Chapter Nine: Plans and Surprises

The Other Fiancée

Chapter Nine

 Plans and Surprises

TININGNAN niya nang husto si Rayzen.

Magkatabi silang nakaupo sa tiles nong lababo. Napagod na kasi sila sa kakatayo.

“Seryoso ka ba sa plano mong iyan?” hindi siya makapaniwala sa narinig niyang plano nito. “Gusto mong ituloy natin ang engagement na ‘to hanggang sa araw na makahanap na tayo ng taong pakakasalan?”

Tumango ito.

“TINAKASAN KA NA BA NG UTAK MO? PAANO MO NAISIP NA MAKAKATAGAL AKO SA GANONG SET-UP KASAMA KA?!”

“Ang hilig-hilig mo palang sumigaw ano?” may kung ano itong nilinis sa tenga nito.

“At ikaw, sira-ulo ka naman.”

“If you notice, we have no choice but to stay engaged.”

“Anong wala? Meron! Kaya nga nasa Pilipinas tayo e. May freedom of will tayo.” Kumunot ang noo nito. “Kung gusto nila na matuloy ang engagement, silang lahat ang magpakasal!”

He sighed. Ilang ulit na ba nitong ginawa iyon? “Be reasonable. Think. Kung hindi matutuloy ang engagement, your father and my father…”

Hinintay niyang tapusin nito ang sasabihin nito. Pero wala na itong sinabi. Tiningnan lang siya nito.

Naisip niya ang tatay niya at si George.

They were friends since they were in elementary. Hindi rin sila nagkahiwalay noong highschool at college ang mga ito.

Her father met her mother because of George. And George met Angeline because of her mother.

Noong namatay ang nanay niya, ang Parents ni Rayzen ang umayos ng burol nito dahil masyadong nadepress ang tatay niya nong mga panahong iyon. They helped him stay on his feet during those dark days.

Talagang matalik na magkaibigan ang dalawa.

And if she will not go through this engagement, then…

She will risk their friendship.

“I see you’re mind’s working.”

Panira talaga ang lalaking ‘to.

“Kuha ko na ang gusto mong ipahiwatig.” Sabi na lang niya. “Okay, fine. Wala na tayong choice. Pero pano mo naman naisip na hindi mangyayari iyon 20 years from now?”

“20 years? Gusto mong magpakasal sa edad na 40?”

“Wala akong balak magpakasal, period.”

“And why is that?”

“Sagutin mo na nga lang ang tanong ko.”

He thought for a while.

“My parents still believes in true love.” Sagot nito diretso sa kanya.

Okay. Slow siya kung minsan, pero kuha niya ang ibig sabihin nito.

Masaydo pa silang bata ngayon para matali sa isa’t isa. At kapag lumaki na sila at nag-mature, isang araw, tulad sa mga fairy tale, makakahanap sila ng isang tao na magpapatibok talaga sa kanilang mga puso.

At kapag nahanap na nila ang taong iyon, their parents could not push through the wedding.

This engagement will be broken before the big wedding happens.

Hmm…

She hated to admit this but this stupid insect was smart.

“Hindi lang iyon ang gusto kong sabihin sayo.” Tumayo na ito mula sa pagkakaupo. “I wouldn’t wait for you outside for fifteen minutes for nothing.”

Kung di ba naman kasi sira ang toktok mo.

“Bakit, may pahabol na sulat ka pa?” tumayo na rin siya at nagpagpag ng pang-upo niya.

“Let’s keep this a secret.”

Nahinto siya sa ginagawa.

Loading na naman siya.

“We’re still a stranger to each other. Hindi dahil engage na tayo e magiging kaibigan mo na ako.”

Laglag ang panga niya habang nakatingin dito. Baka nga umabot na sa sahig iyon sa gulat niya.

For awhile, she forgot how irritating this jerk could be.

“Wala kang pagsasabihan nito, not even your closest friend. This will stay between me and you.”

“Anong akala mo? Ipagmamalaki kong naging fiancé kita? Mangarap ka ng gising!”

“Actually, mas iniiwasan kong malaman ng mga kaklase ko na naging fiancée kita.”

Ouch! Masakit iyon ha!

“Mas ayokong malaman ng buong mundo na ikaw ang fiancé ko. Lalo na ang mga babae mo. Ayokong balatan nila ako ng buhay dahil lang sayo. At saka dapat ka ngang magpasalamat kasi hindi ako tsismosa at nang-aabuso ng kapwa ko.” Dahil talagang hindi niya sasantuhin ito.

Nasa may pintuan na ito nang matapos ang litanya niya. Hindi niya alam kung nakikinig pa ba ito sa mga pinagsasasabi niya.

Sumilip muna ito sa labas bago tuluyang binuksan ang pintuan.

Akala nga niya ay lalabas na ito. Pero bigla itong lumingon sa kanya at ngumiti.

“Let’s stay as strangers, okay?”

 saka lumabas na ito ng banyo.

END OF FLASHBACK

___________________________________________________________

May gumigising sa kanya.

Pagdilat niya ng mata, nakita niya iyong nurse kanina.

“Ang hirap mong gisingin.” Sabi nito.

Nakatulog na pala siya.

Iyong klase niya!!

“Ah, miss. Anong oras na po ba?”

Tumingin ito sa orasan nito sa mesa. “Alastres y medya na.”

Crap!

Napabalikwas siya sa kama.

Naramdaman niyang may nahulog sa hita niya.

Iyong icepack.

Ay! Iyong bukol ko!

Malamig pa iyong noo niya dahil sa yelo, at parang hindi na rin iyon masakit tulad nong una. Nandon pa rin iyong bukol pero mukhang lumiit naman ng kaunti lang. Okay na.

Grabe! She slept for more almost 4 hours?!

Nanghabol yata ang katawan niya ng tulog. Pano kasi, pasado alas kwatro na nong nakatulog siya kaninang madaling araw.

Tatlong subjects tuloy ang hindi niya napasukan ngayong hapon.

Hihingi na lang siguro siya ng slip sa nurse mamaya bago siya umalis.

Gusto sana niyang bumalik sa klase ngayon pero naalala niyang History na naman nila ngayong hapon.

Nakakatamad.

Huwag na nga. Dito na lang muna siya sa kama. Mas masarap matulog kesa makinig sa kabuluhan ng mundo. Hindi naman niya maiintindihan iyon.

Kailangan niya ngayon ng pahinga dahil masyadong pagod ang utak niya sa kakaisip at pag-aalala. Kakailanganin pa naman niya ang lakas niya pag-uwi niya.

Pagkatapos kasing sabihin ni Rayzen na ang tatay niya ang may pakana ng problema niya, nahihirapan siyang harapin ang tatay niya ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit nito ginawa iyon. Kaya para maiwasan niyang mag-away sila, medyo iniiwasan niya ito.

Pero hindi rin naman niya matiis ang tatay niya kapag ganong nagtatampo siya rito. Kaya plano niyang kausapin na ito pag-uwi niya.

. . . . .

MALAPIT na siyang bumaba ng bus nung maalala niya iyong cellphone niya.

Masyado na talagang sabog ang utak niya ngayong araw na ito. Kahit simpleng bagay-bagay, nawawala sa utak niya.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya.

“Huh?”

13 missed call

5 message received

Nagulat siya sa nakita niya.

Puro tawag iyon ng tatay niya.

Bakit hindi man lang niya nasagot ni isa sa mga tawag na iyon?

E kasi po, madamme, tinalo mo pa ang paniki kung makatulog ka kanina.

Binasa na lang niya ang mga messages ng tatay niya. Sa pinakababa siya nag-umpisa.

NAK, KLAN UWI MO MYA.

UWI KA MAAGA.

LABAS KA MUNA KLASE NYO.

ANSWER THE CALL.

HANNA SOFIA. RAYZEN WILL BE

Biglang nawala ang binabasa niya.

Nagpipipindot na siya ng keypad niya pero di pa rin bumabalik iyong screen niya.

Teka, sandali. Namatay ba ang cellphone niya?

Naku! Pano iyan?! Hindi man lang niya nababasa iyong huling text ng tatay niya.

Rayzen will be… what?

Gaga talaga! Bakit hindi pa niya binuksan iyong pinaka-una kanina nong may silbi pa itong lintik na cellphone niya?  

Ano kaya iyon? Uurong na ba si Rayzen sa engagement nila?

Posible… pero pagkatapos niyang tumawag kanina? Parang malabo eh.

 Nakakabaliw naman ‘tong ganito.

Ah. Bahala na nga. Malapit na rin naman siya sa bahay nila. Tatanungin na lang niya ang tatay niya pagdating niya.

Nasa may gate na siya nang may matanaw siyang kaduda-dudang bagay na naka-parada sa labas ng bahay nila.

Isang sasakyan.

Uy… naka-Ford ang lola.

Sino naman kaya ang bisita ng tatay niya na ganito ka-datong?

Hindi niya alam.

Kaya aalamin na lang niya.

Hindi na siya nagdoor-bell kasi bukas naman ang gate nila.

Hindi na rin siya kumatok kasi hindi naka-lock ang pintuan nila.

Kaya ganon na lang ang gulat niya nang makita niya si Rayzen na nakaupo sa sofa nila.

Itinuro niya ito. “Ikaw! A-anong g-ginagawa mo dito?”

Hindi ba ito naliligaw katulad nong nasa banyo sila? May problema ba ito sa direksiyon? Hindi ito ang bahay ng asungot na iyon!

“O, ‘nak. Dumating ka na pala.” Lumabas mula sa kung saan ang tatay niya. “Kanina pa kita tinatawagan pero di mo sinasagot ang mga tawag ko.”

“Ah, ‘tay. Bakit po nandito iyan?”

Sinundan ng tatay niya ang kamay niya.

“Si Zen?” tapos ay nagtatakang tumingin ito sa kanya. “Hindi ba’t sinabi ko na sayo?”

Huh? Sinabi? Kelan? Saan?

“Hindi ko po matandaan.”

“Hindi mo ba nabasa iyong text ko sayo kanina?”

Text? Iyon ba iyon?

“Namatay po kasi iyong cellphone ko kaya… e, tay, ano nga ang ginagawa ng isang iyan dito?”

Umupo ang tatay niya sa tabi ni Rayzen.

“Dito na siya titira.”

“ANO?!!!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top