1 : Pathetically in love


"Eunice... nakikinig ka ba?"

Isang kurap at tila nabalik ako sa reyalidad, mula sa pagkakatulala sa ilang naiwang patak ng ulan sa bintana ng bus. Pagkasinghap ay wala sa sarili kong inipit ang takas na buhok sa tainga at binalingan ang nasa tabi.

Namamalat ang boses ko nang magsalita. "Sorry, uh... what... what were you saying?"

Sa kabila ng dilim ay aninag ko ang bahagyang pagsasalubong ng makakapal niyang kilay bago tumitig sa akin. Sa matigas na baritono ay sinabi niya ito, "You're spacing out again. 'Wag mong sabihing hanggang ngayon iniisip mo pa rin 'yon?"

"No," mabilis kong tugon nang may kasamang kaunting iling. "Of course not..."

"Talaga?" he breathily whispered, now with a stifled smirk. Slowly, he leaned closer to me. "You're not a good liar, Cee."

Napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa nanlalamig kong balat. Rinig ko na ang paghinga niya dahil sa katahimikan ng bus at dahil sa lapit niya sa akin. Not later than that, I felt his soft, warm lips touched mine for a quick peck.

I caught him grinning when my eyes flew open.

"Oh, just what I needed to see after a long tiring day," sarkastikong anas ni Cedric mula sa parallel seat nang inuupuan namin. He was shaking his head in disapproval as our eyes met shortly.

"Need a room?" saring naman ng nasa likuran niyang si Michael bago mapang-asar na tumawa.

"Shut up, dude. Mind your own shit." Namamalat siyang humalakhak bago ipinalibot ang braso padaan sa balikat ko. Wala sa sariling hinahaplos ng daliri niya ang bandang taas ng braso ko, kung saan tamad na nakapahinga ang kamay niya mula sa pag-akbay.

Unconsciously, I bit my lower lip. Nang nilingon ko si Cedric ay mabilis siyang nagbitiw ng tingin sa amin, para pagtuunang pansin ang bintana sa gilid niya.

He was sitting alone lazily like everything was under his control, looking too relaxed for someone listening to a loud, rock metal music. Sa lakas ng tunog na nanggagaling mula sa earphone nito'y rinig ang pagsi-screamo ro'n hanggang sa kinauupuan ko.

"Eunice."

Nagbitiw lamang ako ng tingin kay Cedric nang maramdaman ko ang paghaplos ni Terrence sa buhok ko. His lips was pressed on top of my head at the same time, whispering my name like he was under some trance, almost as if talking in his sleep.

Patay ang ilaw sa loob ng bus at kanina pa kumagat ang dilim. Tanging ang nasasalit na pagdaan lamang ng liwanag sa mga poste ng ilaw ang nagsisilbing liwanag namin sa loob.

Mula sa pataas na daan ay tanaw ko na ang ilang nagtataasang pine trees na pinalilibutan ng fog, indicating we've arrived at Willow Grove.

"Are you sleepy? We're almost back to campus."

"I'm sorry..."

Natigilan ako saglit. Kalauna'y napangiti na lamang nang mapait. "I know..."

"I love you, Cee... lagi ko namang sinasabi sa 'yong ikaw lang ang lagi kong babalikan 'di ba?" Sa parehong posisyon ay inabot ng kabilang palad niya ang braso ko at marahang hinaplos mula sa suot kong sweater.

Kung noon siguro ito'y umiiyak na ako... kung ako siguro 'yong dating Eunice, isang lambing lang niyang ganito, okay na ako... but right now... I think I badly need a break... from all of this. Nakakapagod pala.

"Are you still upset?"

Hindi ako nagsalita. I was used to it. 'Yong mahuhuli ko siyang may katawagan, ka-flirt o ka-make out na random girl. Sa dami ng mga babaeng iyon, sanay na ako. Sanay na ako sa mga palusot niya, sa mga linya niya, sa mga paglalambing niyang ganito sa tuwing mahuhuli ko siya. I wasn't sure anymore if he was sorry he cheated or he was sorry that I caught him. I don't know.

"Eunice... come on. Wala lang 'yon. How many times do I have to tell you that those girls meant nothing to me? Pampalipas oras ko lang ang mga 'yon."

Pampalipas oras? Bisyo? Parang mga bagay na pwedeng itapon pagkatapos gamitin? Gano'n ba?

"I know, Rence," pag-uulit ko.

"Galit ka pa rin..." He chuckled lazily under his breath. Sinubukan niyang yumuko nang bahagya para hanapin ang mga mata ko.

"Hindi ako galit." And I was scared that I no longer am...

"Why else won't you say you love me back if you're not?" malambing niyang sinabi pagkasapo ng baba ko gamit ang daliri. Bahagya akong napatingala nang inangat niya ang mukha ko paharap sa kaniya.

I should tell him. "Terrence..."

"Yes?"

Dahan-dahan niyang binitiwan ang buhok at baba ko para lang pagtuunan akong mabuti ng tingin. His sleepy deep-set eyes stared at me, anticipating my words... expecting me to forgive him and take his doings for granted—like I always did.

I swallowed the bile on my throat as I prepared myself to utter the words I'd been dying to say. But just when I was about to, the bus dramatically halt to a stop. Sinundan niyon ng pagbukas ng mga ilaw sa loob. Nasa campus na kami ulit at hindi ko pa rin nasasabi. As far as I could remember, ang plano'y dapat nasabi ko na iyon sa kaniya noong kasagsagan pa lang ng club event.

Ano ba 'to, Eunice. Are you trying to get yourself in trouble? I thought you already made up your mind?

Mariin akong napapikit sa frustration pagkabitiw ng tingin. Bakit pagdating sa kaniya ang hina-hina ko?

"You okay? Nahilo ka ba sa byahe?" His worried voice melted my building unease. "We're here."

Ang hirap nang lulunin ang mga ginagawa niya pero sa parehong pagkakataon, parang ang dali-daling piliing patawarin siya. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako tanga pero tuwing siya na ang pinag-uusapan parang ang laki-laki kong hangal. Pagmamahal pa ba 'to o pagpapakatanga?

My heart was sinking as I gave my head a light shake.

Terrence was my first love... which I also dreamt to be my last—but I wasn't a hopeless romantic and I didn't believe in happy ever after. At katulad sa mga magulang ko, siguro wala talagang perpektong relasyon. Siguro kahit gaano pa man natin kagustong ayusin at ipaglaban iyon, hahantong at hahantong pa rin iyon sa hangganan. Maybe clinging to old feelings and memories weren't enough to make this work anymore.

"Guys, just a piece of advice, this bus is quite cheap for a room." Saktong paglingon ko'y naabutan ko kaagad ang nakatingin sa aming si Cedric. Nakatayo na ito't aktong pababa na ng bus, kasabay ang ilan naming club mates, including Michael who whistled while eyeing our position. Cedric then sneered at me with a mocking expression. "Get your lazy ass up."

Inirapan ko lamang ito at binalewala.

"Terrence, 'lika na." Kumawala ako sa pagkakaakbay niya.

He grunted in protest. Mabilis niyang nasapo muli ang braso ko bago pa man ako makatayo.

"Sandali, Eunice. May sasabihin ka ba?" He threw me an expectant look then.

Umawang lamang ang mga labi ko. Ang mga salitang dapat sasabihin ko kanina'y hindi ko na mahanap... naduduwag na naman ako.

Sinubukan ko siyang bigyan ng isang mahinang ngiti. "Nothing... it's nothing, don't mind it. I just want to go home." And rest... baka sakaling pahinga lang ang sagot sa pagod na nararamdaman ko.

Nang tumayo ako'y binitiwan niya ako kaagad. Ngunit nanatili sa akin ang mariin niyang titig hanggang sa bitbitin ko ang sariling bag at mag-umpisang maglakad palabas.

"Eunice!" There was a tone of urgency in his firm baritone as he called out to me.

"Let's go," tanging tugon ko bago dire-diretsong lumabas.

Wearing a ribbed sweater and a retro skirt, bahagya kong nayakap ang sarili nang sinalubong ako ng malamig na panggabing hangin pagkababa. Huminga ako nang malalim, ramdam ang pagdampi nang maliliit na butil ng ambon sa pisngi.

Pagkaayos ng pagkakasukbit ng dalang bag sa balikat ay nahagip ng paningin ko si Cedric.

With both hands shoved in the pockets of his jeans, he was standing alone on the side of a lamppost like he was waiting for something or someone. Isang lingon niya at seryosong napako ang tingin niya sa akin, tila ba pinapanood ako nang maigi.

Ang ilang estudyanteng lulan ng ibang bus ay naglalakad sa tabi nang malawak na field, karamihan ay palayo na sa amin.

Isang sulyap at nang makitang nakatitig pa rin siya sa aki'y tuluyan na akong nagbitiw ng tingin. Mabigat akong bumuntonghininga bago magtungo sa opposite way ng kinatatayuan niya. Hindi ako sigurado kung bakit ngunit parang may kung ano sa paraan niya ng pagtitig. At hindi ko 'yon nagugustuhan.

From my peripheral vision, naaninag ko ang mabilis niyang paghakbang patungo sa tinatahak kong daan. Palihim na lamang akong napatiim-bagang nang tuluyan kong maramdaman ang presensya niya sa gilid ko, sinasabayan ako sa paglakad.

"You alright?" bungad niya sa kaswal na tinig.

"Yup." Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglakad at ganoon din siya sa pagsunod sa akin.

"You're alright with Terrence making out with other girls while claiming he's in love with you?"

Agad akong ginapangan ng iritasyon sa narinig na sarcasm sa boses niya kaya't bahagyang tumaas ang kilay ko. "Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo."

"Hindi ko gusto ang relasyon ninyong dalawa."

Huminto ako sa paglakad. Sumabay ang mahaba at natural na alun-alon kong buhok nang marahas ko siyang nilingon sa gilid ko. Agad siyang tumigil sa pagsunod para harapin ako.

"Excuse me?"

His eyes were brooding as he stared at me, wala ni kaunting bakas ng sarkasmo sa ekspresyon.

I couldn't tell then if he was angry or just serious. Gayunpama'y matapang ko pa ring sinuklian ang mga titig niya, hinihintay na bawiin o klaruhin niya ang sinabi.

"If he loves you then you should be enough..." He started advancing lazily towards me. "Isn't that a basic truth in a relationship?"

Hindi ako gumalaw at nanatili lamang sa kinatatayuan. Sa matigas na tinig ay sinabi ko ito, "What's your point?"

He was towering over me then. Ang paghahamon ay klarong gumuhit sa mabibigat niyang mga mata. "Come to think of it, Eunice. Bakit naghahanap pa rin si Terrence ng iba kung nasa kaniya ka na? Are you okay with not being enough for him? You're not stupid to think so, are you?"

Tila may kung anong babasaging bagay sa loob ko ang nasaling niya at tuluyang nagpira-piraso dahil sa mga binitiwang salita. A feeling started to build and quickly took over me. With hands forming into fists, mahina akong napabuga ng hangin at mariin siyang tinapunan ng tingin.

"Can you tell me what part of it concerns you?"

Ang dilim sa mga mata niya'y agad nawala nang ganoon lang kabilis. For a moment, he looked amused—para bang nang-iinsulto o ano.

"You're seriously asking me what part, Eunice? Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan?"

What's the deal with this guy?

Kung bakit biglang nagbabago ang ihip ng hangin ay hindi ko alam. This Cedric here was nothing but an acquaintance for both Terrence and I, bukod sa pagiging batch mate at shiftee niya sa parehong college namin. Hindi ko matandaang naging malapit kami sa kaniya dahil hindi naman siya kasama sa circle of friends ni Terrence. And his unusual prying with the latter and I's relationship right now is beyond me.

Yumukod siya nang kaunti para lang bahagyang lumebel ang mga mata naming dalawa. With all seriousness then he said, "Lahat, Eunice... everything about you is my concern."

Agad akong ginapangan ng kilabot sa narinig. Ang panimulang pagdagundong ng dibdib ko'y ramdam ko hanggang sa tainga. Namimilog ang mga mata, sinubukan ko iyong lulunin. Gusto kong lumakad palayo ngunit tila nag-ugat ang mga paa ko sa lupa.

"What..." the hell was that?

"Eunice!" Marahas akong napasinghap nang marinig ang boses ni Terrence palapit.

Tuluyan akong napaatras palayo kay Cedric at nagbitiw ng tingin. Nang sunod akong sumulyap ay umayos na ito ng tayo ngunit ang mga mata'y nanatili sa akin. Naiwan man ang pagkabahala ay pinili kong balewalain ito. Hindi ko malaman sa sarili kung magpapasalamat ba ako sa presensya ni Terrence o ano.

"R-Rence..."

Lumunok ako at napasulyap kay Cedric, mentally blaming him why my tongue tripped.

"Bakit ang bilis mong maglakad? May tinatakbuhan ka ba?" Nakatuon sa akin ang buong atensyon ni Terrence at ni hindi niya tinapunan ng tingin si Cedric. As if the latter was irrelevant—which reminded me of who he was.

"Sorry. Akala ko kasi sumunod ka agad..."

Wala sa oras na lumipad patungo kay Cedric ang atensyon ko nang mahina itong humalakhak.

What's so funny? Gusto ko man itong punahi'y hindi ko na lamang ginawa. After all, mukhang hindi naman mahalaga kay Rence ang presensya nito. Because like I said, Cedric was nothing but an acquaintance for the both of us. I wonder what the catch was to make him suddenly interested.

Shaking his head, Cedric flashed a smirk with a hint of pity before languidly turning around to take his leave. "Ahh... I love myself—if only some people know how to do the same with themselves."

My lips formed into a thin line.

That hit the pot. Again. Gustuhin ko mang magdahilan at kontrahin ang mga pinagsasabi nito'y alam kong may punto ang mga 'yon. I wasn't enough for Terrence and I obviously didn't love or respect myself for putting up with his cheating time after time.

I felt a sudden pang inside me. Ang pagpintig ng puso ko'y unti-unting bumilis.

"Let's go home." Pumalibot sa baywang ko ang braso ni Terrence.

Sandali akong gumagap ng lakas para kalasin iyon.

When did I become not enough? Do I worth any less than his other girls?

"What? 'Wag mong sabihing galit ka pa rin?"

Nilingon ko siya nang maulinigan ko ang iritasyon sa boses niya.

Pagkabuga ng hangin ay pumikit ako sandali at saka marahang umiling. May walang habas na pumiga ng puso ko nang matanto kung ano ang kahahantungan ng mga sunod na sandali.

Heaving out a sigh as he started saying, "Let's just go, okay? I'll take you home. Come on." The corner of his mouth rose for a smirk as he held me from my waist again. Isang kabig at umakma siya ng halik ngunit iniwasan ko iyon.

"Terrence, no," pagod kong apila.

Bahagya ko lamang siyang itinulak ngunit mabilis niya akong binitiwan. Tila nalagot ang pisi ng pasensya niya nang hinarap ako, his brows were in a deep furrow then.

"Ang pakipot mo naman! Ano bang gusto mo? Luhuran pa kita rito?"

Ikinagulat ko ang biglaang pagtaas ng boses niya. Iritable niya akong tinignan pagkatapos.

Sa totoo lang gusto kong magalit... pero wala akong makapa ni katiting na galit para sa kaniya. Kung mayroon ma'y siguro pagtatampo lang o hinanakit. Pero bakit parang siya pa ang may ganang makaramdaman ng galit dito?

"Pagod ako, Terrence," sabi ko na lang kahit gustong-gusto ko na siyang sumbatan.

"Kaya nga iuuwi na kita! Bakit ba ang arte-arte mo?" he blurted out. "Kung tanggihan mo ako parang diring-diri ka sa 'kin ah?"

Napapikit ako nang mariin. Paulit-ulit kong narinig ang mga salitang matagal ko nang isinasawalang-bahala para lang maisalba ang relasyong ito. Paulit-ulit iyong tumakbo sa isip ko hanggang sa hindi ko na kinayang sikmuraing manahimik na lang.

"Terrence, I need a break. Mag-cool-off muna tayo." Diretso kong tinitigan ang iritable niyang mga mata habang sinasabi ko iyon.

Sandali siyang natigilan para lang iproseso ang narinig. "You need a what, Eunice?"

Kinagat ko ang ibabang labi bago nagsalita. "I need time to think. I need time to process things between us. I need a break from all th—"

Natigilan ako nang unti-unting nabuhay ang galit sa aura niya. Ang natitirang maliit na distansya sa pagitan naming dalawa'y kinain nang malaking hakbang niya. All six feet of him was then standing in front of me—para akong nanliit.

"Are you fucking kidding me? Gusto mong mag-cool off tayo? To hell with that! Hindi ako papayag! Take all the goddamn time you want pero hindi tayo maghihiwalay! Naintindihan mo?"

"Cool-off lang, Rence. Hindi ko sinabing maghihiwalay tayo. Kailangan ko lang—"

"There's no difference! Ano bang pinatutunguhan ng cool-off? 'Di ba break up?" Sarkastiko siyang nagbuga ng hangin at natawa, bumibigat na ang paghinga.

"Terrence, please."

"No!"

"Rence naman..." I pleaded.

"I already said no, Eunice," pinal niyang sabi sa matigas na tinig at ekspresyon.

I drew in a tight breath, frustration was eating me alive. Nanghihina ang boses ko nang muling magsalita. "What do you want me to do, then?"

"Wala! I'm not asking you to do anything but to stay put!" Mas lalo siyang namula nang hinilamusan niya ng palad ang mukha. Lumayo siyang bahagya sa akin, nagpipigil. "Mahirap bang intindihin na wala akong pakialam sa kahit na sinong babae? Ikaw ang mahal ko! Laruan ko lang sila! It's not like I'm having sex with any of them!"

Nalaglag ang panga ko sa tahasan niyang sinabi. You liar. Something snapped—my patience. And finally, it triggered me to speak my mind.

"What? You think that's okay? Just because you objectify them as nothing but a disposable thing you can use and throw away whenever you please? Hear yourself! Because no matter how you justify it, it's still cheating! And don't you dare lie—because I know you're doing it with those girls! Why else would you flirt with them, huh?

"At bakit? Sabihin mo nga, mamamatay ka ba 'pag hindi ka gumamit ng mga babae? And if you're on my shoes, anong mararamdaman mo kung nagpapagamit at ginagawa ko ang bagay na 'yan kasama ang ibang lalaki?!"

"What the fuck?!" Namimilog ang mga mata, pulang-pula siya sa galit dahil sa narinig. Ang pagtaas-baba ng dibdib niya'y mabilis. Purong pagbabanta ang boses niya nang muling magsalita. "Anong sinabi mo?!"

Bakit? Hindi ba totoo naman?

I bit my lip, halos magdugo na iyon sa diin nang kanina ko pang pagkagat. My voice started trembling. "Rence, pagod na ako sa 'yo! Wala na akong ibang maramdam sa 'yo kundi pagod. Hindi ko na nga alam kung mahal pa kita kasi pagod na pagod na ako sa panloloko mo!"

"That's bullshit!"

Isang singhap, napaatras ako nang biglaan siyang humakbang muli sa akin palapit.

His hair, the way he wore his clothes, his air—everything about him screamed dark and danger. The same way his deep-set eyes went dim as it trained perilously into mine.

Parang bigla akong nanlamig—hindi dahil sa mumunting butil ng ambon sa balat kundi dahil sa namumuong lamig sa sikmura.

"Gusto mo ng cool-off dahil pagod ka na? O gumagawa ka lang ng dahilan para makipaghiwalay kasi may iba ka? Sige, ano? Sabihin mo sa 'kin 'yung totoo, Eunice."

A faint scoff escaped in between my lips as my jaw dropped open. How dare he accused me of something as filthy as his doings?

"Okay? Wow!" Matapos itaas nang bahagya ay pabalya kong naibagsak sa magkabilang gilid ang mga braso dahil sa disbelief. "Ikaw 'tong nambababae tapos ako ang pagbibintangan mong may iba? What the hell, Terrence?! Pakinggan mo nga ang sarili mo!"

Nagsasalita pa lang ako'y mabilis na ang pag-iling niya, ang sarkastikong ngisi ay lumiligid sa mga labi.

"No, I won't give you the satisfaction you want. Hindi tayo maghihiwalay. Narinig mo?"

"Cool-off lang ang hinihingi ko! Bakit ba hindi mo maintindihan?"

"Cool-off my fucking ass!"

Napamaang ako sa galit niya muling sigaw. Mabibigat ang pagbuga niya ng hangin at pulang-pula pa rin siya maging ang mga mata. Mukha na siyang mananakit kaya natahimik ako. Ang mga salitang gusto ko pa sanang sabihin ay nagbara sa lalamunan ko.

"Pumili ka ng gagaguhin mo," mahina ngunit may diin niyang banta.

Fists clenched tight, tears began pooling from the corner of my eyes. Nagbitiw ako ng tingin sa kaniya't pilit iyong pinigilan sa abot nang makakaya ko.

Ayokong makakita siya nang kahit kaunting kahinaan sa akin ngayon dahil sigurado na ako sa desisyon ko at sa gusto kong mangyari. Ayokong isipin niyang may pagdadalawang-isip ako o ano. Dapat maramdaman niyang sigurado ako roon dahil iyon ang kailangan namin ngayon. I shouldn't cry in front of him like a weakling... kailangan kong panindigan ito.

"Are you crying?" Pero nabigo yata ako.

Matapang akong umiling sa puna niya. Tumitig siya sa akin kaya't pilit kong iniwasan ang mga mata niya.

"Let's not see each other tomorrow... or for some time," matigas kong sabi. Laking pasasalamat ko't hindi nabasag ang boses ko kahit naiiyak.

Nagbuga siya ng hininga at mariing pumikit, ang boses ay bahagyang naging malumanay. "Eunice..."

"Uuwi na ako. You don't have to take me home." Tinalikuran ko na siya bago pa man tuluyang tumulo ang luha ko.

"Eunice!"

Hindi ko siya nilingon. Dire-diretso akong naglakad paalis, pauwi, nang mag-isa.

Going against him was futile. But this time, I'll no longer let him mess with me. Because I'm finally going to leave that wretched part of me right now, right here. I love Terrence but he didn't have any rights to do those things to me.

Yes, everyone's capable of changing and I'd been hoping that somehow he would, but there was an extent to what I could bear. This circus should end here. And from now on, I promise to not turn back to that other 'I' who's pathetically in love with him. Not anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top