Chapter Thirteen: Surprise Lunch
The Other Fiancée
Chapter Thirteen
Surprise Lunch
“HANNA Sofia!”
Pakiramdam niya ay parang nabutas ang ear drums niya sa lakas ng boses na iyon ng tatay niya. Ano ba ang meron at kung makasigaw ito eh parang may nahulog na helicopter sa bubong nila?
“Bumangon ka na! Male-late ka na!!”
Teka, anong oras na ba?
07:12 am
HUWAAAT!!!?
Late na nang dumating si Hanna sa klase nila. Kasi naman, masyadong napasarap ang tulog niya kagabi kaya hindi man lang niya narinig ang tunog ng alarm clock niya. Tuloy, boses pa ng tatay niya ang gumising sa kanya.
Kung sa bagay, nakatulong naman ang pagkakaroon niya ng sundalong tatay hindi lang sa mga ganitong pagkakataon kundi sa maraming beses. Kung ganong wala ring kakuwenta-kuwenta ang alarm clock niya sa mga oras na kailangan niya iyon, mas effective pa ang boses ng tatay niya. Parang laging nakalonok ng microphone.
Pero sa kasamaang palad, na-late pa rin siya. Kahit anong bilis niya, hind pa rin siya umabot sa oras.
Kaya hayun siya ngayon, nagwawalis ng buong campus. Iyon ang parusa sa mga estudyanteng hindi nakakapasok sa unang period ng klase: Community service. Recess na recess, walis at dust pan ang kapiling niya imbis na kumakain at nagpapahinga siya. O kaya ay natutulog.
“Diba siya iyong babaeng kasama ni Chase?”
Tumigil si Hanna sa pagwawalis nang marinig ang pangalang iyon.
What’s with that name anyway?
Ha! Ang pangalang iyon lang naman ang dahilan kung bakit siya nakatulog ng alastres ng umaga kanina. Kaya siya narito ngayon at naglilinis.
Pero wait. Siya ba ang pinag-usapan ng mga babaeng iyon ngayon-ngayon lang?
“Oo. Siya iyon.”
Hm.. bakit parang hindi maganda ang kutob niya?
“Sigurado kayo? E parang lalaki eh.”
May nakatingin ba sa kanya o guni-guni lang niya?
“Ano ka ba, Tanya? Naka-palda kaya siya.”
“Ibig sabihin ‘Dude’ ang gusto ni Chase?”
“Sa tingin ko hindi papatulan ni Chase ang mga ganyang hitsura.”
“Eh bakit nagyayakapan sila ni Chase nung nahuli sila ni Ma’am Rodriguez?”
Nagyayakapan?
Hindi kaya siya talaga iyong pinag-uusapan ng mga babaeng ‘to?
Ano bang mga taong ‘to? Hindi pa ba nila nakakalimutan ang insidenteng iyon?
Nagkaroon na yata siya ng tatak ngayon sa mga ka-schoolmate niya nang dahil sa kalokohang iyon.
“She doesn’t even have curves.”
Curves? Anong curves? Tiningnan niya ang sariling katawan.
“I think sinet-up lang niya si Chase para mapansin siya ni Chase.”
Parang may pumitik sa sentido niya.
“Iyon nga din ang iniisip ko eh. Kasi hindi naman papatusin iyan ni Chase kahit babae iyan.”
Ayaw niyong tumigil ha!?
Tumahimik bigla ang mga babaeng parang trumpet kung magbulungan nang padabog na binitawan niya ang walis at ang dust pan saka humarap sa kanila.
There were three girls standing by the flag pole. Mukhang tumatambay lang ang mga iyon doon para lang makita siya sa malapitan.
“Hoy, kayo!” Nakita niyang nagulat ang tatlo. “Kung wala kayong magawa sa buhay ninyo maliban sa maging kiringking ng Rayzen na iyon, wag ako ang pagtripan ninyo dahil talagang papatusin ko kayo!”
“What? Kiringking?” sabi nong nasa gitna. Mukhang mga junior students ang tatlo kasi kulay asul ang ribbon na sout nila.
“Oo. Bakit may sira ba iyang tenga mo? Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng kiringking”
She looked at her angrily.
“O, ano? Galit ka na?”
Mabilis na hinila nong isa iyong nasa gitna at nagsilayo na sila nang makitang niroirolyo niya ang manggas ng uniform niya.
“Wag na. Gangster iyan eh!” sabi pa nong isa sa kanila bago tuluyang umalis.
Ha! Gangster daw! Akala ninyo hindi ako pumapatol ng babae? E puro naman kayo satsat. Hilahin ko iyang mga dila ninyo eh.
Binalikan niya iyong ginagawa niya. Pinulot niya iyong walis niya at iyong dust pan. Pero hindi ang paglilinis ang nasa isip niya.
Ako? Ise-set-up ko ang bakulaw na iyon para lang magpapansin? Wah! Hanep!
Kung puwede lang sana, matagal na niyang itinapon ang ugok na iyon sa canal kasama ang mga kamukha nitong palaka.
Hay… Pambihira. Kung ganito lang ang mangyayari sa kanya sa natitirang buwan niya rito sa school bilang sophomore nang dahil sa nangyaring iyon sa kanila ni Rayzen, paano pa kaya kapag nalaman ng buong mundo na engaged siya sa lalaking iyon at sa iisang bahay lang sila nakatira ngayon?
Parang ang hirap ma-imagine. Baka ma-harass pa siya ng katulad ng mga babaeng iyon.
Tsk tsk tsk. Kawawang Hanna.
TUMUNOG na iyong mahiwagang bell!
Ibig sabihin…
“LUNCH TIME NA!”
“Sit down, Miss Villaruz!”
Napa-upo kaagad si Hanna sa upuan niya. Hindi niya namalayang hindi pa pala nakakalabas iyong teacher nila. Gutom na guto na kasi siya. Hindi kasi siya nakapag-almusal kaninang umaga kasi nga na-late siya ng gising tapos pinagwalis pa siya ng mga taong walang puso. Kaya heto… puro pagkain ang laman ng utak niya sa nakalipas na tatlong oras.
Ilang minuto pa ang tiniis niya bago tuluyang lumabas ang teacher nila.
Pero napigilan kaagad siya ni Aerial bago pa niya maiapak ang isang paa niya sa labas ng klase nila.
“Saan ka pupunta?”
Nagtatakang nilingon niya ito. “Sa Cafeteria.”
“Bakit ka pupunta doon?” Nagtataka ding tanong ni Aerial sa kanya.
Natawa siya sa reaksiyon nito. “Ano bang klaseng tanong iyan, Aerial. Ke-talino mong tao, itatanong mo kung bakit ako pupunta dun?”
Aerial just looked at her with her bored expression.
“Para kang ewan diyan.” Sabi naman ni Gail sa kanya. “Luka-luka. Close ang cafeteria ngayon.”
Tumigil siya sa kakatawa. Para siyang binagsakan ng isangdaang kilong bato.
Close…
No Cafeteria means no fooed…
No food means…
NOOO!!
“Saan na ako kakain ngayon?” T.T
Pinaglawayan pa naman niya kanina iyong paborito niyang siopao sa panaginip niya. Tapos hindi pala niya makakain iyon ngayon.
Ang saklap!
“Ingot ka talaga kahit kelan. Diba nga tumawag ako sa inyo kagabi para sabihin sa iyong magdala ka ng baunan ngayon?” sabi ni Aerial.
“TUMAWAG KA SA BAHAY NAMIN KAGABI?”
Kumunot ang noo nito. “Iyon nga ang sinabi ko.”
Kinabahan siya bigla.
Tumawag siya sa bahay. Pero hindi ako ang nakasagot. Possible kayang…
“Ang sabi ni Uncle, siya na raw ang bahalang magsabi sayo.”
Lumiwanag ulit ang paningin niya.
“Si tatay?”
“Ang weird mo.”
“Nagugutom na kasi iyan. Alam mo naman kapag nalilipasan iyan.” Sabi naman ni Gail. Pero hindi niya pinansin ang dalawa. Kasi muntik na siyang mabuking kanina. Akala niya mabubuking na siya.
“Halika na nga. Share na lang tayo sa pagkain.” Tapos hinila na siya ni Gail papunta sa mesa nilang tatlo.
Lumusot kaagad sa pang-amoy niya ang amoy nong pagkain nang buksan ng dalawa ang lunch box nila.
“Ang bait niyo talaga. Thank you ha.” Sabi niya habang nakayuko siya sa mga pagkaing nasa harap niya.
“Kita mo na. Malala na siya.” Narinig niyang sabi ni Gail. Pero hindi niya pinatulan ito. Kasi lalo pa siyang nagutom dahil nakakita na siya ng biyaya ng diyos.
Parang may narinig pa siyang nahulog na kutsara o kaya ay tinidor pero pinalagpas na niya iyon. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay ang matikman ang nakakatakam na crispy fried chicken sa harap niya…
Napansin niyang sobrang tahimik ng klase nila. Pero dahil may interesadong bagay sa harap niya, hindi na niya inalam ang nangyayari sa paligid niya.
And through the silence, something made a sound.
GRRRROWWLL~
Tumunog yata ang tiyan niya. At mukhang rinig na rinig iyon ng buong kaklase niya.
Putik talaga, o!
“Ilang elepante ba ang pinapakain mo?”
That voice.
Pagtingala niya, hayun.
Ang puno’t dulo kung bakit siya nawalan ng tulog, kaya hindi niya narinig ang alarm clock niya, kaya siya nangangamoy-araw, at kaya siya miserable.
Si Rayzen. Ang fiancé niyang hilaw.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakatingala pa rin. Bakit kasi sa mismong likuran pa niya ito tumayo? Nangangawit na tuloy ang leeg niya.
Pero imbis na maawa ito sa kanya at umalis, bigla na lang itong yumuko palapit sa mukha niya.
Napigil ni Hanna ang hininga niya. Sobrang lapit kasi ng mukha nito sa kanya. There were just three inches between her eyes and his chin. Lalo pa nong magsalita ito sa kanya.
“To do something so troublesome.”
Infairness, walang halitosis ang kumag. Pero anong troublesome iyon?
Kaunting sandali pa bago gumana ang utak niya.
Oh my god! NO WAY!! Sasabihin na ba niya ang tungkol sa secreto namin?!!
Nagpanic siya. Kaya hindi niya naiwasang banggain ang baba nito nong tumayo siya.
She heard him groan before she dragged him outside. Alam niyang nasaktan niya ito sa nangyari, kaya lang wala siyang panahong humingi ng sorry. She had to get him away fast from those prying eyes before she ends up in the other side of the world.
Sa isang sulok ng hallway niya hinila si Rayzen kung saan walang tao.
“Idedeliver mo na ba ako sa puntod ko?!” naiinis siyang hinarap ito. But he just looked at her very calmly. Gutso tuloy niyang gasgasan ang mukha nito.
“Hindi pa naman.”
Lalo lang siyang nanggalaiti sa paraan ng pagkakasabi non nito. “Akala ko ba walang pakialamanan? May pa-speech-speech ka pang nalalaman kagabi tapos wala ka palang isang salita. Susulpot ka pa sa kalse namin ng ganon. Alam mo bang may sakit ako sa puso, ha?”
He just looked at her with a blasé face. She really wanted to punch that face. “Trust me. Ayoko ring gawin to pero hindi ko lang matanggihan si tito.”
She was puzzled. Bakit nasali ang tatay niya?
“Here.” May iniumang itong parang paperbag sa kanya. Noon lang niya napansing may bitbit pala ito.
“Ano ‘yan?” don’t tell me may chocolates kang tinabi para sakin?
O, kinilig ka naman? Bruha.
“It’s your lunch. Nakalimutan ibigay ni tito kaninang umaga sa pagmamadali mo.”
Ay, mali. Baunan lang pala niya.
“E bakit ikaw ang naghatid?”
“Kunin mo na lang. Bilis.”
Hmmp! Kung maka-arte, parang presidente ng universe. Alien!
“Nag-abala ka pa.” she said sarcastically. Hinablot niya iyong paperbag sa kamay nito. Simpleng sagot hindi pa nito maibigay. Yabang!
Walang lingon-likod na itong umalis at hindi na nagsalita pa. Uusal na sana siya ng dasal para sa bakulaw na iyon nang bigla na namang magparamdam ang tiyan niya.
Ay! Muntik ko ng makalimutan.
Bumalik na lang din siya sa klase nila.
Pagdating niya, kakaibang atmosphere ang nadatnan niya. Kasi kumpol-kumpol ang mga kaklase niya na parang may intersante silang pinag-paplanuhan.
Ano bang meron sa araw na ito at parang lagi siyang nagkakaroon ng masamang pakiramdam? Katulad na lang ngayon. Parang siya ang laman ng usapan ng mga kaklase niya.
Nagiging paranoid na ba siya?
Lumingon iyong isa sa mga kaklase niya. Para itong nagulat nong makita siya. Tapos tinapik pa nito iyong katabi nito. Isa-isa silang lumingon hanggang sa naghiwa-hiwalay na ang mga ito.
Were they being suspicious about Rayzen and her?
Hmm… mukhang hindi maganda ‘to ah.
Lumapit siya kina Aerial at Gail na mukhang nakisali rin sa trip ng iba nilang kaklase.
“Ano, may nagrerebelde na ba laban sakin?”
“Actually…” tumingin muna si Gail kay Aerial pabalik sa kanya, “…they’re thinking if you could help them with your new friend.”
New Friend.
“Sino?” She seemed lost.
“Si Chase.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top