Chapter Eleven: Sneaky Little Me
The Other Fiancée
Chapter Eleven
Sneaky Little Me
MAAGA siyang nagkulong sa kuwarto niya nang gabing iyon, kapiling ang ice pack na ginawa ng tatay niya. Mukha namang hindi siya papansinin ng tatay niya kasi masyado itong na-inlove sa future son-in-law nito.
Nawala ang gana niyang manood ng palabas kanina. Iparada daw ba naman ang lambingan ng tatay niya at ng ungas na iyon sa harap niya?
Parang nasa ibang bahay siya nakatira.
Naaalibadbaran siya.
Nasa harap siya ng laptop niya nang may maalala siya.
Bakit hindi niya naisip kaagad iyon?!
Tama… puwede niyang palayasin ang kapal-mukha na iyon ngayon sa naisip niya.
Ang tali-talino mo talaga, Hanna!
ISANG mahinang katok ang ginawa niya para hindi magising ang tatay niyang malakas na naghihilik sa kabilang kuwarto. Ayaw niyang magising ito at mahuli siyang lumalagalag sa labas ng kuwarto ni Rayzen sa ganitong oras.
Kakatok pa sana siya ulit nang bumukas bigla iyong pintuan at iniluwa non si Rayzen na halatang kakagising lang.
Infairness, guwapo pa rin ito kahit bagong gising. Ah, hindi, mas guwapo ito pag bagong gising.
Kung hindi lang ito mayabang, suplado, masungit, manyak, at walang modo, baka magtatatalon pa siya sa tuwa na ito ang naging fiancé niya. Kaya lang, mayabang, suplado, masungit, manyak, at walang modo talaga ito kaya sumpa sa kanya ang kaalamang mapapangasawa niya ito isang araw sa hinaharap.
“Gusto kitang makausap.” Mabilis na sabi niya bago pa ito makapagtanong.
“Gabing-gabi na.” nagkusot ito ng mata. “Hindi ba puwedeng bukas na iyan?” inaantok yata talaga ito.
“Hindi. Ngayon na.” itinulak niya si Rayzen sa loob at maingat na isinara ang pintuan. Kailangan talaga niyang kausapin ito, kahit kalahati lang ng utak nito ang gumagana.
Humarap siya rito at…
…nawala sa isip niya ang sasabihin niya.
Nagyon lang niya napansin ang suot nito.
Isang manipis na white vest at boxers lang ang pantulog nito. At hindi niya maiwasang hindi ito titigan.
Sa isang fourth year student, malaki ang pangangatawan nito kumpara sa average type. Idagdag pa ang tangkad nito at kung paano nito dalhin ang sarili nito.
He really could be intimidating without even trying to be one.
Tuloy, nako-conscious na siya sa sarili niya. Lalo pa’t alam niyang silang dalawa lang ang nandoon sa isang kuwartong iyon.
Hanna, may mission ka, hindi ba? Huwag kang maglaway diyan. Batukan kita diyan eh!
Nagiging habit na yata niyang kausapin ang sarili niya.
“This better be good.” Humalukipkip ito at sumandal sa pader. Inaantok pa ito pero kita niyang nilalabanan nito ang antok.
Nagpantig ang tenga niya.
Ano bang akala nito? Na pupuntahan niya ito sa dis-oras ng gabi para makipagkuwentuhan at magsayang ng oras?
Kailangan niyang kumalma. Wala siyang oras makipag-espdahan dito. Maikli lang ang oras niya.
“Wag kang mag-alala. Hindi masasayang ang oras mo.” Umupo na lang siya sa bakanteng silya na nakita niya malapit sa kanya. Mas gusto niyang umupo habang nagsasalita. “Makinig ka ng maayos.” Tiningnan niya ito ng masinsinan, kahit na hindi niya masyadong nakikita iyong mukha nito. “Gusto kong kumbinsihin mo si itay na hindi mo na kailangang tumira dito at babalik ka na sa lunggang pinanggalingan mo.” Itinaas niya ng kamay niya nang makita niyang magsasalita ito. “Sabihin mo kahit ano. Gumawa ka ng storya. Basta iyong kapani-paniwala. Magbigay ka ng rason kapag nagtanong siya tungkol sa daddy mo. As long makumbinsi mo siya.”
“Alam mo ba kung gaano nakakatawa iyang naisip mo?”
Hindi siya sumagot.
“Seryoso ka talaga?”
Tumango siya.
Narinig niyang nagpakawala ito ng hininga. He moved to his bed and took a seat. Kaunti na lang ang layo nito sa kanya kaya mas lalo niya itong naamoy.
Anong sabon ba ang gamit niya?
“And if I do that?”
Kumunot ang noo niya. “Walang kapalit itong hinihingi kong pabor sayo.”
“Humihingi ka pala ng pabor sa lagay na iyon? Pasensya na, akala ko kasi inuutusan mo lang ako.”
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Hindi kita inuutusan. Sinasabi ko lang na may paraan pa para hindi lumala itong kalokohan ng mga magulang natin.”
Ito naman ang kumunot ang noo.
“Hindi mo ba naiisip na pinlano ng parents mo ‘to?”
Mukhang nalilito pa rin ito sa mga pinagsasasabi niya. “What plan?”
“Na dito ka patirahin.” Tulog pa yata ang utak ng lalaking ‘to.
“Oh, so that’s their plan, huh?” Naiinis siya sa pagiging sarcastic nito. Hindi siguro nito alam kung gano siya kaseryoso ngayon.
“Alam kong may condo unit ka.”
He looked surprised.
O, di natigilan ka ngayon diyan.
“So I suggest you live there so that I can have my sanity back.”
Ang akala niya ay payag na ito sa suggestion niya, kasi hindi ito nagsalita. Pero bigla na lang nitong inabot ang kumot nito na parang nagbabalak bumalik sa kama at matulog. “Mabuti pa, bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog. Mukhang nananaginip ka pa.”
Dahil sa inis, inagaw niya ang kumot nito at hinila iyon. “Hindi ka ba nakikinig? Seryoso ako. Kaya wag mo akong tutulugan dahil hindi talaga kita patutulugin.”
“Nagka-usap na tayo, diba?” naiinis na bumangon ito ng kama.
“Iba ang issue ngayon. Masyado ng maliit ang mundo para sa’tin.”
“We both don’t want this, I know. And it’s pretty much obvious that we don’t like each other. But I don’t run away from my responsibility. So, I’ll stay even if I have to share a house with you.”
Napak-Jose-Rizal naman ng taong ‘to.
“Okay, nagpapakabayani ka, kuha koi yon. Pero hindi naman kailangan eh. Ikaw na rin ang nagsabi na walang patutunguhan tong kalokohang to kaya bakit kailangan mo pang makisama sa tatay ko? Bakit kailangan dito ka pa tumira kung may condo unit ka naman? Puwede namang sabihin mo sa daddy mo na sa amin ka nakatira kahit na hindi totoo.”
“I don’t lie to my parents, unlike some other people.”
“Teka, teka, teka. Ako ba ang tinutukoy mo?”
“I didn’t say it’s you. All I’m saying is I won’t lie to them and can you stop pestering me about my condo? Leave it alone.”
“Ayoko hanggang sa hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.”
“What’s the big deal anyway? Bakit gustong gusto mo akong palayasin dito? Hindi ko pa nga naiimpake ang mga gamit ko.”
“Big deal ito, okay? Ayokong nandito ka. Ayokong nakikita kita. Sinisira mo ang araw ko. At Ayoko sayo. Kaya hindi ko matatagalan kung palagi kong makikita iyang hitsura mo. Isa pa, hindi mo ba naiisip na baka malaman ng mga schoolmates natin na dito ka nakatira samin? Malaking tsismis iyon pag nagkataon!”
May narinig silang mga yabag ng sapatos.
Naku! Napalakas yata ang boses niya!
She cross her fingers and said a prayer.
Huwag sanang dumating si tatay.
Huwag sanang dumating si tatay.
Huwag sanang dumating si tatay.
TOK TOK TOK!
Nagkatinginan sila ni Rayzen. Pati ito ay nagulat sa katok naiyon.
Peste! Anong gagawin niya?!
“Hide!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top