Chapter Eight: Father Knows Best

The Other Fiancée

Chapter Eight

 Father Knows Best

“NALILIGAW ka ba?”

Iyon agad ang lumabas sa bibig niya nang makita ang ginawa nitong pag-la-lock sa pintuan. Nababaliw na yata ito para pasukin siya sa banyo.

Hindi naman siguro siya gagawan ng masama ng lalaking ‘to dito mismo sa lugar na ‘to, tama?

She suddenly remembered the news she and her father watched one week ago about a student girl being gang raped inside a hotel’s CR.

Ewan niya pero biglang nangatog ang tuhod niya.

Kahit masama ang ugali ng lalaking ‘to at kahit gaano ito kayabang, alam niyang hindi nito kayang manakit ng babae.

Are you sure about that? He’s a guy and you’re a girl, Hanna.

Her breathe came short. Her heart was starting to pound faster.

Hindi iyon maganda. She’s showing signs of anxiousness.

Ang nakakainis pa, hindi ito nagsasalita.

“Banyo ng mga babae ‘to.” Pinalakas pa niya ang boses niya. Nagbabaka-sakali siya na kung may tao roon sa labas ay marinig siya nito.

He started walking to her.

Ano ‘to? Hindi pa nga sila nakakasal, may ganito na kaagad?

Hanna. What are you thinking? Sipain mo na lang siya… doon. Okay? Madali lang iyon.

But her knees went jelly.

What was wrong with her? She couldn’t be scared, right?

And she kept on walking backwards.

Kung bakit pa naman kasi siya inatake ng kanerbyusan sa ganitong situwasyon?

Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya sa bawat lakad nito palapit sa kanya. And he’s eyes were so intense she couldn’t break away from them.

Buwisit na high heels to!

She’s even wearing a minidress on!

Oh crap!

She forgot about that.

Baka magtaka ang mga pamilya nila kapag nawasak ang damit niya.

But what could she do? Nasa panganib ngayon ang buhay niya.

*gasp*

Her back hit something hard.

Paglingon niya, nasa pintuan na siya ng isang cubicle.

She was on dead end, and he was getting closer...

And closer…

And closer…

And…

He was just an arm length.

Omo…

Anong gagawin niya?!!

Think, Hanna! Think!!

Pero hindi nakikisama ang utak niya.

He was leaning on her now.

What – what is he doing?!

Ang mukha nito…

Napapikit siya.

Noooooo!

Hindi puwede! Ang pangit ng magiging first kiss niya!!

“Hmm...” narinig niyang sabi nito.

Hmm?

Isa-isa niyang idnilat ang mga mata niya.

Leeg?

Leeg ang nakikita niya.

“Walang tao.” Sabi nito at tumayo na ng maayos.

Huh?

Was he checking around for some people?

Mukha nga, Hanna. -.-

Napahiya na naman siya!!!

Ikaw naman kasing babae ka, kung anu-ano iyang iniisip mo. Iyan tuloy ang napala mo.

“Gusto kitang makausap bago ka bumalik sa labas.”

“SIRA KA BA?! NASA MALING LUGAR KA!”

Napahawak ito sa tenga. “Ba’t ka ba naka-sigaw diyan?”

Tumikhim siya. “Ginulat mo kasi ako.”

Hindi man lang ito nag-sorry. Naglakad lang ito sa may lababo at doon pumuwesto. “I can’t really drag you out of the table while our parents are watching. So I thought maybe this place might be a good place to talk.”

Sira-ulo nga yata talaga ang lalaking to.

“Mukhang nagulat ka sa sinabi ng daddy ko kanina.”

Nagulat? She experienced cardiac shock!

“It’s ridiculous, actually, how they ostracized this whole engagement thing. But dad was right. He won’t leave me alone for what happened.” Patuloy nito. Kung makapagsalita ito, parang bale-wala lang dito ang nangyari kanina.

“Teka. Pinressure ka ba ng daddy mo para lang mapapayag sa engagement na ‘to?”

He stopped toying with the hand cooler and looked at her from out of the corner of his eyes. “Did you think I will agree with it for other reason beside that?”

Aba! At anong gusto nitong palabasin?

Nameywang siya. “Hoy! Huwag mong isiping may kinalaman ako sa mga nangyayari ngayon dahil sa lahat ng taong involved dito, ako ang kawawa.”

“Relax.” Ibinaling naman nito sa tissue box ang atensiyon nito. “Wala tayong mapapala kung hahayaan mong pairalin iyang pagiging bayolente mo.”

“Anong sinabi mo?”

He sighed. “I said, relax.”

“Kung gusto mong mag-usap tayo ng maayos, magsalita ka ng maayos! At puwede ba, andito ako sa harap. Tingnan mo ako ‘pag kinakausap mo ako. Hindi iyang kung anu-ano ang kinukutingting mo.”

“Fair enough.” He dropped the box and looked at her.

She suddenly wished he didn’t.

Kasi bigla niyang naalala iyong nangyari sa classroom nila…

Nong nakayakap ito sa kanya…

Kung gaano ito kalapit sa kanya…

Ang pakiramdam ng mainit na hininga nito sa balat niya…

“Naiinitan ka ba?”

“H-huh?” napakurap-kurap siya. Ang sarap batukan ang sarili niya! “Hindi naman.”

“Namumula ka kasi.” Itinuro pa nito ang pisngi niya.

“Ayos lang ako. Wala ‘to” hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya para palamigin iyon ng konti.

Ewan ba niya kung saan-saan pumupunta ang pag-iisip niya. Mukhang nawala na talaga siya sa tamang katinuan simula nong malaman niya ang tungkol sa engagement nila ni Rayzen kanina.

“Ano bang gusto mong sabihin sakin at naisipan mong dito magspeech ng world peace?” magfo-focus na lang siya sa problema niya, kesa maglakwatsya na naman ang utak niya.

“The thing about my parents is…” he looked down for a moment and looked up again, “…they take this seriously. Lalo na at magkaibigan ang daddy ko at saka ang daddy mo. Before you asked, I tried convincing my dad that this deal was absurd. Misunderstanding lang naman ang nangyari, and we both know that –”  

Pinigilan niyang huwag magsalita. Iba kasi ang tono nito. Parang sarcastic ang dating.

“– but it seemed they already made up their mind.”

“Pero hindi pa naman huli ang lahat.” May naisip siyang paraan. “Kakausapin ko si tatay. Alam kong makikinig siya sakin.” Her father won’t do this to her. He won’t force her to do this.

 “That might turn out well…”    

May pag-asa pa siya!

“…but –”

“Walang but-but! Hindi matutuloy ang engagement na ‘to!”

“It will, Hanna, because it was your dad’s idea!”

Hindi niya alam kung saan siya mas nagulat, na tinawag siya ni Rayzen sa pangalan niya o dahil ang tatay niya ang may pakana ng lahat ng ito.

Of course it was the latter.

Mas mabigat iyon sa kalooban niya.

Paano iyon nagawa ng tatay niya? Imposible.

“Nagsisinungaling ka lang. Ang sabi ng daddy mo siya ang nagpropose ng idea sa tatay ko.” Diba iyon naman talaga ang sinabi ni Mr. Villaruz?

“No. He said he made the proposal. Pagkatapos sabihin ng daddy mo ang tungkol sa idea niyang ito, my father proposed to your father to do it and make you a part of our family, and that’s the whole truth.”

Parang may kung anong namamatay sa loob niya habang pinapakinggan niya itong nagsasalita.

“I’m sorry you’re hearing this from me –”

“Iniisip mong katawa-tawa ito pero bakit pumayag ka pa rin?” hindi niya pinansin ang sasabihin nito. Gusto niyang malaman kung bakit pumayag pa rin ito sa kalokohang ng mga magulang nila kahit ganitong pinagtatawanan lang nito iyon. 

“That’s what I was going to tell you.”

Kumunot ang noo niya.

May pinaplano ba itong hindi maganda?

Now’s not the time to assess something illegal or not. Ang mahalaga ngayon ay kung papano siya makakatakas sa kaguluhang ito.

Legal man sa batas o hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top