3
She paused for a minute thinking what next she was going to say.
“Anong gusto mo malaman roon sa pangatlo?”
“Same sa nauna, how did you met, how did you end up?”
“Teka, may tissue ka ba diyan? Baka kasi umiyak ako eh. Hahaha! Joke.” I see her eyes became so lame and flash her slight smile. Looks like masakit rin ang isang ‘to.
“After eight months of moving forward from the past, I met this Mechanical Engineering student noong first year. And I was a Communication student. Lagi ko siyang nakikita sa fourth floor plus nakachat ko siya. I dunno, there’s something about him na naging interesado ako. So naging crush ko, dahil naging crush ko umamin ako.”
“Whoaaa ang lakas ng loob!”
“Life is too short para ikeep ang sekretong hindi naman kayang ikeep ng puso mo. Sabi ko nga magtake risks, malay mo may mangyari rin diba,” taas-baba ang kilay niyang pagmamayabang.
“Tapos?”
“Umamin akong gusto ko siya. Nagconfess pa ako sa confession pages ng university namin noon. Sabi niya salamat raw kasi crush ko siya kahit di pa niya ako namemeet personally. Sabi pa niya mawawala rin daw yun. Kaso umabot ng taon eh, crush pa rin ba yun?” Napangiwi siya.
“I doubt, kasi crushes expired within four months. If that’s the case, it might be---“
“Love.” Siya na ang nagtuloy. “Umamin akong mahal ko na siya after summer vacation. Sabi ko dati sa sarili ko hindi na ulit ako mageexert ng effort sa taong magugustuhan ko. Pero noong nakilala ko siya, nabago ulit eh. Nabalik yung April na a-girl-of-effort. Yung April na kapag gusto, gagawin ang lahat. Ako kasi yung tipo ng taong kapag gusto mo, you will exert efforts and time para sa kanya. Ganoon ulit, binigyan ko siya ng gift. Stuff toy with a jar na puno ng maliliit na papel, naglalaman ng mga bagay about sa kanya. Ang corny pero, naibigay ko pa rin. Ipinaabot ko lang yun sa kaklase ko na malapit lang ang bahay sa kanila. Tapos noon, hindi na natapos ang nararamdaman ko sa kanya.”
“Mahal mo na nga?”
“Mahal ko na. Kaso ayaw pa rin niyang maniwala na totoo ang nararamdaman ko. Kung tutuusin nga parang ako yung nanligaw. Gabi-gabi, araw-araw ako ang nag-iinitiate ng convo. Ako ang laging nagsusustain ng conversation namin. Kahit alam kong baka napipilitan lang siya na replyan ako. Alam ko naman na marami siyang kausap na babae noon. Kumbaga, isa na ako sa babaeng kalandian niya. Pero go lang ako. Gusto ko kasi. Ayun na naman si tangang April, nainlove na naman sa taong imposibleng maging kanya.”
“Tapos nalaman ko may nililigawan na pala siyang iba. Isang araw nabasa ko na lang sa bio niya yung name ni girl. Ayun, broken hearted na naman ang gaga. That time tinigilan ko ang pagchachat at pangungulit sa kanya. May jowa na eh, distansya na.”
“Pero hindi pa rin ako sumusuko. Noong nagbreak sila, kinulit ko ulit. Lalo na noong magsecond year kami, nag-qualifying exam ang mga ME at isa siya sa mga hindi nakapasa. Bigla na lang akong chinat ng nanay niya na sana raw icomfort ko siya. Nakakausap ko na rin ang mga kapatid niya, kesyo gusto raw nila ako para sa kuya nila. Sabi pa noong nanay, kung magkatuluyan raw kami, hindi sya hahadlang. Potek, ang sarap sa feeling noon. Yung nanay mismo, gusto ako para sa anak niya. Kaso hindi naman ako ang gusto ng anak niya.”
“Anong nangyari after?”
“Noong second year napapadalas na ang pagkakausap namin. Nagshift na kasi siya ng IT. Napapadalas na rin ang paglabas namin para kumain. Tanda ko pa nga na unang date namin, sa Mcdo. Sabi ko sheet! Totoo na ba to? Parang kelan lang crush ko lang to eh, at nakakachat lang. Pero ngayon nakakausap ko na ng personal. Kinakabahan, nagkakahiyaan. Ganyan kami noon.”
“Palagi kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya. Araw-araw kong pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Hindi ko rin malilimutan nang inamin niyang medyo nagugustuhan na rin niya ako,” tila kinikilig niyang paliwanag.
“So naging kayo na?”
“Hindi pa. Dahil roon nagkaroon ako ng pag-asa na baka paglipas ng araw makuha ko rin sya. Gustong-gusto ko talaga siya eh. Sobra. At pinangako ko sa sarili ko kapag talaga naging kami, hindi ko to pakakawalan. Doon nag-start na nagliligawan na kami. Palagi siyang tumatawag, nagchachat. Pumupunta at tatambay sa dorm ko.”
“Kaso ang hindi ko alam, noong time na madalas kaming lumalabas para kumain. May jowa pala siya slash kalandian,” pag-amin niya at napangiti ng tipid. Shit, bakit ramdam ko yung sakit?
“W-what happened?”
“Naging kami noong birthday ko. Sobrang saya ko noon. Walang paglagyan yung saya. Yung crush mo dati jowa mo na ngayon, sino ba namang hindi magiging masaya noon diba? Dream come true. Hanggang sa dumating yung ilang araw na kahit kami na, minsan hindi na siya nagpaparamdam. Iniignore niya ang chat ko. Sabi niya di lang raw siya makapag-online pero ang totoo off chat lang.”
“Doon ko rin nalaman, sila pa pala noong jowa niyang sinasabi niya dati na hindi niya girlfriend. Ang sakit lang na hindi pa sa kanya mismo nanggaling ang totoo kundi sa kaibigan ko na ininterrogate sya. Sobrang sakit hahaha!”
“Noong time na yun aksidente pa akong nahulog sa hagdan ng school namin. Yung sugat ko sa tuhod at binti, nagsabay sa sakit na nararamdaman ng puso ko nang malaman ko yun. Hanggang sa umamin siyang totoong binalikan pala niya yung babae. Putcha, pinagsabay kami. At ako pa ang nagmukhang kabit. Ako yung nasabihan ng higad, ng malandi, mang-aagaw. Iniyak ko lang yun. Minsan kahit masakit, di ko na lang sinasabi.”
“Nagkaayos pa ba kayo after noon?”
“Kung hindi dahil sa nanay at mga kaibigan niya, hindi kami magkakaayos. Sabi ng mga kaibigan ko iwasan ko na raw, hindi ko kaya. Kasi mahal ko talaga. Nagsorry siya, tinanggap ko ulit. Bumalik kami sa normal. It’s October 24 nang maging kami. Official na talaga yun. Sobrang saya ko lagi. Ang sarap gumising pag alam mong inlove na inlove kayo sa isa’t isa.”
“We celebrate Christmas and New Year via phone call. Kasi umuwi ako sa probinsya namin noon. Tapos noong Valentines Day, binigyan niya ako ng flowers at chocolates. Ang saya lang…” Napasandal siya sa bintana habang inaalala ang nakaraang hindi pa rin niya malimutan sa tingin ko.
“Hanggang sa pagkatapos ng limang buwan, nagbago na. Hindi na siya masayang kausap ako, tipid na magreply. Nagbago kasi hindi na kami nagkikita almost isang buwan na dahil nagkaroon ng crisis noon diba?”
“Uhh yeah, pandemic?”
“Yes. The universities were forced to suspend classes. Doon kami hindi nagkita, nawalan ng communication, ng time sa isa’t isa. Pati pagmamahal naglockdown.”
“Sobrang sakit. Nang sabihin niyang ayaw na niya. Na hindi na raw siya masaya. Na hindi na raw niya ako mahal gaya ng dati. Palalayain na raw niya ako. Ganoon, salamat na lang raw sa lahat. Sorry.” Nagpilit siyang ngumiti kahit pansin ko napapasinghot na siya. Naiiyak na.
“Ang unfair kasi. Tatapusin niya sa ganoon na lang porket hindi na masaya at hindi na nagkikita. Sobrang sakit, men. Doon ko narealize na may mga ganoon palang tao. Mahal ka lang kapag nakikita. Mahal ka lang pero hindi nila alam yung ibig sabihin ng pagmamahal. Pvtngina diba HAHAHA!”
“Gusto ko siyang habulin. Ayaw ko siyang pakawalan. Gusto kong magstay pa rin, pero wala eh. Lagi kong naiisip na baka wala na talaga. Baka sa huli ganoon rin, ako na lang ang hindi bumibitaw. Wala, durog na durog ulit ako. Pagsisikapan ko na naman buuin ulit sarili ko tapos ireready na ulit na sirain ng iba.”
“Miss mo?”
“Noong una sobra. Lalo na at hindi ko matanggap na ganoon rin magtatapos yun. Nangako ako na hindi ko siya bibitawan. Ang sarap sa feeling sana, na tanggap ka ng family niya tapos mahal ka pa. Kaso, hindi na gaya ng dati. Mahirap rin kapag ikaw na lang ang nagmamahal sa inyong dalawa. Tapos sobrang hirap rin kapag babae lang ang mas nagmamahal. Nagiging weak ang relationship. Iiwan at iiwan ka kapag nagsawa.”
“Atsaka inisip ko na lang na, baka hindi naman talaga niya ako mahal. He just loved the way I love him. So I just let him go. Sabi nga ni Marcelo Santos III, baka hindi talaga para sa isa’t isa. Pinagtagpo lang pero hindi naman talaga itinadhana. Gabi-gabing basa ang unan ko dahil sa kakaiyak. Ang dami kong what if’s sa utak. What if I didn’t let him go? What if I hold on? Ano kayang nangyari sa amin?”
“Pero, okay na rin yun. Wala eh, hanggang doon na lang talaga.”
“Nagkaroon naman kayo ng closure?”
Umiling siya.
“Wala. Wala nang usap-usap. For the third time, I let someone broke me again.” Sinuntok-suntok niyang dibdib na parang masakit pa rin.
Napatingala siya dahil sa nagbabadyang luha. Pinaypayan niya ang mga mata at napabuga ng hangin.
“Tara? Lakad-lakad sa labas?” Alok ko na lamang to avoid the gloomy atmosphere between us. Ngumiti naman siya at tumango.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top