Chapter Five: Sweet Revenge
The Other Fiancée
Chapter Five
Sweet Revenge
NAPAKALAKAS ng kabog ng dibdib niya sa mga oras na iyon dahil hindi lang iisang tao ang nasa pintuan.
Buong kaklase niya nasa labas!!
At nahuli siya ng mga ito kasama si Rayzen sa isang kataka-takang situwasyon.
Si Rayzen!! Ang Romeo ng buomg campus. Ang Chad Michael Murray, Lee Min Ho, at Spongebob ng lahat.
Lord, katapusan ko na ba?!!
Huli na para maitulak pa niya ang manyakis dahil dumating na rin ang teacher nila. Katulad ng mga kaklase niya, halos lumuwa na rin ang mga mata nito at napasinghap sa naabutan.
“Both of you, in my office! Now!”
Oh no! This can’t be happening!
Kailangan niyang liwanagin ang nasaksihan ng mga taong iyon.
Mabilis niyang itinulak niya si Rayzen para subukang magpaliwanag sa teacher nila pero nakatalikod na ito at naglakad papunta sa opisina nito.
Binalingan niya si Rayzen na salubong din ang mga kilay. Kasalanan nito kung bakit nangyari ang bagay na iyon e. Ibubuka na sana niya ang bibig niya nang magsalita ito.
“Save it.” Iyon lang ang sinabi nito at lumabas na ng klase nila para sundan ang teacher nila.
Hindi man lang nito pinansin ang mga kaklase niyang nakatunganga pa rin at halatang gulat na gulat sa nakita. Sa nakikita niyang aura ni Rayzen, mukhang galit na galit ito.
Masyado yata niyang sinagad ang pasensiya nito.
So what? May I remind you, Hanna. He’s the villain here.
Tama! Bakit ito pa ang nagagalit? Diba dapat siya? Kasi siya ang babae at siya ang naagrabiyado. Hindi naman siya ang nangyakap kanina.
At malay ba niyang gagawin iyon ng unggoy na iyon. Antipatiko talaga!!
Sumunod na lang din siya sa mga ito bago pa siya mabaliktad ng lalaking iyon sa teacher nila.
Katulad ni Rayzen, hindi na rin niya pinansin ang mga titig ng mga kaklase niya, at sa mga matang iyon, naramdaman niya ang mga tingin ng mga kaibigan niya.
She would have to explain everything to them later. Parang nakikini-kinita na niya ang sasabihin ng mga ito sa kanya oras na ma-hostage siya ng mga ito. But she would think about that later after this hell meeting. Dumating na kasi siya sa opisina ng teacher niya. Naroon na rin si Rayzen. Nakaupo na parang walang nangyari.
That must be one of his million talents – possessing a poker face, she thought. Lalo tuloy niyang gustong magwala.
“KUMPARE, alam mong hindi ko puwedeng palagpasin itong ginawa ng anak mo sa unica hija ko.” Narinig niyang sabi ng tatay niya sa telepono. Ang parents ni Rayzen ang kausap nito.
It was an overseas call. Sa America daw kasi ang parents nito dahil doon nakabase ang family business ng mga ito.
Pagkatapos kasi silang ipatawag ng teacher nila sa opisina ay kinontact din nito ang mga parents nila ni Rayzen para pag-usapan ang nangyaring insidente. Since they couldn’t come, they had to call them from school.
Nagulat pa nga siya na kilala pala ng tatay niya ang parents ni Rayzen. At hindi lang kilala, they were best pals.
Shocking.
Sa una tutol siya nang sabihin ng teacher nila na kailangan nitong i-inform ang parents nila tungkol sa nangyari.
She didn’t want her father to worry about her. Lalo pa’t isa itong retired general. Baka kung ano pa ang gawin nito kapag nalaman nito ang nangyari.
His only daughter was harassed?
No, not a good news for someone like her father.
Pero nang makita niya ang hitsura ni Rayzen, napangiti siya.
His poker face cracked.
Then, a thought came to her.
Kung hindi siya makakapaghigante gamit ang video na iyon, then she could use another strategy. At puwede na itong kabayaran sa pagkakapahiya niya, hindi lang isa kundi dalawang beses na.
To see him frightened and worried was such a price. Tingnan lang niya kung ano ang aabutin nito sa mga tatay nila, while she will swim over her happiness. Gusto tuloy niyang pumalakpak ng walang humpay.
Well, as for her, hindi naman siya mapapahamak. Kasi, pagdating sa tatay niya, siya lagi ang bida at laging nasa tama. Kaya 100% na siya ang kakampihan nito.
See what she said about him being a proud father?
Kawawang Rayzen. Ano ka ngayon? Hehehehe…
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Rayzen nang mapansin nitong nakangiti siya. Binilatan na lang niya ito at inayos ang hoodie sa ulo niya.
Kung iniisip nito na masisindak siya sa mga tingin nito, well, he’s in for a big shock. Hindi pa ba nito alam kung sino ang babaeng sinisindak nito?
Hindi na niya pinakinggan ang pag-uusap ng mga tatay nila dahil ipinasak na niya sa magkabilang tenga niya ang head set niya saka nilakasan ang volume ng player niya.
…
Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you.
Make you feel, make you feel better.
To love each other.
But when our fingers interlock,
Can't deny, can't deny you're worth it
'Cause after all this time.
I'm still into you
I should be over all the butterflies
But I'm into you (I'm into you)
And baby even on our worst nights
I'm into you (I'm into you)
Let them wonder how we got this far
Cause I don't really need to wonder at all
Yeah after all this time
I'm still into you
…
Abalang-abala siya sa pagsabay sa kanta ng paborito niyang banda, ang Paramore, kaya ganon na lang ang inis niya nang bigla siyang sipain ng kung sino sa paa.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaking naka-upo sa tapat niya. Ito lang kasi ang tao doon na magkakamaling gawin iyon sa kanya.
“Ano ba?!” pabulong niyang sigaw kay Rayzen. Kahit kalian talaga, panira ito sa trip niya.
Inilayo niya ang paa niya sa mga paa nito. Kapag sinipa siya ulit ng unggoy na ito, papatulan na talaga niya ito kahit sa harap pa ng teacher nila.
Umayos siya ng upo at nag-concentrate ulit sa kanta. Pero hindi pa niya naririnig ang kabuoan ng lyrics ng kanta ay heto na naman ito sa pag-sipa sakanya.
Aba’t sinusubukan talaga ako ng isang to ah.
“Hanna Sofia.”
Boses iyon ng tatay niya. Natapos na pala ito sa pakikipag-usap sa telepono? Hindi tuloy niya nalukot ang hitsura ng sira ulong Rayzen na iyon.
Lumingon siya sa teacher nila. She looked very pissed off. Bakit kaya?
Then she looked at her father, and she was greeted with a deep scowl. At noon lang niya napansin na lahat ng tao sa opisinang iyon ay sa kanya nakatingin.
Uh-oh.
She suddenly wanted to shrink under her chair. This time, she knew she did something offensive. Kasi hindi gagamitin ng tatay niya ang buong pangalan niya kung hindi ito galit at kung wala siyang ginawang hindi maganda.
She caught someone smirking.
Ang sarap talagang pagtripan ang mukha ng lalaking ito! Nakakapanggigil. >:-]
“Nakapag-usap na kami ng Daddy mo, hijo.” Sabi ng tatay niya kay Rayzen pagkatapos siya nitong bigyan ng warning look. “At nagkasundo na rin kami para sa ikabubuti ninyong dalawa.” Walang kangiti-ngiting patuloy nito.
Hindi siya sanay kapag ganoon ito kaseryoso. Lagi kasi itong nakangiti sa bahay nila, at laging may patawang aso. Kaya hindi niya maiwasang mag-alala.
“Si George na ang bahalang magsabi sa iyo.” Ang dddy ni Rayzen ang tinutukoy ng tatay niya. “Kailangan din ninyong mag-usap ng masinsinan.”
Lalong lumukot ang noo ni Rayzen sa sinabi ng tatay niya.
Ibig sabihin, hindi maganda ang naging pag-uusap ng parents nila?
Hindi naman siguro. Baka hindi lang nagustuhan ni Rayzen na ito lang ang mapapahamak at hindi siya nasali sa masinsinang pag-uusap na iyon.
Haha! Matakot ka sa parusa mo. Iyan kasi, ako pa ang kinanti mo. Edi anong napala mo ngayon?
Ang saya talaga!
“ANG GANDA talaga ng prinsesa ko!”
She grimaced at the mirror.
No!! This is a nightmare, Hanna! Gumising ka, parang awa mo na!
“Hanna, smile.” Sabi pa ng tatay niya na nakatayo sa likuran niya habang nakatingin din sa salamin. “Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ng mga ninang mo? Gusto mong ulitin natin?”
HUWAAAT?
“Huwag!”
Her father frowned at her violent reaction. Then she saw his eyes turned to worry.
Shoot!
The last thing she wanted right now, apart from doing another make-up and dress changing – which was a pure torture, was to console her father for making him feel bad.
Because she knew what her father felt right now. And this was a big deal for him. Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito nang makita nito ang major make-up transformation niya.
She just looked exactly like her mother, minus the short hair, of course.
Kaya kahit na ikamatay pa niya ang pag-susuot ng palda, she’ll die just to make him happy. It’s just for a night, right?
Napabuntong hininga siya. How will she ever survive the night looking like this?
She wore make-up for the first time in her whole sixteen years of existence, her hair was fixed very femininely, she wore girly perfume, she had a PINK mini dress on, and what’s killing her even more was the thing on her feet.
A freakin’ three inches mules!
Seriousy?!
She has to be crazy for thinking she will indeed make it through the night without wrecking any of that.
Ni hindi niya alam kung saan ang lakad nilang mag-ama. Hindi naman sinabi sa kanya ng tatay niya kung ano ang okasyon.
But she could tell this surpsrise was an important one because he never did formal dinner before until now. And what else, he wouldn’t go begging her three moms to cast their magic on her just for a night. Alam kasi ng mga ito na maghihirap lang sila sa wala.
But tonight’s going to be different. It has to be. Because somehow, she felt great even though she was inside a cute pink minidress with frills and roses on it.
“Okay.” Her father said. “Kung okay sayo na –”
“Okay na ‘to, ‘tay.” Putol niya rito. “Baka mamaya, ma-late pa tayo sa reservation natin.”
Napatingin ito sa relo. “Mukhang late na tayo. Pero di bale,” inayos nito ang buhok niyang nawala sa pagkakaipit sa tenga niya. “Maiintindihan naman nila kapag nakita ka nila.”
Nila? Sinong sila?
Pero hindi na niya naitanong iyon dahil nakatalikod na ang tatay niya.
With a final glance at the mirror, she turned around and followed her dad on the door.
SA ISANG sosyal na restaurant sila pumasok ng tatay niya. Kahit na nagtataka, hindi pa rin niya ito tinanong. She felt lazy all of a sudden. Kasi naman, ang lamig ng pakiramdam niya. Ikaw kaya ang magpalda na hanggang hita ang haba? Pakiramdam nga niya, para siyang nakalobog sa balde ng yelo.
May espesyal na okasyon nga. Kasi hindi gagastos ng ganito kamahal ang tatay niya sa isang pagkain lang. Kilala niya ang tatay niya. Sagad sa buto ang pagkakuripot nito, lalo na pagdating sa kainan.
Isang naka-uniform na lalaki ang sumalubong sa kanila pagpasok nila at nagulat pa siya nang kunin nito ang coat niya. Mabuti na lang at hindi niya pinaandar ang pagiging basagulera niya dahil mapapahiya ang tatay niya. Mga sosyal na tao pa man din ang kumakain doon.
Maya-maya ay may sinusundan na silang isang waiter para ituro sa kanila ang mesa nila.
Wow! She actually was going to dine in an expensive restaurant!
Hindi pa man sila nakakahanap ng puwesto ay may kinawayan na ang tatay niya. Pagtingin niya ay may dalawang tao ang sumalubong sa kanila. Isang babae at lalaki, kasing edad ng tatay niya.
“Rafael! Kumpare!” masayang masayang niyakap ng lalaki ang tatay niya. From the way he called her father’s name, she could say they knew each other. Mga kaibigan ba sila ng tatay niya?
“Lalo ka yatang bumabata, kumpare ah!” nambola pa ang tatay niya. Hindi talaga kumukupas.
“Sabi rin ng misis ko.” Kinindatan nito ang kasama nitong babae. Mag-asawa pala ang dalawa.
Ngumiti ang babae habang hinalikan nito ang pisngi ng tatay niya. “Naku, huwag kang maniwala diyan kay George, Rafael. At huwag mo siyang mabola-bola, baka lumaki pa lalo ang ulo niya.” Natatawang saway nito. Tapos ay ikinuwit nito ang kamay sa braso ng asawa.
They looked lovey-dovey. She suddenly felt worried about her father. Hindi kaya namimiss nito ang nanay niya kapag nakakakita ito ng mag-asawang ganoon kasaya?
“Mag-isa ka yata?” narinig niyang sabi ng babae. Nakita din niyang lumingon lingon ang asawa nito sa paligid na parang may hinahanap. Mukhang hindi pa siya nakikita ng dalawa.
“Huh?” Lumingon sa kanya ang tatay niya. Nagtaka pa ito kung bakit siya nakatayo sa isang sulok. Ayaw kasi niyang ma-isturbo ang tatlo habang nagkakaroon ang mga ito ng reunion.
Kinawayan siya ng tatay niya para lumapit sa mga ito.
She saw the man smiled and his wife did the same. She suddenly felt nervous for unknown reason. And why do they look so familiar? Nagkita-kita na ba sila dati?
Nah! Imposible iyon.
Lumapit sa kanya ang ginang at ginawaran siya ng halik sa pisngi. “You look so much like your mom.” Sabi nito na parang gusto nitong umiyak. “I thought it was her I was seeing, on her younger days.”
Lumapit na rin ang asawa nito at inakbayan ito. She knew it was to comfort his wife. Mukha ding kilala ng mga ito ang nanay niya.
“My wife and your mother, Diana, were best of friends, just as me and your father.” Paliwanag ng matandang lalaki. Marahil ay nabasa nito sa mukha niya ang pagtataka.
“We should sit down.” Singit ng babae na ngayon ay medyo nahihimasmasan na. “Mamaya ay takasan pa tayo ni Zen.”
“Right.” May buntong hinga pa iyon. “That boy gives his old man a heart attack.” Sabi nito habang sumusunod sa asawa.
“That’s our table, then.” Sumunod naman ang tatay niya.
So, hindi lang pala sila ng tatay niya ang kakain ngayon kundi pati ang mga kaibigan nito. Reunion ba ito? Kung reunion nga nila ngayon, bakit kailangan pa siyang isama ng tatay niya? At bakit kailangan pa niyang maghirap ng ganito?
And why does she feel bothered and nervous all of a sudden?
Ang dami talaga niyang hindi ma-gets sa mundo. Pero ganon pa man, sumunod pa rin siya sa mga matatanda…
…hanggang sa makita niya ang talagang susurprisa sa kanya.
The guy sitting alone on a huge table waiting for them was Rayzen Chase Montessor.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top