Chapter Three: Worst Valentine
The Other Fiancée
Chapter Three
Worst Valentine
TATLONG pares ng mata ang nakatutok sa kanya.
Nararamdaman niya iyon kaya alam niya kahit na nakatago pa sa ilalim ng hood ng jacket ang buong ulo niya.
Biglang nawala ang nakasabit na earphones sa tainga niya at napalitan ng boses ni Aerial ang rock song na pinapakinggan niya. “Miss Villaruz, ano na namang trip itong pauso mo?”
Sa totoo lang, wala siya sa mood sa araw na iyon. Wala talaga. Dahil ngayon ang araw na pinaka-aburido siya.
“Valentine’s na valentine’s, naka-itim ka.” Sabi ni Gail. “Ano iyan, may pinaglalamayan ka?”
“Kahit kalian talaga, hindi namin maintindihan ang takbo ng utak mo.” Nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga si Aerial. “Ewan ko talaga kung bakit nagkaroon tayo ng kaibigan sa katauhan ng isang ‘to.”
Ngumiti lang siya ng matamis na matamis.
“Iyan, diyan ka magaling.” Litanya pa ng kaibigan niya.
“Pagbigyan niyo na lang muna si Hanna.” Pagtatanggol naman sa kanya ni Mint.
Sa kanilang tatlo, ito lagi ang supportive sa kanya. Likas na kasi itong sweet at mabait. Hindi tulad ng iba diyan. Napaka-strikta.
Umayos siya ng upo habang tinatanggal ang hood sa ulo niya. “Buti pa si Mint, sinusuportahan ang pakikibaka ko.” Inayos niya ang maikling buhok niya. “Alam niyo namang allergic ako sa tuwing dumarating ang araw na ‘to. Kumakati ang buong katawan ko” she said scratching her arm.
“Alam namin iyon. Pero sana naman nagsuot ka ng ibang kulay maliban diyan. Pinpapangit mo kasi iyong atmosphere dito eh.”paliwanag ni Mint. “Valentine’s day ngayon. Araw ng mga puso. Lahat nagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao. Hindi naman ibig-sabihin, kailangang boyfriend o girlfriend ang taong iyon. Like you could show your friends some love. Diba?”
She squirmed at the idea. Siya? Magiging lovey-dovey sa tatlo? Errr… no thanks.
“What?” tanong ni Gail nang mapansin ang pangangasim ng mukha niya. “You mean you don’t love us?”
“Ah... eh… Hindi naman… Ano lang…”
“Let me guess,” putol ni Mint. “Hindi ka na naman nagbake ng chocolate cake para sa amin ano?” kumunot ang noo nito nang makita ang ngising aso niya. “Sabi ko na nga ba.”
Ngumisi siya. “Ano… gumawa naman ako eh. Ang kaso…” napakamot siya sa batok nang maalala ang sinapit ng tatay niya nang matikman nito ang ginawa niyang cake.
Base na rin sa pagkakatango ng mga kaibigan niya, siguro naman ay naiintintindihan ng mga ito ang gusto niyang sabihin. Hindi lang miminsang nasaksihan ng mga ito ang kinahihinatnan ng mga luto niya.
“Sumabay ka na lang sana sa akin nung bumili ako ng cake noong isang araw.” Alok sa kanya ni Mint. “Sana meron ka ng dala ngayon.”
Sus. Walang problema iyon sa kanya. Wala naman siyang bibigyan maliban sa tatlo. She could always give them cake anytime. Isa pa, mapi-perwesyo lang ang taong kakain ng gawa niya. “Ayos lang iyon. Sa susunod na lang.” sabay ngiti ulit sa kanila.
“Pasalamat ka talaga, mababait kaming kaibigan.”
Tumango siya sa sinabi ni Aerial. Iyon nga kaya mahal niya ang mga kaibigan niya, kahit na lagi siyang misunderstood.
MABUTI nalang at nilubayan na siya ng tatllong makukulit niyang kaibigan.
Wala siyang balak na sumama sa tatlong iyon habang naghahanap ang mga ito ng kung sino para maipamudmod ang mga gawa nilang chocolates.
Isang rason pa kaya ayaw niyang sumama ay dahil alam niyang isa sa mga taong bibigyan ng tatlo ay ang lalaking dugyot na gusto niyang gantihan. Ayaw niyang isipin ng unggoy na iyon na isa siya sa nagbabaliw-baliwan rito. Dahil hindi siya ganon kababaw.
Speaking of ganti. Heto’t mag-iisang buwan na mula nung una silang magkita pero hindi pa rin nahahawakan ng mga daliri niya ito. She missed being in action. Malas lang siguro niya dahil hindi siya nakakahanap ng pagkakataong makatagpo ulit ang ungas na iyon. Lagi na lang kasi itong pinapalibutan ng napakaraming tao sa tuwing nakikita niya ito.
Pero pasalamat ang Rayzen na iyon dahil mabait ang tadhana rito. Kung kakampi lang siguro niya ang pagkakataon, matagal na niya itong binalatan.
Isinuksok niya ang head set sa magkabilang tenga niya nang mapahawak siya sa maikli niyang buhok. Napansin niyang lagpas tenga niya iyon. Humaba na pala ang buhok niya. Kailangan na siguro niyang magpagupit.
Napaisip tuloy siya kung kalian yung huling araw na hinayaan niyang humaba hanggang balikat ang buhok niya. Siguro, anim na taon palang siya non. She always cut her hair then.
Noong umabot na ng pagdadalaga ang edad niya, marami ang nagsasabi sa kanya na kamukha raw niya ang namayapa niyang ina. They often tell her her mother was beautiful.
So, ibig sabihin ay maganda din siya? Somehow, she doubt it.
Sa kanilang apat na magkakaibigan, si Aerial ang pinakamaganda para sa kanya. She always look so chic whatever she wears even without make-up. She had that strict intelligent look that whenever she looked at something, you’ll think she already knew it. Isa ito sa mga popular sa school nila, ganon din si Mint at Gail. They all had different striking personalities that’s why they shine. At hindi siya gumaya sa kanila.
Maganda din si Mint, lalo na kapag ngumingiti ito. Minsan naiisip niya, hindi ba nangangawit ang panga nito sa kakangiti? She was the friendliest of the four of them. She always had her welcoming charming smile that made her look approachable. And she was the kindest. Kaya nga minsan ay nag-aalala siya rito dahil naaabuso na ito kung minsan sa sobrang kasantuhan nito.
And then there’s Gail who among them was the coolest. She had that silky shiny sstraight her that most girl would die for. At ito lang ang kayang mag-drive ng big bike sa kanilang apat, at pati sa buong eskuwelahan.
At siya naman ang… weirdo.
If she lived her life differently, maybe she could not find these girls as her friend, nor would they. Kaya nga madalas marami ang nagtataka kung bakit nabilang siya sa grupo nila. Sabit lang daw siya.
But actually, people didn’t know that the four of them grew up together.
Sa kuwento ng tatay niya, magkakaibigan daw ang mga nanay nilang apat. Kaya nang mamatay ang nanay niya ay nagkaroon siya ng instant mothers, as in plural, because there were three. Lumaki siya at tumayo ang mga nanay ng mga ito bilang nanay-nanayan niya.
Hindi naman sa nagkulang ang tatay niya sa pagpapalaki sa kanya. It was just that her father thought she was missing something important in her life – that his daughter had no one to call “mom”. Her father tried to be a father and, at the same time, a mother to her. He did things a good mother could do, and even surpassed it.
That’s why she loved him so much and was always very proud to have a father like him. Sila na lang kasing dalawa ang magkakampi ngayon. And maybe that was why he was so protective over her. At dahil nawalan siya ng ina sa maagang edad, she looked up to him most.
Ang resulta, heto – ang pagkakaroon niya ng “boy syndrome”. Though it doesn’t mean she’s lesbian, but some thought she was because of her attitude, look, and style.
Sad to say, she lacked that “feminine touch”.
Kung sa ganitong edad ay nagsusuot na ng bistida ang mga kabaro niya, siya naman ay nahilig sa baggy pants, oversized shirts, sneakers, at sombrero. Her friends had the shiniest black long straight hair – a fabulous hair, while she had the worst short hair cut.
Hindi naman sa ayaw niyang maging babae o magmukhang babae kahit na iyon ang gender niya. She was definitely not against it, and she absolutely doesn’t hate it. Hindi lang talaga siya lumaking ganoon.
Mas komportable siya sa sarili niya ngayon. That’s all.
Kaya nga laging bantay-sarado sa kanya ang tatlong nanay-nanayan niya sa pamamagitan ng mga anak nito – sina Mint, Aerial at Gail.
They always, always, try to make her wear girly clothes on. But they always, alaways, fail.
Oo, kamukha raw niya ang nanay niya, pero palagi naman silang nadidismaya sa tuwing nakikita nila ang hitsura niya.
She looked like her mom but she was her exact opposite.
Her mother was the epitome of sophistication: “Elegance” was her middle name.
Very opposite nga silang dalawa.
Pero anong magagawa niya? Ganito talaga siya. It was her choice. And if they love her, they would have to deal with who she is.
Inayos na lang niya ang hoodie sa ulo niya. At least, hindi siya mapagkakamalang lalaking nakasuot ng girl’s uniform kapag itinago niya ang buhok niya sa ilalim niyon.
Pero nahinto siya sa pagliko sa isang pasilyo nang may makita siyang pamilyar na tao.
Napakapamilyar na tao.
Agad-agad niyang binunot ang cellphone sa bulsa ng jacket niya para kunan ng video ang taong iyon.
Unti-unting sumilay ang ngiti niya. Sa wakas, nandito na ang pagkakataon niya.
She will finally avenge her humiliated ego and save her pride.
“Sabi ko na nga ba eh. May tinatago ka ring kasamaan sa katawan. Humanda ka ngayon dahil ngayon ang araw na matitikman mo ang kamandag ni Hanna Sofia Villaruz.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top