nagpapakipot ka pa! Magkano ka ba, ha?!"

Sa nanlilisik na mga mata ay mas hinigpitan ko ang paghigit niyon sa kaniya, ang ilang ugat ay umalsa na sa kamay at mga braso ko dahil sa gigil at pwersa.

He started clawing at my arms, desperately trying to break free and gulp air. Ang namumula niyang mga mata'y tumitirik habang pilit pa ring nagpupumiglas. Mula sa mga sugat at bahid ng sariwang dugo sa mukha ay bumakas ang nanggagalaiti niyang ugat. Hindi na ako sigurado kung pagkakawala pa ba ng hangin ang dahilan ng panlilisik ng mga mata niya, o sa iba nang dahilan.

"Pareho tayong mag-e-enjoy... promise 'yan. Kaya 'wag mo na 'kong masyadong pahirapan, okay?"

I couldn't feel anything but the surging grudge struggling to get out from within me, fuelling the tight grip of my hands from the fabric I'd been choking him with.

Ilang beses nagpumiglas ang lalaki ngunit hindi ako tumigil. Hanggang sa unti-unti'y tuluyang tumirik ang mga mata niya at huminto sa paggalaw. Hindi pa rin ako bumitiw. Parang hindi ako nakukuntento. Hindi pa. Sige pa. Kulang pa.

"Mukhang mahal ka nga..."

Hinugot ko ang isang malaking metal clip na nakaipit sa buhok. Sa isang iglap ay natanto ko na lang na inuundayan ko ng saksak ang dibdib niya, sunod-sunod, walang hinto at parang may pinupuno. Ngunit parang hindi pa rin sumasapat. Kaya't mas inilayo ko ang bwelo para mas bumaon ang talim niyon sa laman niya.

Dugo. Nagtalsikan ang mainit at pulang likido mula sa dibdib niya. Sa sahig. Sa mga kamay, braso, damit at mukha ko. Ngunit ni kislot ay walang tugon ang lalaki, tila tuluyan nang tinakasan ng kamalayan... o buhay.

Mabibigat at hinahapong paghinga. Nanlilisik ang mga mata ko ngunit bukod doon, wala nang ibang emosyon ang makikita sa mukha ko. Kaya't saan galing ang luha sa mga pisngi ko?

"Don't!"

Isang bayolenteng lingon at singhap. Natagpuan ko ang sarili. Nakatayo sa malapit. Luhaan. Nanginginig. Umiiling. Halos magmakaawa.

"Stop!"

Namimilog ang mga mata ko pagkamulat. Sandali pa muna akong hindi nakagalaw habang pinakikiramdaman ang sarili. Malakas ang pintig ng puso ko ngunit dahan-dahan iyong kumalma. Mula sa pagkakatulala sa puting kisame ay bumaling ako sa kanan at agad sinalubong ang saradong salaming bintana. Bahagyang nakahawi ang kurtina niyon kaya't tumagos sa loob ang sinag ng pang-umagang araw.

Tumambad naman sa akin ang nag-iisang couch at mini table na naro'n sa paanan ng hinihigaan kong kama, sunod ang pintuan sa kaliwa patungo sa cr na katabi ng cabinet. That and the quiet stillness of the place assured me where I was—at my room apartment.

Wala sa sarili akong napaupo at inobserbahan ang harap, likod, sulok at kabuuan ng magkabilang kamay ko. Para akong nabunutan ng tinik nang makitang walang kahit anong bahid ng dugo iyon.

What a dream...

Pasuklay kong hinawi ng mga daliri ang buhok at sandali pa munang napapikit nang mariin, matapos maalala ang nangyari sa party.

It had been a week since and Terrence had been around like usual. Kahit matabang ang tungo ko'y balewala sa kaniya basta't hindi ko siya itinataboy. Walang palya niya akong sinusundo sa umaga at sinisiguro niyang maihahatid din niya ako sa pag-uwi.

So far, I didn't caught him with another girl—yet.

We were in the same college but our schedules aren't the same. Nonetheless, he always found a way to make time for me. He'd been patient and attentive around me lately too. Hindi siya namimilit at palagi niya akong kinukunsulta.

At sa nakalipas na mga araw na iyon ay masasabi kong malaki talaga ang ipinagbago niya. He was almost as if a different person to be honest—back in our senior high days when he was courting me.

I wonder how long he could keep this up. Because truth be told, all my doubts about him were too stubborn to get rid of.

Inabot ko mula sa bedside table ang bote ng vitamins at ininom. Mom scolded me last time when I told her I forgot my everyday intake of it. Hindi ko raw iniingatan ang sarili ko. She could be such a nagger sometimes.

Dumako ang tingin ko sa katabing room ng sa akin pagkalabas ng pinto. I wonder if Ced was still there. Sa mga nakalipas na araw magmula ng party ay hindi ko pa siya ulit nakita. Maski text ay wala rin. Maybe he was upset with me... regarding my decision about Terrence.

But isn't this what I want? Na magbago si Terrence? Then what's this sinking feeling in my gut for?

Isang busina ang kumuha ng atensyon ko mula sa pagdungaw sa kabilang room. Naabutan ko ang bahagyang pagtaas ng kamay sa akin si Terrence sa nakabukas na bintana ng sasakyan niya.

Nagbuga ako ng hangin, tinungo ang balcony at daan pababa ng hagdan matapos.

"Are you going home this weekend?" bungad niya bago muling pinaandar ang sasakyan, his eyes stayed on the downhill road ahead.

"Yeah," simpleng tugon ko bago inabala ang sarili sa phone.

"You want a ride?"

Umiling ako nang hindi nagbabaling ng tingin. "It's okay. I can take the bus."

Naaninag ko ang pagsulyap niya. "Kailan ka uuwi? Bukas?"

"Not sure yet."

"Do you want to go somewhere later, then?"

Mula sa pagiging abala sa phone ay lumipad ang mata ko sa kamay niyang dumapo sa bandang hita ko, malapit sa tuhod. It stayed still and didn't move kaya't hinayaan ko at binalewala. Given it was a Friday, wash day, I was wearing a cream cashmere sweater paired with a retro mini skirt and my usual flat brogues. While he was wearing his usual plaid shirt under his black shirt, jeans and sneakers too.

"I don't know, Rence. Tignan ko pa, baka maisipan kong mamaya umuwi."

"Alright."

Palihim ko siyang sinulyapan. Walang pagbabago ang ekspresyon niya habang abala sa pagdi-drive gamit ang isang braso sa manibela. Nakakapanibago. Dati ay laging gusto niyang siya ang nasusunod. He probably hit his head or something. Hindi pa rin talaga ako nasasanay.

I was starting to doubt if maybe this was only about Ced. Dahil paanong bigla siyang magbabago ng ganito kabilis? At kung kaya naman pala niya itong gawin, bakit ngayon lang? I was pretty sure there was more to it than ego tripping—or maybe this was just my doubts talking.

"Steph hasn't shown her face since. Nilamon na yata ng kahihiyan!"

"Bali-balita magta-transfer daw siya?"

"Seriously?"

Natitigilan akong umupo sa sariling desk dahil sa mga usap-usapang naririnig sa mga kaklase. Now that they mentioned it, huling beses na nakita ko si Steph ay noon pang mangiyak-ngiyak siyang lumapit sa akin. Given that I couldn't be sure if I saw her at the party. I wonder if the rumors were true though. Bakit naman siya magsta-transfer dahil lang do'n? Oh well.

My morning went by uneventful.

Tulad ng dati, bago kami nagtalo, kasama ko sa cafeteria si Terrence pati nang mga kabarkada niya nang lunch.

Madalas mang kasama ang mga varsity player, he preferred to sat at lunch with just Mike, Dina and Cali. That was five of us, including me. Cali and Dina was both from different college. Nakilala lang nina Terrence ang dalawa sa victory party ng varsity team noong freshman year.

And like I said, I didn't really treat any of them a close friend. Kaya't idinadaan ko na lang sa tipid na ngiti at maikling remarks ang mga ito tuwing kakausapin ako.

Most of the time, I was quiet beside Rence. The latter was busy talking and laughing with his friends though. He would turn to me from time to time just to study my face and I'd just gave him a small smile.

Ang braso niya'y tamad na nakapahinga sa sandalan ng upuan ko buong sandali. Sobrang lapit niya sa akin at para bang gusto niyang sakupin pati ang inuupuan ko. Kaya't ramdam ko ang bawat pag-uga ng dibdib at balikat niya tuwing tatawa dahil sa lapit niya, katulad ng ramdam ko rin ang bawat tinging ipinupukol sa amin ng mga naglipanang estudyante sa cafeteria. Bukod sa likas na maingay ang table nila ay agaw pansin din talaga ang mga nakaupo rito.

Naabutan ko ang sarkastikong ngisi sa akin ni Dina mula sa tapat ng inuupuan ko. Pinasadahan niya kami ng tingin ni Terrence bago mas nilakihan ang ngisi sa akin. I could see contempt in her eyes as it bore into mine.

Gusto kong irapan ngunit imbes na hayaan siyang sirain ang mood ko'y ibinalik ko na lamang sa kaniya ang sarkastiko niyang ngisi. I guess it was fair to say that we were both not fond of each other.

At mukhang tulad ni Ced ay hindi rin siya pabor sa relasyon namin ni Rence. But aside from that, I didn't know what her problem with me was. Or maybe she was just an innate bitch. Wala naman siyang masamang ginagawa so far so I wouldn't take it against her. I ain't a saint myself—may kaniya-kaniya lang talagang flaw ang mga tao. That wasn't hard to understand.

"Eunice..."

Wala sa sarili akong napalingang bigla pagkarinig sa isang mahina at pamilyar na boses. Sa dagat ng mga estudyanteng naroon sa cafeteria ay nakita ko ang naglalakad na si Cedric.

Napatitig ako rito hanggang sa maupo ito ilang table ang layo mula sa amin. He wasn't with anyone. After settling on his seat, his dark eyes landed directly into mine. Sandali itong sumulyap sa taong nasa tabi ko bago muling nagbalik ng tingin sa akin.

My lips cracked open when we held gaze. Maraming emosyon ang klarong naglalaro sa mga mata nito. Galit. Disbelief. Sarcasm. Lungkot.

Lumunok ako, may kung anong nag-udyok sa aking lapitan ito. The urge to talk to him almost consumed me if it weren't for Terrence's palm, lightly squeezing the resting hand on my lap.

Nakuha niya ang buong atensyon ko lalo na nang iniyukod pa niyang palapit ang mukha sa akin, hinahanap ang linya ng mga mata ko.

I tried to breathe.

"You seemed preoccupied about something, Cee. What is it?"

Nawala agad sa isip ko ang gustong gawin dahil sa bulong niya. Sinubukan kong 'wag sulyapan ang kinaroroonan ni Cedric at umasang sana'y wala na rin sa akin ang tingin nito.

I didn't want to involve him or anyone with my relationship issues. Lalong ayaw kong masaktan si Ced kung sakaling may maisip na gawin sa kaniya si Rence. Given the talk we had at the party.

Umiling ako at palihim na binawi ang kamay mula sa hawak niya. Bumaba ang mariin niyang tingin doon ngunit hindi na pinuna. Sa tapat namin ay maingay ang kwentuhan ni Cali at Dina. Mike was butting in with them from time to time. Wala akong inintindi alinman sa usapan nila.

I tried to give Terrence a faint smile then. "I was thinking about my long quiz later on Microeconomics. Parang kailangan kong mag-light recap."

"Hmn." He was staring at me as he drawled this lazily, "Want me to refresh your memory about individuals and firms allocation of scarce resources? Consumer demand theory? Production? Why are you so interested about Microeconomics when you're here with me? That subject is a damn bore." Umangat ang braso niyang nakapahinga sa sandalan ng upuan ko para lang paglaruan ang dulo ng maalon kong buhok, sa bandang balikat. "Or do I bore you?"

Bumaba ang tingin niya sa labi ko nang kumawala ang mahina kong tawa.

"I need to go to my next class." I made a soft sigh before getting my bag on the seat next to mine.

Nag-angat siya ng tingin sa mga mata ko nang muli kaming magkatinginan. Kagat ang labi, dahan-dahang kumurba ang isang ngisi niya ro'n matapos.

"Alright. Hatid kita."

Umahon siya sa kinauupuan. Matapos magpaalam sa mga kaibigan ay umalis na kami ng cafeteria. Sinubukan kong sulyapan si Cedric ngunit wala na siya.

May kung anong nabigo sa akin nang maalala ko ang tinginan namin kanina, kung paanong nagdaan ang halu-halong emosyon sa mga mata niya. I wonder what he was thinking then... and if he really hates me...

Hanggang sa pagtatapos ng klase ko para sa araw na iyon ay pamaya't mayang lumilipad ang isip ko kay Cedric. Iniisip ko na kung paano ko siya makakausap sa apartment mamaya nang maka-receive ako ng text.

Terrence:

Done with your classes?

Nasa parking space ako malapit sa gate. I'll wait for you

Ako:

Okay omw

Para akong lutang habang tinatahak ang daan patungo kung nasaan si Terrence. All the while I was still thinking of ways on how I could talk to Ced.

Nakakasurpresa na sa kaunting panahong nakasama ko siya'y ganito na lang akong maapektuhan ng maaari niyang maramdaman. I guess I somehow treated Ced as a friend after confiding in him.

Ilang metro na lang ang layo ko mula sa parking space nang matigilan ako sa paglakad pagkatanaw kay Terrence. Tamad siyang nakasandal sa likod ng sariling sasakyan habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Cali was with them. Bahagya akong nagtago sa isa sa bilang na mga nakaparadang kotse at hindi pa muna tuluyang lumapit. Wala na akong ibang taong nakita ro'n kundi ang tatlo.

"Ano, pare? Sigurado ka na bang ayaw mong sumama? All the hoes are waiting for you there—lagi kang wala nitong nakararaan. The hell you been up to?"

Walang ganang sinulyapan ni Terrence ang kaibigan sabay sinabi ito sa matabang na boses, "I'll ask Eunice if she wants to come. Hindi ako pupunta kung ayaw niyang sumama."

"Did I hear that right? Rence, pare, kailan mo pa kinailangan ng permission galing sa girlfriend mo?" Nanginig ang mga balikat ni Cali para sa magkahalong humor at disbelief na halakhak. Bahagya pa itong napailing.

"He's right. We can have our fun there like usual. Sumama ka na, please?" Nalipat sa babae ang atensyon ni Terrence nang hinaplos nito ang pisngi niya. Halos wala na ring natirang espasyo sa pagitan ng dalawa nang mas lalo pa itong lumapit, sinasadyang idikit ang katawan sa huli.

I couldn't help but scoffed at the familiar sight.

Ang iritasyon ay agad nakahanap ng lugar sa akin nang tinitigan ni Terrence pabalik ang babae. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya ngunit wala roon ang pagtutol. I bet he was liking it.

The girl started caressing and drawing circles on his chest when he slowly reached for her nape.

Matalim ang singhap ko at may kung anong naghihimagsik sa akin nang kinabig niya itong palapit sa kaniya, obviously for a kiss. 'Sing bilis ng pagbitiw ko ng tingin ang marahas na pagtambol ng puso ko. Mariin akong pumikit at sinubukang kontrolin ang paninikip ng dibdib. Ramdam ang pag-akyat ng init sa pisngi, kuyom ang magkabila kong kamao. Parang gusto kong sumigaw at magwala sa halong pagkabigo at galit.

I fucking knew it!

Thoughts were then rushing through my head. Tumalikod ako para sana magmartsang paalis ngunit natigilan agad nang marinig ang malamig na boses ni Terrence.

"Take your friend with you, Cali. I'm waiting for Eunice. Balitaan kita kung makakapunta ako mamaya."

Kasing bilis ng pagtalikod ko kanina ang muli kong paglingon sa direksyon nila, bahagyang namimilog ang mga mata.

What?

"What's wrong, Rence?" Hawak ang magkabilang pisngi, ipinaling ng babae ang mukha ni Terrence paharap sa kaniya. His hands were no longer on her and he didn't even move from where he sat.

Kumunot ang noo ko.

"Seriously what the fuck happened to you, dude? May pinakain ba sa 'yong gayuma si Eunice?" Muling humalakhak si Cali ngunit ngayo'y may halo nang dismaya. "I admit, she's pretty hot but... she's a tease. Oh, wait up! Don't tell me you're planning on settling with her?"

Terrence smirked with a dim expression. "You think she's what, Cal?"

Tinawanan lamang ng kaibigan ang may bakas ng pagbabanta niyang tanong. And that was probably the only thing I like about Cali—being a ball of sunshine, laughing at about anything. Magaan ang personality kaya rin siguro maraming babae ang nauuto.

"I don't see any problem with that. Why would you stop playing with other girls because of her? You're not seriously into that insipid girl, are you? Sayang ka naman... ang daming naghahabol sa 'yo para lang mauwi sa babaeng 'yon." Halos sumandal na ang babae kay Terrence habang patuloy itong hinahagod sa dibdib.

This wench.

Humakbang ako ng isa at plano nang sumugod dahil sa iritasyon ngunit muli akong natigilan. Kitang-kita ko ang ginawang pagtulak dito ni Terrence dahilan ng pagkakabitiw at pag-atras nito nang wala sa oras.

All six feet of him was then standing as he stepped closer to the girl. Ipinaling niya ang ulo nang niyuko ito para lang tignan nang maigi ang mukha.

Sa malamig na baritono ay sinabi niya ito matapos, "Walang nanghihingi ng opinyon mo kaya manahimik ka. At 'wag na 'wag kong malalaman na sinasabi mo 'yan nang maririnig ni Eunice. Kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Napaatras pa ito, namimilog ang mga mata at agaran ang pagkakawala ng kulay sa mukha.

"Easy, dude." Alanganing nagpakawala ng mahinang tawa si Cali at napalapit sa dalawa. Pagkasulyap sa takot na ekspresyon ng babae ay mabilis niyang sinabing, "I think we should go—balitaan mo na lang ako, pre."

Matapos mabilisang tumango ni Cali ay umalis na ito kasama ang babaeng hindi na maipinta ang ekspresyon. Walang emosyong sinundan lamang ni Terrence ng tingin ang mga ito hanggang sa tuluyang makaalis. Tila walang nangyari nang muli siyang bumalik sa pag-upo sa likod ng sasakyan. His face still betrayed no emotion.

Baon ang pag-aalinlangan, nagpatuloy ako sa paglakad palapit makalipas ang pagpatak ng ilang sandali.

I couldn't believe my eyes. Did Terrence really do that? Nagbago na ba talaga siya?

"Hey." Isang magaang ngiti ang dumapo sa mga labi niya nang makita ako.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya, observing how every features of his face lightened up with my presence. Malayong-malayo sa hungkag at madilim na ekspresyon niya kanina lang.

"Hi."

He cocked his head sideward and looked closely at me after noticing what I was doing. "What is it?"

Umiling ako at agad nag-isip ng sasabihin. "Don't you have any plans for later? It's Friday night."

"Do you have any place in mind?" Subtly, he reached for the small of my back, pulling me closer to him until we were standing a few inches apart from each other.

Tilang tintang tumatak at hindi maalis sa isip ko ang ginawa niya sa babae kanina. At mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin ang lakad na binanggit ni Cali.

Did it mean he wasn't really planning to go? That was weird. Wala pa siyang tinanggihan noon sa mga lakad nila ng mga kaibigan niya.

May kung anong nagdidiwang sa akin ngunit mabilis din iyong nilalamon at pinapatay ng mga pagdududa. Kaya't imbes na isipin iyon ay pinili ko na lang munang ipagsawalang-bahala.

"I'm hungry." A chuckle made its way to escape in between my lips.

Grinning now, Terrence made a curt nod. "Alright, then. Dinner it is."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top