Chapter 1
ORPHIC DIMENSION
"Naniniwala ka ba sa iba pang mundo, Four?"
Napatigil ako sa panonood ng telebisyon dahil sa tanong ni Kuya. Napatingin ako sa kaniya, at napansin kong may ekspresyon siyang hindi ko mawari.
"Of course, because of you, naniniwala ako. Pakiramdam ko talaga alien ka, at hindi ka tao," I bluntly answered and rolled my eyes.
It was true. My brother was different among other mortals, at kasama na ako r'on. It was because we didn't share the same blood, but we were together since my birth.
Sabi niya napulot niya raw ako sa tae ng kalabaw! Ang bastos, ha! Pero halos totoo raw 'yon, the four year old him found the fetus, este infant me in the damuhan.
He chuckled and smiled sadly while looking at the night sky. Nanliit ang bulag niyang mata, at tinaas niya ang kamay niya na tila inaabot ang mga bituin.
Pero kahit bulag siya, malakas ang pakiramdam niya, at para bang nakakakita pa rin siya. I actually don't know the story of how he lost his eyesight.
"I had dreams creating a world for us, Four."
Nagtaas-kilay ako. My brother, Ezekiel Nine Bellisima, can create anything, and we survived through the years with his power. N'ong bata ako, akala ko normal ang magic. Everytime I say to my classmates that my brother has magic, they always make fun of me.
Eh, kamalayan ko bang kuya ko lang pala ang may magic!
"E'di gumawa ka," pabara ko na namang sagot at pinatay na ang TV.
"Parang mahirap, Four." Sinara na niya ang bintana, at lumapit sa pwesto ko. Oh, magic! Alam niya kung s'an ako mismong nakatayo.
"Nothing's hard for you. Yabang mo, eh. Galing mo sa lahat, tss."
He smiled, and his blind eyes looked directly to mine. Minsan talaga pakiramdam ko, nakakakita naman talaga siya.
"Paano kapag bigla akong nawala? Anong gagawin mo, Four?" tanong niya at hinampas ko naman agad s'ya sa kaniyang balikat.
"Hala! 'Wag mo ngang sabihin 'yan, Nine! Parang engot ha."
He laughed, "Seryoso, Four. Anong gagawin mo kapag bigla akong nawala? Kunwari, nakidnap ako."
"Susundan kita, tapos papatayin ko nangkidnap sa'yo," sarkastiko kong tugon.
Ginulo niya ang buhok ko. "Okay. Do that, Four."
Then, as usual, he kissed my forehead before bidding a goodnight and heading towards his room.
And now, I stare at an empty seat in front of me. I looked around and noticed that there were cameras. White ang table at white din halos ang buong paligid.
At kagaya ng sinabi ko kay kuya, sinundan ko nga siya nang isang gabi bigla nalang pumunta sa kung s'an man. And here I am! At an unknown place!
The man who had orange hair, fair skin, and jet black eyes walked around me. I read the name in his nameplate, K.A. ZEPHYRUS.
"So, you're telling me that you got here by following your brother?" he asked again.
Umirap ako, at hindi mapigilang bumuntong-hininga. "I've already told you everything. Engot ka ba?" inis kong sagot.
Umiling siya at sarkastikong tumawa. Itinuon niya ang mga kamay niya sa table, at yumuko para mapatayan ang mukha ko.
"Miss Bellisima, the problem is that we saw no other trespassers in our academy besided you. This is suspiscious. Are you lying?" tanong niya.
Umirap ulit ako at sinandal ang likod ko sa upuan. Halos masapo ko na ang noo ko.
"Ba't naman ako magsisinungaling? Basta nga pumasok ako sa portal na ginawa ng kapatid ko! Tapos nandito na ako! Ano bang mahirap intindihin d'on, ha?! Punyeta naman, kanina pa ako rito. Paalisin niyo ako rito, at hahanapin ko ang kuya ko." Mga ayaw maniwala, hijo de puta naman.
"It's in our protocol to investigate whoever tres—"
Hinampas ko naman ang table, at nagulat siya. Kanina pa kasi ang kulit kulit naman talaga.
"Sabi ngang sinabi ko na lahat!" Gigil mo ako, huh! Mainitin pa naman ang ulo ko. Walang'ya.
"Ako naman ang sagutin mong punyeta ka," hamon ko. "Ano bang lugar 'to, ha?! Makapagimbestiga kayo, kamalayan ko ba. Innocent ako, tapos ilo-lock niyo ako rito sa boring na kwarto na 'to."
"Hey, this is my office!"
"E'di wow. Wala akong pakialam kung sa'yo 'to. Sagutin mo lang ang tanong ko, Zephyrus." Hindi ko na naman napigilan ang pag-irap ko.
Lumakas naman ang hangin sa paligid. Luh?! Aircon tapos may hangin?
"You are in the Orphic Academy, Miss Bellisima. This is a place for peculiars, and it is located in another dimension. Only peculiars can go to this dimension—"
"Ha? Peculiars? Ano 'yon? Ibon?" tanong ko naman.
Then, he facepalmed. Umupo siya sa upuan at halos sabunutan niya na ang sarili niya. Then, he raised his hand. Namangha naman ako nang makakita ng parang whirlpool of wind sa daliri niya.
"Wow! Para kang kuya ko!" amazed kong sabi. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nagtaas-kilay pa nga siya. Then he clasped his hands, and cocked his head diagonally.
"So, your brother has powers too?" tanong niya.
Tumango naman ako, "Oo! Akala ko nga siya lang! Marami pa ba kayong gan'yan?"
"Yes," he nodded. "We are mortals with abilities, and we are called Peculiars. This place is the Orphic Academy where peculiars join together, learn and hone abilities."
"Ah, okay," sagot ko. Nagtaka naman siyang muli sa sagot. "So? Anong kailangan kong gawin para makalabas na ako? Kailangan ko pang hanapin ang kuya ko, uy."
Umiling naman siya, at muli na namang bumuntong-hininga. Dahil gaya-gaya ako, nagbuntong-hininga rin ako.
"Since your brother is a peculiar like us, we will help you find him. Just make sure that your brother is a real person—"
"Alangang imaginary. Okay ka lang ba?" sagot ko agad.
Kinagat niya ang ibabang labi niya na tila sobrang nagpipigil na. Baka mamaya paliparin ako nito, ah. Huwag naman sana.
"To add, you will temporarily be a student of the Academy—"
"Wala akong pambayad," singit ko.
"Can you listen first, Miss?!" inis niyang sabi. Ngumisi naman ako at tumango. Kaya ko naman makinig muna, basta may sense sinasabi niya.
He sighed again. "You will be staying here for free. Wala sadyang bayad ang pagpasok sa Academy na 'to. We will keep you until we find your mysterious brother."
"Ayoko ng math, share ko lang."
Napaawang naman ang bibig niya dahil sa sinabi ko. He shut his eyes, and his hand reached for his phone. He dialed someone, at nasilip ko naman kung sino 'yon. Nicolas.
"Bro, hindi ko na kayang makipag-usap sa babaeng 'to. Send help," saad ni Zephyrus. Tila sumagot ang lalaki sa kabilang linya.
"Ge, salamat," sambit netong si Zephyrus.
Wow, hindi niya ako kinakaya. Iba talaga kamandag ko. "Ano pa kailangan kong malaman?" tanong ko.
"Wala. Ayaw ko nang makipag-usap sa'yo," walang emosyong sagot ng lalaki.
Napataas naman ako ng kilay. Attitude ka, ghorl?! "Hoy! Saan naman ako tutulog? Sinong bubuhay sa'kin? Anong kakainin ko?"
Sunod-sunod na ang tanong ko na halos tinakpan na ng lalaki ang tainga niya. Natigilan lamang ako sa pagtatanong nang bumukas ang pinto.
Napatayo agad ako nang makita kung sinong nar'on.
"Kuya!" gulat kong sambit. "Ampupu, nandito ka lang pala, Kuya. Sipain mo nga 'tong lalaking 'to. Inaaway ako, oh!"
Nagkunot noo siya. Nagtaka naman ako nang mapansin na nagkaroon siya bigla ng silver streaks sa black na buhok niya. Napatingin ako sa mata niya at napansin na hindi siya bulag?
He was also more muscular than normal. My eyes landed to his wrist, and saw a small tattoo. Veni, vidi, vici.
Bakit parang ang daming nagbago sa kaniya?
"What the fudge is this chicken saying, Kaiden?" tanong ni Kuya at lumingon kay Zephyrus.
Mas lalo naman akong nagulat.
"Sabi sa'yo, Nico, weirdo 'yan. Hindi ko na talaga kinakaya," sagot ni Kaiden kay Kuya... pero bakit Nico ang pangalan niya?
Napakurap-kurap ako, at hindi na ako nakapagsalita. So... this man is not my brother, but someone who looks like him.
"Kamukha mo ang kuya ko," nauutal na sambit ko. M-may kambal si Kuya?!?!
"Weirdo," sagot niya, at umupo na sa isa pang bakanteng upuan. Nanatili naman akong nakatayo— namamanghang tinititigan ang lalaki.
The Orphic Secret
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Characters added:
Kaiden Alegria Zephyrus by metanoiafrost
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top