Chapter Seven: Incoming Call
The Other Fiancée
Chapter Seven
Incoming Call
I AM CURSED.
Nay, nasa heaven po ba kayo? Naririnig niyo po ba ako? Paki-sabi naman diyan kay Lord na magpapakabait na po ako simula ngayon. T.T
Hindi niya tanggap ito. Hindi. Hindi puwede.
Nananaginip lang ako!!
“Teka lang, Hanna! May poste –”
PONG!
“AW!”
Anak ng pitumpo’t pitong tupa! Ang tigas non!
Umiikot yata ang paningin niya.
“Aw!” ang sakit ng noo niya.
“Ayos ka lang, Hanna?” nasa harap na niya ang mga kaibigan niya. “Patingin daw.” Tinanggal ni Mint ang kamay niya sa noo niyang nasaktan.
“Uy! Tinubuan ka na ng sungay.” Nakatawang sabi ni Gail. “Congrats!”
“Niloko mo pa, nasaktan na nga.” Saway naman ni Aerial habang tinitingnan ang bukol niya. “Ikaw naman, wag mong nilalagyan ng pakpak iyang utak mo.”
Napagalitan tuloy siya.
“Hanna, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Mint nang masigurong okay naman siya, saka sila nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa klase nila. “Kanina ka pa parang wala sa sarili.”
Hindi ako okay!
“Okay lang ako.” Sabi niya habang hinihimas himas ang lumalaking bukol sa ulo niya. Gusto niyang sabihin sa mga ito ang totoo pero may pumipigil sa kanya…
“…let’s keep this a secret…”
“Kulang lang ako sa tulog.”
Totoo iyon. Hindi talaga siya nakatulog buong gabi kagabi sa kakaisip ng kung anu-ano.
Engagement…
I’m engaged.
Napabuntong hininga siya nang tumunog na naman sa ulo niya ang mga salitang iyon.
Engagement. Ibig sabihin non, engaged na siya sa isang tao para makasama niya ito habambuhay. Ibig sabihin, nakalaan siya sa taong iyon, at ito rin sa kanya. Ibig sabihin, pagdating ng takdang panahon ay isusuot nila ang mga singsing sa kamay ng isa’t isa at bibgkasin ang salitang “I do”, mapa-tagalog, English, Spanish, French, Chinese man iyon. Ibig sabihin…
…mababaliw na siya!
Ang bata-bata pa niya. Bakit kailangang mangyari iyon sa kanya?!!
“Hanna.”
“Hmm?” sagot niya nang hindi inaangat ang ulo.
“Iyong cellphone mo, kanina pa tumutunog.”
Oo nga. Ni hindi man lang niya narinig iyon.
“Wala ka bang balak na sagutin iyan?”
Wala sana. Pero baka tatay niya iyong tumatawag.
Walang ganang dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng skirt niya.
Incoming call…
09057312***
Unknown number?
Sino kaya ang tumatawag?
“Sasagutin mo na ba?”
“Ayoko.” At pinatay ang tawag.
Marami siyang problema ngayon, at ayaw niyang dagdagan pa iyon ng isang stalker.
“O, tumatawag na naman.”
“Hayaan niyo na. Titigil din iyan.” Sabi niya. Namamaga na iyong bukol niya. Saan ba siya puwedeng humingi ng ice?
“Sagutin mo na lang kaya. Baka importante iyan.”
Sino naman ang tatawag sa kanya? E bukod sa tatay at sa apat niyang kaibigan ay wala ng nakakaalam ng number niya.
Oo. Ganon ka-boring ang phonebook niya.
Kinuha ulit niya ang cellphone niya at tinitigan ang caller.
Kinutuban siya.
Hindi kaya…
“Sino ba iyan?”
Parang naging pang-horror ang dating nung ringing tone niya sa pandinig niya.
Imposibleng tawagan siya ng taong iyon. Imposible talaga.
Posible iyon, Hanna. Kasi engaged nga kayo diba?
“Si Uncle ba yan?”
“Mukhang hindi. Hindi naman niya papatayan si Uncle ng tawag.”
“That’s true.”
“Hm? E sino iyang tumatawag?”
She felt them staring.
Hindi talaga maganda kapag meron kang kaibigang ganito katindi ang pagdududa.
Pahamak talaga!
She tapped the answer button.
“Hello?”
“Ako ‘to.”
Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya.
Hindi nga nagkamali ang kutob niya.
“Tay!” nakangiting sabi niya. “Napatawag kayo? May sasabihin ba kayo sakin? Puwedeng sa bahay na lang? Medyo nagmamadali po kasi kami. Okay?”
End call.
What the heck! Bakit iyon tumawag sa kanya? Weirdo!
“Tara!” pero di pa siya nakaka-isang hakbang e hayun, tumunog na naman ang cellphone niya.
What is wrong with this stupid cricket!
Tiningnann niya ang mga kaibigan niya.
“Go on. Answer it. Hihintayin ka lang namin.” Sabi ni Mint habang nakangiti. “Paki-Hi na lang kami kay Uncle.” Akala talaga nila ay ang tatay niya ang tumatawag.
“Hmm?” sabi niya sa kabilang linya.
“Hindi ako ang daddy mo.”
“Ah…” Alam ko! “Kasama ko kasi ang mga kaibigan ko. ‘Hi’ daw nga po pala.” Sarkastikong sabi niya.
“I don’t know them.”
Antipatiko!
“Anong kailangan mo – niyo… po?”
“I just wanted to remind you about our deal last night.”
“Tay,” Hoy! “Wag kayong mag-alala.” Lalaking ipinaglihi sa puwit ng kalabaw! “Tandang-tanda ko po iyon.” Mauntog ka sana!
Kahit pasabugan pa ng bomba ang utak niya, hinding hindi niya makakalimutan ang naging usapan nila sa malagim na gabing iyon.
“Good. Save this number after this call.”
NEVER!
Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita pa ito sa kabilang linya. “And next time I call, don’t make me wait.”
Dial tone na ang narinig niya sa kabilang linya.
Buwisit na lalaking iyon. Bakit iyong ganong klase pa ang naisipang gawing manugang ng tatay niya?
Mababaliw na talaga siya! T.T
Paano siya mabubuhay sa mundo kung alam niyang magiging asawa niya ang taong nagpapahirap sa kanya ng ganito? Hindi patas iyon!
“Okay ka lang?”
Noon lang niya naalala na naghihintay pa pala ang mga kaibigan niya sa kanya.
“Mauna na lang muna kayo sa klase. Maghahanap lang ako ng ice para dito.” Tinuro niya ang bukol niya.
“Naku! Ang laki na ng bukol mo!”
“Mint, hindi mo na kailangang sabihin ang obvous.”
“Pumunta ka nalang sa Infirmary. May ice pack sila dun” sabi ni Aerial.
“Okay.”
“Kami na ang bahala kapag na-late ka sa klase mamaya.”
TAHIMIK ang infirmary pagdating niya. Wala kasi ni isang tao maliban sa nurse na naka-duty roon.
Binigyan siya ng nurse ng pain-killer. Nag-simula kasing sumakit ang ulo niya nang maglakad-lakad siya kanina para hanapin ang Infirmary nila. Kung saan-saan na siya napadapad sa kakaisip niya.
Nakahiga na siya ngayon sa isa sa mga kama roon habang nakapatong sa ibabaw ng bukol niya ang ice pack na bigay nong nurse.
Halos kasin-laki na ng limang piso ang bukol niya. Sabi nong nurse, dapat ay pinalagyan na niya iyon ng ice para hindi raw iyon lumaki ng ganon.
Kasalanan iyon ng pesteng tawag na iyon.
Sa sobrang katahimikan, ‘di niya napigilang gumapang ang isip niya pabalik sa nangyari kagabi, nung ma-corner siya ni Rayzen paglabas niya ng CR.
____________________________________________________________
FLASHBACK
Natigil siya sa paglabas ng pintuan nang makita ang isang pares ng sapatos sa daraanan niya. Pag-angat niya ng ulo, mukha ng asungot ang nakita niya, na sa mga oras na iyon ay fiancé na niya.
Gusto na naman niyang magmura.
“Tabi.” nakaharang kasi ito sa pintuan. E hindi pa naman maluwag iyong pintuan ng CR. He was practically blocking the whole door.
Nga pala, ano bang ginagawa ng bakulaw na iyon sa labas ng CR ng mga babae? Namboboso ba ito?
Bahala ito kung gusto nitong mamboso.
Pero imbis na tumabi ito, he suddenly pushed her inside and closed the door behind him.
Click!
Did he just lock the door?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top